5 DAYS Chapter 24

Nakangiting binuksan ni Denmeir ang kotse. Hinatid niya na ako sa bahay dahil tapos na ang limang araw na bakasyon. Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti kaming pumasok ng bahay.

Sisigaw na sana ako para ipaalam ang presensya naming, pero naunang sumigaw si Denmeir.

"'Nay, Tay! Nakauwi na kami!"

Kala mo naman talaga anak siya kung makasigaw, wagas.

"Denmeir!" Tumakbo si nanay para yakapin si Denmeir.

"Wow, 'Nay, anak mo? Ako kaya ang anak mo at hindi siya," sarkastiko kong sabi.

"Tampo naman itong si Ailey," yumakap din siya sa

akin.

"Napipilitan ka yatang yakapin ako, 'Nay?"

Tumawa si Nanay, sunod na lumabas ay si tatay at tinapik ang balikat ni Denmeir. Napairap ako dahil imbes na ako ang ma-miss, siya pa ngayon?

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Tatay.

"Di pa, 'Tay," sagot ni Denmeir.

"Kumakain ka ba ng tuyo?" sambit ni nanay.

"Ano po 'yon?" Kunot noong banggit ni Denmeir.

Natawa kaming tatlo.

"Kawawa ka naman hindi mo alam 'yon?" Umiling

siya.

"Halika na kumain na tayo." Hinila ni Nanay si Denmeir sa braso at iginaya sa lamesa.

Edi wow talaga!

Umupo sa tabi ko si Denmeir.

"Mag-jowa na ba kayo?" Tanong ni nanay.

Jowa talaga, 'Nay? Teenager? Itong nanay ko mana sa akin.

Nilingon ako ni Denmeir at ngumiti. "Opo."

Tumili naman si Nanay na parang teenager. Talaga itong matandang ito akala mo bata pa siya tanda niya na kaya. Si Tatay naman ay nakangiti.

"Kailan ang kasal?" nakangiting ani ni tatay.

Nabulunan ako sa kanin na sinubo ko kaya uubo-ubo ako. Hinaplos naman ni Denmeir ang likod ko at inabutan ako ng tubig. Nang makabawi ay nagsalita ako.

"'Tay naman, kasal agad?"

"Bakit hindi? Matanda na kami, Ailey. Hindi mo alam kung hanggang saan ang buhay namin baka hindi na namin makita ang apo namin."

Natahimik ako. Usapang kamatayan nanaman.

"'Tay, 'wag kang magsalita ng ganyan po. Ang masamang damo po matagal mamatay po," tumawa si Denmeir kaya tumawa rin sila.

Seryoso ang mukha ko, pero napangiti ako sa 'po' niya. Halatang hindi siya marunong gumamit niyon. Kumain siya nang kumain na parang nasasarapan siya sa tuyo, walang arte. Kinakamay niya pa 'yon, ginamit niya ang natutunan sa akin.

Nang matapos kumain ay tinulungan niya ako magligpit ng pinagkainan. Kinuha ko ang kamay niya at

133

Michelle R. Villaflores

hinugasan. Parang baliw naman siyang nakangiti at parang kinikilig pa ang mokong.

"Para tayong mag-asawa," nakangiti niyang sabi. "Sige, managinip ka lang." Inirapan ko siya. "Sabi nga ni Tatay magpakasal na daw tayo."

"Agad, agad? Iilang araw pa lang tayong magkasama."

"Wala naman 'yon sa panahon, sabi mo."

"Ay, ewan ko saiyo, mokong, pinapasakit mo ulo

ko."

Nagulat ako nang i-massage niya ang ulo ko.

Literal nanaman siya kung mag-isip.

"Masakit?"

Inirapan ko siya. "Literal."

"Whatever, buko pie."

Nang matapos naming mag-ayos sa kusina ay nakita namin sila tatay na nasa sala at nagkukulitan.

"Ang tatanda na naglalampungan pa," biro ko. "Sama ng ugali mo, buko pie."

"Halika na, Denmeir. Umuwi ka na wala ka bang balak umuwi?"

Sumimangot siya. "Pwede bang dito na ako matulog?"

"Anong dito? Abusado ka sapilitan mo na nga akong sinama dito ka pa-"

"Ailey! Bisita siya," saway ni Nanay.

"Buwesita," inirapan ko siya at hinila na palabas ng bahay.

"Bye, Tatay, Nanay!"

Kumaway naman ang dalawang matanda.

"Grabe ka sa akin, Buko pie. Pinapalayas mo na ako."

"Umuwi ka na kasi gabi na."

"Okay," ngumuso siya.

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang labi niyang nakanguso.

"Goodbye kiss ko?"

Pinagkrus ko ang kamay at inirapan siya. "Umuwi ka na."

