Ezra's POV
Itinapat ko sa isang biometric ang aking palad at agad na bumukas ang metal na pinto kung saan nandoon ang itim na kristal. Kasama ko din sina Commander Nazi, Justin at Dia. Pinagmasdan kong mabuti ang kristal na pinalilibutan ng bawat baril na awtomatikong maglalabas ng bala kung magtatangka kang kunin ang itim na kristal.
Nakalagay sa loob ng transparent glass diamond ang kristal na kung mabubuksan mo man ito ay maglalabas ng air poison na pwede ding ikamatay. Sa bawat paligid ay may trap na pwedeng bumawi ng buhay ng kung sino man ang maglalakas loob na kunin ito.
"Kung totoo man ang sinasabi ni Pabio na gawa sa itim na Kristal ang robot na 'yon masama ito. Dahil tayo lang ang may hawak sa lahat ng itim na kristal at wala ng iba pa." seryosong sambit ni Commander at maging sina Justin ay napatango rin.
"Naniniwala kaming wala kang kinalaman dito Commander Nazi. Ang bawat isa sa atin ay may alarm para maging alerto sa kung sino man ang gagawa ng kalokohang kunin ang kristal. Tanging ang dating former Commander lang ang may access sa paghinto ng mga defense na nakalagay sa buong kwarto na ito." seryosong saad ko.
"Kailangan nating maimbestigahan ang bagay na 'yan. Gusto kong malaman n'yong hindi buong puso ko ang nandito sa organisasyon pero hinding-hindi ko kayo magagawang traydurin!" wika pa ni Commander at muli ay pinagmasdan ko ang itim na kristal.
Sa unang layer ng hagdan na pabilog ay may mga bombang anytime ay mati-trigger once na naapakan mo ito. Sa pangalawa naman ay ang cannon na ma a-activate pagpumutok ang mga bomba. Sa pangatlong hagdan naman ay may mgausok na lalabas na magdudulot ng hindi mo paghinga sa oras na maamoy mo. Sa bawat espasyo ng pader na ito ay ang mga baril na handang magpaulan ng bala.
Hanga ako sa mga nagawang ito ng dating Commander ng Black Crystal Revolution. Pero may isang pagdududa akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano 'yon! Alam kong walang kinalaman si Commander Nazi dito.
Pero si Commander Alvazar-.
"Captain?" Napatingin ako kay Mavin na hinihingal pa.
Naalerto naman kaming tatlo.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Commander at lumunok muna si Mavin bago sumagot.
"Hinahanap ka po ni Mr. Patrick Mendivel!"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Sabay na napatingin sa akin sina Commander at nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Mas lumakas naman ang kaba sa dibdib ko dahil sa narinig.
"M-Mendivel?" Si Justin na mukhang kinabahan din si narinig.
"Yes." pag kumpirma nito at napalunok ako ng laway ng di-oras.
Pakiramdam ko nilalamig ako ng husto sa mga oras na 'to.
Nang makarating kami sa waiting area ay nakita ko si tito Pabio at agad itong ngumisi sa amin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ang ama ko ang nakita ko dito ngayon.
"Grabe, bakit para namang kinabahan kayo? Hehehehehe!" untag nito sa amin kaya napa-irap nalang ako.
Please, remind me na tito ko siya!
"Grabe naman 'yan uncle Pabio! Muntik na kaming himatayin ng one second!" Reklamo ni Justin at napangisi naman lalo si tito.
"Nag jo-joke lang naman ako hehehe!" saad pa nito at inis akong tumingin sa ibang direksyon.
Minsan kakampi ko s'ya, pero madalas hindi ata!
"What are you doing here Pabio?" Pormal na tanong ni Commander Nazi kaya naman ay ibinalik ko ang tingin ko sa magaling kong tiyuhin.
Nakasuot pa ito ng shade at bagong tabas din pala ang buhok n'ya. He even dye his hair. Navy blue which suits him well. I wonder kung bakit hindi masyadong worried si tita Vangie na kung saan-saan lang s'ya nakakarating. 'Yung ibang asawa kasi lalo na pag gwapo ang napangasawa ay todo bantay na.
"I came here, to talk about android Roward Bort." sumeryoso ang mukha ni tito kasabay non ay ang pagtanggal n'ya ng shades.
Napatingin muna sa akin si Commander Nazi at tango lang ang itinugon ko.
