Ang Pag-ibig ni Lester Chapter 16

Tahimik na binuksan ni Zeke ang envelope at inilabas ang mga papel na naroroon. May ilang mga larawan ding nakapaloob sa envelope at lahat iyon ay inilagay niya sa mesa. Isa-isang pinasadahan niya ng tingin at binasa ang mga nakasulat sa papeles.

Matamang pinagmasdan ni Lester ang bawat papel na nasa mesa. Hindi niya kailangang basahin pa ang mga iyon. Dahil sa kanyang photographic memory, tignan niya lamang ang bawat pahina ng papel ay kabisado niya na ang laman noon.

Kapwa sila tahimik ni Zeke habang nagbabasa ang huli at halos hindi naman humihinga ang kanyang Tito sa pag-aabang ng sasabihin ni Zeke.

Matapos mapag-aralan ang lahat ng papeles, isa-isa naman nilang pinasadahan ng tingin ang mga larawan. Hanggang dumako ang kanyang tingin sa pinakalumang larawan sa mesa. Itinuro niya iyon.

“May hawig kay ama ang taong ito,” bulong niya kay Zeke ng ituro ang lalake sa larawan. Apat na lalake ang naroroon at base sa pagkakapatong ng mga braso nila sa balikat ng isa't-isa, mahuhulaang magkakaibigan ang apat na kalalakihan.

“Zeke, wala ka bang sasabihin?" hindi nakatiis na tanong ng tiyuhin.

“Ehemm...ayon sa mga dokumento,” pinagmasdan ni Zeke ang kanyang Tito bago nagpatuloy, “Aubrey Han ang totoong pangalan ni Miss Aubrey at ang Chavez ay apelyido ng kanyang ina. Anak siya sa ibang babae ni Mr. Han at sekreto ang bagay na iyon subalit tinustusan ni Mr. Han ang pag-aaral at pagpapalaki kay Miss Aubrey ng palihim. Upang makabayad sa utang na loob sa ama, nagtrabaho si Miss Aubrey sa kompanyang ito ayon sa nais ni Mr. Han.”

“Si Miss Kathy King naman ay half-sister ni Mr. Han. Lumaki siya sa Italya at may dugong Italian subalit payak lamang ang pamumuhay. Naririto rin siya sa iyong kompanya ayon na rin sa kagustuhan ni Mr. Han. Kung ano ang plano ni Mr. Han, maaaring iyon ay upang isabotahe ang kompanya.”

Hindi siya nakatiis na hindi sumagot, “At ano ang rason upang isabotahe ang kompanya?! Maayos naman at tama ang kanilang mga sahod. Katunayan, ang Wang Industrial Company ay isa sa may pinakamataas na pagbibigay pasahod sa mga empliyado dito sa bansa!”

Hinilot ni Zeke ang kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya.

Sinulong ni Zeke ang lumang larawan sa mesa patungo sa harapan ng Tito niya at itinuro ang nasa gitna, “Ayon sa pananaliksik, ito ang ama ni Mr. Han.” Sunod niyang itinuro ang dalawang lalake sa gilid bago nagpatuloy sa paliwanag, "Ang dalawang lalakeng ito ay namatay sa isang aksidente. Katunayan ay magkakaibigan ang apat na lalakeng iyan at lahat sila ay naroroon sa nangyaring aksidente. Aksidente sa isang minahan ng ginto sa Russia. Subalit nakaligtas ang ama ni Mr. Han at ang lalakeng nasa kanyang tabi, siya ay si Mr. Chen Allen. Si Mr. Chen Allen ay nawala matapos siyang mailigtas sa aksidente. Ayon sa report na nakalap ng iyong imbestigador, hindi na natagpuan pa si Mr. Chen Allen. Kaya kung ano ang puno't dulo ng galit ni Mr. Han upang sakupin itong kompanya ay malabo. Hindi ko maintindihan ang kaugnayan sa iyo o baka naman dahil lamang sa pagkaganid at pagkagustong yumaman, hindi kaya Tito?”

