Angel With A Shotgun Chapter 16

Ezra's POV

Maaga palang ay nandito na ako sa organisasyon para gawin ang mga trabaho. I already visited Dia before I come here to my office and she's now perfectly fine. Mamaya ay magkakaroon kami ng meeting dahil sa naging desisyon ni Commander Nazi na ibenta ang kalahati ng organization.

Maging ang ibang miyembro ay sumang-ayon naman dito pero tulad ng gustong mangyari ni Commander ay gusto n'ya pa ding mag pa-meeting para na rin daw makilala namin ang nag mamay-ari ng kalahati nitong organization.

Kahit maraming pundo ang organization hindi din kasi basta-basta ang gamot na 'yon. Iisang tao palang ang meron at 'yon nga ang sinabi ni Commander na nag may-ari ng kalahati ng organisasyon.

I felt sad a bit dahil dapat ay hindi basta makakapasok ang kung sino man ng ganito kabilis sa organisasyon pero wala naman kaming choice. Sana lang ay hindi na s'ya mangialam pa sa mga misyon at maging tahimik s'ya sa mga malalaman n'ya dito.

Agad akong napatingin sa cellphone ko ng mag-ring ito at nakita kong si tito Pabio ang tumatawag. Madali kong sinagot ang tawag n'ya. 

"Yes tito?" Tanong ko ng mapindot ko ang answer button.

Bahagya ko pang naririnig ang mga ingay at kantiyawan nila sa kabilang linya lalo na ang boses ni Drake. 

"Where are you? Nasa organisasyon ka na ba?" Tanong nito kaya naman bahagya pang nangunot ang noo ko. 

"Yes."

Tipid kung sagot and this time parang may kakaiba silang ginagawa dahil panay ang mando nila sa kung sino man.

Imposible namang utusan nila si Nexus diba? At mas imposibleng mag-uutusan ang apat na baliw na 'yon. 

"Hmm- okay, susunduin nalang kita mamaya!" Sambit nito at ini-hung up ang tawag.

Napatitig pa ako sa cellphone ko at naiiling na inilapag ito sa lamesa. 

I found out na hiwalay na si tita Vangie at tito Pabio. Kaya pala halos hindi na s'ya umuwi at ang laging kasama sina Nexus. Maybe they're still affected sa nangyari sa anak nila.

It's sad, alam kong minsan ay loloko-loko si tito pero alam naming lahat kung gaano niya kamahal si tita Vangie. Five months ago ng mag file ng annulment si tita Vangie and she even begged to tito na pirmahan ang annulment papers. Paano ko nalaman? Well, I'm an agent. Hindi na nakakapagtaka 'yon. 

"Morning, Captain." saad ni Justin ng pumasok ito at ang aga-aga nakasimangot pa.

Ano na naman bang problema ng baklang 'to? 

"Martes palang 'yung mukha mo pang biyernes santo na!" puna ko at napairap naman ito sa kawalan at bahagya pang bumuga ng hangin.

Agad itong tumayo at lumapit sa akin na seryoso ang pagmumukha. Nangunot naman ang noo ko ng makaupo ito sa tapat ng lamesa ko. 

"Captain! Kainis eh. Shutaneeees!? Alam mo ba pumunta kahapon sa bahay si kalyo!?" Histerikal na saad nito at saglit akong napaisip sa sinabi niyang kalyo.

Nang mapagtanto 'yon ay agad naman akong napatango. 

"And?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya at halos hindi na mai-pinta ang pagmumukha ni Justin.

"Ang sabi ba naman n'ya sa tatay ko ay aasawahin n'ya 'ko at magbibigay ng apo! Shuta! Ayoko! Lalaki ang gusto ko!" Sigaw nito at napa-iling naman ako.

"And so? Anong plano mo?" Tamad kong tanong at sumandal sa swivel chair.

"Magpanggap tayo!" Mabilis nitong sagot at ang kani-kanina lang na pagkakasandal ko sa swivel chair ay agad ding naalis dahil sa narinig. 

"Hoy. Mag isip ka nga ng maayos. kilala ako ng tatay mo. Una palang maiisip n'ya ng nagpapanggap lang tayo 'no!" Saad ko dahil totoo namang kilala ako ng papa n'ya at halos lahat ng nasa paligid ay napapansin n'ya.

Mukha namang wala ng pag-asa si Justin dahil sa narinig. 

"Grabeee!? Paano ko ba matatakasan 'tong problema ko!?" Nakapangalumbaba n'yang sabi at maging ako ay napapaisip din.

