Angel With A Shotgun Chapter 18

Ezra's POV

Matapos ng pag-uusap na 'yon ay wala ng kumibo sa aming dalawa ni Nexus. Nakarating naman kami ng maayos at tulad ng sinabi n'ya ay makakababa lang ako kapag naunahan ko s'ya, pero sa huli ay s'ya padin ang nagbukas ng pinto ng kotse n'ya.

Wala sila sa hide out ngayon, kasalukuyan silang nandito sa secret property ni tito Pabio kung saan s'ya gumagawa ng mga panibagong imbensyon.

Nadatnan naman namin silang kumakain ng pancake?

"Oh? Buti dumating na kayo!" komento ni tito ng makita kami.

Naupo ako sa isang sofa at ganoon din si Nexus. 

"Anong meron?" Tanong ko ng makitang nakasuot ng apron ang apat na baliw.

Ngumisi naman sila sa akin na para bang hudyat na may hindi sila gagawing maganda, knowing them parang mga takas sa mental. 

"Well, may cooking contest na magaganap Ezra! At lima kaming contestant!" Masayang sabi ni Drake at proud na proud pang iwinagayway ang kulay pink na whisk na usong-uso lang naman ngayon dahil kahit si mommy ay meron n'yan sa bahay.

Namigay din s'ya sa katulong pati sa mga guards! 

"Lima? Kayo ni Mr. Pabio?" Taka ding tanong ni Nexus na nasa tabi ko lang.

May lumabas naman sa isang kwarto at nakita ko doon si Roward Bort?

Teka akala ko ba-

"Siyempre si Roward Bort ang contestant number five!" Masayang saad naman ni Flare at inakbayan pa ang robot.

Hindi na s'ya bayolente? How come? Nakita ko naman si tito na may dalang cake at inilapag sa harap namin ni Nexus. It's a chocolate cake at isang slice lang 'yon at isang tinidor lang din ang meron! 

"Hello my dearest pamangkin!" Bati ni tito sa akin at mukhang nakita n'ya ang pagtataka sa mukha ko dahil kay Roward Bort at kung bakit naman s'ya naglapag ng cake sa harap ko. 

"As you can see mabait- na si Roward Bort ngayon. Well, may mga binago ako sa program n'ya at naging maayos naman ang pagbabago na 'yon. Wala namang naging problema sa system n'ya at lahat ng naka-program sa kanya noon ay deleted na! Ang Humanoid na kagaya ni Roward ay talaga namang maaasahan sa lahat ng bagay, ini-upgrade ko din ang lahat ng bagong naka-program sa kanya kaya naman ay secure s'ya ngayon at harmless." saad ni tito at nilingon pa si Roward Bort na nakangiti sa amin. 

At least hindi na s'ya creepy kung ngumiti. Medyo nagbago rin ang kulay ng balat n'ya hindi na s'ya ganoon ka puti tulad ng dati. 

"I see. That's good to hear at least hindi natin s'ya pro-problemahin." komento ko at inilapit ni tito Pabio ang cake na inilapag n'ya sa harap ko kaya napatingin ako doon.

"Taste it.." aniya kaya naman ay napatingin ako doon sa cake.

Wala naman silang planong lasunin ako diba? Agad kong kinuha ang cake at tinikman ito.

Parang may kalasa ata? Bumili ba sila ng cake na gawa ng A&C cakeshop? Iyon kasi ang lasa nitong cake na pinatikim sa akin. 

Well, isa sa mga famous cakeshop ang A&C. Ang pinakamababang presyo ng cake nila ay nagkakahalaga ng ten thousand- round cake lang lang iyon! Isa si dad na favorite ang cake nila kaya naman ay kabisadong-kabisado ko ang lasa no'n! 

"What can you say?" Tanong ni tito Pabio ng mailapag ko ang cake matapos tikman.

Nakita ko namang kinuha ni Nexus ang cake para tumikim at 'yong mismong tinidor ko na ginamit ang ginamit niya! 

"Uh-A&C?" Saad ko at ngumiti naman si tito sa narinig.

Nakita ko namang palapit si Roward Bort sa kinauupuan ko. 

"No. Gawa 'yan ni Roward Bort!" Masayang saad ni tito kaya napatitig ako sa robot na ngayon ay nasa tabi ko na.

Tumayo ako para kunin ang iniabot na bottled water ni Zack. Sumandal ako sa isang sulok ng pader habang nakatingin sa kanila. 

"Nagbenta nga kami nitong nakaraang araw, Ezra! Grabe nakakapagod mag-deliver! Hinahabol ako ng mga chikababes!" Saad ni Alexis at binatukan naman s'ya agad ni Flare.

