5 DAYS Chapter 23

DAY 5

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Denmeir na nasa veranda, nakaupo at tulala sa kawalan. Malalim ang iniisip niya na sa sobrang lalim hindi ko na masisid.

Corny. Nagawa mo pang magbiro sa kabila ng gulo ng isip mo?

"Good morning!" Pinasigla ko ang sarili. Humarap siya sa akin at ngumiti. Kahit itago niya kitang-kita ang lungkot sa mata niya.

"Good morning, Buko pie." Tumayo siya at inalalayan akong umupo. "Breakfast is ready." Binuksan niya ang may takip na pagkain at saka nagkamot ng noo. "Alam mo namang hindi ako marunong magluto."

Ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang 'yon basta ikaw ang nagluto kakainin ko."

Itlog na may improvement naman, fried rice na matabang, ham at marami pang iba. Ang masarap lang ay kape.

"Saan mo gustong pumunta ngayon?"

"Sa parte ng dagat na walang tao."

"Bakit?"

"Basta."

Lumabas kami ng hotel room, magkahawak kamay, pero hindi nag-iimikan. Malayo ang narating namin hanggang sa wala ng tao kahit isa.

"What are we gonna do?"

Hinila ko siya patakbo ng dagat. "Shout. I want to shout, would you join me?"

"Sure," pilit ang ngiti niya.

"Denveir!" Tumulo nang tumulo ang luha ko. "I'm sorry!" Isinigaw ko 'yon nang sobrang lakas na halos ikapaos ko. "Sorry kasi namatay ka ng dahil sa akin! Salamat sa mga nagawa mo! Pangakong hindi kita makakalimutan! Salamat sa lahat-lahat kahit limang araw lang 'yon, 'yon ang pinakamasayang parte ng buhay ko."

Nilingon ko si Denmeir, tumutulo ang luha niya.

"Happy four years of your love for me! Gusto kong ipaalam sa iyo na masaya na ako ngayon kahit papa'no ginagawa ko ang lahat para maka-move on! Salamat sa pagmamahal!"

Hindi nagsasalita si Denmeir, umiiyak lang siya.

Gusto ko tuloy magduda hindi ko maiwasan.

"May gusto ka bang sabihin sa kaniya, Denmeir?" Hinarap niya ang dagat habang umiiyak.

"Kuya! Sorry kasi pakiramdam ko kulang ang araw na nagkasama tayo! Kung alam ko lang sana natulog ako sa kwarto kasama ka at hindi nakipag-inuman sa mga kaibigan, sana nakasama pa kita! Sana kung nasaan ka man ngayon masaya ka na!" Pinunas niya ang luha at suminghot. "Kasama ko na si Ailey ngayon pangako ko sa iyong iingatan ko siya at aalagaan! Ako na ang

gagawa ng mga bagay na gusto mong gawin!" Napaluhod na siya sa tubig. "Mahal na mahal kita, kambal ko."

Napamaang ang labi ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sumakit ang dibdib ko sa isiping siya nga si Denveir, pero hindi talaga siya.

Lumuhod na rin ako at niyakap siya.

Bakit ba sarili kong kaligayan ang iniisip ko?

Tigilan mo na ang kahibangan sa kaiisip na siya si Denveir dahil kahit lokohin mo pa ang sarili mo wala na siya.

Hindi na siya babalik pa.

Hindi ko napansing kung masakit sa akin na nawala siya, mas masakit sa kakambal niya na buong buhay niya magkasama sila. Naging matunog ang iyakan naming dalawa dahil parehas kaming nasasaktan.

"Pangako kong aalagaan at mamahalin ko si Ailey… hindi ko siya iiwan hanggang kamatayan. Sasamahan ko siyang maabot ang pangarap niya, papatawanin ko siya sa abot ng makakaya ko. Gagawin ko lahat para sa kaniya." Bulong niya sa tainga ko, mahina lang 'yon, sapat lang para marinig ko. "Pangako ko sa iyo 'yon."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila sa karagatan.

"Inhale, Buko pie," nakita ko na ang ngiti niya.

Sinunod ko ang sinabi niya at sabay kaming lumubog.

Magkahawak ang kamay namin sa ilalim, kahit malamig ay hindi namin alintana. Pinahupa noon ang emosyon naming dalawa. Umahon kaming nakangiti at nakatitig sa isa't isa. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha kaya diniinan ko ang noo niya ng hintuturo.

"Nakakailang halik ka na hindi naman tayo kaya tigilan mo ako."

Tumawa siya nang malakas. "Di mo naman sinasaway."

Inirapan ko siya. "At kung ipakilala mo ako, girlfriend mo? Feeling-feeling ka!"

Tumawa na naman siya. "Hindi ka nagreklamo."

"Wow? Ayaw ko kasing mapahiya ka kaya dapat magpasalamat ka."

"Bait mo naman pala. Thank you," ngumisi siya. "Ang bait ng buko pie ko."

'Buko pie ko.'

Pinigilan kong hawakan ang dibdib ko dahil nagwawala nanaman. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngumiti.

"Fudge, kinikilig ka? May epekto na pala ako sa

iyo."

Bumalik kami sa tawanan hindi katulad kanina na nag-iiyakan.

Inirapan ko siya at kinurot sa tagiliran. Napakislot siya kaya ngumisi ako.