Pumasok kami sa isang board meeting room at tanging kaming lima lang ang nandoon. Naupo na kami at seryoso lang ang mga reaksyon nila, maging ako ay ganoon din.
"So what are we going to talk about?" Tanong ni Commander at tsaka sumandal sa swivel chair na kinauupuan.
Nabaling naman ang tingin namin kay tito Pabio ng may ilabas s'yang kasing laki lang ng relo at ipinatong 'yon sa lamesa. May pinindot s'yang gold button at bigla nalang itong umilaw at may mga lumabas na information galing dito. Tumayo si tito at tumingin sa amin diretso.
"Eto si Zichini 02576. Ginawa ko s'ya two years ago na ang nakalipas at ito ang nakatulong sa akin para mapadali ang trabaho ko upang alamin kung ano nga ba ang naka-program sa Android Roward Bort na 'yon." pag uumpisa nito at i-zinoom ang bawat detalyeng nakuha ng imbensyon niyang si Zichini 02576.
"Base sa nalaman ko at nakuhang impormasyon ni Zichini kay Roward Bort- ang mechanism defense n'ya ay one hundred percent na kayang kumitil ng buhay ng tao. Lasers and even guns ang naka built-in sa katawan n'ya. Malakas ang katawan at hindi natatablan ng kahit na anong bala o bomba pa 'yan. Ang tanging kahinaan n'ya ay ang mabasa ng tubig na mag dudulot ng kusang pag-shutdown ng system n'ya. Once na naka-recover s'ya ay kusa s'yang kikilos o makakagalaw ng hindi na kailangan pang i-activate ang button life system n'ya. Ang galing diba? Pero- ang pinaka nagpapagana sa kanya ay ang Black Crystal. Kusa s'yang sasabog o hindi na kailan pa magagamit pagnaalis sa katawan n'ya ang kristal na 'yon."
Paliwanag ni tito at halata namang nagulat si Commander Nazi ng marinig at makumpirma na Black Crystal nga ang nakalagay sa katawan ng robot na 'yon.
"Paanong nangyari 'yon? Walang nagtangkang kumuha sa Black Crystal na ilang taon ng nakatago sa loob ng organisasyon na ito!" Sambit ni Commander Nazi at maging si Dia ay nagtataka.
"Commander, gusto mo bang paimbestigahan ko sa report team ang bagay na ito?" Tanong ni Dia dahil s'ya ang head leader ng information seeker at tsaka nito ipapasa sa akin at ako mismo ang mag ve-verify n'yon.
"No. I want this to be confidential. Tayong apat ang aalam kung paanong nangyari na may nakagamit pa ng Kristal." Saad ni Commander.
"What if may koneksyon 'to sa kakambal mo Captain?" Si Justin naman ngayon kaya napatingin sila sa akin.
Saglit din akong napaisip sa nangyayari pero wala. Wala akong makitang bagay na konektado ito kay Chase.
"Hindi ko pa alam. We should dig more para malaman natin kung sino ang may kagagawan nito. Alam nating matalino ang gumawa kay Android Roward Bort dahil hindi n'ya inilagay sa program na s'ya ang developer which is karamihan sa mga gumagawa ng mga robots ay inilalagay ang pangalan nila sa system. That means na masyadong mapanganib ang nangyayari ngayon. Paano kung hindi lang pala iisa ang Android na ginawa n'ya?" Sabi ko pa at na pa buntong hininga naman sila.
Naupo din si tito Pabio. As of now wala pa kaming gulong iba pang nababalitaan aside sa mga normal na taong gumagawa ng mga krimen.
"I think, Android Roward Bort was mistakenly made." sabat ni tito kaya ay agad na nangunot ang noo ko sa narinig.
"H-How come?" Naka kunot noo noong tanong ni Dia at saglit na pumikit si tito na tila ba may inaaalala.
"Sino bang gagawa ng isang bagay na may kahinaan? Usually sa mga developer ini-upgrade nila ang bawat system na nagagawang robot to avoid their weakness that can destroy them at the end. Pero, si Android Roward Bort ay never pang na i-upgrade kahit isang beses. Makikita 'yon sa data system n'ya pero walang nakalagay." pahayag ni tito Pabio na ikinagulat naming lahat.
"We should take an action to this matter. Dia, I want you to do some research na maaaring konektado sa bagay na ito. Justin and Captain Sierra please make sure na wala kayong mapapabayaang mga tao. Itataas natin ang bawat level request ng mga missions na marerecieve natin sa bawat araw!" utos ni Commander Nazi at agad itong tumayo.
