Ezra's POV
Ngayon ang araw na pinag hahandaan ng apat na malalaking kumpanya. Mamayang alas-otso ng gabi ang event at mukhang marami ang ang excited. Kalat lang naman sa social media at kahit saang radio station maging sa iba't-ibang channel ng television ang nasabing collaboration na tinawag nilang the big four! Paniguradong maraming reporters at paparazzi ang pupunta dahil halos karamihan ng dadalo ay mga bigatin at sikat na mga tao.
"Please be ready, walang dapat maka halata na hindi kayo parte ng event." paalala ni Commander Nazi.
"Nakahanda na ang lahat Commander. Ranz kayo ang bahala sa system mamaya, habang kayo naman Dia at Justin ang may hawak sa crowd control. Kami na ang bahala ni Commander Nazi sa mga VIP" saad ko at kaniya kaniya naman sila ng tango.
I have no choice kundi ang harapin ang bagay na ito. Hindi pwedeng naka tago nalang ako palagi sa dilim habang maduduming mag laro ang mga kalaban pati na si Alvazar! Mamayang gabi ay kailangan naming protektahan ang mga VIP dahil sila ang target.
Kasama na doon ang pamilya ko, hindi naman maaalis ang mga banta tulad nito dahil marami ang gustong mag pabagsak sa negosyo ni dad pati na ang iba pang mga successful na negosyante.
Alam kong hindi magiging madali ito pero kailangan kong mag take ng risk. Kung ito na ang araw na malalaman nina mommy at daddy ang tinatago kong sikreto, alam kong hindi ko na mapipigilan iyon.
"Stay in the line and make sure na walang magiging problema. See you later, agents!" Paalala ni Commander bago niya kami iniwan.
Isa-isa na rin silang nag labasan sa meeting room ng maka alis na si Commander habang kaming tatlo ni Dia at Justin ay nanatili lang dito.
"For sure marami na namang fafable mamaya!" Impit na tili ni Justin.
"Kahit madaming gwapong lalaki doon, naka tuxedo ka mamaya remember? Kaya hindi ka maganda!" Pang aasar ni Dia kaya naman ay nawala ang ngiti ni Justin at napasimangot ito sa narinig.
"Shuta naman eh! Hindi ba pwedeng maging Cinderella naman ako kahit minsan!? Masama bang gusto kong mag evening sexy dress mamaya!" Malungkot nitong saad at tumingin pa sa akin na nag papaawa.
Hindi mo 'ko madadaan sa ganiyang paawa-awa effect Justin! Humalakhak naman si Dia kaya naman ay hinampas siya ni Justin sa braso.
"Pag ako lang talaga biniyayaan ng keps? Who you kayong lahat sa akin!" Aniya.
Napailing naman ako sa narinig, mabuti naman at okay na sila. Bumalik ang dating Justin at Dia. Mas gugustuhin ko pang marinig ang bangayan nilang dalawa kesa makita silang nakaratay sa kama at walang mga malay.
"Ikaw Captain? Sinong escort mo mamaya?" Naka ngising tanong ni Dia kaya maging si Justin ay napangiti din sa narinig.
Napairap naman ako dahil pakiramdam ko ako ang pag ti-tripan ng dalawang 'to.
"I'm with my family and I don't need an escort!" saad ko at agad namang tumaas ang dalawang kilay ni Justin.
Iyong tipong iju-judge ka kaagad, realquick!
"Nakuuu! Iyang buhok mo Captain abot edsa na! Putulan nga natin iyan ng very light lang! May Asher na bumabalik at may yummy fafa Nexus na dumada moves!" Tili ni Justin kaya naman ay napa kunot ang noo ko sa narinig.
Ano namang kinalaman ni Nexus dito? Mga malisyoso at malisyosa talaga!
"Ay, bet ko iyang si Nexus ha! Ampogi niya grabe ano?" Pang gagatong pa ni Dia kay Justin kaya naman lalo akong napasimangot!
"Truelaley iyan barbielat! Super gwapo. Noong nagpa-ulan ata si God ng kagwapuhan nasa pacific ocean siya sumisisid! Grabe lungs!" Saad ni Justin at kilig na kilig pa silang dalawa.
"So, sino ang bet mo Captain?" Naka ngising tanong ni Dia na ikinataas ko naman ng kilay.
Mga baliw talaga! Pwede na silang mag sama-sama nina Drake, Flare, Alexis at Zack!