May kiliti ka pala sa baiwang, ah. Tinusok-tusok ko ang baiwang niya kaya tumawa

siya.

"Hey, don't touch my waist. I feel current."

Inasar ko siya kaya tinusok ko nang tinusok, tawa naman siya nang tawa. Hinawakan ko ang pisngi niya at tinitigang mabuti ang mukha niya. Ang totoo hindi ko talaga alam ang pinagkaiba ng mukha nila ni Denveir dahil hindi ko naman siya natitigan nang matagal hindi katulad ni Denmeir.

"Am I handsome?" Kumurap-kurap pa ang mga mata niya na animo'y nagpapa-cute kaya natawa ako.

"Kamukha mo lang si Denveir hindi ko alam kung sino ang mas guwapo."

Ngumiti siya nang malapad. "Syempre ako, hindi naman 'yon papalag," tumawa siya nang malakas.

"Ang sama mo."

"Tahimik lang kasi siya kung hindi ko kukulitin hindi magsasalita."

"Gano'n nga siya."

Inayos niya ang buhok ko. "Lagi kang nakatali ng buhok mas bagay pala sa iyo ang nakalugay."

"Syempre, kailangan 'yon future pharmacist ako, dapat malinis."

Pinisil niya ang ilong ko. "Kahit ano naman bagay sa iyo."

"Mambobola."

"Hindi ako bola."

"Malamang tao ka."

"Let's go, Buko pie." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila na paahon.

"Hilig mong hawakan ang kamay ko." "Hindi ka naman pumapalag." Inirapan ko siya. "Feeling boyfriend." Ngumisi siya. "Gusto mo naman." "Hindi kaya," pagsisinungaling ko.

Kung alam mo lang kinikilig ako at mamamatay na sa saya.

"Gigising ka na lang isang araw mahal mo na ako."

"Lakas ng confident mo."

"Pogi, eh."

Natawa ako sa kaniya dahil nagpogi sign pa siya. "Pogi na weird na kinakausap ang mga bagay at sarili."

"Friendly lang ako."

Tumawa nanaman ako.

Bakit ba tawa ako nang tawa? Gano'n ba ako kasaya na kasama ko siya?

"Buko pie?"

"Hmm?"

"Are you going to stay with me?" Nagpa-cute siya at nagpaawa sa akin habang nakanguso. "Nasanay na kasi akong kasama ka."

Hindi ako makapagsalita, hindi ko nanaman alam ang isasagot ko.

Kapag nanatili ako sa tabi niya itataya ko ang puso

ko.

Kaya ko ba siyang kalimutan? Nasa puso ko ang kasagutan.

Si Denveir nga hindi ko malimot siya pa kaya na marami kaming pinagsamahan kahit ilang araw lang 'yon, maghapon naman kaming magkasama.

"Please don't leave me," hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Naawa ako sa kaniya dahil sa emosyong pinapakita niya, sobrang lungkot niya. "I'm begging you."

Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi ko alam."

"Hayaan mo ako sa tabi mo, please?" Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya. "Gagawin ko lahat."

"H-hindi mo kailangang gawin 'yon."

Takot ako, natatakot akong baka mamatay din siya. Iyon ang totoo, mabuti kung ako ang mamamatay, masakit kasi ang maiwan.

"Ailey?" Lumuhod siya sa harapan ko.

Natutop ko ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata. "Tumayo ka riyan nakakahiya."

"I'm begging you. Don't leave me."

Pinilit kong itayo siya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, nakakahiya.

"Tumayo ka na."

Umiling siya. "Ayaw, tell me you won't leave me after this day."

"Hindi kita iiwan."

Ngumiti siya nang malapad. "Boyfriend mo na ako," umakbay siya sa akin.

Inirapan ko siya. "Ayaw ko nga."

"Ayaw mo sa akin?" Malungkot niyang sabi.

"Ano—ahm," wala akong mahagilap na sagot kasi ang totoo gusto ko siya.

"Buko pie? Boyfriend mo na ako," pangungulit niya. "Ah, basta. Boyfriend mo na ako bahala ka riyan."

Magdesisyon daw ba? Siya lang yata ang nakita kong lalaking nagdesisyon para sa relasyon.

Bahala ka nga riyan, Denmeir.

"When someone ask you who's your boyfriend tell them, Denmeir Camerino. You're taken now, Buko pie." Umakbay siya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngingiti-ngiti siya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit parang baliw ka na riyan? Nginingitian ang hangin? Inaabot ka nanaman ba ng ka-weirduhan mo?"

"Kasi hindi ka umangal that means you want me as your boyfriend too," mas lumapad ang pagkakangiti niya.

Oo nga, 'no? Peste!

Napairap na lang ako dahil kinikilig ako. Ang isiping boyfriend ko siya ay may masayang dulot sa buong sistema ko. Ewan ko kung saan patungo ang relasyong ito. Wala namang masama kung subukan baka maging masaya na ako sa pagkakataong ito at tuluyan ko nang makalimutan ang mapait na pinagdaanan ko.

Tama na ang pagiging emo, Ailey. Emonggoloid. Sana manatili ka sa mundong ito at samahan ako hanggang sa pagtanda kasi mababaliw na talaga ako kapag namatayan ulit ako ng lalaking mahal.

Tinitigan niya ang mukha ko at malapad na ngumiti. Pinakita niya ang samu't saring emosyon sa kaniyang mga mata. "You bring happiness to me."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.