A Clash With the Knight 1 and 2 Chapter 9

“So what is your type?” tanong ni Lancelot.

Nahigit ni Sylvie ang hininga. Di agad siya nakasagot dahil di niya inaasahan na tatanungin nito sa kanya. Iniwas niya ang tingin dito. Feeling close? “It is not important.”

“Bakit puro “not important” ang sagot mo?” tanong ni Lancelot.

“Hindi mo naman kasi kailangang malaman,” anang dalaga nang makabawi. “Wala namang relevance sa buhay mo. At di ko rin naman kailangang sabihin. Di mo naman ako kilala at wala akong relevance sa buhay mo.”

“I intend to get to know you better. I find you interesting.”

Gulilat siya sa walang gatol na linya ng lalaki. Matagal na panahon nang may nagka-interes sa kanya. Ano naman ang interesante sa kanya?

“Interested ka ba na maging member ng The Newsmaker? You would be a great addition to the team,” sabi ni Roumel na humalo sa usapan nila.

“Sasali ako kung malalaman ko siguro ano ang type ni Sylvie,” anang lalaki at kumindat pa.

Malapad ang ngiti ni Roumen dahil doon “Alam ko. Sasabihin ko sa iyo kung makakapagpasa ka ng articles at mapa-publish sa The Newsmaker. Mga lima siguro.”

Napanganga si Sylvie. Tama ba ang narinig niya? Ang laging seryoso at propesyunal niyang editor-in -chief, siya ang ipapain para lang makuha si Knight sa grupo nila?

“Talaga? Kailangan ko na sigurong simulang magsulat ng article para sa school paper,” anang si Lancelot.

Gusto sana niyang sabihin na biro lang iyon. Na di nito dapat seryosohin. Pero lumapit dito si Ehra at iginiya palayo. Kausap ng teacher-adviser ng The Newsmaker ang magulang ng lalaki para ipakita ang accomplishment ng grupo nila.

Hinila ni Sylvie si Roumel sa isang tabi. “Why are you selling me out?" angil ng dalaga. "That is so low.

“O! Akala ko ba sa tingin mo di naman siya magaling. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya, sa palagay mo ba pag-aaksayahan ka niya ng panahon? Makakalimutan din niya iyan. No offense meant."

“None taken." Napaisip siya at itinapik ang paa. "May point ka. Bakit naman siya magpapakahirap sa akin sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya? Nakatuwaan lang siguro ako no’n. Saka kahit naman malaman niya kung anong lalaki ang type ko, di rin naman siya iyon."

“Just be nice to him. Kaysa mapunta siya sa ibang club mas mabuting dito na lang. Mas marami ang magkaka-interes na magbasa ng articles natin dahil sa exposure na ibibigay niya. Wala tayong talo. Hindi ba gusto naman natin na makarating sa mas malawak na audience ang mga gawa natin? We've been having problem getting the mass' attention. Educate them and show them that there is more to life than soppy dramas."

Marahan siyang tumango. Bahagi ng misyon niya na mas maraming magka-interes sa mga paksang tinututukan nila. Sa kasamaang-palad, di nila makuha ang kiliti ng masa. Pero makakatulong ba talaga si Knight sa kanila? Paano kung ito mismo wala namang interes sa mga topic nila?

Ipinilig niya ang ulo. Bahala na. Gusto na lang niyang matapos ang coverage na iyon at nang makabalik na siya sa normal na buhay. Kailangan na lang niyang kuhanan ng picture si Knight na pumapasok sa bagong klase nito at malaya na siya. Baka di na sila magkita ulit malibang magkasalubong sa corridor ng classroom o kapag may school program.

Hatak-hatak na agad ni Ehra ang lalaki at nauna na sa paglalakad. "Come. Mauuna ang classroom namin. Tingnan mo muna at ipapakilala kita sa classmates ko..."

"Nakaka-istorbo sa klase," paalala ni Sylvie.

"I am sure a disturbance like Knight would be very much welcome, grandmother," kantiyaw ni Ehra sa kanya. Iyon ang tawag sa kanya ng mga kaklase dahil masyado daw siyang istrikto sa mga patakaran at hindi siya marunong mag-enjoy.

Excited na hinila ng babae si Knight at kumatok sa pinto. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa principal kung pwedeng mang-istorbo ng klase nila. Na parang karangalan pa na bubulahawin ni Knight ang klase nila.

“Ma’am, excuse me po, someone wants to visit our class,” kinikilig pang sabi ni Ehra. “Knight, meet our class adviser, Mrs. Castillo. She’s our Filipino teacher.”

Si Knight pa mismo ang lumapit at kinamayan ang guro nila. “Magandang umaga po, Ma’am. Ikinagagalak ko po kayong makilala. Salamat po kasi isa kayo sa nag-interview sa akin noon kung naalala ninyo. Ipinasa ninyo ako.”

Umaliwalas ang mukha ng kadalasan ay istrikta at masungit na si Mrs. Castillo. “Oo, naalala kita. Sabi ko sa iyo noon may potensiyal ka na maging magaling na manunulat kung gugustuhin mo. Kita mo nga naman sikat ka na.” Humarap ito sa klase. “Batiin ninyo ang bago ninyong kamag-aral na si Lancelot Valdrez pero mas kilala siya bilang Knight.”

Kaklase? Hindi schoolmate lang?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.