Ezra's POV
My family grew up in the high class society. My mother was rich as hell before she got married to my father who supposedly a successful businessman right now. Lumaking mahirap si daddy dahil bata palang ay namatay na ang mga magulang n'ya kaya naman ay nagsikap s'yang makapagtapos at maitaguyod ang naumpisahan n'yang maliit na negosyo.
I understand his eagerness na maging successful pa- dahil ang sabi n'ya sa amin ay ayaw n'yang maranasan namin ang hirap na pinagdaanan n'ya noon, he spoiled us! Kahit anong gustuhin namin ay willing siyang ibigay.
Naalala ko noon na may isang mall kaming pinuntahan at ayaw pang umuwi ni Cody, dahil gusto n'yang mag-overnight doon kaya ayon binili na ni dad at pag-aari na namin ngayon.
In the level of being a spoiled child of Mendivel's, I highly nominate Cody for being the first! S'ya ang pinaka-spoiled sa amin. While me, I usually refused my dad's offer when it comes to things. Gusto kong matuto sa paraang alam ko.
I want to become stronger and face my fears!
"Mom? Why do we need to have a collaboration sa mga Valdez?" Asar na tanong ni kuya Shan.
Hindi naman sa ayaw n'ya sa mga 'to, ang kaso lang ay ayaw na muna n'yang makita 'yung ex-girlfriend n'yang si Danica.
"Son, I know that you have an issue with the youngest daughter of Valdez but do not include your personal problems in the business. Be professional." payo ni dad at wala namang choice si kuya kundi ang tumango nalang.
"Your father's right Shan. It's business to business. At isa pa- I thought you'd already moved on? Isampal mo sa babaeng 'yon na hindi s'ya kawalan at mali s'ya ng sinayang na tao." sabi naman ni mommy kaya ipinilig ko nalang ang ulo sa tv.
Puro lovelife usapan hindi naman ako makaka-relate!
[Flashreport:
Iniimbestigahan pa ngayon ang mga natagpuang anim na lakaking namatay. Sunog ang mga balat nito at para bang sinadya pang balatan ang mga mukha. Halos hindi makilala ang kanilang mga itsura kaya naman hindi agad matukoy kung sino-sinu nga ba ang mga ito. Kung may nalalaman kayo patungkol sa krimen ipagbigay alam agad sa kapulisan. Maraming salamat!]
"Ezra are you even listening?"
Napapitlag ako ng marinig ang boses ni daddy. Mabilis akong lumingon sa kinaroroonan ni dad at halos lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin.
"Ang seryoso mo namang manuod ng balita." Komento ni Cody kaya naman ay bahagya akong napalunok.
"I'm sorry, What is it dad?" Tanong ko at mabuti nalang ay nanahimik rin si Cody ng hindi ko pansinin ang side comment n'ya!
"Asher will be at the event! Is that okay with you?" Pag-ulit nito sa sinabi kaya naman ay tumango lang ako bilang tugon.
Party lang 'yon! Paano nalang kapag nalaman nilang kasama ko s'ya maging sa organisasyon?
Bigla namang tumunog ang cellphone ko na hawak-hawak ko lang at nakita kong si Justin ang tumatawag.
I excuse myself before I answer his call.
"Yes Justin?" Tanong ko ng masagot ko na ng tuluyan ang tawag n'ya.
Dumiretso ako dito sa garden dahil baka may importanteng sasabihin si Justin at marinig pa nila. Mabuti na 'yong nag-iingat.
"Nandito ka ba sa bahay n'yo Captain? Or nasa condo ka? Nandito ako sa labas ng bahay n'yo, shuta!" Saad nito kaya agad akong lumabas ng bahay at nandito nga s'ya.
Ibinaba ko ang tawag at agad na lumapit sa kotse n'ya at sumakay doon.
"Shutaneeees, napanuod mo ba 'yong balita, Captain?" Usisa nito at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
"Oo! We need to find out kung sino ang may kagagawan no'n!" Seryoso kong saad at mas binilisan n'ya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang mga robots na na-detect sa system ni tito Pabio!
"Shutangina Captain! Sino 'yan?" Tanong ni Justin kaya napatingin din ako sa harap ng gitna ng kalsada.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita! 'Yung mga sasakyan dikit-dikit na lahat!?
May tatlong nakatayo sa harap ng sasakyan namin at at sa kakaibang tingin palang nila ay para bang sinasabi nilang hindi kami makakadaan! Ngumisi sila at sabay-sabay na lumapit sa amin!
"Umatras ka!" Sigaw ko at mabilis namang ginawa 'yon ni Justin.
Sinuot ko ang mask sa mukha ko at kinuha ang baril na nasa backseat.
"Captain!" Sigaw ni Justin ng hawakan ng lalaki ang sasakyan namin!
Napigilan n'ya ang paggalaw at para bang ano mang oras ay kayang-kaya n'yang gibain ang sasakyang gamit namin!
