May dumating na media upang mag-usisa sa nangyaring aksidente kasunod ang ilang mediko upang mabigyang lunas ang biktima. Payapang sumunod lamang si Zeke ng dalhin sa pinakamalapit na hospital. Nanatili naman siya sa tabi ng binata at alam niyang sa mga oras na iyon ay hindi na naman siya nakikita ng iba.
Nakita rin niya ang iba pang usyuserong kinukuhanan ng mga larawan sa iba't-ibang anggulo ang sasakyan. Naniniwala siyang mabilis makakarating sa kaalaman ni Aubrey ang aksidenteng iyon.
Matagal na nakayakap lamang si Lester kay Zeke sa loob ng ambulansiya. Normal na ang takbo ng paligid subalit hindi si Lester. Abnormal pa rin ang tibok ng puso niya at pakiramdam.
“Ano ng gagawin natin Zeke?” pabulong na tanong ni Lester makaraang mahimasmasan sa nangyari.
“Shhh...”
Tumahimik siya matapos pahintuin ng binata sa kanyang pagsasalita.
Hindi nagtagal ay dumating sila sa hospital at nilinis ang sugat sa ulo ni Zeke. Sinuri din ang buo niyang katawan upang alamin pa ang ibang pinsala. Subalit ang nasa record ng binata ay Lester Wang.
Nakahiga si Zeke sa stretcher sa emergency room habang sinusuri ng Doctor ang buong katawan. Habang siya'y nakatayo lamang sa katabi ng binata. Hindi niya inaalis ang titig sa nakahigang pasyente.
Matapos linisin ang sugat ay dinala si Zeke sa x-ray room upang isailalim sa skull x-ray upang alamin ang pinsala sa ulo niya. Tahimik lamang na naglakad si Lester sa tabi ng umaandar na stretcher habang nakahawak sa kamay ni Zeke.
Biglang kinilabutan si Lester. Pakiwari niya'y isa na lamang siyang kaluluwa at nahiwalay siya sa kanyang katawan dahil ang kanyang sarili ang nakikita niyang nakahiga at sinusuri.
Mahigpit niyang hinawakan ang palad ni Zeke. Nanlalamig siya sa nakikita.
Samu't-sari ang dumaloy na alalahanin sa kanyang isipan.
Paano kung namatay nga siya?
Paano na ang kanyang ina?
Paano na ang mga pangarap niya?
At paano na ang kanyang...
Napalunok si Lester. Nanuyo ang kanyang lalamunan. May mga sari-saring dumaloy na alaala sa kanyang imahinasyon. Malabo iyon at maingay. May humahalakhak, umiiyak, at sumisigaw sa kanyang pangalan. Hindi niya maunawaan ang nakikita. Malabo ang mga mukha at pangyayari.
Sinapo niya ang ulo. Parang mabibiyak iyon sa tindi ng sakit.
“Lester! Are you ok?!”
Narinig niya ang tinig ni Zeke sa kanyang tainga. Bumaling siya sa lalaking nakahiga pa rin sa stretcher, nakatitig ang lalake ng matiim sa kanya at puno ng pag-aalala. Walang lakas na tumango lamang siya upang ipaalam na maayos ang kanyang pakiramdam.
Matapos masigurong walang malubhang peligro kay Zeke, sumuray siyang naglakad patungo sa pinakamalapit na upuang naroroon sa x-ray room. Mahapdi pa rin ang kanyang ulo. Pumikit siya at sumandal sa upuan.
Ilang minutong nasa ganoong posisyon lamang si Lester. Tumayo siyang muli ng ibalik si Zeke sa emergency room.
Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang tiyuhin.
“Lester! Anong nangyari? Paano ka naaksidente?!” aligaga ang matanda sa kanyang pagtanong. Halata ang pag-aalala sa tinig ng tiyuhin.
Lumapit si Lester sa kinahihigaan ni Zeke. Hinawakan niya ng mahigpit ang palad ng binata.
“Tito, I'm fine now, don't worry.”
Bumalik ang doctor, marahil ay upang ipaliwanag ang resulta ng ginawang pagsusuri kanina. Subalit kataka-taka ang pagkamangha sa mukha ng doktor habang nakatingin kay Zeke na mukhang si Lester.
Ang hindi pa katagalang benda sa ulo ni Zeke ay binuksan ng doctor na tila ba may gustong siguraduhin.
