5 DAYS Chapter 6

DAY 5

Masayang-masaya ulit ako nang marating ang bus waiting shed. Sana wala na lang ulit bus para sumakay ulit ako sa bike. Namimihasa! Hinatid niya ako kagabi sa bahay kahit hingal na hingal na siya sa sobrang layo niyon. Bakit nga ba niya ginagawa 'yon? Pangalan niya! Ano ba kasing pangalan niya? Bakit hindi siya magpakilala?

Huminto na ang bus. Nakita ko siya sa bintana kumaway siya sa akin. Close na kami!

Nakipagbalyahan nanaman ako bago makasakay ng

bus.

Nagulat ako nang makitang bag niya lang ang nakaupo sa tabi niya.

"Sit," tinapik niya pa ang tabi niya at kinuha ang bag niya.

Tahimik kaming dal'wa sa byahe. 'Di naman kami talaga nag-uusap. Simula no'ng makita ko siya bilang na bilang ang usapan namin. Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan lang ang mga gusali. Napansin ko na may nakatingin sa akin kaya nilingon ko si Mr. Nursing. Nakatingin nga siya, ngumiti siya bago nag-iwas ng tingin.

Okay? Pinagmamasdan niya ba ako? Anong ibig sabihin no'n?

Nilakasan ko na ang loob ko para magtanong kung ano ang pangalan niya. Humugot ako ng hininga at dahan-dahang ibinuga 'yon.

"Nga pala anong pang—"

21

"Ahhh!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang marinig ang sigawan ng mga taong nakasakay sa bus. Nagpagiwang-giwang ang bus na sinasakyan namin parang may iniiwasan. Napahawak ako nang mahigpit sa upuan. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari. Naiiyak na ako at 'di ko malaman ang gagawin ko. Tumulo na rin ang luha ko.

Anong nangyayari?

"Woah!" Ang sigawan sa bus ay tumitindi.

Maririnig na rin ang iba na umiiyak na.

Nahihilo na ako nang may bigla na lang maramdamang may mga brasong mabilis na yumakap sa akin. Mahigpit na para bang sa ganoong paraan niya ako kayang protektahan.

Niyakap niya ako! Niyakap niya ako! Iyon ang mga katagang nagpaulit-ulit sa aking isipan.

Mr. Nursing...

Natatakot ako. Nagsimula na akong umiyak.

Nagkakagulo na at parang nage-slow motion ang lahat.

"I'm here. I'll protect you," mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Close your eyes."

Ramdam ko ang lalong paghigpit ng yakap niya. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito napanatag pa rin ako dahil sa yakap niya. Natatakot ako para sa buhay ko at ganoon din para sa kaniya.

"Aahhh!" Mas malakas na sigawan.

Unti-unti kong ipinikit ang mata, ibinigay ko ang tiwala sa lalaking ngayon ay handang isangga ang katawan sa matinding sugat na maaring matamo ko. Sana maging maayos kami. Lumandas ang mga luha sa aking pisngi, hindi ako sumigaw, alam kong wala iyong magagawa. Ang tanging nagawa ko lang ay lumuha.

Bumangga ang bus sa hindi ko alam na bagay. Nagpagulong-gulong kaming dal'wa, nararamdaman ko ang paghampas ng iba't ibang parte ng katawan ko sa kung saan, pero protektado ang ulo ko sa yakap ng lalaking ito.

Aray!

Naramdaman ko ang pagtusok ng kung anong bagay sa binti ko. Humampas ang likod ko sa kung saan at naipit ang daliri ko sa paa sa 'di ko rin alam na bagay dahil sa lahat ng pangyayari ay nakapikit lang ako. Hanggang isang malakas na pagbagsak naming dal'wa ang naramdaman ko.

Aray!

Gusto kong isigaw 'yon dahil halos mamilipit ako dahil tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Nang magmulat ako ng mata. Nakita ko na ang mga taong duguan at ang iba ay wala ng malay.

