Nagulantang si Lester ng tumunog ang kanyang cellphone. Bumangon siya upang dukutin ang aparato sa kanyang bulsa. Pangalan ni Aubrey ang rumehistrong tumatawag.
"Hello."
"Babe! Oh my God. Ngayon ko lamang nalaman ang nangyari sa iyo. Kumusta na ang iyong pakiramdam? Sinamahan ko ang aking pinsan sa kanyang operasyon sa matres. Pasensiya na at hindi ako makakapunta sa'yo ngayon."
Tumaas ang kilay niya. Napaisip siya sa galing umarte ng babae. Maaaring pangpelikula!
"I am fine. Nothing to worry about. I think hindi ko pa oras mamatay. Haha."
"Are you really fine, Babe?" mahinang tanong sa kabilang ibayo ng kawad.
"Yes. Bakit, inaasam mo bang mapahamak ako?" malambing niyang tanong sa babae.
"Of course not! What nonsense are you talking about?!" galit na tugon ng babae.
Hindi niya alam kung galit sa sinabi niya o galit dahil hindi siya nagtagumpay na patayin siya.
"Haha. Just kidding. Anyway, I'll wait for you when you have time. I'm in Saint Luke's Hospital. Alam mo na, I miss you."
Gusto niyang masuka sa pinagsasabi niya.
"I promise. I miss you too. Bye babe."
"Bye."
Naputol ang tawag. Hinagis ni Lester ang kanyang cellphone sa kama at nahigang muli. Ipinatong niya ang isang braso sa kanyang noo.
Malalim siyang nag-isip muli.
Paano ko nga ba naging kasintahan si Aubrey?
Kung sana'y naaalala niya ang lahat!
Wala sa sariling ginalaw-galaw niya ang magkapatong na paa habang nakapikit at nag-iisip.
Inalala niya ang buhay sa probinsya. Kung nananatili siya doon ay maaaring walang mga peligrong ganito siyang kinakaharap.
Tahimik na buhay. Payak na tahanan. Presko ang hangin maging ang mga pagkain.
Maliit pa ng mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente sa karagatan, siyam na taong gulang pa lamang siya noon. Inabot ng bagyo sa laot ang kanyang ama at hindi nakaligtas sa peligro matapos itaob ng malakas na hangin at alon ang sinasakyang bangka. Apat silang mangingisda subalit nakaligtas ang dalawa. Hindi pinalad ang kanyang ama sa sakunang iyon. Ang ipinagpapasalamat lamang nila ay tinangay sa dalampasigan ang katawan ng ama kaya naman nabigyan nila ng marangal na libing.
Nasa edad anim ay natatandaan niyang dinadala siya ng kanyang ama sa bukirin. May mga malulusog na pananim ang kanyang ama na mais, kamote, at iba pang halamang-gulay. Napakasipag ng kanyang ama. Hindi niya natatandaang nagutom silang mag-ina habang nasa poder ng ama.
Subalit sa tuwina, iniiwan lamang siya ng ama sa maliit na kubong naroon sa gilid ng taniman sa bukid. Siya ang tagahila sa mahabang tansi na may mga nakasabit na latang may bato sa loob. Nakahilera ang mga tansi sa ibabaw ng mga pananim. Ilang hilera iyon at napakaraming lata. Subalit magkakadugtong iyon at doon nakatali ang dulo sa maliit na bahay-kubo. Kaya naman nakaupo lamang siya doon habang hinihila ang tansi. Ang tunog ng mga latang iyon ay nagsisilbing pambugaw sa mga mapaminsalang uwak at iba pang hayop na umaali-aligid sa taniman. Habang ang kanyang ama ay abala naman sa pagbisita sa mga tanim.
Bumigat ang kanyang mga talukap...
Ilang linggo ng nakikita ni Lester ang isang lalakeng malungkot na nakaupo sa isang malaking putol na kahoy hindi kalayuan sa kubo. Mahaba ang puting buhok nito at napakakisig. Palagi niyang naiisip kung sino ang taong iyon at bakit malungkot ang kanyang mga mata. Subalit ni minsan ay hindi siya nagtanong sa ama. Baka kasi magalit si ama at paalisin ang lalaki doon. Wala naman itong ginagawang masama kundi ang maupo doon at magpalakad-lakad na tila balisa.
Ano kaya ang kanyang problema?