Malalim na nag-isip si Zeke at Lester.

Kinuha naman ng Tito niya ang larawan at matamang tinitigan.

Wala sa loob na napabulong siya, “Kamukha talaga ni ama ang Mr. Chen na iyon.”

Kapwa sila nagulat nang ibagsak ng tiyuhin ang kamay sa mesa bago nagsalita, “Sino si Mr. Han?! Ano ang kaugnayan nila sa akin?” Madilim ang mukha ng matanda.

Nanahimik sa buong silid at lahat sila'y nag-iisip ng malalim.

“Zeke, sabihin mo kay Tito na tignan at halungkatin ang lahat na larawan niyang nakatago. Lalo iyong mga pinakaluma.”

Mukhang nahulaan din ni Zeke ang kanyang iniisip kaya sumang-ayon ang lalake.

“Tito, nais kong makita ang lahat na larawang iyong nakatago. Lalo ang mga pinakaluma.”

Naguluhan man ang tiyuhin ay sumang-ayon din siya, “Sige sige. Mamayang pag-uwi ay maghahalungkat ako. Sa ngayon dapat sigurong bantayan mo muna sa hospital si Lester upang hindi siya masalisihan ng mga lintek na kriminal na iyon! Nag-aalala ako sa kanyang kalagayan.”

“Huwag po kayong mag-alala Tito, tinitiyak ko sainyong ligtas si Lester.”

Tumayo si Zeke, sininop ang mga papeles at ibinalik sa loob ng envelope matapos ay hinawakan siya sa kamay bago nagpaalam, “Mauna na ako Tito, susuriin ko ang mga record ng mga hidden cameras, baka may nakapuslit dito sa kompanya.”

“Sige Mr. Xiao. Ikaw na rin ang magdala nitong envelope upang hindi ito mapansin dito ni Miss Kathy at upang hindi siya maghinala.”

Tumango si Zeke at inabot ang envelope, matapos ay ipinaloob sa damit, subalit nakita niyang naglaho iyon ng ipasok sa suot nitong denim jacket.

Magkasabay na silang lumabas ng silid, hawak siya sa kamay ni Zeke subalit nagulat siya ng hindi sa labas ng opisina sila bumungad kundi sa isang malawak na espasyong may apat na malalaking screen na parang television. May tatlong tao sa loob niyon, nakaharap sa screen at abala sa pagtingin sa iba't-ibang anggulo ng views sa screen. Nabanggit na sa kanya ni Zeke ang espasyong iyon subalit wala siyang ideya kung ano ang hitsura ng silid at mga taong naroroon ng sabihin ng lalakeng kauri niya ang mga nandito.

Ngayon ay hindi na siya nagtaka.

“Talaga bang makikisig ang mga kauri mo? Lahat ng naririto ay pawang magagandang lalake,” bulong niya kay Zeke na may pagkamangha. Lalake siya subalit hindi siya nagbibiro. Talagang magagandang lalake ang naroroon sa silid.

Sinamaan siya ng tingin ni Zeke at galit siyang sinita, “Dudukutin ko iyang mata mo kapag tumingin ka sa iba!”

“Alangan namang ilong ang gamitin ko upang tignan sila! Abnormal ka talaga," asar niyang sagot.

Sinamaan ulit siya ng tingin ni Zeke subalit nanlaki ang kanyang mga mata ng batiin ito ng mga kauri.

“Maligayang pagdating kamahalan,” panabay na wika ng tatlo.

“Kamahalan?!” nagulat niyang bigkas.

Lumayo siya kay Zeke ng mga dalawa at kalahating metro matapos ay tinignan niya ang lalake mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo. Nakatingin lamang sa kanila ang tatlong bantay na naroroon at pawang naguguluhan sa kanyang reaksiyon. Nakataas naman ang kilay ni Zeke pati ang sulok ng kanyang labi.

“Tinitingin-tingin mo?” bulong ni Zeke sa kanyang tainga.

