Binuksan ni Jessie ang alak at dire-diretsong nilagok 'yon. Nakarating kami sa bahay nila at nag-inuman na. Si Jessie ay nakaupo sa carpet katabi si Norman. Si TK naman ay nasa paanan ni Arah nakaupo habang si Arah ay nasa sofa. Kaming dalawa ni Denmeir ay nasa sofa chair din magkatabi.
"By the way, Gonad D, saan kayo nagkakilala ni Ailey?" Usisa ni Jessie.
"Sa Laurente."
Nilingon ko siya, kung 'yon ang unang beses niya akong nakita bakit gusto niyang makipag-date at humingi pa ng five days? Parang may mali roon sa five days na 'yon.
"Ikaw, TK, kailan mo liligawan si Arah?" Tanong naman ni Norman.
Natigilan si Arah at namula. Tumikhim naman muna si TK bago sumagot.
"We're good friends." Nakangiting sabi nito.
May gusto ba si Arah kay TK? Halata naman.
Tumayo si Denmeir at diretsong pumunta ng kusina.
"Denmeir, bahay mo?" Pang-aasar ko sa kaniya at tumawa naman siya.
"Lagi akong nandito, Buko pie. Sawang-sawa na nga 'yan sa mukha ko," tinuro niya si Jessie.
"Buko pie?" Sabay-sabay na sabi nila at nagtawanan.
"Buko pie," pag-uulit ni TK at malakas na tumawa.
"Kacornyhan mo tigilan mo 'yan, ‘di bagay," nagtawanan sila.
"Ikaw nga kunwari ka pa," nakangising tiningnan ni Denmeir si Arah. "Arahmel, huh? Sa pagkakaalam ko hindi 'yon ang pangalan niya?" Nagkantywan sila habang si TK naman ay nawalan ng imik.
Nakangiting umiling-iling na lang si Denmeir at pumasok na ng kusina.
"Boyfriend mo ba talaga 'yon?" Nakangising tanong ni Jessie.
Gusto kong umiling kasi hindi naman talaga nang biglang sumigaw si Denmeir.
"Hey, Gonad J, tigilan mo si Buko pie ko baka makatikim ka ng upper cut!" Sigaw niya sa kusina, nagtawanan naman sila.
"Ang lakas ng pandinig," tatawa-tawang sabi ni Norman.
Bumalik si Denmeir na may hawak na plato at masama ang tingin kay Jessie. Tinampal niya ito sa dibdib, pero mahina lang.
"Find your girl," asik niya kay Jessie.
"Nagtatanong lang," nakangising sabi ni Jessie.
Mapang-asar ang mga ito at madaldal din halata na sobrang close nila sa isa't isa.
"Mag-ingat ka riyan kahapon lang may nakita akong kulot na kasama niyan," tumawa si TK.
"Noong isang araw babaeng maputi," nakangising segunda ni Jessie.
"Tapos noong nakaraan pandak na babae naman," tatawa-tawang sabi ni Norman.
"'Wag kayong gawa kwento, Gonads," masama niyang tiningnan 'yong tatlo at nang bumaling sa akin ay malapad na ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop. "Nag-iisa lang ang Buko pie ko," inilapit niya ang kamay ko sa dibdib niya dahilan para magkunwaring nasusuka ang mga kaibigan niya.
"Kadiri ka," kunwaring sumusukang sabi ni Norman.
"Tigilan mo kaka-drugs mo, Den," tatawa-tawa namang sabi ni Jessie.
"I'm addict," nakangiting tumitig sa akin si Denmeir,"to my buko pie," nahihiya akong nagbaba ng tingin dahil tingin ko namumula na ako.
Hindi talaga papaawat ang isang ito.
Hey! Stop that, I feel like my heart is going to fail because of uncontrollable pumping.
"Gross!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo at malakas na nagtawanan.
"Don't mind the gonads," kumindat pa siya sa akin.
"Gonads talaga?" Tumawa ako para itago ang kumakawalang ngiti at kilig sa buong sistema ko.