Sa tuwing nagagawi sa kubo ang tingin ng lalake ay hindi siya lumilingon. Ayaw niyang mahuli ng lalake na palagi niya iyong tinitignan. Napakakisig talaga kasi. Para siyang anghel sa lupa. Hihi.
Hanggang isang araw, katulad sa kinagawian, isinama siya ng ama sa bukirin. Subalit nagtaka si Lester, hindi niya kasi nasilayan ang makisig na binata doon na nakaupo sa putol na puno.
Naisip niyang baka umuwi na ito sa tahanan niya o di kaya'y naghanap ng ibang mauupuan at baka pagod na ang puwet sa kakaupo sa magaspang na balat ng puno.
Marami siyang iniisip at hindi siya mapakali. Bumaba siya sa kubo at nagtungo doon sa putol na puno. Nang makarating doon ay nagpalinga-linga siya subalit wala talaga ang lalake.
"Nasaan na kaya siya? Siguro nanakit na ang puwet niya sa kakaupo dito. Haha."
Hinaplos niya ang puno at nagwika, "Magaspang nga talaga. Siguradong masakit ito sa puwet!"
"Ako bang hinahanap mo bata?"
"Ay kabayo ka!" nabigla niyang sambit dahil sa gulat.
Napalingon si Lester sa kanyang likuran matapos marinig sa kauna-unahang pagkakataon ang napakagandang boses ng lalake! Nagmukha siyang duwendi sa tangkad ng lalake.
"Sa kisig kong ito, tatawagin mong kabayo?" nagtatampong wika ng lalake.
"Hindi ganoon iyon Ginoo!" ikinaway-kaway niya ang dalawang palad sa harapan at nagpatuloy sa paliwanag, "Isa lamang iyon sa bulalas ng pagkagulat."
Nakangiting yumuko ang lalakeng anghel upang makapantay ang kanyang mukha. Natulala siya sa sobrang kisig ng lalake. Hindi hamak na mas makisig ito sa malapitan!
Walang kurap na nakanganga lamang siyang nakatitig sa lalake.
"Laway mo bata, natulo na..." nanunuksong wika ng kaharap at pinahid ng lalake ang gilid ng kanyang bibig.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Lester. Pumunta yata sa bayan.
"Isa ka bang anghel?" hindi niya mapigilang mag-usisa.
Alanganing tao kasi ang kausap kung pakasusuriin. Kahit bata siya'y batid niya ang pagmumukha ng tao. Sabi nga ng maestrang narinig niyang nagtuturo sa unang baytang ng mapadaan siya sa eskuwelahan noong kasama siya ni ina, unggoy daw talaga ang unang tao sa mundo.
"Anghel? Bakit, alam mo ba ang mukha ng isang anghel?"
"Sabi noong maestra sa unang baytang, unggoy daw ang unang tao sa mundo. Sa tingin ko naman ay makisig ka ng sampung paligo sa unggoy. May alagang unggoy si Tatang Berting kaya alam ko ang hitsura noon," mahaba niyang paliwanag.
Tumawa ng tumawa ang makisig na lalake. Lalo siyang naging kaakit-akit sa kanyang paningin. Kaaya-aya talaga siyang pagmasdan.
"Ang pangalan ko ay Ezekiel. Isa akong engkanto at hindi anghel. Hahaha."
"Engkanto?? Magkaiba ba iyon sa tao?"
Ginulo ni Ezekiel ang kanyang buhok matapos ay umupo sa putol na puno at inakay siya paupo sa mga hita niya.
"Maupo ka sa aking kandungan."
Sumunod naman siya at sinuportahan ng bisig ng binata ang kanyang katawan upang hindi mahulog sa hita ng lalake. Nanlalaki rin ang kanyang mga matang nakatitig lamang sa mukha ni Ezekiel. Ang mata niya'y kulay pilak. Sobrang kisig niya talaga at napakabango. Humahalimuyak ang kakaibang bango at nanunuot sa kanyang ilong.
"Nagtataka ako kung paano mo akong nakikita. Katunayan ay hindi ako nakikita ng ordinaryong mata ng tao."
"Ilang araw na kitang nakikita dito. Nahihiya lamang akong magtanong. Subalit ngayon ay magtatanong ako sa'yo at aalisin ko muna ang aking hiya."
Mahinang tumawa muli ang lalake. "Sige, ano naman ang iyong katanungan? Teka, bago ka magtanong, magpakilala ka muna sa akin."