"Anong hinabol ng chikababes? H'wag kang maniwala d'yan sa baliw na 'yan Captain! Aso ang humabol sa kanya!" Asik ni Flare na ikinatawa naman nina tito.

"Mga gunggong! Ako lang 'tong naka-sold out no!" Pagyayabang naman ni Drake at kumindat pa sa akin habang ako naman ay naiiling lang sa mga katarantaduhan nila. 

"Si Nexus kaya 'tong maraming nabenta!" Saad naman ni Zack kaya mabilis akong napatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa.

Naubo naman ito sa narinig dahil talagang inubos n'ya ang cake na kapiranggot lang ang binawas ko. 

"Oo nga! Ang daming bumiling mga chikababes!" Saad ni Zack. 

"Fuck you!" Sigaw ni Nexus kaya naman ay napa-iling nalang ako.

Iyang mafia boss mapag bebenta nila? That's quite impossible! 

"Maganda s'ya!"

Napatingin naman ako kay Roward Bort ng magsalita ito. 

"Kitams? Pati si Roward Bort nagsasabi ng totoo!"

Si Drake na may pangisi-ngisi pa. Itinaas naman ni Roward Bort ang kanyang mga kamay at itinuro ako kaya naman ay natahimik sila. Maging ako ay napahinto, kasama ba 'to sa naka-program sa kaniya? 

"Si Ezra maganda s'ya!" Sabi ulit nito kaya naman ay napakurap ako sa narinig. 

"Tangina! Roward babaero ka!" Sigaw ni Drake na ikinatawa nila.

"Awit!" Si Zack na tuluyang lumapit kay Roward.

"Akala ko ba ay ako lang Roward babes!?" Ma-drama namang saad ni Alexis at muli silang nagtawanan.

Napatigil sila sa pagtatawanan ng biglang umilaw at tumunog ang buzzer na may kulay red sa itaas ng mga computer. Napatayo naman agad si tito at agad na lumapit sa bawat computer. Maging ako ay mabilis na sumunod sa kanya. 

"Masama ito!" Seryosong saad nya at pinasadahan kami ng tingin.

Sila ay ay kunot-noong nakatingin kay tito Pabio.

"What's happening?" Tanong ni Nexus at nag-aabang kaming lahat sa sasabihin niya.

Huminto na rin ang malakas na tunog pati na ang kulay pulang mga ilaw. 

"May iba pang mga humanoids bukod kay Roward! Ang masama pa nito ay kulay pula ang na-detect sa system, nilagyan ko ng detection system ang katawan ni Roward Bort para malaman kung may iba pa bang mag e-exist na katulad n'yang humanoids! Blue- determine for good androids while red is the evil one!" Paliwanag ni tito at maya-maya lang ay tumunog ulit ito!

May lumabas na apat na dots sa computer at nagkatinginan kaming lahat. Malaking problema 'to pag nagkataon! 

"Ibig bang sabihin nito ay iisa lang ang developer nila?" Tanong ni Alexis at sa itsura nito ay mukhang curious na curious din siya pati na sina Drake, Flare and Zack.

Maging si Nexus ay nakakunot pa ang noo habang nakatitig lang sa computer! 

"Yes." malamig na saad ni tito at mas lalong nanaig ang katahimikan sa buong paligid.

Walang nagsalita o kumilos para bang natuod kami sa pagkakataong 'to! 

"Kailangan ko ng kumilos para mabawi si Chase." naisatinig ko at napatingin naman silang lahat sa akin na para bang hindi sang-ayon sa narinig.

"Ezra, kailangan nating paghandaan 'to! Hindi biro ang may hawak kay Chase, Ezra." Paalala ni tito Pabio kaya naman kahit labag sa loob ko ay kailangan ko pang maghintay.

Alam kong gumagawa din ng mga paraan si Marthinie at alam kong hindi n'ya pababayaan si Chase. Pero hindi ako makakampante kung hindi namin s'ya mababawi! 

"Captain, gagawin namin ang lahat para tumulong!" sabi naman ni Flare. 

"May tama si Flare Captain ganda! We promise na tutulong kami sa abot ng aming makakaya!" Sabat naman Drake at sumaludo pa 'to.

Tango nalang ang naitugon ko at bumalik sa sofa.

Ipinikit ko ang mga mata at sumandal sa sofa. Narinig ko ang pagtunog ng telepono ni tito Pabio kaya muli kong iminulat ang mga mata. 

"Oh? Patrick? Napatawag ka?" Rinig kong saad ni tito at nilingon pa ako nito. 

Si dad! 

"Really? Alright don't worry pupunta kami! Siyempre naman. Oo, okay ako ng bahala doon! Bye!" ibinaba na nito ang telepono at lumapit sa akin. 

"Magkakaroon daw ng engrandeng party para sa collaboration ng apat na kumpanya at ang sabi pa ng daddy mo na lahat tayo ay pupunta." aniya.

