Narating namin ang Rosa Restaurant. Sakto naman na nandito ang may-ari, si Javen Flair Imperial. Hindi niya ako in-interview basta tanggap na raw ako.
"Ako rin, mag-aapply," nakangiting sabi ni Denmeir.
"Sure. Magsimula na kayo bukas o kung gusto niyo ngayon na," nakangiting sambit ni Jave.
Ang pogi naman ng lalaking ito.
Goddess! Tapos ang bait pa.
"Jave! Bilisan mo na. Hinihintay ka na nila birthday ni Taxon kaya 'wag ka nang magpatagal diyan. Malayo pa ang biya—" natigilan si TK nang makita kami. "Gonad D, anong ginagawa niyo rito?"
"We're applying for a job."
Tumawa si TK. "Seriously? Oh, Well… enjoy."
"You two know each other?" Kunot-noong sambit ni Jave.
"Yes. Kabanda ko 'yan," nakangiting sabi ni TK. "Best friend ko."
Tumango naman si Jave. "Tara na." Yaya niya kay TK. "Kayo na bahala, ah. Aalis na kami."
"Gonad D, enjoy! Uuwi kami ng Camarines Norte. Birthday ni Kuya kaya 'wag mo na akong hanapin."
Tumango si Denmeir. "Ingat, TK."
"Roger."
Nagsimula kaming magtrabaho ni Denmeir.
"Bakit ka sumama sa akin? Anong trip mo sa buhay?"
"Gusto ko lang makasama ang girlfriend ko."
'Girlfriend ko.'
Parang ang sarap niyon sa pandinig, pero imbes na ngumiti inirapan ko siya.
"Hi, sir, what's your order?" Isinulat ko ang order niya at bumalik sa kusina.
139
Michelle R. Villaflores
Napangiti ako nang makita ko si Denmeir na aligaga sa paghahanda ng mga order. Mayaman siya kaya dapat hindi siya sumama sa akin. Gusto niya lang naman akong makasama maghapon kaya ginawa niya 'to.
Lumapit ako at pinunasan ang pawis niya kaya naman ngumiti siya nang malapad.
"Ayie. Ang landi ng mga pusa." Sabi ni Cris na kunwari pang nagtaboy ng mga pusa kahit wala naman. Hindi siya sa amin nakatingin, pero alam kong kami ang tinutukoy niya. Si Cris ay isa sa mga trabahante rito.
"Denmeir? What are you doing here?" Tanong ng magandang babae. "And what? Are you working here? Naghihirap na ba kayo?"
"Order, Ma'am?" Hindi niya pinansin ang babae.
Nagpatuloy na lang sa pagkuha ng order nito.
"Honey." Tumayo ang babae at pumulupot sa leeg
niya.
Parang my sumakal sa puso ko. Nasasaktan yata ako. Hindi lang yata, nasasaktan talaga ako.
Tinanggal ni Denmeir ang pagkakapulupot niya. "I'm working here, don't disturb me. Order, please?"
"Honey. What's the reason? Mayaman kayo kaya—
"
"Order?"
Humawak ang babae sa baiwang niya kaya inis niya iyong tinanggal.
"Kapag nagalit ang girlfriend ko sa akin sa ginagawa mo humanda ka sa akin," matalim niyang tiningnan ang babae. Nagulat ako nang magtama ang tingin namin ni Denmeir. Itinuro niya ako. "She's my girlfriend so, please behave."
Napahiya naman ang babae kaya umupo na lang ito at ibinigay ang order niya.
"Don't waste my time next time, you're not worth
it."
Tinalikuran niya ang babae na nakakuyom ang palad. Ngumiti siya sa akin nang makalapit.
"Pagod na ba ang buko pie ko?" Malambing niyang
sabi.
Tinitigan ko lang ang mukha niya bago nagsalita. "Okay pa ako, buhay pa naman."
Gano'n ba siya kaseryoso sa akin para ipagmalaki ako sa ibang tao?
Pumasok ulit ako sa kusina at naghanda ng mga order. Tinulungan ako ni Denmeir, parang hindi siya napapagod.
Kapag titingnan ko siya masaya siya sa ginagawa niya kahit alam kong pagod na siya.
Bakit nga ba siya magtratrabaho? Rich kid siya.
Isa itong patunay na talagang handa niyang gawin lahat mapatunayan lang ang pagmamahal niya. Mahal niya nga ba ako? Hindi ko pa naririnig ang 'I love you' niya. Ay, ewan basta ang mahalaga masaya ako sa kaniya.
Inaayos ko ang mga order nang may yumakap sa likod ko.
"Hoy! Nakakahiya!" Tinanggal ko ang pagkakayakap ng kamay niya sa akin.
Hinarap ko siya at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha.
"Hug lang, eh, ang damot mo talaga."
Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Nasa trabaho tayo."
"Kung wala?" Ngumisi siya.
Di ko siya pinansin. Tinalikuran ko na lang. Kinuha ko ang tray, inagaw niya, siya na raw ang magdadala.
Nakakapagod ang naging maghapon namin ni Denmeir, pero siya mukhang masaya pa rin.
Nakipagsiksikan kami sa bus bago makasakay.
Nakatayo kami parehas at nakahawak sa bakal.
"Hindi ka ba nahihirapan?"
Umiling siya agad at ngumiti. "Bakit ako mahihirapan?"
"Eh, kasi nagba-bus ka tapos nagtra-trabaho kahit hindi naman kailangan."
"I'm happy with you, Buko pie. Don't mind me basta nandiyan ka kontento na ako."
Kumabog nanaman nang sobrang lakas ang puso ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Nagkatitigan kaming dalawa, dahil maraming tao at siksikan sobrang lapit ng mukha namin. Bigla ay nagpreno kaya naman nagkalapat ang labi namin.
'Ayon nanaman 'yong pakiramdam na parang aatakihin na ako sa puso.
Natigilan ako at hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi naman nakalampas sa paningin ko ang pinipigilan niyang ngiti at ang pag-iwas ng tingin.
"Walang nangyari," maloko niyang sabi pagkatapos ay kinagat ang labi niya.
Painosente? Naglapat kaya ang labi namin!
Hindi ako makapagsalita dahil nag-iinit ang pisngi ko. Nang magpreno ulit ay tinakpan ko na ang labi ko kaya lumapat sa likod ng palad ko ang labi niya.
"Ay sayang!" Tatawa-tawang sabi ni Denmeir. Ang walanghiya sinasadiya pala! "Baliw ka talaga!"
Tumawa siya, kitang-kita mo sa mata niya na sobrang saya niya talaga.
"Happy?"
Tumango siya. "I'm always happy because of you." "Clown ba ako?" Inirapan ko siya.
"I didn't say that. I really don't know, when you're here beside me. I'm nowhere to hide my happiness."
"Masaya ka talaga?"
Hinaplos niya ang pisngi ko at malapad na ngumiti. "Basta dito ka lang sa tabi ko." Natigilan siya nang kunin ko ang kamay niya at pinagsalikop 'yon.
"Masaya rin ako," nginitian ko siya nang malapad dahilan para umawang ang labi niya at matulala kaya natawa ako. Napakurap-kurap pa siya at ilang segundong nanahimik.
"Fudge, my heart." Hinawakan niya ang dibdib niya at ‘di makapaniwalang nakatingin pa rin sa akin.
"Your heart, what?"
"My heart beats for you. It says Ailey."