"Ang pangalan ko ay Lester," huminto siya at itinuro ang amang nasa gitna ng mga pananim sa bukirin bago nagpatuloy, "Siya naman ay si ama. Madalas ay dinadala niya ako upang tumulong sa pagbubugaw ng mga hayop sa pananim."
"Nakikita ko nga iyon. Dangan nga lamang ay hindi kita kilala."
"Ah! Nais kong itanong kung bakit malungkot ang iyong mga mata. Kung bakit sa kabila ng iyong kakisigan ay balisa ang iyong hitsura."
Matagal tumitig sa kanya si Ezekiel. Mababakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkamangha.
"Napakabata mo pa. Paano mong nalalaman ang aking damdamin sa tingin lamang?"
Nagkibit-balikat siya bago sumagot, "Hindi ko alam. Basta ang alam ko'y malungkot ka at matamlay."
Ginulo ni Ezekiel ang kanyang buhok bago sumagot, "Nais mo ba akong samahan dito sa tuwing ika'y nasa bukid upang hindi ako malungkot?"
"Walang kaso iyon Ginoong Ezekiel! Isa pa, wala rin naman akong kalaro. Maaari ba tayong maging magkaibigan?"
"Oo naman! Subalit may kundisyon, huwag mong ipagsabi sa iba ang tungkol sa akin. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi ako nakikita ng ordinaryong mga mata ng tao," napakalamyos ng tinig ni Ezekiel. Tila hampas ng mabining alon sa dalampasigan. Napakakomportable sa pakiramdam.
"Mula ngayon, magkaibigan na tayo!"
Masayang-masaya si Lester. Iyon ang unang pagkakataong nakausap niya ang napakakisig na engkanto!
Malakas na tumibok ang kanyang puso ng pagmasdan niyang maigi ang napakakisig niyang mukha.
Naramdaman ni Lester ang mumunting halik sa kanyang leeg at balikat. Nasamyo niya rin ang kakaibang bango ng katabi, tila pamilyar na amoy buhat sa kanyang panaginip. Nagising siya ng tuluyan at napakurap ng makailang ulit.
Teka!
Nanaginip ba siya? Kailan siya naidlip?!
"What's the matter baby?"
"Nakatulog ba ako?" paniniguro niyang tanong.
"I think so. What's the matter?" itinukod ni Zeke ang isang kamay at ipinatong ang mukha matapos ay matiim siyang tinitigan.
Napabangon si Lester. Parang hindi iyon panaginip lamang sa kanyang palagay. Tila malayong alaala iyon ng kanyang kabataan.
Lumipad ang kanyang paningin kay Zeke at mataman itong tinitigan.
Zeke...
Ezekiel...
Engkanto...
Demonyo...
Anghel...
"Kinakabahan ako sa mga titig mo Lester ah!" seryosong wika ni Zeke.
Inilapit niya ang mukha sa lalake. Nais niyang pagmasdang mabuti ang mukha ni Zeke.
Nanuyo ang kanyang lalamunan.
Napakurap siya ng ilang ulit. Parang may sariling isip na gumalaw ang kanyang kamay at hinaplos niya ang mukha ni Zeke. Ang kilay, ang ilong, mga mata, ang labi, ang pisngi at ang makinis niyang mukha.
Hindi siya maaaring magkamali!
Iisa ang straktura ng kanilang mukha! Ang tinutukoy niya'y si Zeke at Ezekiel!
Magkaiba lamang ang kulay ng kanilang buhok at pananamit.
Kumalabog ng napakabilis ang kanyang puso. Katulad ng pagtibok ng kanyang puso sa kanyang panaginip. Umiibig siya sigurado siya doon.
"Lester... Lester!"
Tila nagising siya buhat sa isang engkantasyon.
"What are you thinking? Tinatakot mo ako."
Hinalikan ni Zeke ang kanyang kamay na ipinanghaplos niya sa mukha ng lalake kanina. Dumaloy ang mumuting apoy mula sa labi ni Zeke patungo sa kanyang puso.
Zeke...
Ikaw ba'y parte na ng aking pagkatao magbuhat pa noon?
Tanong iyon ni Lester sa kanyang isipan subalit tila eksplinasyon iyon kaysa sa katanungan.
Naalala niya ang sumalit sa kanyang imahinasyon noong nasa Malibu sila, iyong kasama niya sa pag-iihaw ng isda sa tabing-dagat. Binatilyo pa siya noon base sa kanyang katawan. Hindi niya maalala ang mukha ng taong iyon subalit natatandaan niyang mahaba ang abuhing buhok ng taong iyon doon sa dilim na tanging tinatanglawan lamang ng liwanag ng kalahating buwan at apoy sa kanilang harapan. Naalala niyang hinalikan niya ang taong iyon sa kanyang gunita.