"Wala si Dia kaya I have no choice kundi ang pumunta." tamad kong saad at agad ng tumayo "Uuwi nalang muna ako tito Pabio. Goodbye Gentlemen." paalam ko at nagpaalam na rin sila sa akin.

Nakita ko naman si Nexus na nasa labas at nakatayo malapit sa kotse n'ya. Teka- kailan pa s'ya nakalabas?

"Ihahatid na kita." saad nito at binuksan ang kotse pero agad ko s'yang nilagpasan

"Mag ta-taxi nalang ako. Salamat sa offer." saad ko pero mabilis itong nakapunta sa harapan ko at matamang tumingin ng diretso sa mga mata ko. 

"Sakay sa kotse ko, Ezra." seryoso s'ya at walang kahit na anong emosyon ang mababakas sa mukha n'ya.

Agad n'yang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kotse n'ya at agad n'yang binuksan ang pinto at naghintay na pumasok ako. Bumuntong hininga muna ako bago sumakay at humalukipkip.

I even attached the seatbelt just to make sure na wala na s'yang ibang bagay na mapapakialaman sa akin.

Damn this man! Bakit ba feeling n'ya superior s'ya at lagi nalang dapat sundin? Ganyan ba talaga kapag mafia boss at favorite mang-utos at kailangan laging sundin? Mukha nga silang pa easy-easy lang at mga walang ginagawa puwera sa pagbuntot sa akin kapag may misyon ako! 

"Stop frowning will you? Para namang ang laki ng krimen na ginawa ko sa kagustuhan kong mahatid ka!" rinig kong sabi n'ya habang nagda-drive.

Bakit ba kasi gusto n'ya pang maihatid ako? Para saan? Baka kasi akala n'ya ay all the time kailangan ko ang tulong n'ya. 

"Kaya ko namang umuwi mag-isa." malamig kong saad at naramdaman ko ang pag tingin n'ya sa akin.

Pakiramdam ko mas lumamig ata? 

"Sinundo kita kaya ihahatid kita, you can't stop me." may inis sa boses nito kaya hindi na ako sumagot pa o itinuloy ang argumentong mamumuo sa pagitan naming dalawa. 

Bahala na nga s'ya sa buhay n'ya. Matanda na s'ya, kaya na n'yang mag-isa at may sariling pag-iisip. Desisyon n'yang sayangin ang oras n'ya sa paghatid sa akin, edi sige! 

"A-Are you mad?" Alanganing tanong nito kaya naman ay nilingon ko s'ya at diretso lang ang tingin n'ya. 

Galit? Galit nga ba ako? 

"H-hindi.." tugon ko at narinig ko pa ang pag buntong hininga n'ya.

Bakit pakiramdam ko kapag sinabi kong Oo makakasakit ako? Tsk. Bakit kasi ang convincing ng pag-iinarte ng lalaking 'to? 

"I just want to secure your safety." halos bulong na nitong sabi pero rinig na rinig ko pa din.

Para namang may kung anong nag uunahan sa dibdib ko. 

"Why do you care so much?" Matapang kong tanong at sinalubong n'ya ang malamig kong tingin.

Iyong mga mata n'ya na para bang hudyat ng isang bagyo na paparating. 

"Because I want to." Aniya.

"Caring too much isn't good, its dangerous!" komento ko at iniwas ang tingin. 

"I'm willing to take a risk. I don't care about being in danger!" saad nito at halatang ayaw pa ding magpatalo.

Napairap nalang ako dahil sa huli ako pa din ang tatahimik.

Tsk. 

Nandito na kami sa harap ng mansyon kaya naman ay madali itong bumaba para ipagbukas ako.

Hinarap ko naman s'ya ng makababa ako at kita ko ang medyo magulo nitong buhok pero hindi 'yon ang dahilan para mabawasan ang nagsusumigaw n'yang pagiging magandang lalaki. 

"Salamat.. sa pagsundo at paghatid sa akin, Nexus." kaswal kong sabi.

"My pleasure.." at sumakay na ulit ito sa kanyang sasakyan at agad na umalis. 

Pinanuod ko lang s'ya hanggang sa tuluyan na s'yang mawala sa paningin ko. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si mommy na abala sa mga evening gown.

Mukhang seryoso ito sa pagpili. 

"Oh, hi love!" Saad nito ng mapansing nandito ako. Lumapit s'ya at hinalikan ako sa pisngi. "I'm glad you're here! Tulungan mo 'ko sa pagpili ng susuotin natin para sa party!" Excited na saad ni mommy kaya naman ay agad nalang akong tumango at sumunod sa kaniya para isa-isahin ang mga magagandang gown na nandito. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.