“Nakangiti ka pero di ka masaya. Think of happy thoughts. Dahil kapag di ko nakitang masaya ka, ipo-post ko sa social media account ko na in love ka sa akin.”
Dinuro niya ito. “You won’t even dare!”
“Try me,” paghahamon nito.
Nagdadabog niya itong iniwan. “Sira ulo talaga.” Nakuyom ni Sylvie ang palad. Gusto niyang sakalin si Lancelot nang mga oras na iyon.
“Smile and be happy, Sylvie. Happy thoughts.”
Umiba siya ng daan papunta sa gymnasium. Dumaan siya sa school garden. Huminga siya ng malalim at pumikit. Happy thoughts. Inisip niya ang magulang at kapatid niya. Ito ang iisipin niya at ang magagandang bagay na nangyari sa kanya nang nakaraan. Wala siyang balak na magpatalo kay Lancelot.
"EIGHTY-five. Eighty-five lang ang grade ko,” usal ni Sylvie nang makuha ang grade para sa report nila. Naibalik na ang written report nila kasama ang grade nila. Sa Lunes pa dapat iyon ibibigay ng music teacher nila pero na-corner na ito ng mga kagrupo nila nang Sabado ng umaga. May kanya-kanyan club meeting kasi sila kaya nasa eskwelahan sila kahit walang pasok. Sa lahat ng effort na ibinigay niya, eighty-five lang.
"Eighty-five is not so bad,” sabi ni Shannah na nanghahaba ang nguso habang dumudutdot sa cellphone.
"Sana kasi ginalingan mo pa ang performance kung gusto mo ng mataas na grade," suhestiyon ni Andrea na nagawa pang mag-lipgloss kahit na naglalakad sila. Papunta naman sa cheerdance practice ang mga ito.
"Like really? Kasalanan ko pa pala. Kayo nga itong hinahanapan ng substance noong reporting,” nausal niya sa mahinang boses at iniwas ang tingin.
Di naman himalang naging kasing galing siya ni Arianna Grande sa pagpe-perform. Pero malaking motivation sa kanya ang pananakot ni Lancelot kaya ngiting-ngiti siya sa buong performance. Bumawi rin siya sa pagre-report at nag-research kung gaano kaimportante sa mga kabataang gaya niya ang kanta ng One Direction. Pinagpuyatan niya iyon. Habang nagkadautal-utal naman sina Shannah at Andrea nang tanungin kung ano ang kahalagahan ng mga kanta ng One Direction sa mga kabataan at sa lipunan sa kabuuan.
"Never mind. Kapag naging top artist na kami, hindi naman tatanungin kung gaano kataas ang grades namin,” anang si Shannah.
“Yes. We are supposed to be in Seoul for training. Nangako lang kami sa parents namin na tatapusin muna namin ang high school.”
“Okay. Good luck.”
Kahit pa sabihin na eskwelahan ng achievers ang Bright Minds Academy, di lang nakabase sa academic ang galing ng mga nakakapasok dito. Nire-recognize din ang kakayahan ng mga estudyante sa iba’t ibang larangan gaya ng palakasan at sining.
Hindi pinoproblema ng grupo ng Sassy ang grades ng mga ito. Hindi kailangang mag-college ng mga ito. May kaya ang pamilya ng mga ito at suportado sa pagpasok sa showbiz. Mas mataas lang ang pangarap ng grupo dahil gusto ng mga ito na makapasok sa Korea at makipagsabayan sa mga artist doon.
Di siya nanghuhusga at umaasta na parang mga magagaling lang sa academic subjects ang magaling. Proud siya sa mga kaklase niya dahil walang dudang magagaling ang mga ito kahit na may kayabangan. Mahirap lang kagrupo ang mga ito sa school activities. Masaya na ang mga ito na pumasa at nahihila ang gaya niya na may mataas na grades na mine-maintain.
Parang si Lancelot, di siguro nito didibdibin kung eighty-five lang ang grade nito. Wala na itong kailangang patunayan dahil may career na ito sa batang edad pa lang Baka laro na lang dito ang pag-aaral.
“Nakita mo na ba ‘yung trending video natin?” tanong ni Shannah. “I mean, trending video ng performance namin. Of course, kami ang star doon.”
“In-upload n’yo pala,” aniya sa dalawa. Sinamantala ng mga ito ang pagkakataon na umangat sa pamamagitan ni Lancelot.
Excited na in-open ni Andrea ang page nito kung saan naka-post. “What? One hundred likes lang? Bakit ito lang?”
“Tingnan mo sa page ni Knight. Baka naman mas maganda ang engagement doon. Nangako siya na ise-share niya ang video natin.”
“What the fudge!” bulalas ni Andrea. "Ang konti ng engagement sa shares ng video. Naka-crop 'yung videos natin at part lang ni Knight ang in-upload nila sa page. Doon sila nagkakagulo at iyon ang maraming engagement.”
“Mga bastos! Mga walang taste!” angil ni Shannah at ipinadyak ang paa. “Hindi man lang makakilala ng true talent. How could they do this to us? Dapat ‘yung talent natin ang napansin nila.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Sylvie, ‘yung video natin….”
Tinapik-tapik niya ang balikat ng mga ito. “Nakikiramay ako sa inyo. Hey! Hindi naman ninyo kailangang dibdibib ito. You are good. Hindi ninyo kailangan ng gaya ni Lancelot para sumikat."
Oo, kahit pa sabihin na mediocre ang talento ni Lancelot, umaapaw ang charisma nito. Hindi iyon napag-aaralan dahil natural iyon sa isang tao. Bata pa sila. Marami pang pagkakataon para sa Sassy. Di pa ito ang panahon.