“Mr Wang. I am very sure of the heavy injury in your head earlier. I saw it with my own eyes. The cut in your left upper head caused by the broken window glass of the car was deep. However...” Binuklat ng doctor ang dalang report paper at binasa upang makasiguro sa sinasabi bago nagpatuloy, “Based on the results, your wound was healed quickly and almost nothing left even a single scar on it! That's why I checked your wound just now to make sure of the result.”
Nalaglag ang panga niya sa sahig.
Nagkagat-labi naman si Zeke.
Nagpatuloy ang doctor, “Your ribcage was also deformed due to the huge impact of your body into the steering wheel, however, the results show that you are completely fine! How is this possible?!”
Maging ang kanyang tiyuhin ay nagulat din sa sinabi ng manggagamot. Sino ba namang hindi magugulat sa ganoon? Kung siya ngang alam niya na ibang nilalang si Zeke ay nagulat pa rin eh.
Biglang bumangon si Zeke at humarap sa tiyuhin niya at sa manggagamot at sa kasamang nurse.
“Listen to me...”
Zeke casts a spell!
“Oublie ce que tu vois. Oubliez ce que vous entendez. Je suis blessé.”
[Forget what you see. Forget what you hear. I am injured.]
Bumalik sa higaan si Zeke at tila nalimutan nga ng manggagamot ang sinabi kanina!
“Your head was injured Mr Wang. The blood already stopped and your wound was cleaned already. But we will do a skull x-ray again after twenty-four hours.” Bumaling ang doctor sa kanyang tiyuhin at nagwika, “You can bring your nephew on the ward now. He's out of danger but we need some check ups for the entire twenty-four hours to make sure his safety.”
“Thank you, Doctor.” magalang na tugon ng kanyang tiyuhin.
Umalis na ang doctor at ang kasamang nurse.
“Aayusin ko muna ang bill upang mailagay ka sa ward Lester. Huwag ka munang maggagalaw diyan upang hindi kumirot ang sugat mo,” pagkawika'y nagmamadali ng lumabas ng silid ang matanda.
“Ok, Tito.” pahabol sagot ni Zeke.
Pinagmasdan niya ang binata. Nakita niya ang ginawa ni Zeke kanina subalit may katanungan pa rin sa kanyang isipan.
“Inalis mo ba ang kanilang ala-ala?”
“Yes. Hindi nila maaaring malaman ang katauhan ko.”
“Kung ganoon, bakit hindi ako apektado?”
Ngumiti si Zeke sa kanya at sumenyas na maupo siya sa tabi ng lalake. Sumunod naman siya.
Sumandal si Zeke sa kanyang balikat at mahinang bumulong, “Wala naman akong maitatago pa sa iyo. Anong silbing ilihim ang nangyari?”
Nanahimik siya at pinisil ang mga palad ng lalake. Kunsabagay ay may punto ang binata, hindi nga naman lingid sa kanya na hindi siya tao.
“Hindi ako magtatanong sa buo mong pagkatao subalit nakahanda ako anumang oras mo naising maisipan magtapat sa akin ng lahat lahat,” malamyos ang tinig niya, tanda na naiintindihan niya ang lalake.
“I will tell you, don't worry. Subalit lutasin muna natin ang problema kay Aubrey!”
“Yes! Ano nga ba ang problema ng tampalasang babaeng iyon? Nakakainit siya ng ulo.”
“Tss. Calm down.”
“Teka Zeke, ano ba talagang plano mo at sinadya mong maaksidente?”
“Simple. Para mas madali nating mahuli si Aubrey.”
Naguluhan siya sa sinabi ng binata.
“Paano kung naririto tayo sa hospital??”
Hindi niya maarok ang iniisip ni Zeke.
“Listen, ngayong iniisip ni Aubrey na may pinsala ka, mas bibilisan nila ang hakbang upang sukulin naman si Tito. Maaaring magpadala rin dito ng tauhan ang babaeng iyon upang tuluyan akong kitilan ng buhay. Ibibigay natin ang advantages sa kanya ng sa ganun ay mas maunawaan natin ang kanyang motibo.”
Naguluhan pa rin si Lester.
“Kung ganoon ay mag-aabang lamang tayo dito?! Paano natin siya mahuhuli kung ganun?”
“I am Zeke. Trust me.”
Hinagod ni Zeke ang kanyang buhok at hinagkan siya sa noo.
Nang bumalik ang kanyang tito, dinala si Zeke sa private ward ng ilang nurse.
