A Clash With the Knight 1 and 2 Chapter 56

“Wag ako pagsabihan mo. ‘Di ako ang bully dito at sinungaling,” angil ni Abegail. Kung tutuusin ito ang bayani ngayon pero dama pa rin niya ang kapaitan nito sa maling bintang dito. Sa palagay niya, higit itong nasaktan sa ginawa ni Roumel. Naalala niya kung paano itong tratuhin ng ibang estudyante na outsider at sampid dahil galing ito sa squatter’s area. Naging malapit ito kay Roumel kaya masakit na mapagbintangan nito.

“Abegail, calm down. Kaya nga nandito tayo dahil naniniwala ako sa iyo,” malumanay na sabi ni Mr. Malvarosa. “At hindi ko ito-tolerate ang ganitong ugali lalo na sa anak o pamangkin ko. Aiona, hindi kita pinalaki para maging bully.”

Humikbi si Abegail. “Uncle, I told you I already apologized to Sylvie.” Nagmamakaawa siyang tiningnan ng babae. “Okay na tayo, right? You’ve forgiven us. Kaharap pa natin si Knight no’n. We only did it to protect Knight.”

Sorry na di naman sincere. Sorry na parang jina-justify pa ang mali. Hindi naman totoo ang sorry nito. Pero nagkasundo na sila ni Lancelot. Ano ba ang tama? Paano kung magalit ang lalaki sa kanya kapag idiniin niya ang Sassy?

“Knight, Roumel, alam n’yo ang tungkol dito pero hindi ninyo ini-report ang pambu-bully kay Sylvie. Sylvie, you could have told your parents. Pwede ka naman naming tulungan. And Abegail, pwede mong sabihin sa akin ang tungkol dito…”

“At para po baligtarin lang sa huli? Sino ba naman ang maniniwala sa akin samantalang paborito sa buong school ang kinakalaban ko?” sabi ni Abegail na pinutol ang sinasabi ng guidance counselor.

"We decided to settle it ourselves. Like adults. Nag-sorry po sila kay Sylvie. Tinanggap naman niya. I don't condone violence. Pero inaangkin ko po ang responsibilidad sa nangyari. Kung kailangan pong parusahan din ako, tatanggapin ko po,” puno ng sinseridad na wika ni Lancelot.

Mabilis na ginagap ni Sylvie ang kamay ng lalaki. “Hindi naman ako papayag na maparusahan ka. Di naman ikaw ang nag-utos sa kanila na ikulong ako sa restroom.”

“Pero tama si Miss Pedroza. Dapat ini-report ko ito kung concern ako at di ko ito tino-tolerate,” katwiran naman ni Lancelot. “Parang kinunsinti ko na rin sila.”

“No! Kami lang po ang parusahan ninyo, Miss,” pagmamakaaawa ni Mindy. “Inosente po si Knight dito. Kami po ang may kasalanan.”

"Kusa po naming ginawa iyon,” pag-amin ni Aiona na patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata. “Nag-sorry na po kami.”

"Ginawa po ni Lancelot ang lahat para protektahan ako. Hindi po patas na maparusahan siya,” sabi ni Sylvie. “Ako po ang biktima. Ako ang dapat na nag-report sa inyo. Umamin na po ang Sassy sa ginawa nila sa akin. Kayo na po ang bahalang magdesisyon kung ano ang tama.”

Tumango ang guidance counselor. “Girls, alam ninyo na dapat natin itong ipaalam sa mga magulang ninyo. Gusto namin silang makausap tungkol sa behavior ninyo.”

“Please don't tell our parents about this. I... I will miss my chance to study in Seoul,” sabi ni Mindy na magkasalikop ang palad. “Lahat ng pinaghirapan namin mawawala na lang. How about our future?”

“Sana naisip ninyo ang future ninyo bago ninyo ikinulong si Sylvie sa restroom, tama?” malumanay pero may kasamang latay ang pagkakasabi ng guidance counselor.

"C-Can we let this pass? We've been exemplary students ever since. Sana po pagbigyan na ninyo kami. I have a new Kate Spade bag, Miss. I think you will like it,” apela pa ni Ariane.

“Grabe! Grabe! Manunuhol pa o! Baka nga di ito ang unang beses ninyong nam-bully pero pinapalampas lang dahil mayayaman kayo o kaya nanunuhol. Nakakahiya sa totoo lang,” usal ni Abegail at tinapik ang sariling kandungan.

“You have to face the consequences. At dapat malaman ng parents ninyo kung ano ang ginawa ninyo. Alam ba ninyo kung ano ang bullying? Kung pababayaan ba ito, mas gusto ninyo na magulang ninyo ang mag-suffer?” tanong ng guidance counselor.

“I agree. Bilang tumatayong magulang ni Aiona, dapat maintindihan niya na may karampatang parusa ang mga pagkakamali niya. Hindi lahat maidadaan sa simpleng sorry lang,” ani Sir Marcel at bumaling sa kanya. “At gusto kong humingi ng paumanhin kay Sylvie. Mali ang ginawa sa iyo ng pamangkin ko at ng ng mga kaibigan niya. Titiyakin ko na hindi na uulitin ni Aiona ang ginawa niya sa iyo.”

“Thank you po, Sir,” usal ni Sylvie at ngumiti. Di ito katulad ng ibang magulang na kinukunsinti ang ginagawang mali. “Salamat din po kay Abegail na tumulong sa akin. I am sure you are proud of her.”

“Maliit na bagay,” nakangising usal ni Abegail.

“The gangster princess is now a heroine. How nice,” maasidong komento ni Aiona. Pakiramdam talaga ni Sylvie hindi ito sinsero sa paghingi ng tawad. Nag-sorry lang ito dahil kaharap si Lancelot.

“Maglinis ka na lang ng restroom gamit ang toothbrush para mapagbayaran mo naman ang mga kasalanan mo. Kuda ka pa nang kuda diyan,” pambabara ni Abegail dito.

“No. I’m fine with suspension,” apela ni Mindy. “Di ako maglilinis ng restroom. Hindi ako bagay doon.”

“Suspension is too much. Ayaw naming may ma-miss kayong klase,” paliwanag ni Miss Pedroza. “Para dito, community service at counseling ang iginagawad namin sa nag-commit ng bullying.”

"Bakit kami lang ang parurusahan? Ipinahiya ni Sylvie si Knight sa mga tao. She should be penalized as well,” apela ni Aiona.

Umalma na si Sylvie sa pagkakataong ito. Di talaga ito titigil hangga’t di nakakapagdamay ng iba. "Nagsabi lang ako ng opinyon ko na normal na kalakaran lang sa Bright Minds Academy. That is a far cry from bullying."

"She's right. I am sorry, girls. You have to face the consequences of your actions.Ipakita ninyo na sinsero kayo na bumawi. Na kaya ninyong magpakumbaba at bumawi sa pagkakamali ninyo. Twenty hours of community service on your first offense and counselling every week for two months. Ipapatawag din namin ang mga magulang ninyo para ipaliwanag kung ano ang nangyari.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.