Napakurap siyang tumitig muli kay Zeke. Hinaplos niyang muli ang mukha ng lalake. Hindi niya napigilang sambit, "Napakakisig mo Zeke." Inilapit niya ng husto ang kanyang mukha sa naguguluhang lalake saka mahinang bumulong, "Hindi ko mapigilang hindi malunod sa mga titig mo..."
Kinabig niya ang batok ng lalake at gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Kinakabisado niya ang bawat parte ng makisig na mukhang iyon. Wala sa sariling bumulong siya, "Nais kong maging akin ka sa habang panahon Zeke..."
"I won't refuse."
Ang mga mata ni Zeke ay nag-aapoy. Ang pag-ibig ay hindi maitatago pa. Ang pananabik sa mukha niya'y tila malinaw na salamin na hindi kayang pasubalian.
"Zeke..."
Ang mabangong aroma ng lalake, nalulunod siya. Nahihipnotismo siya sa init ng hiningang kanyang nadarama mula sa labi ng lalake.
Nakaramdam siya ng matinding paghahangad na angkinin ang mga labing iyon, angkinin ng buong-buo si Zeke at gawing pag-aari ang lalake!
Inilapat niya ang mapaghangad na labi. Ang init ng kanilang hininga'y sumakop sa bibig ng isa't-isa.
Itinumba ni Zeke ang kanyang kamay at bumagsak siya sa kama kasabay ang katawan ni Lester na pumatong sa kanya.
Mariing hinalikan ni Lester ang lalake. Nababaliw siya sa mga bisig ni Zeke. Nag-aapoy ang kanyang katawan, katulad sa init na kanyang nararamdaman buhat sa lalake.
Mahinang hinila ni Zeke ang kanyang buhok at malamyos na umungol ang lalake sa kanyang labi.
"Lester..."
Dinakot ni Zeke ang isang pisngi ng kanyang pang-upo at marahang pinisil kasabay ng mumunting paghila sa kanyang buhok. Lalo siyang naglagablab.
"Zeke! Ohhhh..."
Dumako ang kanyang labi sa leeg ng lalake. Walang pakundangang nilamutak niya iyon at nilasahan. Umarko ang katawan ni Zeke sa kanyang ilalim at tumingala upang bigyang-laya ang mapaghangad niyang labi.
Itinaas ni Zeke ang kanyang kasuutan at naglakbay ang mga palad ng lalake sa kanyang katawan. Umupo siya sa kandungan ni Zeke upang tanggalin ang suot na polo subalit sa nanginginig niyang kamay, halos hindi niya magawang buksan ang mga butones.
"Damn!" galit niyang bulong.
Walang abisong winasak ni Zeke ang kanyang polo ng makitang hirap siyang buksan iyon. Mabilis niyang itinapon sa ere ang damit matapos ay hinubad niya ang pang-ilalim na long sleeves shirt. Tinanggal niya rin ang kamiseta ni Zeke at dumapa siyang muli sa lalake upang tikman ang katawan ng lalake.
Umikot si Zeke sa higaan at siya naman ngayon ang nasa ilalim ng lalake. Dumaosdos ang mga halik ni Zeke sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Ilang minutong naglagi ang nagbabagang labi ni Zeke sa kanyang dibdib upang sambahin ang dalawang kuyukot ng tila rosas na naroroon.
Pabiling-biling siya sa higaan. Hindi malaman kung saan hahawakan si Zeke. Mahigpit niyang iniyakap ang mga binti sa katawan ng lalake at umarko ang kanyang katawan ng dumako sa kanyang puson ang nag-aapoy na labi ng kaniig.
"Zeke...ohhh!" walang patid siyang umungol at nagpabiling-biling sa higaan lalo pa ng pakawalan ng lalake ang kanyang pagkalalaki at sakupin ng mainit niyang labi.
Ilang saglit na humiwalay si Zeke sa kanya at hinila ang kanyang pantalon kasunod ang pagtanggal ng sariling kasuotan. Mabilis din itong bumalik sa kanyang katawan at sinakop muli ang matigas niyang pagkalalaki. Napabangon si Lester at itinukod niya ang isang kamay sa higaan matapos ay hinila ng isa niyang kamay ang kamay ni Zeke na nakahawak sa kanyang beywang at dinala niya iyon sa kanyang dibdib. Marahang hinaplos ni Zeke ang kanyang dibdib at ang dalawang kuyukot na naroroon.