Nang silang tatlo na lamang ang nasa silid, seryosong nagtanong ang tiyuhin kay Zeke na mukhang si Lester, “May kinalaman ba si Aubrey sa nangyaring ito, Lester?”
“Inaya niya ako kanina upang mananghalian. Pumunta kami sa Gemini restaurant upang doon kumain. Noong nasa parking lot na kami pagkatapos kumain, may natanggap siyang tawag ng emergency at pupunta raw siya hospital. Ihahatid ko sana siya subalit..."
Nagkatinginan sila ni Zeke.
“Ano?” tanong ng tiyuhin.
“Ngayon ko lamang napagtantong maaaring planado nga ang lahat at ang taxi na dumaan matapos niyang makatanggap ng tawag ay maaaring naroroon na bago pa man kami lumabas ng kainan!”
“Ang ibig mong sabihin ay nakaabang na iyong taxi ng may matanggap siyang tawag? Para bang get away car?”
“Exactly, Tito! Ganoon nga ang aking palagay. Siyanga po pala, may resulta na ba sa pagpapa-imbestiga mo sa dalawang sekretarya?”
“Inaantay ko pa ang tawag ni Guan Jin. Maaaring hindi pa nakakakalap ng impormasyon ang mga inatasan niya.”
Kinuha ng tito niya ang sariling cellphone at may idi-nial na numero bago mahinang nagsalita, “Kailangang malaman ni Zeke ang nangyari sa'yo Lester.”
Kring! Kring! Kring!
Nagulantang si Zeke na mukhang si Lester ng maramdaman ang pag-vibrate at pagtunog ng cellphone sa kanyang bulsa.
Maging si Lester ay nataranta.
Tulalang napatingin ang kanyang tiyuhin kay Zeke, matapos ay tinignan muli ang cellphone, tumingin ulit siya kay Zeke.
“Tama naman ang tinatawagan ko, Zeke Xiao naman ang nakalagay na pangalan sa cellphone ko. Bakit cellphone mo ang tumutunog?” maang na tanong ng tiyuhin kay Zeke.
“Huh? Nagkakamali po kayo, Tito. Si Lester po talaga ang tumatawag sa akin.” pangungumbinsi ni Zeke habang pinagmamasdan kuno ang sariling cellphone.
Mas lalong natulala at nagulantang ang tiyuhin. Pigil na pigil niya naman ang pagtawa.
“Hindi ba't ikaw si Lester?! Paanong si Lester ang tumatawag sa'yo?!”
Napanganga si Zeke. Palpak! Nagkamali siya ng sagot!
Nag-dial muli ang matanda, ngayon ang numero naman ni Lester ang tumunog.
Nataranta siya ng marinig ang tunog ng cellphone sa kanyang bulsa! Lalo pa't nakita niya ang pamumutla ng tiyuhin habang nakatingin sa kanyang direksiyon.
Hindi nga pala siya nakikita ng kahit sino maliban kay Zeke! Paktay!
“Mu-mu-mu-multo! Mayroong multo!!!”
Bago pa man makasagot ang nagulat na sina Lester at Zeke, humandusay na sa sahig ang matanda. Nawalan ito ng malay dahil sa nerbiyos.
Napalundag sa kama si Zeke at walang anumang binuhat niya ang matanda mula sa sahig na akala mo'y kasinggaan lamang ng papel at inilagay sa higaan.
Ninenerbyos na sinapo ni Lester ang noo ng matanda matapos ay pinakinggan ang tibok ng puso nito.
“Anong ginagawa mo? Nawalan lamang naman ng malay-tao si Tito, hindi namatay. Haha.”
Tatawa-tawa si Zeke sa nangyari.
Tinampal niya ng dalawang beses ang binata sa braso dahil sa nerbiyos, “Sira-ulo ka ba Zeke?! Paano kung may mangyaring masama kay Tito?”
Mahinang tumawa muli si Zeke matapos ay hinawakan ang kamay ng tiyuhin.
“He is safe. Don't worry.”
Iginala ni Zeke ang paningin na para bang may hinahanap. Matapos ay lumapit ito sa halamang naroroon sa ibabaw ng mesa sa gilid ng silid.
“Anong gagawin mo diyan?”
“Watch and learn...”
Pumutol si Zeke ng isang dangkal na sanga. Sinugatan niya ang kanyang daliri matapos ay pinatakan ng dugo ang sanga at itinapat sa mukha matapos ay nagwika, “Apparaître.”
[Appear]
Hinipan niya ang sanga at naglaho itong parang usok matapos ay unti-unting lumitaw ang kawangis ni Lester sa kanilang harapan!