"Ay kabayo ka!” nagulat na bulalas ni Lester na napalingon sa katabi at agad ding tumingin kay Zeke. Sino bang hindi magugulat kung nasa tainga niya iyong tinig ni Zeke samantalang nasa harapan niya ang katawan at doon nakatayo.

“Sa kisig kong ito tatawagin mong kabayo?! Nang-iinis ka ba?!” umusok ang ilong ni Zeke sa paninita sa kanya.

'Déjà vu', naisip niya.

“Haha. Mas makisig ka ng sampung paligo sa kabayo. Pero...”

“Pero ano?? Hindi ka pa ba nagsasawang pagmasdan ako? Gusto ko yan...” nakangisi na naman ng mapanukso ang lalake.

Lumapit siya kay Zeke at bumulong, “Mas makisig ka lamang sa kabayo, pero sing libog mo ang kabayo.”

“Sira-ulo! Gusto mong paungulin kita sa harapan ng tatlong ito?!” bulong din ni Zeke sa kanya.

Napaigtad siyang lumayo sa lalake. Baka mamaya gahasain nga siyang bigla. Mahirap na. Haha.

Nakita niyang nagtinginan ang tatlo at halatang walang maintindihan sa ginagawa nila. Ngumuso siya kay Zeke at sumenyas na atupagin ang tatlo.

“Ehem.” Bumaling si Zeke sa tatlong kauri at nagtanong, “May kahina-hinala ba kayong napansin?”

“Isa lamang ang aming napansin, bumalik sa kompanya si Miss Aubrey habang nasa hospital si Mr. Lester subalit hindi siya pumunta sa opisina nila kundi nagtungo siya sa eleventh floor at kinausap si Miss Kathy.”

May pinindot ang lalake at itinuro ang screen, lumitaw ang imahe ni Aubrey at Miss Kathy, nakapause ang recorded video. Nagpatuloy ito sa paliwanag, “Hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan.” Pinaandar niya ang video at pinalaki ang imahe.

“Wait! Slower the video,” utos niya sa lalake ng may mapansin siya. “Pause and zoom it!”

Kumunot ang noo ni Lester at nagkatinginan sila ni Zeke. May iniabot na maliit na botelya si Aubrey ng palihim kay Miss Kathy.

“Maaari bang matukoy kung ano ang iniabot ni Aubrey kay Miss Kathy?” tanong naman ni Zeke.

Pinalaki ng husto ng bantay ang imahe at natukoy nila ang nakasulat sa botelya. Lason iyon!

Nanginig sa galit si Lester. Isa lamang ang pumasok sa isipan niya sa mga oras na iyon! Maaaring nasa peligro ang kanyang tiyuhin!

“Anong naiisip mo?” masuyong tanong ni Zeke at inakbayan siya.

“Si Tito. Hindi kaya balak nilang lasunin si Tito?” nanghihina ang tuhod niyang sagot.

“I think no.” Itinuro ni Zeke ang screen bago nagpatuloy, “Tignan mo, iyang bote na iyan ay para sa hiringgilya, mas logical isipin na gagamitin iyan kay 'Lester' habang nasa hospital. Binigay niya kay Miss Kathy upang hindi siya mapaghinalaan. Kaya naman tumawag siya sa iyo kanina at siniguro niya na malalaman mong nasa tabi siya ng kanyang pinsan na inoperahan. Sa madaling sabi, inosente siya kapag may nagturok sa'yo niyang lason na iyan. Kaya ipinaubaya niya kay Miss Kathy ang plano sa pagpatay sa'yo at lalabas na enosente siya mula umpisa.”

Napakurap siya. May punto si Zeke.

“Kung ganun, paano natin mahuhuli ang inatasan nilang magtungo sa hospital?”

“Let's get out of here. May gagawin tayo.”

Naglaho sila sa espasyong iyon at lumitaw sila sa loob ng sasakyan ni Zeke.

“Whoah!!! So amazing! Damnit!” bulalas ni Lester.

“Tss. Masanay ka na dapat.”