"Baba!"
Sigaw ko ng onti-onti n'yang ini-aangat ang sasakyan. Mabilis kaming kumilos at gumulong sa kalsada!
Damn.
Narinig ko pa ang pagsigaw ni Justin kaya agad akong bumangon. Nakahiga si Justin habang ang naka-apak sa dibdib n'ya ang isang paa ng babae!
Teka?
"Justin!"
Sigaw ko at agad na pinaputukan ng bala ang lalaking dahan-dahang lumalapit sa direksyon ko. Huminto s'ya dahil sa bala pero muli na naman s'yang lumakad papalapit.
Mga Androids!
"Hindi n'yo kami matatalo!" Nakangising saad nito sa akin at humalakhak.
May kusang lumabas sa bandang dibdib n'ya na mga bala ng baril- kaya mabilis akong tumakbo at inilagan ito! Ganoon din ang ginawa ni Justin.
May iilan pang dumadaang sasakyan pero huli na! Nandoon na sila sa mga magkakadikit na mga sasakyan na para bang may malaking magnet sa pinakagitna at maging dahilan ng pagkakadikit-dikit nila at bigla nalang itong sumabog ng napakalakas!
"Hindi kayo makakatakas!" Sigaw ko ng mag dikit-dikit silang tatlong mga humanoids at mabilis akong tumakbo palapit sa kanila.
Pero huli na, nakaalis na sila na para bang bula na bigla nalang nawala. Hingal na-hingal si Justin ng makalapit sa akin.
"Ayos ka lang?" Tanong ko at tango lang ang tugon n'ya.
Ramdam ko pa ang mahapdi sa bandang balikat ko dahil sa pagsabog. Nilagpasan namin ang mga watak-watak ng bahagi ng sasakyan at may nakita kaming isang motor.
"Shuta, ako na nga magda-drive Captain!" Saad ni Justin hindi na rin ako nakipag matigasan pa at ng maka-alis narin kami.
Nang maka-angkas ako ay agad n'yang pinaandar ang motor.
"Shutangina talaga! Hindi pa nga tayo tapos sa isang problema, heto na naman sa panibagong problema!" Problemadong sabi ni Justin habang nagda-drive.
"Kailangan nating bilisan! May CCTV 'yong daan kanina at makikita nila 'yung mukha mo doon!" Saad ko kaya mas binilisan niya pa pag papatakbo.
Sa oras na makilala si Justin malalaman na din ng lahat ang pinakatatago kong sikreto!
Hayup ka talaga Alvazar!
"Hindi ko akalaing magagawa 'to ng dating Commander ng organisasyon! May ideya na ba si Commander Nazi tungkol sa buhay pa talaga ang ama n'ya, Captain?" Aniya.
Ramdam ko ang malakas na hangin na sumasalubong sa amin. Wala na kaming pakialam kung wala kaming helmet sa mga oras na ito! Siguradong malapit ng mangyari ang sinasabi ni Marthinie na sa oras na makumpleto ni Commander Alvazar ang mga robot na pinagkakaabalahan n'ya ay tsaka na ito lalantad sa amin!
"Sa tingin ko ay may ideya na si Commander Nazi sa nangyayari, pero nananatili lang s'yang tahimik sa ngayon." saad ko pa.
Ilang minuto din ang nakalipas at malapit na kami sa organisasyon. Hindi puwedeng basta malaman ng lahat ang tungkol dito dahil paniguradong mas gugulo ang sitwasyon! Kinakailangan na naming kumilos.
Habang tumatagal ang gulo na ito ay mas lalo akong nag-aalala para sa kaligtasan ng lahat. Lalong-lalo na kay Chase at Marthinie. Nasa poder sila ng demonyong 'yon! At hindi malabong gawan sila ng masama.
"Justin!"
Sigaw ko ng maramdaman ko nalang ang pagsandal n'ya sa akin. Bumitiw din ang mga kamay n'yang kanina lang ay nakahawak sa manibela! Inagap kung abutin ang manibela pero dahil walang malay si Justin ay nahihirapan ako kaya agad kaming natumba!
Mabuti nalang at hawak ko si Justin ng matumba kami. Wala pa din s'yang malay kaya agad akong tumayo. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa aking hita dahil sa pagkaka-ipit at pati na ang pagkaka-gasgas! Butas ang suot kong pantalon kung saan nagdugo ito matapos magasgasan ang binti at gilid ng hita ko!
"Justin!" Tawag ko rito pero wala pa din s'yang kamalay-malay!
Inakay ko s'ya at agad na pumasok sa loob ng organisasyon. Nakita naman nila kami agad at tinulungan ako kay Justin.
"Captain anong nangyari? Bakit puro sugat ka!?"May halong pag-aalala ng isa sa mga kasamahan ko sa organisasyon.
Nakita ko namang isinakay ng iba pa sa stretcher si Justin.
