A Clash With the Knight 1 and 2 Chapter 22

“’YUNG “Mama” na lang ang I-present natin kina Shannah at Andrea bukas. Madalang na tayong maka-encounter ng mga kanta tungkol sa nanay o sa magulang. One way or another, makaka-relate ang mga kaklase natin. Lahat tayo may nanay.”

Inaantok na ang mga mata ni Lancelot nang tumutok kay Sylvie. Nakahilig na ito sa talaksan ng throw pillow at parang pagod na pagod na.

Dalawang oras na silang nagtatalo kung anu-ano ang magagandang kanta sa tatlong album ng Smoke Mountain ang magandang I-present sa klase hanggang dalawa na lang ang natira. At sa huli, di pa rin sila magkasundo ng lalaki.

“Ikaw itong may gusto ng Paraiso noong una. Kinakabisa ko na nga kasi sabi mo pwedeng kantahin ng lalaki. ‘Yung Mama babae lang ang kumanta. Paano ko itotono ‘yung akin? Di naman ako singer.”

Bumuga si Sylvie ng hangin at itinapik ang ballpen sa low table. “Maiintindihan naman nila na di tayo singer. Ang importante maganda ang mensahe ng kanta. Mas madali silang makaka-relate. We need to appeal to the emotions of our groupmates. Siguro naman mas pipiliin nila ang nanay nila kaysa sa One Direction.”

Itinaas nito ang notebook. “Nakagawa na ako ng impression ko sa Paraiso. Pwede mo nang I-check kung gusto mo.” At ihinagis nito ang notebook sa mesa. Parang pagod na pagod na itong gumalaw. “Tungkol din naman sa nanay iyan.”

“Paanong tungkol sa nanay?” magkasalubong ang kilay niyang tanong.

“Sa kay Mother Earth,” puno ng kompiyansa nitong sagot at ngumiti.

Tumirik ang mga mata ni Sylvie. Akala niya ay seryoso na ang binata pero nakukuha pa rin nitong magpa-cute. “Hahaha! Funny.” As if they care about Mother Earth. Ilang beses na ngang nasita ang dalawa dahil garbage segregation ay di magawa ng mga ito.

Tumayo si Lancelot at nag-inat. “Look. Pareho na tayong pagod. It is late. Papagabi na. Pwede bang bukas na lang natin ito I-discuss?”

“But we need a united front. Paano tayo mananalo sa kanila kung di tayo magkasundo? We have to decide now.”

Isininilid nito ang notebook sa bag. “Hey! Pinili natin ang Smokey Mountain dahil alam nating magaling sila. Believe in their music. Parehong maganda. Iyon ang ipapakita natin sa kanila. Okay?”

“In short, wala rin tayong nabuo?” aniyang ayaw pa rin kumilos sa pagkakasalampak kahit ngahahanda na ang lalaki na umalis.

“Pwede naman mamaya natin pag-usapan pag-uwi ko.”

Umismid siya. “Sigurado ka na aasikasuhin mo ito mamaya?”

Pinapungay nito ang mata. “Parang ayaw mo akong paalisin kasi gusto mo pa akong makasama nang mas matagal.”

“Ang kapal!” Dali-daling tumayo si Sylvie para ipakita na di naman siya interesado na makasama ito kundi lang dahil sa project nila. “Okay. Umuwi ka na. Ipapahatid na kita sa kay Manong Udo,” pagtataboy niya dito.

“Hindi na kailangan. Kaya ko namang mag-commute.” Inilabas nito ang cellphone at magkasunod silang lumabas ng kuwarto. “May masasakyan naman siguro palabas o kahit mag-Grab na lang ako.”

“Hindi ako papayag na mag-commute ka,” katwiran niya at di pinansin ang protesta nito. Walang nagawa ang lalaki kundi sundan siya hanggang masalubong nila ang ina sa hagdan. “Ma, pwede pong ipahatid si Lancelot kay Manong Udo?”