“Paanong masanay sinasabi mo kung normal na tao lamang ako?!”

“Hindi ka na normal dahil sa akin. Hahaha.” pang-aasar ni Zeke bago niya pinaandar ang manibela.

Hindi malaman ni Lester kung saan sila patungo, napansin niyang palayo iyun sa siyudad at may katagalan na rin ang kanilang biyahe ng mapansin niya kung saan sila patungo...

“Kakahuyan? Anong lugar ito Zeke?! Balak mo ba akong dukutin?” nanlalaki ang mga matang tanong niya kay Zeke ng mapagmasdan ang kapaligiran.

“Sira-ulo talaga to. Bakit naman kita dudukutin eh kaya naman kitang pasunurin?”

“Malay ko sa'yo! Baka gawin mo akong pagkain.”

“Hahaha. Pakain nga baby, nagugutom na naman ako...” makahulugang sagot ni Zeke.

Namula si Lester mula ulo hanggang singit.

Napansin niyang paliit ng paliit ang daanan at naglalakihang puno na ang nasa magkabilang gilid ng kalsada. Sa malayong unahan ay makikita ang napakalaking punong hindi niya kilala.

Napahiyaw si Lester ng dumerederetso lamang ang sasakyan sa malaking puno.

Babangga sila!

“Wahhhh!!!! Wahhhh!!! Zeke nababaliw ka ba?! Uwahhh!!!”

Subalit hindi sila bumangga. Naramdaman ni Lester na lumutang ang sasakyan maging sila ni Zeke ay lumutang sa loob. Nawala ang gravity! Hinawakan lamang ni Zeke ang kanyang kamay.

Ilang segundo lamang iyon ay bumalik ang gravity at napaupo silang muli sa upuan ng sasakyan saka itinigil ni Zeke ang manibela.

Sa unahan ay nakita niya ang isang napakalaking kastilyo. Kulay ginto iyon at napakaganda. Sa harapan ay may napakahabang kalsada patungo sa kinalalagyan ng sasakyan.

“Zeke, nasaan tayo...”

Itinuro ni Zeke ang kastilyo, “Diyan ako nakatira. Subalit hindi tayo papasok. May  susunduin lamang akong ilang kauri.

“Who are you Zeke?” mahinang tanong niya sa lalake.

Hinila siya ni Zeke at niyakap, “I promised you already, I will tell you when all the problem settled.”

“Ok.”

Ilang minuto pa'y nakita ni Lester ang napakabilis na pagdating sa kanilang harapan ng anim na kauri ni Zeke. Nagmula sila sa kastilyo subalit sing bilis ng hangin ang kanilang galaw ng magtungo sa kinaroroonan nila. Namangha siya ng sobra.

Mukha silang tao subalit napakakikisig para maging normal lamang na tao. Parang si Zeke lang. Ang kasuotan nila'y katulad din sa tao. Mahirap ipagkumpara.

“Wala bang panget sa lahi niyo?” tanong niya kay Zeke.

“Dudukutin ko talaga iyang mata mo, makikita mo!” asar na tugon ng lalake.

Ano bang magagawa niya? Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Haha. Matutuwa ba siya kapag sinabi niyang panget ang kauri?

Ah alam ko na!

“Ikaw ang pinakamakisig sa kanilang lahat. Bakit ba palagi kang galit. May regla ka ba?”

“Tumahimik ka!” masama ang mukhang sagot ni Zeke matapos ay lumabas ang lalake ng sasakyan. Hinarap niya ang mga kauri.

Syempre lumabas din siya. Pamilya niya ang nasa panganib kaya dapat alam niya rin ang mga balakin ni Zeke.

Kumuha ng isang dahon si Zeke sa malapit na halaman, kalahati ng palad ang laki niyon, matapos ay may ibinulong ang lalake at may lumitaw na mga letra sa dahon. Binigay niya iyon sa unang lalakeng nasa harapan nila.

