Naka-pack na lahat ng pagkain nang dumating ang SUV nila Lancelot. Ang ama nito ang nagmamaneho. Muntik na siyang atakihin sa puso dahil pinakatitigan siya nito nang bumaba ng sasakyan. Seryosong-seryoso ang dating nito at mukhang pormal kahit nakasuot ng white polo sirt at khaki pants.
“Parents ko po, Tita,” pakilala ni Lancelot sa mga magulang. “Si Sylvie po, classmate ko at ang editor-in-chief ng newsmaker na nakilala n’yo na po dati.”
Hindi niya alam kung paanong ngiti ang gagawin niya at kung gusto siya nitong makilala. “Nice meeting you, Sir, Ma’am,” aniya at kinamayan ito.
Hinalikan siya ng ina ni Sylvie sa pisngi. “Hello, dear. I heard so much about you. Hindi pa kita pormal na nakilala.”
Ngumiwi siya dahil alam niyang di magaganda ang narinig nito. “It is a pleasure meeting you, Sir, Ma’am. At gusto ko pong mag-apologize sa nangyari sa talk ni Lancelot dati. Sana po hindi ganoon kaatribida ang tingin ninyo sa akin. May ipinaglalaban lang po ako.”
Magaang tumawa ang matandang babae. “No need to worry. That is between you and my son. At mukhang magkasundo na kayo ngayon. He adores you and I love his pictures that you took.”
Inabutan ito ng ina ng kahon ng cupcake. “Oh! Nagbukod din ako ng cupcake para sa inyo. Nagpapasalamat ako dahil Pinagkatiwalaan ni Lancelot ang anak ko para maging official photographer niya at page admin.”
”That’s nothing. Nalaman ko na si Sylvie ang responsable sa bagong topics na pinagkaka-interesan ng anak ko at isine-share niya sa page niya. Sa wakas, may interes n siya sa politics at social issues. May nai-contribute na siya sa diskusyon namin kasama ang mga tito at pinsan niya. Mukhang magandang impliwensiya siya sa anak ko,” nakangiting sabi ni Sir Arnulfo, ang ama ni Lancelot.
“Ako lang po ang handler ng page,” paglilinaw ni Sylvie. “Si Mark Andrew po talaga ang nagsulat ng mga iyon, dating estudyante ng Bright Minds Academy .”
“Unfortunately, he died while saving a friend from drowning. How sad. I am sorry about that, hija,” malungkot na usal ng matandang lalaki.
“Buhay pa rin po siya para sa amin basta may nagbabasa ng mga gawa niya. At malaki po ang naitulong sa akin ni Lancelot para I-promote ang gawa niya. Naintindihan po kahit ng mga ordinaryong estudyante lang dahil na rin sa mga review na ginawa niya at sinimplehan niya ang paliwanag,” papuri niya sa binata. Epektibo nga na gumawa ito ng sariling interpretasyon sa mga artikulo ni Mark Andrew. Alam talaga nito kung paano makuha ang interes ng masa.
Tinapik ni Sir Arnulfo ang ibabaw ng ulo ni Lancelot. “Sa wakas naman at nagamit na niya ang kasikatan sa tamang paraan. Iyan ang pangarap ko para sa anak ko. I am sure kung ganyan siya kagaling, baka iniisip na niya kung paano maging abogado o doktor o diplomat at magaling na politician. Sa wakas nagkakaroon na rin siya ng tamang direksyon.”
Napansin niya ang lungkot sa ngiti ni Lancelot habang pinupuri ito ng ama. Bakit ganoon? Hindi ba masaya ang tatay nito sa mga narating nito? “He has his own talent and he is a good person. At kung may kakulangan man po si Lancelot dati, alam ko na ginagawa niya ang lahat para mag-improve. Marami siyang napapasayang tao sa libro niya. I am sure you are proud of him.”
Napangiwi ang matandang lalaki na mukhang di sang-ayon sa mga sinabi niya. “Just keep on being a good influence to him. Sigurado ako marami siyang matututunan sa inyo. Hindi na kami magtatagal na mag-asawa. I have to be in Tagaytay in a couple of ours. Kayo na ang bahala sa anak ko.”
“Yes, Sir. Tiyak po na mag-e-enjoy kami kasama ang mga bata,” ani Roumel.
Isang beses pang ginulo ng matandang lalaki ang buhok ni Lancelot na parang batang paslit. See you at home, son.”
“NATAHIMIK ka diyan. Inaantok ka ba?” puna ni Sylvie kay Lancelot habang bumibiyahe sila papunta sa bahay ampunan. Nakasakay sila ang van ng publication at sinundo ang mga kaibigan ni Lancelot sa dating eskwelahan. Sila lang ni Roumel ang taga-Bright Minds Academy sa van. Nakasakay sa sariling coaster ang mga schoolmate nila.
Excited siya sa pagpunta nila sa ampunan para masakama ang mga batang ulila. Sa halip daw kasi na magarbong birthday party mas pinili ng publisher na mag-celebrate sa bahay ampunan. Malapit daw ang puso nito sa mahihirap dahil lumaki rin ito sa hirap. Nagtaka siya nang sa halip na makigulo, tahimik lang si Lancelot. Hindi siya sanay na wala itong masyadong energy.
“Wala lang. Naisip ko lang si Papa,” sabi nito habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. “Parang dismayado siya na maging anak ako. Parang wala na akong ginawang tama sa kanya. Kahit anong gawin ko, palaging kulang.”
“Hindi naman siguro. Di mo ba nakita kung gaano siya kasaya nang malaman niyang sinusubukan mong mag-discuss ng social issues? Na gusto mong I-engage ang readers mo sa mas may lalim at relevant na discussion.”