"I just want to confirm something." saad nito at tuluyan na itong lumabas ng meeting room.
Confirm something? Ano naman 'yon?
"I think I should go now. Babalitaan ko nalang kayo o kaya naman ay pwede n'yo 'kong puntahan. Alam n'yo naman kung saan ako makikita. I'll go ahead. Goodbye everyone!" lumabas na din si tito Pabio matapos mag paalam sa amin.
"Shuta. Grabe naman diz! Hoy barbielat ayusin mo trabaho mo ha!" Pairap na saad ni Justin kay Dia at sumimangot lang ito sa kanya.
"I'll go ahead." seryosong saad ko naman at agad naman akong hinawakan ni Dia sa braso.
"C-Captain, We need to talk.."
Nang maiwanan kaming dalawa dito ni Dia ay naupo ako at ganoon din s'ya. Maka-ilang beses pa s'yang bumuntong hininga bago ako tuluyang kausapin.
"Captain Sierra. I don't know what you feel right now, but.. I swear up to now I'm still on your side." matapos n'yang sabihin iyon ay hinawakan n'ya ang kamay ko.
Dia is one of the most intelligent and important members here at Black Crystal Revolution, and I must admit that she never fail to impress me by her skills. She can't have her position right now kung hindi s'ya ganyan kagaling.
She did and done everything pagdating sa organisasyon at maging sa mga personal kong request na magpanggap siya bilang ako kapag nasa misyon ako at sumasabay pang hahanapin ako ng mga magulang ko. I never doubted her and I am not mad to her for what she did.
I know there must be a reason. Hindi ko s'ya dapat husgahan sa isang bagay na nalaman ko. Not until ako na mismo ang nakahuli sa kan'ya na pinagtatrayduran niya kami.
"Hindi ko alam ang rason mo Dia, but I still trust you. I hope you would not do something na ikakasira ng tiwala ko." wika ko at mukha naman s'yang nabunutan ng tinik sa narinig.
"T-Thank you so much Captain Ezra. Hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwala mo. From the very start tinuring na kitang kaibigan at pamilya ko. Hindi lang dito sa organisasyon pero pati narin sa labas. You are so good to be true at ang tanga ko nalang kung sasayangin ko pa ang pag kakaibigan nating dalawa. Kung hindi dahil sayo baka matagal ng patay ang papa ko, at habang buhay kong tatanawing utang na loob 'yon sayo Captain!" nakangiti nitong sabi pero kusa ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako at niyakap s'ya.
Isa si Dia sa mga malalapit kong kaibigan. Simula ng sumali s'ya dito ay wala s'yang ibang ginawa kundi pag butihin 'yong trabaho n'ya at maabot ang posisyon na hinahawakan n'ya ngayon.
Paulit-ulit kong ipinapaalala sa kanya na hindi n'ya kailangang tumanaw ng utang na loob dahil sa pagkakaligtas ko sa papa n'ya dahil trabaho ko 'yon. Kahit kailan hindi ko 'yon isusumbat sa kanya. Alam kong sincere s'ya sa mga pinapakita n'ya sa amin ni Justin.
"At the end of the day you're still my friend, remember that." saad ko at naramdaman ko ang pagtango n'ya.
Basa na rin ang balikat ko dahil sa mga luha n'ya. Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan naman n'ya ang mga luha sa pisngi n'ya at ngumiti.
"Wow, may iyakan portion pala ditey! Hindi n'yo pa ako sinama!" Si Justin na nakanguso pang lumapit sa amin.
Bakit di ko man lang napansin na nakapasok na pala ang isang 'to?
"I love you Baks!" Sambit ni Dia at si Justin naman ngayon ang niyakap n'ya, niyakap rin s'ya pabalik nito at nagtawanan sila na parang baliw kaya naman ay napangiti ako.
"Fight lang tayo guys! Kaya natin 'to!" Pag chi-cheer up ni Justin sa amin at itinaas nito ang dalawang kamay tsaka inikuyom ang kamao.
"Ayokong may mabawas sa atin. Kaya ingatan niyo ang sarili n'yo!" Paalala ko at umakto namang naiiyak si Justin sa harap ko.
May patakip-takip pa s'ya ng bibig.
"Omg Captain!? Is that your way saying I love you!? Well, We love you so much!" Wika nito kaya naman ay naiiling akong tumayo at lumabas.
After all I'm still lucky to have them.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