5 DAYS Chapter 4

DAY 3

Inaantok pa akong nagtungo sa hintayan ng bus. Sinisilip ko muna ang bawat dadaang bus dahil hinahanap ko si Mr. Nursing. Makita ko lang siya okay na ako. Ilang bus na ang dumaan, pero 'di ko pa rin siya nakikita. May dumaang nagtitinda ng mani. Naalala ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang concern siya sa health ko! Concern agad? Binigyan lang.

Nagsisimula nang dumami ang mga naghihintay ng bus. Nasaan na ba siya? Hayun!

Sa wakas nakita ko na siya. Nakipagsiksikan ako. Tulak sa kaliwa, tulak sa kanan. Hindi ako nakapasok! Ugh! No!

"Oh, tama na, tama na! Puno na!" sabi ng konduktor habang tinatapik pa ang gilid ng bus.

No! Sinarado na ang pinto ng bus! No! Tiningnan ko si Mr. Nursing sa bintana.

Ikaw pa naman ang hinintay ko tapos 'di tayo magkakasabay? Iyak! Nakasimangot akong bumalik sa bus waiting shed.

Wala na sira na ang araw ko! Nawalan na ako nang gana na mabuhay. Char, joke lang. Nakakalungkot lang kasi na hindi ko siya makakasama. Umupo ako sa upuang nando'n. Nawalan na ako ng ganang makipagsiksikan para makasakay. 'Di ko pinansin ang taong naramdaman kong umupo sa gilid ko. Ang nakita ko lang ay ang red na paper bag. Hays!

"Ang sikip kasi kaya bumaba ako." Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumingon sa lalaking nasa tabi ko. This can't be! Woah! Mr. Nursing!

Nagpigil ako ng ngiti. Siya nga! Ikaw huh? May lihim kang pagtingin.

"Are you going to ride a bus na?" tanong niya.

Tinuro ko pa ang sarili ko at tumingin sa likod kung ako ba talaga ang kausap niya.

"Of course, you. Do I look like crazy to talk to someone that I don't know?" masungit niyang sabi at pinampaypay pa ang kamay niya.

Init na init! Ang hot ko talaga, pero mas hot siya.

"Hmm. Yes, marami pa kasing tao. Mamaya nang kaunti."

Mamaya na nandito ka pa! Ugh! Kahit ma-late na ako basta kasama kita.

Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi naman siya mukhang mahirap, pero sumasakay siya ng bus? Anong trip niya?

Makikita mo 'yon sa mga gamit niya na halatang mamahalin. Napasulyap ako sa red na paper bag.

Ano kaya 'yon? Para sa akin kaya 'yon? Feelingera!

Nang dumating na ang bus ay nagpatiuna siya. Medyo maluwag walang nakatayo, pero wala ng upuan kaya nakatayo kami parehas.

'Di mo alam kung gaano kapabor sa akin ang tumayo katabi ka, pero mas okay sana kung nakaupo kami pareho at magkatabi tapos lambingan.

Sinilip ko ang relos ko. Okay! 30 minutes late na ako. For the first time!

15

Michelle R. Villaflores

Sa sobrang bilis nang patakbo ng bus ay muntik na akong tumilapon kung saan, pero may humawak sa braso ko.

One touch, the current flows.

Pinigilan ko ang gulat dahil sa kuryenteng hindi ko alam kung saan galing. Dumaloy iyon sa braso ko at parang hinahalukay ang sikmura ko.

Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ang gwapo niya?

"Hmm. Don't stare," nag-iwas siya ng tingin.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko. 'Di ako mahilig magpasalamat, hirap na hirap akong sabihin ang salitang 'yon.

Bakit nga ba hindi ko pa siya nakilala no'n? Araw-araw akong sumasakay ng bus, pero 'di ko siya nakikita o baka 'di ko lang siya napapansin?

Nga pala! 'Di ko pa alam ang pangalan niya! 'Di naman siya nagpakilala. Alangan namang tanungin ko? Syempre pabebe girl 'to! Ano siya!

"Hey! Are you not going down?" nagtataka niyang tanong.Doon ko lang napansin na nasa lugar na ako kung saan ako bababa. Natulala kasi ako sa kagwapuhan niya.

"Let's go. Ailey Espinar." Bigla akong napahinto kasabay nang pag-awang ng labi ko. Kilala niya ako?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.