Sana ganyan lang din ang problema ko. 'yong tipong dahil wala akong lovelife kaya stress ang mga magulang ko dahil gusto na nilang magka-apo.

Pero hindi!

Agad kaming napalingon sa pinto ng may kumatok dito at bahagya ng nakabukas dahil hindi naisipang isara kanina ni Justin. 

"I'm sorry to interrupt you Captain and Justin, pero pinapatawag na kayo ni Commander sa meeting room." saad ni Ranz at agad din naman itong umalis. 

"Let's go." saad ko at agad na tumayo.

Naramdaman ko din ang pagsunod ni Justin at s'ya na mismo ang nagsarado ng pinto. 

Dumiretso naman kami sa meeting room at agad kong nadatnan si Commander pati na ang iba pang kasamahan namin na may matataas na ranggo.

Agad naman kaming naupo, napatingin pa ang iba sa amin pero nakatuon lang ang pansin ko sa isa pang bakanteng swivel chair. Wala pa ang taong ipapakilala sa amin ni Commander?

Tsk. 

"Can we wait for at least five to ten minutes more?" Seryosong sabi ni Commander at napatango naman ang iba.

Tumingin din sa direksyon namin si Commander. 

"No problem, Commander." saad ko at inilibot ang tingin sa paligid.

May kanya-kanya din silang ginagawa dahil hindi pa naman nag-uumpisa. Kaya agad kong kinuha ang ibang report at binasa.

Ilang minuto pa at narinig ko ang pagbukas ng metal door na kung saan kami pumasok. Nanatili pa din akong nakatingin sa hawak kong papel na naglalaman ng report ng biglang mapadako ang tingin ko sa bagong dating na nakatayo sa harapan namin. 

"Huh?" Gulat na reaksyon ni Justin ng makita n'ya ang taong nasa harapan.

Bahagya ding nanlaki ang mga mata ko sa nakita, ngumiti pa ito sa amin at halos ang ibang babaeng nandito ay mag tiliian na. 

'Grabe ang guwapo niyaaa!'

'May girlfriend na ba s'ya!? Ako nalang please!'

'He's damn hot!'

'Anakan mo na 'kooo!'

Ayan lang naman ang mga bulong-bulungan ng ibang babae na nandito. Kung hindi s'ya kilala ni Justin ay malamang naglupasay na s'ya d'yan kanina pa.

Nang makabawi ako sa gulat ay tsaka naman nakangiting tumayo si Commander at para bang galak na galak ito sa nakita na dumating na ang panauhing kanina pa hinihintay. 

"Good morning everyone. This is Mr. Ace Asher Montague, the one who helped us and the one who owned the half of the organization!" Masayang saad ni Commander at nagpalakpakan naman ang iba, nagkatinginan naman kami ni Justin at ibinalik ang tingin sa harap.

Naupo na sila at seryoso lang akong nakatingin sa bawat galaw ni Commander at ni Asher. Ano ba talaga ang gusto n'ya!? Bakit s'ya nandito?!

"It's my pleasure na tumulong Commander, and besides sayang naman ang pag-aaral ko sa medisina kung hindi naman ako tutulong sa mga nangangailan lalong-lalo na sa ganitong pagkakataon na marami kayong naililigtas at natutulungang tao." Nakangiting saad n'ya at kulang nalang maghugis puso na ang mga mata ng iba dito.

Napapangiti din si Justin kaya siniko ko s'ya at inirapan. 

"Captain kasi eh, ang lakas ng dating sorry na agad!" Bulong ni Justin pero seryoso kong ibinalik ang tingin sa harap.

"Mr. Montague please meet our beloved Captain Samantha Ezra Mendivel or well-known as Captain Sierra." nakangiting saad ni Commander at todo ngiti naman si Asher ng tumingin ulit sa akin. Agad itong tumayo at lumapit sa harapan ko at inilahad ang kamay.

Ikinuyom ko naman ang mga kamay ko na nakatago sa ilalim ng lamesa at kahit labag man sa loob ko ay tumayo ako at nakipagkamay din sa kanya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak n'ya sa kamay ko kaya mabilis kong inalis ang pagkakahawak n'ya. 

"Nice to meet you Mr. Montague." pormal kong sabi at walang emosyon kong ibinaling ang tingin ko kay Commander. "May I excuse myself Commander?" Baling ko kay Commander at nakangiti lang itong tumango. 

Agad akong lumabas at dire-diretso kong tinawid ang bawat hagdan papunta sa rooftop.

Damn!

Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito! Nakakainis!

