A Clash With the Knight 1 and 2 Chapter 30

Nadaanan ng grupo ni Sylvie ang grupo nila Paolo na tumutugtog at nagkakantahan sa dalawang magkaharap na metal bench na madadaanan nila. Mukhang may practice ang grupo ng mga ito dahill sa sasalihang school talent show ng mga ito. Lalampasan lang sana niya ang mga ito nang maulinigan niyang pamilyar ang tinutugtog ng mga ito. Parang Kailan ng Smokey Mountain.

”Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita? Sana nama’y makipagbati na. Ilang ulit nang mata’y nagtama. Ngiti ko nama’y di malamya. Pero ikaw pa rin saki’y suplada.” Tumigil siya sa harap ng mga ito at humalukipkip. “Bawat araw sinusundan, di ka naman tumitingin. Anong aking dapat gawin? Kailan…. Kailan? Kailan mo ba mapapansin o aking giliw? Kahit anong aking gawin di mo pinapansin.”

Pumalakpak si Sylvie at nagulat siya nang magpalakpakan din sina Shannah at Andrea. Hindi niya inaasahan na magkaka-interes ang mga ito sa kanta. “That is… interesting. Original song n’yo ba iyan?” tanong ni Shannah.

Umiling si Sylvie. “No. Katono ng Kailan ng Smokey Mountain. Naiba lang ang lyrics.”

Nilingon siya ni Andrea. “Smokey Mountain? ‘Yung artist na gusto n‘yo ni Lancelot?”

Tumango siya. “Yun nga.”

“Maganda naman pala ang kanta nila. Akala ko puro seryosong environmental, makabayan and all that boring stuff.”

“Di n’yo kasi binigyan ng chance,” paninisi niya at umikot ang mga mata. “Puro kasi kayo One Direction. Kung magiging artist kayo, dapat marami kayong alam na ibang kanta. Maka-appreciate kayo ng ibang artist sa ibang henerasyon tulad nila.” At ngumuso sa Mystic Boys. “Bakit nagka-interes kayo sa Smokey Mountain?”

“Ito ‘yung nasa bagong viral video ni Knight. Di n’yo ba napanood?” tanong ni Patrick. Umiling si Sylvie. Busy siya sa pag-encode ng ibang article ni Mark Andrew at pag-update sa page nito.

Ipinakita ni Elrik ang video. “Heto o! Nag-back up pa nga kami.”

Halos lumuwa ang mga mata ni Paolo. “Kagabi lang in-upload pero one thousand na ang shares.”

“And counting,” dugtong ni Andrea na mukhang namapak ng ampalaya. “Para ba saan ‘yang video na iyan?”

“Para iyan sa muse niya, kay Sylvie,” sabi ni Paolo at inilahad ang palad sa direksyon niya.

“Para sa akin?” naguguluhang tanong niya at itinuro ang sarili. “Bakit ako?”

“Gusto talaga niyang makabawi sa iyo at sa Smokey Mountain. Masyado mo daw dinibdib na di iyon ang napili ng group ninyo sa presentation. Kaya gagawin daw niya ang lahat para maipakita ‘yung galing ng Smoke Mountain at ang mensahe ng mga kanta nila. Di daw niya binalewala lahat ng natutunan niya sa report sana ninyo.”

“Ikaw pa ngayon ang sikat. You don’t even need it or want it,” mapaklang usal ni Andrea.

“Isn’t he so sweet?” kinikilig na sambit ni Andrea. “Tapos ipinakita pa niya sa mundo kung gaano ka kaimportante. Di kayo bagay pero nakakakilig pa rin ang sweetness ni Knight.”

“Aanhin ko naman ang marami niyang likes at shares? Maita-translate ba iyon sa grades?” nanlalaki ang mata niyang tanong. “Madadagdagan ba ako ng points sa activity ko? Hindi ba hindi naman?”

Magaang hinampas ni Shannah ang balikat niya. “Wala ka talagang appreciation sa katawan kahit na kaunti? Kainis ka. Buti nga bumabawi sa iyo si Knight.”