“Of course.” Tumawag ang ina sa cellphone at tinawagan ang driver nila para ihanda na ang kotse. “Tapos na ba ang project ninyo?”

“Itutuloy ko na po sa bahay, Tita. Nakakahiya naman po kung gagabihin pa ako dito. Salamat po sa pagpapagamit ng music room ninyo, Tita.”

“It is a pleasure to have you as our guest. Bumalik ka dito.” Maya maya pa ay lumapit ang isa sa kawaksi na may dalang kahon at amoy na amoy niya ang mabangong tinapay. “Mag-uwi ka ng corn muffin. Para naman mas ganahan kang mag-aral.”

Tinanggap iyon ni Lancelot. “Thank you po, Tita. Don’t worry gagalingan ko po para sa kay Sylvie.”

Tumaas ang kilay niya. “Bakit para sa akin? Di ba dapat para sa grade mo?”

“Baka kasi sakaling ngumiti ka na sa akin kapag mataas ang grades natin.”

Tumigil sa pagtibok ang puso ni Sylvie nang magtama ang mga mata nila ni Lancelot. Ano bang kalokohan ang sinasabi nito? Pakialam ba nito kung ngumiti siya o hindi? Pero nag-piroutte saka split sa ere ang puso niya.

Gusto siya nitong makitang ngumiti. Di niya alam kung bakit. Di siya sanay. Kailan ba ang huling pagkakataon na may gustong ngumiti siya? Hindi na niya maalala. Siguro dahil napagod na rin ang mga tao na kumbinsihin siya na ngumiti.

Pinisil ng ina ang pisngi nito. “That is so sweet of you, Lancelot. Thank you for caring for my daughter. Kailangan talaga niya ng mga kaibigan na tulad mo. Huwag mong kalilimutan na sabihin sa parents mo na iniimbitahan ko sila sa farm. Okay?”

Tumango ang binata at nagpasalamat saka bumaling sa kanya. “Mag-chat tayo mamaya okay? Ipapasa ko sa iyo ang review ko.”

“Okay,” usal niya at sinundan ito ng tingin hanggang makasakay ng sasakyan.

Kapag ba ngumiti ako, di na ako kukulitin ni Lancelot? Magmo-move on na kaya siya sa buhay? Di na kaya niya ako pipilitin na ngumiti?

Ipinilig ni Sylvie ang ulo. Nangungulit lang si Lancelot at nagpapa-cute. Nothing personal. Ano ngayon kung hindi ako ngumiti? Ano ba ako sa buhay niya? Hindi ko kailangang ngumiti para sumaya siya.

Pero masaya ba ako? Natigilan si Sylvie sa tanong sa sarili. Gumaan na ang pakiramdam niya kaninang sabihin ni Lancelot na gusto nitong makita siyang ngumiti. Unti-unting bumalik ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. Okay lang ako. Okay lang ako kahit na di ako ngumiti.

At itinuon niya ang atensyon sa report nila. Nagkulong sia sa music room. In-off din niya ang internet ng cellphone niya para di siya maabala habang gumagawa ng report. Kahit kanino pa sa kanila ni Lancelot ang mapili, ang mahalaga sila ang manalo.

Mag-aalas nuwebe na nang puntahan siya ng ina sa music room. Dinalhan siya nito ng gatas na ginagawa nito noong bata pa siya. “O! Di ka na nagpahinga.”

“Ma, kailangan ko pong galingan ang report ko. Alam n’yo naman po na mahina ako sa music. Di ako marunong magbasa ng tono o magtono kahit na gustuhin ko po.” Utak at puso lang panlaban niya sa mga talentado sa musika gaya nina Shannah at Andrea. Di siya papayag na magpatalo sa Team One Direction. Ininom niya ang gatas at ngumiti sa ina. “Thank you, Mama. Na-miss ko po ito.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.