Awtomatiko akong bumangon. Masakit ang iba't ibang parte ng katawan ko. Yakap pa rin niya ako. Hindi namin binitawan ang isa’t isa. Niligtas niya ako. Tiningnan ko siya. Ang mga luha ko kanina ay lalong dumagsa nang makita ko ang kalunos-lunos na hitsura niya.

"Hey! Wake up!"

Puno ng dugo ang katawan niya. May tumutulong dugo na nagmumula sa ulo niya. Mayro'n siyang iba't ibang sugat sa buo niyang katawan. Sumikip ang dibdib ko. Natatakot ako.

"Gumising ka!" Nagmulat siya ng mata at ngumiti. Nagagawa niya pang ngumiti?

23

"Are you—ahem o-okay?" Seryoso ba siya ako pa ang tinatanong niya? Samantalang siya 'yong napuruhan.

Yumakap ako sa kaniya.

"Okay ka lang ba, huh? Wag kang pipikit. Please!" Patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Ang sakit-sakit! Niligtas niya ako sa binggit ng kamatayan ko. Ayaw kong mawala siya. Baliw mang isipin, pero nagsisimula pa lang ang love story naming dal'wa. Iilang araw, pero pakiramdam ko ang laki ng papel na ginampanan niya sa buhay ko. Maliliit na bagay para sa iba, pero binuhay niyon ang saya sa dibdib ko, ang ‘di matatawarang pagmamahal. Ang sayang walang katumbas.

"Tulong!" Ubod lakas kong sigaw.

"H-hey! D-don't c-cry," nahihirapan niyang inabot ang mukha ko upang punasan ang luha ko.

Lalong sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko, may lumalabas na dugo sa bibig niya.

No!

"Please. 'Wag kang pipikit!" Natakpan ko ang bibig dahil sa tindi ng aking paghikbi. Inabot niya sa akin ang red na paper bag na 'di ko namalayang hawak pa rin pala niya at 'di binitawan.

"H-happy three—ahem years of s-seeing you at the b-bus.” Naghabol siya ng hininga.

Three years of seeing me at the bus? Ibig bang sabihin nito matagal niya na akong nakikita?

Lalo akong humagulgol. Ang kirot sa dibdib ko ay lalo lang lumala, ang mga luha ay lalo lang dumagsa, pinanglabo ang aking paningin.

Bakit ngayon lang kita napansin? Kung kailan huli na ang lahat. Kung kailan nakilala na kita at nakasama

ngayon pa nangyari ito. Bakit ngayon ka lang nagpakilala?

"Tulong!" Muli kong sigaw. Hinawakan ko ang kamay niya. "Please, pakatatag ka.” Ang sakit-sakit ng dibdib ko hindi ako makahinga. Senenyasan niya akong lumapit ako.

"I—" umubo siya at tila ba hirap na hirap na sa paghinga. "L-love y-you."

Humagulgol ako nang marinig iyon kasabay ng pagtulo ng kapirasong luha sa mga mata niya. Dahan-dahan niyang ipinikit iyon. Banaag ko pa ang muling pagdaloy ng kapiraso ng luha sa gilid niya.

Time of death: 7:00 am

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang higpit.

Pinulsuhan ko siya at paulit-ulit na sini-CPR.

Huwag kang mawawala!

Pinch, blow, release, mouth to mouth resuscitation, paulit-ulit ko iyong ginawa.

Kahit gumagapang ang kuryente sa labi kong nakalapat sa kaniya ay hindi ko iniinda iyon. Umiiyak kong ginawa ang lahat ng maaring makapagpabalik sa ulirat niya. Paulit-ulit iyon, pero hindi siya nagre-response.

Mr. Nursing…

"Gumising ka! 'di pa ako nakapagpapasalamat sa lahat ng nagawa mo sa akin gumising ka! Mahal din kita," mas hinigpitan ko pa ang yakap. "Please gumising ka. Please... please… please 'wag mo 'kong iwan. 'Di ka pa nakapagpapakilala sa akin. Gumising ka naman. Please!"