"Ayos lang ako!" Saad ko at patakbong sumunod kung saan dadalhin si Justin.
Sinalubong naman kami agad nina Commander Nazi at ng iba pa. Si Asher din ang tumingin kay Justin. Mataman ko lang na pinapanuod ang bawat kilos n'ya.
"Check the vital sign!" Utos ni Asher at ginawa naman 'yon agad ng mga assistants n'ya.
Lumapit sa kinaroroonan ko si Commander at halata sa mukha nito ang pag-aalala.
"Anong nangyayari?!" Tanong nito kaya naman ay agad akong humarap sa kanya.
"Nakaharap namin ang iba pang androids habang papunta kami dito Commander! Bigla nalang ding nawalan ng malay si Justin!" saad ko at mukhang malalim din ang iniisip ni Commander.
Wala itong imik at ikinuyom ang mga kamao. Sakto namang lumapit rin si Ranz sa amin
"C-CAPTAIN?! Ayos ka lang ba?" Hinihingal na tanong ni Ranz at tinanguan ko lang ito.
"Please check the CCTV footage kung saan nangyari ang pag sabog kanina. Make sure na walang ibang makakakita noon!" Utos ko kay Ranz at kumilos naman ito agad.
Wala na din si Commander at mas naging busy ang lahat. Pagod akong sumandal sa bench na kinauupuan ko.
"Ezra-"
Agad akong nag mulat ng mga mata ng marinig ang boses ni Asher. He looks so worried and tired. Halata din ng bahagya ang eyebags nito.
"Kamusta si Justin?" Malumanay kong tanong at tinanggal muna nito ang suot na salamin.
"He's fine now. I think, pampatulog ang inilagay sa katawan n'ya kaya s'ya biglang nawalan ng malay." saad nito.
"I see." Sambit ko at bahagyang tumango.
"Come on, kailangan kitang gamutin." dagdag pa nitong sabi at inilahad ang kamay.
Tumayo akong mag-isa at kusang pumunta sa isang vacant room para magamot ang sugat ko.
"You're lucky na ito lang ang inabot mo. Ito ang kinakatakot ko Ezra, paano kung mas malala pa dito ang nangyari sayo?!" Sermon ni Asher pero nag kibit-balikat lang ako.
"You sounded like my father." tamad kong saad at bumuntong hininga lang ito habang nilalagyan ng ointment ang mga sugat ko.
"Kung ako lang ang masusunod ay iaalis kita dito para hindi ka masaktan!" May inis sa boses nito pero patuloy lang sa paglalagay ng oinment.
'Matagal mo na 'kong nasaktan Asher!'
Sa isip-isip ko pero nanatili nalang akong tahimik.
Matapos n'ya akong gamutin ay isa-isa n'yang iniligpit ang mga ginamit n'ya at bumalik ulit sa pagkakaupo at tumingin sa akin. Nakatitig lang kami sa isa't-isa, walang gumagalaw o nagsasalita. Puno ng pag-aalala ang makikita sa pagmumukha n'ya habang malamig na tingin naman ang ipinukol ko sa kanya.
"You makes me worried more." malungkot ang boses nito pero halos hindi na siya kumurap.
"You don't need to get worried about me, Asher. Hindi na ako 'yong dating kilala mo noon na kapag nasaktan ay iiyak nalang." malamig kong sabi at agad na tumayo pero agad n'yang hinawakan ang kamay ko at hinatak kaya agad akong napa-upo.
This time ay hindi lang pag-aalala ang makikita sa kanya. Kitang-kita ko din ang sakit na gumuhit sa mga mata n'ya.
Kulang pa 'yan!
"Ano bang ginawa ko para umabot tayo sa ganito? I love and loved you! Pero mukhang kulang pa lahat ng ginawa ko noon." mapait itong ngumiti pero mas umiral sa puso ko ang sakit at galit.
Bumalik sa akin ang lahat! Lahat ng kagaguhang ginawa n'ya.
I trusted him enough, pero mukhang mali ako ng taong pinagkatiwalaan ng puso ko.
"You did well before, Asher. Try to recall everything, baka maalala mo.." makahulugang sabi ko sa kanya at agad na tumayo.
Kahit ilang beses ka pang bumalik wala ka ng magiging lugar sa puso ko!
"Minahal mo ba 'ko?" Puno ng hinanakit ang boses n'ya pero nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"I do"
Lumabas ako ng kwarto at agad na pinunasan ang luhang kusang tumulo sa mga mata ko. Tama na ang isang beses, wala ng pangalawa o pangatlong sakit! Ang hirap buoin ng sarili at gamutin ang sugat!
Mas pipiliin ko pang saluhin ang bala kesa saluhin ang maling pag-ibig at mga pangakong hindi kayang panindigan.
Pero mali nga ba? O mali lang ng panahon ang pagkakakilala naming dalawa?
Marahas akong umiling sa naisip. Hindi na ako magpapakatanga pa! Hindi na ulit.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