Angel With A Shotgun Chapter 17

Ezra's POV

"Nexus"

'yan nalang ang tanging nasambit ko ng makita ko s'yang bumaba sa magarang kotse n'ya. Why he is here? May kailangan ba s'ya? He's wearing a black tuxedo at marahan s'yang sumandal sa kotse habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay panandaliang tumigil ang pagpasok ng hangin sa baga ko.

Damn, this man is devilishly handsome! 

"Done checking me out?" Ngumisi pa ito kaya naman ay para akong natauhan at napapahiyang lumapit sa kinatatayuan niya.

Inirapan ko lang s'ya ng makitang nakangisi pa din s'ya. 

"What are you doing here?" Seryosong tanong ko at tumayo naman s'ya ng maayos at inalis ang espasyong nasa pagitan naming dalawa.

Kamuntik pa akong mapa-atras dahil sa paglapit n'ya! 

"I'm going to fetch you." baritonong saad nito at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Napakurap naman ako at bahagyang umatras ng kaonti.

"Si tito ang magsusundo sa akin." malamig kong saad at akmang tatalikod na ng hablutin n'ya ang kamay ko. 

"Sakay sa kotse, Captain Mendivel." may pagbabanta sa boses n'ya pero agad kung iwinaksi ang kamay n'ya. 

"Doon na ako sa kotse ko!" Saad ko pa pero bago pa ako nakalapit sa pinag pa-parkingan ng kotse ko ay mabilis ako nitong binuhat kaya napatili ako at mabilis n'ya akong isinakay sa kotse ng walang kahirap-hirap.

Damn.

"Bakit mo ba ako-" mabilis n'yang iniharang ang daliri sa bibig ko at seryoso itong nakatingin sa akin.

"Don't even try to talk or else I'm going to kiss you." seryoso nitong sabi kaya mabilis akong napatikom ng labi at marahas na sumandal, maging ang seatbelt ko ay agad kong ikinabit. 

Because the last time he did that muntik na 'kong atakihin sa puso.

Agad n'yang pinaandar ang kotse at nakangiti pang nagda-drive. Napairap nalang ako at umiwas ng tingin dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon! 

"Your uncle asked me a favor to fetch you, Captain. May good news s'ya sa iyo, I'm pretty sure na matutuwa ka." sabi nito at naramdaman ko ang paninitig n'ya kaya agad ko s'yang nilingon at inirapan.

Dapat na ba akong magsalita?

Damn, him!

Sana makidlatan s'ya mamaya! Narinig ko pa ang mahina n'yang pagtawa kaya mas lalo akong naiirita, nanatili akong tahimik at walang imik. 

"You can talk now young lady. I won't kiss you unless gusto mo." parinig nitong sabi kaya mabilis ko s'yang hinampas!

Akala ko ang apat na baliw lang na 'yon ang sakit sa ulo pero pati din pala s'ya! 

"Ano bang meron!?" Inis kong saad habang nakahalukipkip at nagngingitngit sa inis.

Nakuha n'ya pang ngumiti-ngiti ng ganyan!?

Tsk.

Ano bang nakain ng isang 'to? Nitong mga nakaraan daig n'ya pa ang bagong panganak na aso na halos salubong na ang kilay at laging naka-poker face.

Ngayon naman pangiti-ngiti na? 

"Can we just eat for a while? I'm hungry." Imbes na sagutin ang tinanong ko ay 'yan ang nakuha kong sagot.

Hay, ano pa nga bang aasahan ko sa isang 'to? 

Inihinto n'ya ang sasakyan at pinark sa nadaanang restaurant. Nagmadali naman s'yang bumaba at ipinagbukas ako ng pinto.

"May kamay ako, kaya kong buksan ang pinto!" Inis kung sabi at nag pa-tiunanang maglakad.

Narinig ko lang ang mahina n'yang pagtawa pero hindi na 'ko nag-abala pang lumingon. Para ano!?

Mainis lang ganoon?

Bumungad naman sa harap ko ang babaeng receptionist at natulala pa ito habang nakatingin sa likuran ko. Maging ang iba din ay halos hindi na gumagalaw at nakanganga pa ng bahagya kaya naman ay kunot-noo akong lumingon sa likuran.

Then there I saw him. Walking like a greek god!

Iyong tipong pati mga lalaking nandito ay napapatingin sa kanya. Samantalang s'ya wala, cool na cool lang na para bang hindi alintana ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya.

Nang makalapit sa akin ay agad nitong hinawakan ang kamay ko kaya naman ay natigilan ako.