“Masyado kang matayog, girl. As if naman mas mataas ka sa aming lahat. Ganda ka? Pia Wurtzbach level? Diyosa gaya ni Liza Soberano?” nakataas ang kilay na tanong ni Andrea. “Umarte ayon sa ganda.”

“Ang daming inggit na inggit sa iyo. Alam mo ba na di basta-basta nagpo-promote si Knight? Sincere naman siya sa ginagawa niya para sa iyo,” anang si Paolo na nalungkot sa reaksyon niya.

“Di ko naman hiningi ito kay Lancelot. Bakit parang utang na loob ko? Hindi nia nagawa ang hiningi ko nang time na kailangan ko siya. That’s water under the bridge now. Di ko kailangan ito,” aniya at bahagyang umingos.

“Kami na lang next time ang magtataguyod ng artist na gusto ni Lancelot. Hindi ako magiging ungrateful. Promise,” hirit pa ni Shannah.

Nagpalam siya sa mga ito dahil wala siyang oras para ipagtanggol ang sarili sa mga ito. Siyempre sa #TeamKnight ang mga ito dahil si Lancelot naman ang palaging bida. Ano naman ang laban niya?

Pagpasok niya sa headquarters ng The Newsmaker, halos nandoon na ang lahat ng staff. Di pa naman siya late pero parang siya na lang ang hinihintay. Pero natigilan siya sa pagpasok nang makita ang isang nilalang ang di naman dapat kasali sa mga doon - si Lancelot.

Kumaway ito sa kanya. “Sylvie, kanina ka pa namin hinihintay. Dito ka na maupo sa tabi ko,” anito at inalis ang bag nito na nakapatong sa upuan.

Sa dinami-dami ng tatabihan niya, si Lancelot pa. Wala naman siyang magagawa dahil iyon na lang ang bakanteng upuan na sinadya nitong ireserba para sa kanya. Bahagya lang ngumiti para sa benefit ng ibang nasa kuwarto.

Umupo si Sylvie sa tabi nito. “Salamat. Ano palang ginagawa mo dito? Di ko alam na part ka ng Newsmaker.”

“Nag-kontribute ako ng short story. Dalawa.” At nakangisi pa nitong itinaas ang dalawang daliri. “Tapos pinapunta nila ako dito para sa meeting. Siguro pumasa na ‘yung short stories ko kaya ganoon”

“S-Siguro nga.”

Di na niya magawang ngumiti sa pagpkakataong ito. Naalala niya ang kasunduan nito at ni Roumel - kailangang magsumite ni Lancelot ng limang articles para sabihin ang mga “sekreto” daw tungkol sa kanya. Akala niya noong una, susukuan na siya ni Lancelot. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang seryoso ito.

“So, napanood mo na ba ‘yung video ko?” tanong ng lalaki

“Anong video?” inosenteng tanong ni Sylvie.

“’Yung music video ko kasama ang mga kaibigan ko. It is trending right now.”

Walang emosyon ang mukha nang tingnan ito. “No. Dapat ba akong maging interesado?”

“Of course. Tungkol iyon sa…”

“Shhh! Magsisimula na ang meeting,” saway niya dito at tumuro kay Roumel na editor in chief ng The Newsmaker at sa teacher adviser ng school paper. Ayaw niyang tungkol dito ang maging usapan.

Tumahimik naman si Lancelot at nakinig sa discussion. Mukhang interesado naman ito kahit contributor pa lang ito. Maaring sa sarili nitong nobela ito ang bida pero pagdating sa The Newsmaker, isa lang ito sa bubuo ng diyaryo. Hindi nito pwedeng angkinin ang lahat ng karangalan.

“Of course, we are happy to welcome Knight. Nag-contribute na siya ng article sa atin sa kabila ng hectic schedule niya,” anunsiyo ng teacher niya. Sinenyasan ito na tumayo. “At kailangan natin ng pwersa ng The Newsmaker para sa nalalapit na event ni Knight. Inaprubahan na ng director ang talk niya.”

“Talk?” nakataas ang kilay niyang tanong. “Niya? Para saan?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.