Walang humpay siyang umungol ng mahina.
"Let me suck you baby..." mahina niyang usal kay Zeke.
Tumingala sa kanya si Zeke at tinignan siya ng ilang saglit matapos ay tumayo si Zeke at itinulak siya pahiga muli sa kama. Umikot si Zeke at lumuhod sa kanyang mukha kasabay ng pagsubo sa kanya ni Zeke ng sariling pagkalalaki. Dumapa si Zeke sa kanyang katawan at muling isinubo ang kanyang pagkalalaki sa bibig nito. Magkasabay nilang tinikman at ninamnam ang matigas at makatas na ari ng isa't-isa.
Halos mapugto ang kanyang hininga sa tindi ng sarap.
Pawisan ang kanilang mga katawan at kapwa nagdedeliryo sa magkaparehong init na nararamdaman.
Mayamaya pa'y magkasabay silang nanginig at halos ibaon na ni Lester sa kanyang bibig ang pagkalalaki ni Zeke ng malasahan ang katas ng lalake kasabay ng sumabog ang kanyang kaibuturan at ang pagkatas din ng kanyang pagkalalaki. Nilunok niya ang lahat ng katas ni Zeke, wala siyang sinayang doon at mahigpit niyang niyakap ang lalake at sinabunutan.
Ilang saglit pa sila sa ganoong posisyon hanggang kumalma ang kanilang katawan. Umalis si Zeke sa kanyang ibabaw at humiga sa kanyang tabi.
Kapwa sila pawisan.
Kaagad niyang kinabig palapit si Zeke at tahimik na yumupyop sa leeg ng lalake. Mababaliw siya kung mawawala sa kanyang buhay si Zeke.
Bumigat muli ang kanyang talukap.
Kapwa nagising sina Lester at Zeke sa tunog ng cellphone sa kama.
"Zeke, your phone." Ibinigay ni Lester kay Zeke ang cellphone matapos makitang hindi iyon kanya. Ang kanyang Tito ang nakarehistrong tumatawag.
"Hello Tito."
Yumakap lamang siya muli kay Zeke at inamoy-amoy ang katawan ng lalake. Napakabango.
Nilakasan naman ni Zeke ang speaker ng cellphone.
"Zeke, dumating na ang resulta ng ginawang pag-iimbestiga sa dalawang babae. Kabibigay lamang sa akin ni Guan Jin. Maaari ka bang magtungo dito sa opisina ko ngayon din?"
Nagkatinginan sila ni Zeke at panabay na bumangon.
"Give me fifteen minutes, Tito."
"Bye."
Nagmadali silang nagbihis at patakbong lumabas ng bahay.
"Hindi pa rin ba ako nakikita ng iba Zeke? Hindi ako dapat makita sa opisina," tanong ni Lester pagkaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Zeke.
Tinignan siya ni Zeke at pinatunog ang dalawang daliri.
'Snap'
"Disparaître"
[Vanish]
"You're invisible now."
Matapos ay mabilis ng pinaharurot ni Zeke ang sasakyan patungong Wang Industrial Company.
Palakad-lakad sa opisina ang tiyuhin niya ng kanilang datnan. Halata ang pagkabalisa sa mukha nito na kaagad namang nagliwanag matapos makita si Zeke.
"Lock the door," kaagad wika ng tiyuhin.
Sumandal siya sa dingding na pader habang naupo naman si Zeke sa upuang nasa harap ng mesa ng tiyuhin.
'Wang Johnson - CEO'
Iyon ang nakalagay na pangalan sa maliit na parang kahoy na mahaba, naroroon sa ibabaw ng mesa. May nakalagay na isang ballpen at lapis sa butas na nakaukit sa ibabaw ng kahoy.
Naupo ang kanyang Tito matapos ay binuksan ang drawer sa harapan niya, may dinukot itong envelope at pinasa kay Zeke.
"Hindi ko pa iyan binuksan. Wala akong lakas malaman kung sino nga ba sila. Kung bakit ganoon nila kagustong sakupin ang kompanya!"
Napasulyap sa kanya si Zeke bago inabot ang envelope. Kabado din siya sa malalaman subalit kailangan nilang alamin ang lahat. Lumakad siya at huminto sa likuran ni Zeke upang malinaw niyang makita ang laman ng envelope.