'Grabe, ang guwapo naman!'

'Oo nga, so hot!'

'Ang ganda no'ng babae pre!'

'Sila ba? Omgg!'

Iilan sa mga pagbubulungan nila na halos rinig na rinig na pati ng iba pang nandito. Edi sana hindi na sila bumulong diba?

"Ah..shir? Do you have an any reservation?" Tanong ni ateng receptionist with matching in a higad mode!

May pahawi-hawi pa s'ya ng buhok at bahagyang binuksan ang isang butones ng uniform at kita na ang cleavage ni ateng receptionist.

Tsk!

Mas hinigit naman n'ya ako at this time hinawakan na n'ya ako sa bewang, muntik na 'kong mabuwal sa pagkakatayo. Tumingin naman sa akin si ateng receptionist na para bang hindi makapaniwala.

Well, ako din! Humanda sa akin ang lalaking 'to!

"None, I'm with my pregnant wife. I want the VIP room ASAP and for additional, I want to talk to your manager." Mahinahong saad ni Nexus pero mababakas ang pagbabanta sa boses n'yang 'yon.

Mukha naman natauhan ang babae sa narinig at kita ko pa ang paglunok nito. May nag-guide naman sa amin papunta sa VIP room at naiwan nalang sa ito sa labas. Nang makapasok kami sa loob ay agad kong kinuha ang tinidor sa lamesa at agad s'yang inatake!

Gago s'ya! Nakakainis! 

"Woah! Wait- kalma!" Tuloy-tuloy lang s'ya sa pag-iwas sa mga ginagawa kong pag-atake gamit ang tinidor pero mas lalo akong naiinis dahil nakuha n'ya pang ngumisi!

Urgh! 

"Walang hiya ka! Ginamit mo pa talaga ako! Nakuha mo pang hawakan akong siraulo ka!!" galit kong saad habang patuloy ang pag-atake pero this time ay napigilan n'ya ang kamay ko at nakuha ang tinidor. 

"Calm down okay? I saw those bastards looking intently at you! Kung hindi ko ginawa 'yon baka lumapit na sila sayo!" Asik nito kaya naman ay mas lalo akong napa-kunot noo.

Ano naman sa kanya? Kahit sino pang lumapit sa akin kayang-kaya kong patumbahin ang mga 'yan! 

"Oh tapos!? Baka nakakalimutan-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang pumasok na babae.

Sopistikada ito at maganda. Sandali din itong natigilan at baka nga narinig n'ya ang pag-aaway namin dito sa loob!

Napalabi naman ako at bahagyang yumuko dahil sa hiya. Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Nexus habang nakatingin sa babae. 

"The hell you're doing here!? Don't you know how to knock with that goddamn door?!" Singhal n'ya kaya agad akong nag-angat ng tingin.

Awkward na ngumiti ang babae habang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. 

"Relax! Malay ko bang may LQ kayong mag-asawa!" Natatawa nitong sabi kaya naman ay ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko!

Damn.

Bakit ba isa pa 'tong alaskador!? Kaano-anu ba siya ni Nexus? Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Nexus na para bang nagpipigil sa galit. Naupo naman ang babae sa sofa kaya ganoon din ang ginawa ko. 

"Tsk! What are you doing here Aviana?" Seryosong tanong ni Nexus doon sa babae. 

So, Aviana pala ang pangalan niya? Well- bagay naman, dahil maganda s'ya! 

"Duh? Pinapatawag mo raw ako mahal na hari! Aba ulyanin ang peg ganurn?" Aniya.

"That receptionist girl? get rid of her! I don't want to see her ugly face!" utos n'ya na agad namang ikinatango ng babae.

Ganoon lang 'yon? Basta gusto n'ya masusunod agad?

"Alam mo, edi sana ikaw nalang ang nagpatakbo nitong restaurant? Ang dami mo ng napapatanggal!" reklamo nito pero naka ngiti.Tumingin pa siya sa akin at nginitian ako. "Baka naman gusto mo 'kong ipakilala?" Napairap pa s'ya kay Nexus at agad na lumapit sa akin at niyakap ako. 

Gulat na gulat naman ako dahil hindi ko naman s'ya kilala. Well, aside sa pangalan n'ya na narinig ko lang naman. Agad siyang kumalas ng yakap at nakangiting tumingin sa akin. 

"Hi! I'm Aviana Atkinson. I'm Nexus Sister! Nice to meet you!" Magiliw nitong sabi kaya naman ay awkward akong napangiti. 