Sobrang lakas ng iyak ko hanggang sa marinig ko na ang ambulansya.

"Mahal din kita! Mahal kita," bulong ko sa tainga niya. Hinaplos ko ang pisngi niya sa paraang iniingatan at minamahal siya. Pinagdikit ko ang noo namin, ang pagluha ko ay hindi na matigil. "Salamat," muli kong bulong at humalik sa noo niya.

Hinila na ako ng mga rescuer. Halos ayaw ko siyang bitawan. Iyak ako nang iyak. Niligtas niya nanaman ako.

Mr. Nursing...

Muli akong humagugol nang makita ko na siya sa stretcher. Yumakap ulit ako, pero hinihila ako ng mga rescuer. Gusto kong sumama na lang sa kaniya sa hukay kahit na alam kong may pamilya akong iiwan.

Do'n ko naisip na tingnan ang I.D. niya.

Denveir Camerino

BS in Nursing

Ang sakit na huli na bago kita nakilala. Ang sakit na maiksi nga lang pala ang buhay ng tao. Sana pala mas lumikha tayo ng masasayang araw. Sana noon ka pa nagpakita sa akin. Ang daming sana at ang mga sana na ‘yon ay mananatili na lang na sana, hindi na magkakatotoo dahil patay na siya! Iniwan niya na ako.

Bakit sa malayo mo lang ako tiningnan?

Denveir... Wala sa sariling napangiti ako. Ramdam ko pa rin ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ko. Kay ganda ng kaniyang pangalan at ang bait pa niya. Saang mundo ko hahanapin ang katulad niya? Ang lalaking kayang itaya ang buhay para lang sa babaeng minamahal.

Wala na akong nagawa kung hindi panoorin na lang ang pag-alis ng ambulasya. Hindi ko ramdam ang sakit ng sugat ko, mas ramdam ko ang kirot sa puso ko. Ang sakit na parang kahit lumipas pa ang taon hindi na maghihilom.

Denveir… Napahawak ako sa dibdib ko.

Five days, sobrang minahal kita. Five days, pakiramdam ko taon ang pinagsamahan natin. Five days, napasaya mo ako nang sobra-sobra. Five days lang, pero tumatak sa akin ang mukha mo at ang mga alaala nating dal'wa.

Salamat, Denveir.

Mahal kita. Palagi ko 'yang tatandaan. Nandito ka lang sa puso ko. Mahal na mahal kita.

Binuksan ko ang red na paper bag na binigay niya sa akin. Lalong tumindi ang pagluha ko nang makitang isa itong teddy bear na pink. Sobrang cute at may red na ribbon sa gilid ng noo. Ang akala kong nagfe-feeling lang ako na baka para sa akin ito ay akin pala talaga. Hindi niya siguro maibigay sa akin. Kinuha ko ang teddy bear. Napatigil ako nang makitang may nalaglag. Pinulot ko 'yon. Sulat?

To: Ailey Espinar

My Confession

Happy Three years of seeing you at the bus

One letter, immeasurable love.

Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang lakas ng iyak ko. Naninikip na ang dibdib ko dahil hindi mapatahan ang sarili.

Kilala niya talaga ako? Ako lang siguro talaga ang hindi nagtanong ng pangalan niya.

Tumindi pa ang pag-iyak ko nang basahin iyon.

Sa limang araw sobrang minahal kita, Mr. Nursing. Those five days with you is unforgettable. Five days, memories stuck.

Mahal na mahal din kita, Denveir Camerino.

Kung mayro'n man akong natutunan 'yon ay sabihin mo ang mga katagang nais mong sabihin sa isang tao bago mahuli ang lahat.

Lumapit ang lalaking nag-aasikaso sa mga nasugutan. "Kaanu-ano ka niya?" Malungkot niya akong tiningnan.

"Girlfriend."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.