HANGOS na lumabas ng kusina ang nanay niya nang dumating sila bahay. Naka-apron pa ito at kitchen mittens. "Oh, hello! You two are finally here. How’s the trip?”
“Ma, wala pa pong kalahating oras ang biyahe,” usal ni Sylvie at muntik nang tumirik ang mata. Nagmano siya sa ina. “We are okay.”
Inalok naman ng binata ang kamay dito. "I am Lancelot Valdrez, Ma'am."
“Don’t call me Ma’am. Tita Meldy is fine, sinabi ko na sa iyo kanina,” anang ina nanay niya. Ayaw nito na tinatawag na Ma’am dahil tumatanda daw ito. Forty-two na ang nanay niya pero dahil alaga ang makinis na kayumangging balat at light brown na buhok. Kahit na marami itong trabaho sa farm, tintiyak ng ama niya na may oras ito para sa sarili. "Give me a hug."
Ngumiwi si Sylvie. Feeling close agad ang nanay niya sa kaklase. "Mama, amoy kusina pa po kayo."
Pero niyakap pa rin ito ni Lancelot at di naman pinansin ng ina ang pag-angal niya. "Mukhang masarap ang niluluto ninyo, tita."
"Cheesy beef lasagna. Isa sa expertise ko. I hope you will like it. Paborito iyan ng mag-ama ko.”
"Kahit po anong ihain n'yo sa akin, go po ako diyan,” anang binata.
Matamang nakatitig ang inang si Meldy kay Lancelot habang kumakain sila Sylvie sa lanai. Tahimik lang siyang kumakain habang puro puri naman ang lumalabas sa bibig ng kaklase. Inaasahan na niya iyon. Masarap talagang magluto ang nanay niya. Nawiwirduhan lang siya sa nanay niya na titig na titig kay Lancelot. Animo’y isa itong teenager na nakatulala sa crush nito.
Tumikhim si Sylvie. “’Ma, you are staring,” untag niya dito. Nagulat tuloy si Lancelot.
Parang noon lang natauhan ang ina. “I don’t mean to be rude. Hindi ko lang inaasahan na may iguguwapo pa itong si Lancelot. The pictures don’t do him justice.” At nagpapa-cute na ngumiti sa binata. Parang maduduwal siya dahil ngayon lang niya nakita na ganito ang nanay niya. Kahit sa mga artista ay di naman ito nai-starstruck. “Pasensiya ka na, hijo. Magaling kang writer, guwapo ka pa at sa Bright Minds Academy ka pa nag-aaral. You parents must be proud.”
Nahihiyang ngumiti ang binata. “Pangarap po ng tatay ko na mapasok ako sa Bright Minds Academy.” Pero napansin niya na di umabot ang ngiti sa mga mata nito. Ayaw ba nitong pumasok sa eskwelahan nila? Napilitan lang ba ito? Parang di naman. Mas ka-close pa nga ito ang mga kaklase niya kaysa sa kanya na matagal nang kakilala ng mga ito. “Tita, galing po ba sa farm ninyo ang mga gulay at herbs na gamit ninyo? Fresh po kasi.”
“’Yung gulay, galing sa farm. Kapipitas lang. ‘Yung herbs galing sa herb garden ko dito.”
“Gusto rin po ni Mama na magkaroon ng herb garden pero wala siyang green thumb,” tatawa-tawang sabi ni Lancelot.
“Imbitahan ko kayo sa farm ng parents mo. Pwede rin kayong mag-overnight doon dahil may mga cottage na kami. I am sure you will like it. Overlooking sa Sierra Madre Mountains, malamig ang panahon at maraming puno. I am sure marami kang maisusulat doon.”
“Kung okay lang po kay Sylvie na pumunta ako sa farm ninyo,” sabi ni Lancelot at tumingin sa kanya. Parang tinatantiya kung tatanggi siya. Hindi siya makasagot agad. Na-invade na nga nito ang bahay nila pati ba naman ang farm?
Hinawakan ng nanay niya ang balikat niya. “Of course. Sylvie will even guide you. I am sure you will have a great time. Hindi ba, Sylvie?”
“Yes, Mama,” usal ng dalaga at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain. Hindi ito ang oras para maging kontrabida.
Masayang nakipagkwentuhan ang nanay niya sa lalaki. Nagkukwento ang nanay niya sa mga bagong nagagawa nito sa farm na di niya alam. Mukhang interesado naman si Lancelot na makinig dito at di nito inaalis ang tingin sa ina. Noong una, naisip niya na kunyari nakikinig lang ang lalaki pero walang naiintindihan. Subalit nagtatanong ang lalaki sa bagay-bagay tungkol sa farm. Nakikinig talaga ito at tunay ang interes. Noon lang niya nakitang kumislap muli ang mga mata ng ina habang nakangiti. Dati pag nagkukwentuhan sila, halatang pilit ang pagiging masaya nito dahil pinipilit nitong maging masaya para sa kanya. Pero walang nangyayari.
Hindi niya gusto si Lancelot. Pero di niya magawang mainis kung mabilis itong makagaanan ng loob ng nanay niya. Siya ang nagkulang.
Masyado na ba siyang makasarili? Kailangan ba sa ibang tao pa nito makaramdam ng kaligayahan? Nababahala siya sa natuklasan. Si Lancelot pa ang nagpakita sa kanya kung ano ang mga pagkukulang niya. Gaano katagal na ba ang panahon na pinili niyang mapag-isa dahil sa pagluluksa kay Mark Andrew?
"Mukhang magaganda po ang paintings ninyo,” puna ni Lancelot habang naglalakad sila papunta sa music room. Tahimik lang si Sylvie sa tabi ng lalaki habang nangunguna naman sa paglalakad ang nanay niya.
"Interested ka ba, hijo?" tanong ng ina niyang si Meldy.
"Di po ako art expert pero nakaka-appreciate naman po ako. Makukulay ang paintings. Kahit na landscape pa or kahit mythological characters, may sarili siyang stye. Parang kulay ng bata.”
“Kulay ng bata?” mataas ang boses na bulalas ni Sylvie. Gusto niyang mainsulto. Habang pinupuri ng kritiko ang paintings, sasabihin ng isang gaya ni Lancelot na parang pambata ang kulay?
Itinaas nito ang dalawang kamay. “Huwag kang violent reaction. Positive ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin, parang magaan sa pakiramdam na tingnan ang paintings. Masaya lang. Parang ibinabalik ako sa pagkabata. Or it brings me to a place that can make me happy.”