"Uh, I'm Samantha Ezra Mendivel." pakilala ko at agad s'yang nakipag-kamay na tinanggap ko naman.

Tumayo na ito at sinipat ang kapatid n'yang nakatingin lang din sa amin. 

"Take care of her. She's indeed beautiful!" Saad nito bago kami iwanang dalawa.

Saglit akong napaisip, baka naman akala n'ya ay may relasyon kami nitong magaling n'yang kapatid?

Tsk.

Mga tao nga naman puro nalang hinala. Inilibot ko ang paligid at talaga namang maganda halatang high class lang ang makaka-avail ng ganitong uri. Sa disenyo palang ng buong kwarto ay napakaganda. Sa pinakagitna- nandoon ang table na pang dalawahang tao, gawa naman sa salamin ang pader.

Mga totoong halaman ang nandito 'yung unang tingin mo palang mamahalin na, maganda at malambot din ang sofa at may sariling bathroom. 

Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Nexus kaya agad akong napatingin sa kanya. Kung kanina lang pangiti-ngiti pa ang isang 'to ngayon naman para na s'yang biyernes santo! 

"Care to tell me what's on your mind?" Tanong nito kaya inalis ko sa kanya ang tingin.

Ano bang pakialam n'ya sa iniisip ko? 

"This place is quite beautiful." saad ko lang at nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango n'ya. 

"My mother was the owner of this place, she loves to cook but my father don't want her to get tired. He promised to her na igagawa s'ya ng sariling restaurant at lahat ng recipe na gusto n'yang subukan at lutuin ay 'yon ang ise-serve dito." pagkuwento n'ya kaya naman ay nilingon ko s'ya at saktong nagtama ang paningin naming dalawa.

Si Nexus 'yung tipo ng tao na hindi mo mabasa-basa ang iniisip.

Every time na titingnan ko s'ya there's something in him na hindi ko ma-explain. 

Matapos naming kumain sa restaurant nila ay agad na kaming umalis, wala na din doon si ateng receptionist at iba na ang naka-assign sa trabahong 'yon.

Mabilis akong naglakad para ako na ang magbubukas ng pinto at ng lingunin ko s'ya sa likuran ay wala na s'ya doon!

Mabilis akong lumingon sa harapan at nakita ko s'yang hawak na ang pinto ng kotse n'ya at nakatingin sa akin. Tsk, ang bilis naman ata n'yang nakarating doon? Nag-teleport ba s'ya? Kainis! 

"Try your luck next time." komento pa nito ng tuluyan na akong maka lapit sa kaniya, bahagya pa s'yang ngumisi kaya naman ay inirapan ko lang s'ya at inis na sumakay.

Agad din s'yang sumakay sa kotse at mabilis itong pinaandar. 

"Sabi ko ako na ang magbubukas ng kusa ng pinto ng kotse mo!" Reklamo ko at mas lalo ata s'yang ngumisi. 

"I want to do it over and over again. Hindi mo 'ko mapipigilan sa pagbukas ng pinto para sayo Ezra. Not until maunahan mo na 'ko sa pagbukas ng pinto." aniya. 

Napalabi naman ako sa narinig. Pagbukas lang ng pinto ang pinag-uusapan namin pero bakit parang big deal sa kanya? Pinto lang naman 'yon. Hindi nalang ako umimik at ibinaling sa labas ang tingin.

Ayokong tumingin sa kanya dahil baka makita ko na naman 'yang pagngisi at ngiting tagumpay n'yang inisin ako all the time! 

"As long as I'm here, there's only one person who's willing to open the door for you and it's only me Ezra.." rinig kong sabi niya at sa pangalawang pagkakataon.

Tinawag niya 'kong muli sa pangalan ko. 

"Why?"

Naitanong ko habang sa labas pa din nakatingin. Kabado man pero gusto kung marinig ang dahilan n'ya. Dahil ba magkaibigan na ang grupo na kinabibilangan namin kaya s'ya ganyan? 

"Why?" Balik tanong nito kaya naman this time ay naglakas loob na akong tumingin sa kanya. Nakatingin s'ya sa akin, sa akin lang.

Kusang tumatakbo ang sasakyan ng hindi n'ya hinahawakan ang manibela. 

"Why do you want to open the door for me?" Diretsong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

His silver eyes. 

"Because I want to do it when it comes to you. I'll get things up for you, ONLY YOU. Just say it and I won't hesitate to give the whole damn world for you." aniya.

Iniwasan ko ang kanyang tingin na para bang nagpapahina sa akin. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas dahil sa narinig.

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.