Bumalik din sa kanyang hitsura si Zeke.
Ngayon ay may dalawa ng Lester sa loob ng silid. Ang isa ay nakikita subalit peke, ang isa naman ay hindi nakikita subalit totoo.
“Ano ang plano mo Zeke?!" naguguluhan niyang tanong sa lalake. Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang kanyang kamukha at wala itong ipinagkaiba sa kanya. Para bang kakambal niya ito o kahati ng kanyang sarili.
“Hindi kaya magkagusto ka diyan?” seryosong nakanguso si Lester sa kanyang kamukha habang nagtatanong kay Zeke.
“Hahaha! Sira-ulo! Hahaha! Palagay mo naman sa akin pumapatol sa sanga?!”
Hindi magkamayaw sa pagtawa ang tampalasang lalake hanggang mamilipit ito sa kakatawa.
“Pati ba naman sanga Lester, pinagseselosan mo? Hahaha!”
“Buang! Walang nagseselos! Makapal lamang iyang balat mo!”
Nagising ang Tito niya sa ingay ni Zeke.
“Oh Lester! Zeke! Bakit ako ang nakahiga dito? Hindi ba't ikaw ang may pinsala Lester?” takang tanong ng tiyuhin.
Humagalpak muli ng tawa si Zeke at gumulong na ito sa sahig kakatawa.
Namumula sa hiya si Lester na hinarap ang kamukha at inatasang kausapin ang tiyuhin.
“Tumayo ka nga diyan Zeke! Nababaliw ka na ba?”
Namumula pa rin ang kanyang mukha sa hiya. Nahihiya siya sa inaasal ng lalake.
“Haha.”
Tumayo si Zeke at pilit kinalma ang sarili matapos ay humakbang muli patungo sa tiyuhin katabi ang pekeng Lester.
“Ikaw na ngayon si Zeke. Huwag mong kalilimutan!” galit niyang bulong sa lalake.
“Tito, ngayong maayos ka na,” umpisa ni Zeke, “Bumalik ka na sa opisina at siguruhin mong malalaman ng mga tao doon na naaksidente si Lester.”
Bumaling si Zeke sa pekeng Lester, “Manatili ka dito Lester, magpapadala ako ng magiging bantay mo dito upang hindi makasalisi ang kalaban.”
Tahimik lamang na tumango ang pekeng Lester at humiga na ito sa kama.
“Ako ng bahalang mag-imbestiga sa nangyari Tito. Sa ngayon ay hindi ako maaaring makita ni Aubrey dahil ang alam niya nga ay naroon ako sa aming departamento. Balik tayo sa ating plano.”
Aligaga pa rin ang tiyuhin niyang iwanan siya sa hospital, “Hindi ako mapakaling iwan si Lester dito.”
“Trust me Tito. He will be fine here.”
Nag-aalala man ay sumunod na rin ang tiyuhin. Magkasama silang tatlong lumabas ng hospital at naiwan lamang roon ang pekeng Lester.
“Uuwi muna ako sa bahay, Tito, naroroon ang aking sasakyan.”
Pumara ng taxi si Zeke pagkaalis ng tiyuhin. Magkasama silang umuwi sa bahay ng kanyang tito. Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang silang dalawa hanggang makarating ng tahanan.
“Ano na ngayon ang plano mo Zeke?” tanong ni Lester pagdating nila sa bahay.
“I will take a bath and change first. Babalik tayo sa opisina. Bantayan mo kung tumawag sayo si Aubrey para ma-track natin kung nasaan siya ngayon.”
Magkasama silang umakyat sa itaas ng hilahin siya ni Zeke sa silid na inuukopa niya, “Remember, you're in the hospital. Dito ka muna sa silid ko.”
Lester, “...”
“Sasamantalahin mo na naman ang pagkakataon Zeke!”
“Haha. Relax baby. Wala na akong lakas. Nasaid mo kanina.” maharot na bulong sa kanya ni Zeke.
Namula siya ng kumindat ang lalake bago pumasok sa banyo.
“Manyakis.”
Humiga siya sa kama ng binata at narinig niya ang paglagaslas ng tubig sa banyo.
Muli niyang inalala ang mga nangyari sa araw na iyon. Hindi niya pa rin maiwasang hindi matakot sa naganap. Mabuti na lamang talaga at ligtas siya!
Hindi na siya makakapayag ngayon. Kailangan nilang gumawa ng konkretong plano!