A Clash With the Knight 1 and 2 Chapter 57

“I am sorry for what my niece did. Hindi tama ang ginawa ni Aiona at gusto kong malaman mo na di ko siya kinukunsinti,” sabi ni Mr. Marcel Malvarosa nang makausap si Sylvie. “Nahihiya ako sa inasal niya at ng mga kaibigan niya. At gusto ko rin na personal na makausap ang magulang mo para humingi ng tawad. Ilang beses na kaming nagkasama sa event ng mga magulang mo. Tapos pamangkin ko pa ang mambu-bully sa iyo.”

Nauna nang bumalik sa kuwarto ang Sassy sa kahihiyan. Hihintayin na lang ng mga ito ang schedule ng community service. Naiwan pa sila nila Lancelot para kausapin si Mr. Malvarosa, si Abegail at si Roumel sa cafeteria.

“Thank you, Sir. I really appreciate iy,” sabi ni Sylvie. May mga magulang kasi na wala na sa lugar ang pang-I-spoil sa mga anak. Kahit mali kinukunsinti pa. Kahit saan naman yata saan may ganoon. Kaya nagpapasalamat siya kapag may mga magulang o guardian na itinutuwid ang pagkakamali ng mga anak.

“I am sorry as well, Sylvie. Magkaibigan tayo at dapat pinrotektahan kita. Nahihiya ako na wala man lang akong nagawa para sa iyo,” anang si Roumel na di siya matingnan sa mga mata. “Ako ang dapat na nakakaalam ng tama pero wala akong ginawa. Parang kinunsinti ko pa sila Aiona.”

“Kinunsinti mo naman talaga,” pasaring ni Abegail.

“I am sorry, Abegail. I didn’t mean to hurt you.”

“Sorry mo mukha mo,” angil ng dalaga dito na parang maiiyak. Nasaktan talaga ito dahil hinusgahan agad si Abegail at naniwala kay Aiona. Sa palagay niya may gusto si Abegail sa kaibigan kaya ganoon ito kung umasta.

“Ano bang gagawin ko sa iyo para makabawi?” tanong ni Roumel at dumukwang pa dahil nasa kabilang bahagi ng mesa.

“Sa uwian n’yo na pag-usapan iyan. May klase pa kayo.” Kinamayan siya ni Mr. Malvarosa. “I hope we will meet on a much better circumstances next time.” Kinamayan din nito si Lancelot. “Ikaw din, hijo.”

Naalala ni Sylvie ang banana loaf bread na baon niya. Inilabas niya ang isang loaf na para sa kanya at ibinigay kay Abegail. “Para sa iyo. Pasensiya na ito lang ang maibibigay ko. Pero thank you sa pagliligtas mo sa akin.”

Masayang tinanggap iyon ng babae. Nagniningning ang mata nito na parang mamahaling regalo ang ibinigay niya dito. “Uy, salamat! Mukhang masarap ‘to. Buti ka pa nakaka-appreciate. Hindi katulad ng iba diyan,” pasaring na naman nito kay Roumel na tiningnan nito ng matalim.

“Di mo naman pinamigay ‘yung banana loaf ko ‘no?” anitong pasimpleng sinisilip ang baunan niya na nasa bag.

“Ano ka? Kinuha mo na ‘yung sa iyo,” aniya at magaan itong siniko.

“Ipinamigay mo na ‘yung sa iyo. Hati na lang tayo.”

Lumingon siya sa likuran kung saan ihahatid ni Roumel si Abegail sa room pero hindi nagkikibuan ang mga ito. “Sa palagay mo magiging okay lang sila?”

“Anong mararamdaman mo kung ‘yung taong gusto mo iba ang kinampihan tapos ikaw pa ang pinagbintanangan na may ginawang mali?” tanong ni Lancelot.

“Masakit. Inaalala mo ba ang sasabihin ng Sassy at ng admins mo kapag nalaman nilang kumampi ka sa akin?”

“Inaalala mo pa rin ba iyan? Sabi ko sa iyo, ako ang bahala sa mga kaibigan ko at supporters ko. Doon lang ako sa alam kong tama. Sa kaiiwas ko na masaktan ang iba, hindi ko ini-report ang Sassy. Si Abegail pa ang nag-report sa tatay niya. Pero nangako ako sa iyo na babawi ako.”

“Ang alam ako, ako ang dapat na babawi sa iyo.”

Wala pa ang teacher nila para sa unang subject. Tumabi agad si Lancelot sa tabi niya. Napansin agad niya ang pagtutok ng mga mata ng Sassy dito. Parang maiiyak ang mga ito nang makitang katabi siya ni Lancelot.

Itinulak niya ang balikat ng lalaki. “Uy! Doon ka na sa upuan mo.”

“Mas gusto ko dito sa tabi mo. Di ba admin kita?”

“Admin. Di mo ako personal na alalay o yaya or whatever. Huwag mong iwan ang mga kaibigan mo dahil sa akin. Sana walang magbago sa inyo. Naparusahan na nga sila dahil sa pagtatanggol sa iyo, iiwanan mo pa sila. Ayokong maramdaman nila na iniwan mo sila sa ere dahil sa akin. Mas malupit na parusa iyon kaysa maglinis ng maduming restroom gamit ang toothbrush. They adore you.”

“Paano ka naman?”

“Okay lang ako dito Walang kakanti sa akin.” Sanay naman siyang mag-isa.

Kinalabit nito ang kaklase nilang si Albert na madalas ay tahimik lang. “Tawagin mo ako kapag may nang-away kay Sylvie.”

“S-Sige, Knight. Ako ang bahala,” sabi naman ni Albert at nagsususpetsa silang pinagmasdan ng binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.