5 DAYS Chapter 5

DAY 4

Masaya kong tinahak ang daan sa hintayan ng bus. Siguro araw-araw na akong masaya papasok sa school dahil sa kaniya. Marami pa akong 'di alam sa kaniya, pero basta kinikilig ako maalala ko lang ang gwapo niyang mukha okay na ako!

Isang oras na ay wala pa ring bus kahit jeep!

What the? Ugh! Bakit kaya?

Hirap na hirap maghanap ng masasakyan ang ibang tao tapos 'yong iba nag-tataxi na lang, grab or angkas.Tiningnan ko ang bulsa ko. Wala naman ako palaging pera kung hindi pamasahe lang.

Wala sigurong bus ngayon? Hays! Pa'no na ito? Saan kaya sumakay si Mr. Nursing? Hays.

"Hey! You want a free ride?" Napaangat ako ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr.

Nursing na naka-bike.

Woah! He looks handsome! More handsome than yesterday.

Teka! Wait!? Anong sabi niya pinapasakay niya ako sa likod ng bike? Seryoso ba sya? Kinikilig ako! Enebe!

"Hey! Ayaw mo? Okay. Gonna go!" Akmang papaandarin niya na ang bike, pero pinigilan ko.

"Wait! Sige. Sasakay ako."

"Okay. There's no any public transportation now," isenenyas niya na sumakay na ako.

Woah! Totoo ba ito?

Umupo ako sa likuran niya. Ang hitsura kasi ng bike ay parang motor na pwede ang mag-angkas.

Pigil ang ngiti ko nang makaupo ako. Gosh!

"Hold me tight."

Woah! Hanuraw? Hawakan ko siya nang mahigpit? Kumapit ako sa laylayan ng uniform niya.

Nakakahiya naman kung yayakap ako, di ba? Pwede rin naman kung makapal ang mukha ko kaso dalagang Pilipina ito.

Nakakatawa siyang tingnan dahil ang pogi niya. "Di ba, magdudumi ang uniform mo?"

"Magdudumi. Hinawakan mo, eh. Don't worry may isa pa akong uniform, iniwan sa locker."

Sabi na, eh! Mayaman siya may locker at may isa pang uniform?

Ako nga isa lang nilalabhan ko kaagad. Ang mahal kasi ng uniform sa Laurente.

Pero bakit siya nagba-bike? Siguro naman may kotse siya?

Tahimik lang kami. Ang sarap ng hangin. Lalo na ang pakiramdam ko ngayon. Ika-apat na araw ko siyang kakilala, pero parang ang tagal na no'n. hindi ito paglalandi, wala naman talagang araw ang binibilang kapag nagustuhan mo ang isang tao.

Okay, tama na, masiyado nang cheesy.

Ibang-iba ang tibok ng puso ko sa normal. Ilang araw lang, pero parang lumalalim ang pagka-crush ko sa kaniya.

Grabe! Sino nga ba siya? Anong pangalan niya? Hanggang ngayon 'di ko pa rin siya kilala. Ayaw ko talagang magtanong.

Lumingon ako sa unahan, sinusulyapan ko siya.

Bakit nga ba niya ginagawa 'to? Crush niya rin ba ako? Feelingera!

Nanlaki ang mata ko nang may biglang dumaan na bus at biglang huminto sa harapan namin. Private bus 'yon. Sa sobrang lakas ng impact ay napayakap ako kay Mr. Nursing.

One bus stop, accidentally hug.

Kinabahan ako nang sobra dahil talagang napayakap ang dal'wang kamay ko sa baiwang niya. Hindi ko magawang tanggalin iyon dahil naestatwa na ako. Mas kinabahan pa ako nang makita ang ngisi niya.

What's up with the smirk?

Ngumiti na lang din ako. Niyakap ko siya! Level up naman agad ika-apat na araw pa lang! Naguguluhan ko siyang nilingon nang tahakin namin ang daan papuntang Laurente.

Dito rin siya nag-aaral?

Confirmed!

Dito nga dahil dirediretso niyang pinasok ang bike at ni-lock 'yon. "Let's go," isenenyas niya ang kamay na sumunod sa kaniya. Pinilit niya akong ihatid sa room ko, pero tumanggi ako.

Nakakahiya na! Again, I did not say thank you kasi hindi ako marunong magsalita ng gano'n.

"Okay. I will fetch you after the class."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.