Isang himala yata na nagagawa ko nang tumawa hindi tulad noon na kahit ngiti ay pilit. Bumabalik na ang dating ugali ko.
"Buko pie," inabot niya ang plato sa akin at doon ko lang nakita na nilagang mani pala ang kinuha niya sa kusina.
Tinitigan ko 'yon nang matagal, nanginginig nanaman ang katawan ko at nangingilid ang luha ko. Lahat ng may kinalaman kay Denveir ay pinilit kong kalimutan kahit ang poborito kong mani.
"Buko pie?" Pinagbalat niya ako ng mani at isinubo 'yon sa akin.
Mas lalo lang nanginig ang katawan ko sa sunod niyang sinabi. Hindi ako makapaniwala, nagulo ang utak ko.
"Peanuts are good to your health you can gain healthful fats, protein, and fiber. They also source of potassium, phosphorous, magnesium, and B vitamins. Peanuts are rich in nutrients and low in carbohydrates."
Nabitawan ko ang baso kong hawak buti na lang sa carpet 'yon nalaglag at hindi nabasag.
This can't be. Sa kaparehong linya sinabi niya ng eksakto?
Sino ka ba talaga?
Gusto kong magtanong, pero pinapangunahan ako ng takot.
Siya ba si Denveir? Paano nangyari 'yon? Bakit?
Gulong-gulo ang utak ko at hindi makapaniwalang tumitig sa mukha niya.
Impossible! Unbelievable!
Tumulo nang tumulo ang luha ko kaya nagulat sila.
Yumakap agad si Denmeir at inalo ako.
"Bakit? Ailey?" Nag-aalalang tanong ni Jessie.
"What happened?" tanong ni TK.
Maging si Arah ay nag-aalala kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Okay ka lang?" Malambing na tanong ni Arah na hindi ko magawang sagutin.
"S-sorry, may nagawa ba ako? Buko pie? You’re making me worry. Are you okay?" Tanong ni Denmeir.
Hagulgol lang ang itinugon ko sa kaniya.
"May phobia ka ba sa mani?" Tanong ni TK. "'Yon lang naman ang nakita mo."
Tinititigan ako ni Denmeir sa mata. "You don't want peanut?"
"Denveir," paulit-ulit kong binanggit ang pangalan
niya.
Tumalim ang tingin ni Denmeir. Hindi siya nagsalita, dumukot na lang ng panyo.
"Aalis na kami baka kailangan na ng pahinga ni Ailey."
Tumango sila, hinawakan ni Denmeir ang kamay kong nanginginig at naglakad na palabas ng bahay. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa hotel room.
"Rest, Buko pie."
Hinatid niya ako sa kwarto at inihiga. Tumulo nang tumulo ang luha ko nang makalabas siya. Bumangon ako at niyakap ang sarili. Akala ko okay na ako, hindi pa rin pala.
Bakit niya sinabi ang linyang 'yon?
Tanda ko pa ang sinabi ni Denveir tungkol sa mani, hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.
Nabuo tuloy ang tanong sa isip ko na posible bang siya si Denveir?
Nakatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa nagising ako nang may humaplos sa pisngi ko, pero hindi ako nagmulat ng mata.
"I thought you were already moved on." May tumulong luha sa pisngi ko. Umiiyak ba siya?
Naramdaman kong humalik siya sa noo ko.
"Please stay after tomorrow. I can't lose you. I can't."
Sunod-sunod na may tumulo sa pisngi ko.
Why is he crying?
"Please stay." Muli siyang humalik sa noo ko. "Good night."
Narinig ko ang yabag na umalis na siya at saka ako nagmulat ng mata.
Kaya ko bang iwan siya at lumayo?
Takot na akong magmahal ulit, takot na akong maiwan, lalo na kung ang pang-iiwan na 'yon ay hindi na ako babalikan kailanman.
Denveir...
Naguguluhan na ang isip ko kung sino ba talaga siya. Napakaimposible namang siya si Denveir, pero umaasa ako.
I'm afraid and confuse, please enlighten me, Denmeir.
Pero kung siya nga si Denveir bakit siya nagpapanggap? Anong dahilan niya?