Nang makarating ako sa rooftop ay agad na humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Dahan-dahan akong dumungaw sa mataas na building at kitang-kita ko ang kabuuan ng lugar.

Paanong nalaman n'ya ang tungkol sa organisasyon!? Matagal na ba silang magkakilala ni Commander?

Pero paano? 

"You're spacing out."

Agad akong napatingin sa lalaking nasa ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan ko. Tulad kanina ay nakangiti pa din ito at diretsong nakatingin sa akin. Bahagya ding nililipad ang buhok ko dahil sa hangin. 

"Ano ba talagang gusto mo?!" Inis kong tanong at dahan-dahan s'yang naglakad papalapit sa akin, huminto lang s'ya ng magkalapit na kami sa isa't-isa. 

"I'm just being GOOD SAMARITAN here. Masama ba 'yon, Captain?" Mapanuya nitong tanong sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis. 

"Good Samaritan? Ang kapalit ng gamot ay ang pag-angkin mo sa organisasyon!" Inis kong saad at napailing naman ito na para bang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. 

"Come on sweetie, wala ng libre sa mundo. I didn't own the whole organization, but it's a win-win situation for the both of us! You have your organization but lack of rare medicine, we have our medicine but lack of technologies. So nasaan ang mali doon? I offered things fair and square." ngumisi ito bago hinawi ang buhok na tumabing sa mukha ko kaya bahagya akong umatras. 

"Hindi ka namin kakailanganin kung hindi nawala si Platinum! hinding-hindi ka papayagan ni Commander!" Asik ko sa kaniya at sa pagkakataong ito ay literal na tumawa na s'ya.

Tawang masarap sa pandinig ko noon pero kinamumuhian ko na ngayon! At isa pa, tama naman ang sinabi ko.

Kung hindi nawala si Platinum hindi mapipilitang ibenta ang kalahati ng organisasyon. Magaling na doctor si Platinum at tulad ng mga naiimbentong gamot na galing kay Asher ay meron din kami non! Pero isang taon ng wala si Platinum at nahihirapan kaming humanap ng kapalit n'ya. Pero itong lalaking 'to!? Ganoon lang kadali s'yang nakapasok sa organisasyon. 

"Listen to me babe, I'm just being real here. Wala na 'yang Platinum na pinagmamalaki mo kaya kailangan n'yo ako, hindi biro ang mga nakakalaban n'yo, and I don't want to become a liar. Yes this is also my way to get you back! Para mapalapit ulit sayo." sa huli niyang sinabi ay tuluyan ng lumambot ang ekspresiyon nito habang naka tingin sa kabuuan ng mukha ko na para bang muli niyang kinakabisado ang bawat parte na meron sa akin. 

"Nakapasok ka sa organisasyon, pero hinding-hindi hindi ka na makakapasok sa puso ko Asher!" malamig kong saad at iniwan siyang nakatulala.

You can't have me this time Asher! Not anymore.

Kung inaakala mong ako pa din ang babaeng niloko mo five years ago, well-sad to say hindi na ako iyon! Wala ka ng puwang sa puso at buhay ko. Kahit kailan hinding-hindi kana magkakaroon pa ng bahagi sa buhay ko! 

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa suot kung coat kaya naman ay agad kong kinuha ito at nakita ko ang registered number at pangalan ni tito Pabio kaya madali ko itong sinagot. 

"May ginagawa ka pa ba?" Untag nito sa akin ng masagot ko ang tawag.

"Wala naman, Why?" Balik tanong ko at pinasadahan muna ng tingin ang pasilyo ng organisasyon.

Nakita ko din ang picture ni Platinum na naka-display at naka-framed. Isa si Platinum sa kinikilala at inirerespetong miyembro ng organisasyon.

He is sixty-five-year old man. Buong buhay n'ya ay wala s'yang ibang ginawa kundi ang gumawa ng gumawa ng mabibisang gamot na kakailanganin namin. He is good at technologies maging sa pag-aayos ng mga bagay-bagay. 

"I'm going to fetch you. Nandito na ako sa parking lot!" Saad nito kaya agad kong tinungo ang elevator at ibinaba ang tawag. 

Until now we're still searching for Platinum's body or even his whereabouts. Hindi s'ya basta-basta nalang mawawala ng gano'n lang!

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa parking lot. Luminga-linga pa ako para hanapin ang sasakyan ni tito Pabio pero wala ni isang bakas n'ya ang nandoon.

Agad kong pinindot ang call button para sana tawagan s'ya pero agad na may lumabas sa itim na sasakyan na nasa harapan ko. 

"Nexus.." 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.