“Puntahan niyo at bantayan ang silid ni Lester sa hospital na iyan. Magpanggap kayong nurse o anu pa mang may kaugnayan sa hospital. Tao si Lester kaya'y kailangan ko ng ebidensiya. Hindi niyo papatayin ang sinumang makikita niyong gagawa ng masama laban kay Lester.”

May inusal muli ang lalake at may lumitaw na anim na hidden camera sa palad niya. Binigay niya iyon sa mga lalake.

“Kailangan niyong kuhanan ng video ang salarin at hulihin ng tahimik. Si Argus na ang magpapaliwanag sainyo ng lahat. Magmadali kayong magtungo sa hospital bago pa gumabi.”

“Masusunod kamahalan!” panabay na sagot ng mga kalalakihan. Matapos ay tila hangin din silang nawala sa kanilang harapan.

Kumunot noo si Lester at may napagtanto.

“Tinawag ka nilang muli na 'Kamahalan', Ikaw ba'y nakakataas sa kanila?”

Lumapit si Zeke sa kanya at inakbayan siya, “In time, you will know. Let's go home.”

Bumalik sila sa sasakyan at muling lumutang pagdaan sa malaking puno. Ngayon ay natitiyak na ni Lester na isa iyong lagusan patungo sa ibang dimension ng mundo.

Nagmaneho si Zeke pabalik sa siyudad. Malapit ng gumabi. Nagkukulay rosas na ang kalangitan.

“Zeke...”

“Hmmm?”

“It's weird.”

“Weird what?”

“It's like I'm familiar with that place...”

“You think so?”

“Yeah. Tell me.”

“What?”

“Ngayon lamang ba talaga tayo nagkakilala?”

Hindi sumagot si Zeke.

“Answer me, will you?”

Sumulyap sa kanya si Zeke at tumingin din muli sa daan.

“Ask your heart...” mahinang tugon.

“I had a dream.”

“And?”

“I saw a man look exactly like you but has different looks in some way.”

“So you're saying that...?”

“In my dream, I met him since forever.”

“And?”

“I know that I loved him since then...”

Hindi sumagot si Zeke. Nakita niyang humigpit ang hawak nito sa manibela at lumunok din ng makailang ulit.

“Was that you?”

“I am not.”

Sumakit ang puso niya.

“Ok.”

“What? You cannot love me because I am not that man in your dream?” mahinang tanong ni Zeke

“I did not say that!”

Hindi niya alam pero ayaw niyang isipin iyon. Ayaw niyang malayo kay Zeke subalit gusto niya ring malaman kung sino ang lalake sa kanyang panaginip. Malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang kanyang panaginip. Tila recorded na pelikula na bawat detalye ay kanyang nakikita. Dahil iyon sa kanyang photographic memory.

Nagkamali ba siya ng iniisip?

Hindi ba talaga si Zeke iyon?

“What if the man in your dream is real, will you abandon me?” walang emosyon ang tinig ni Zeke.

“That's only a dream. It could also be you. Maaaring bunga lamang iyon ng kakaisip ko sa'yo. Let's stop talking about it.”

Abandon you?

For real Zeke?

Bakit masakit?!

Hindi niya magawang magsalita pa hanggang makarating sila sa kanilang tahanan. Bumara yata ang puso niya sa kanyang lalamunan.

Walang kibuan sina Lester at Zeke hanggang bumaba ng sasakyan. Para bang may hindi nakikitang pader na biglang humarang sa kanilang pagitan.

Alam ni Lester, kasalanan niya iyon. Sino bang matutuwa kung sinabi niya sa lalakeng, sabihin mang malabo ang kanilang relasyon, na may minamahal siyang iba. Kawalang-respeto iyon 'di ba?

Pakiramdam niya tuloy sobrang gago niya. May kasintahan siyang babae, tapos may relasyon din sila ni Zeke pero sasabihin niyang ang kanyang iniibig ay ang lalake sa kanyang panaginip.

Malaking kagaguhan talaga. Gusto niyang ipokpok ang kanyang ulo. Nahihiya siya kay Zeke.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.