"Ang damot," ngumuso siya. "Hug na lang?"

Pinipigilan ko ang mangiti dahil kinikilig ako. Nakakainis namang lalaki ito. Nakalimutan kong stranger nga pala siya na ilang araw ko lang na nakilala. Parang ang tagal ko na siyang nakasama.

Lumapit ako para yakapin siya. Pilit kong tinanggal ang braso niya dahil ayaw nang bumitaw.

"Denmeir!"

Bumungisngis siya. Tinanggal ang yakap. "Pasok ka na, Buko pie." Tinitigan ko lang ang guwapo niyang mukha. "Kapag hindi ka pa pumasok iuuwi kita, swear."

Tinalikuran ko siya at naglakad papasok. Pigil ang ngiti na kumakawala sa mga labi ko. Ang lakas naman ng epekto niya sa akin.

"Buko pie!"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

Inilagay niya ang palad sa bibig at nag-flying kiss.

"Saluhin mo!" Nakanguso niyang sambit.

"Ayaw ko, alis ka na."

135

Michelle R. Villaflores

"Hindi ako aalis kapag hindi mo sinalo."

Abnormal ang mokong na 'to.

Nag-flying kiss ulit siya at napilitan akong sambutin na, sa totoo lang ay kilig na kilig.

"Good night! Mamimiss kita!" Sigaw niya pa. Nahiya naman ako dahil baka naman narinig ng kapit-bahay sa lakas ng boses niya.

Tinalikuran ko na siya at nagmadaling pumasok sa loob. Natigilan lang ako nang makita ko sila nanay na nakasilip at saka patay malisyang umalis.

Ang matatanda talagang ito.

Pumasok na ako sa kwarto at nahiga. Sulit ang limang araw na bakasyon ko kasama siya. Sana lang hindi rin siya mawala.

Kinabukasan ay ang aga ni Denmeir nasa sala agad at sumisimsim ng kape.

"Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga?"

Ngumiti siya. "Nagdala ng tinapay at gusto ko ritong mag-agahan." Tumayo siya at humalik sa noo ko. "Good morning, Buko pie."

"Walang maganda sa morning." Umupo ako sa

sofa.

"Mayro'n, ikaw."

"Bakit ba nandito ka nanaman?" Galit-galitan ako.

Nagpabebe lang ako, syempre.

"Nasanay na kasi akong gumising sa umaga na ikaw ang nakikita."

Inirapan ko siya. "Limang araw lang 'yon, Denmeir."

Nagkibit-balikat siya at siniksik ako sa upuan. "Limang araw nga masaya naman."

"Aalis ako ngayon maghahanap ng trabaho."

"Sasama ako."

"Wala ka bang magawa sa buhay mo?"

"Wala. Kaya nga sasama ako."

"'Wag na."

"Sige na."

"No!"

"Yes!"

"Fine."

"Yeah!"

Nag-ayos ako ng sarili. Simpleng pantalon lang at white shirt. Maghahanap ako ng summer job para may pera.

Eh, kung sa Rosa Restaurant kaya ako magtrabaho? Hiring sila ngayon.

Inaasahan kong sa paglabas namin ay makikita ko ang kotse niya, pero wala.

"Nag-bus lang ako, Buko pie."

"Anong trip mo?"

"What's wrong? Masama ba mag-bus?"

"Hindi naman, pero may kotse ka naman. What's the use?"

"Eh, sa gusto ko."

Hinawakan niya ang kamay ko. Nang marating namin ang sakayan ay wala namang masiyadong tao ngayon. Sasakay nanaman ako ng bus, nakakatakot man kailangan ko nang sanayin ulit ang sarili.

137

Michelle R. Villaflores

Mahigpit na hinawakan ni Denmeir ang kamay ko hanggang sa may humintong bus. Huminga ako nang malalim bago umakyat.

"You're not going to ride a bus alone. I will accompany you."

"Salamat."

"Don't mention it."

Naupo kami sa bandang gitna. Inabala ko ang sarili na tumingin sa labas. Natigilan ako nang ihilig ni Denmeir ang ulo sa balikat ko habang hawak ang kamay ko na nakapatong sa hita niya.

"Hindi na naging normal ang tibok ng puso ko nang makita kita. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi kita nakasama."

"Baliw agad?" Sarkastiko kong ani.

"Yes, agad-agad."

"Edi magpa-mental hospital ka na."

"Sama ka?"

Napangiti ako. "Kung makapagsalita ka akala mo mamamasyal lang tayo."

"Kahit saan ako pumunta okay lang basta ikaw ang kasama."

Napangiti ako. Ilang araw niya na akong binabanatan ng kasweetan niya.

Sana hindi magbago.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.