"Dali na Captain! Killjoy naman eh. Atin-atin lang naman 'to hihihi! Bet ko nga si fafa Flare kasi alam kong wala na 'kong pag asa sa puso ni fafa Nexus. HAHAHAH!" parang baliw na sabi ni Justin.
"Tigilan niyo nga 'ko" saad ko at inirapan silang dalawa.
"Basta! Kay fafa Nexus ang boto ko!" Saad ni Justin
"Wag kang mag alala baks! Same tayo ng manok!" Si Dia na ang sarap ding bigwasan!
Napailing nalang ako at tumayo na.
"I'll go ahead!" Paalam ko at sumaludo lang silang dalawa sa akin.
Agad akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Ilang missed calls na din ang natanggap ko kay Cody. Alam kong excited ang isang iyon dahil marami na namang babae mamaya na pwedi niyang utuin! Ang hindi nila alam walang nakaka excite na mang yayari dahil sa gulong posibleng mangyari mamaya.
Gustuhin ko mang sabihin at ipaalam sa pamilya ko pero alam kong hindi sila maniniwala sa akin. To see is to believe ang mga iyon!
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si mommy na may kausap sa phone habang si kuya Shan naman ay mukhang namatayan at si Cody na naka ngisi habang nag ta-type sa laptop niya.
"Where's dad?" Untag ko sa kanila ng mapansin na wala ang hari sa bahay.
Naupo ako sa sofa at natapos din ang tawag kay mommy at naupo rin ito.
"He is in the company, he's making sure na magiging maayos ang lahat mamaya." tamad na sagot ni kuya Shan.
"Baka naman gusto mong pag aralan kung paano sumagot ng mga tawag Ezra? Gusto mo i-seminar kita?" Sarkastikong saad ni Cody kaya naman ay nag kibit-balikat lang ako.
"Urgh! I really hate this day!" Sigaw ni kuya Shan at maging ako ay kumbinsido sa bagay na iyan!
Sino bang excited kung alam mong may gulong mangyayari mamaya?
Tsk.
"Come on sweetie! I know you don't want to see that Danica girl pero kilala mo naman ang daddy niyo.." paalala ni mom dahil si kuya Shan ang tipo na lalayasan ang ganap kapag may ayaw siyang makita.
Nakahanda na ang lahat ng kailangan ko. Mag mula sa hairstylist, make-up artist, maging sa evening gown ko at stilleto na si mommy pa ang pumili! She's perfectionist, ayaw niyang may lumalagpas sa bawat linyang ginagawa niya, ayaw niya ng may kulang.
She's competitive as ever, but she's very sweet and kind woman that I've ever known! And that SHE is no other than the queen of Mendivel!
Our own Emerald Mendivel.
"Sissy! Make sure na ngingiti ka mamaya! You know what I'm saying, maraming camera's mamaya na naka palibot kaya naman uso ngumiti!" Pang aasar ni Cody kaya pinandilatan ko lang siya ng mata!
Always papansin talaga.
"Anyway, who's gonna be your escort my dearest beautiful daughter?" Baling ni mommy sa akin kaya naman ay tamad kong isinandal ang likod sa sofa.
"I don't need an escort mom!" Tamad kong sagot at mabilis na kumunot ang noo ni mommy sa narinig.
"WHAT!? It's a big NO, NO! ayoko na wala kang escort!" Saad ni mommy kaya naman ay bahagya akong napairap.
"Mom, I don't need a man. Man needs me instead!" Sambit ko at napa ngisi naman sina kuya Shan at Cody. Maging si mom ay nakuha pang mag thumps up!
"Yown oh!"
"Kalma guys! Si Ezra lang 'yan! Yung prinsesa namin!" Naka ngiting sabi ni kuya Shan and mom even mouthed 'thats my girl!'
It's six o'clock in the evening at nandito na ang mag aayos sa amin. Kakatapos ko lang din maligo habang si mom naman ay kanina pa hindi magkanda ugaga sa pakikipag kwentuhan at ang topic lang naman nila ay ako.
Tsk.
"Hey bebe girl. Aayusan na kita ha?" Hinging permiso ng kinuhang make-up artist ni mommy at kasama niya rin ang hairstylist.
Kanina pa naka handa ang mga gagamitin nila at kakauwi lang din ni dad para makapag palit.
"Okay." tipid kong saad at naupo na sa harap ng vanity mirror.
Inumpisahan na nilang ayusin ang buhok ko habang ang isa naman ay minimake-upan ako.
Hindi ako madalas mag make-up pero kaya ko namang gawin iyon. Si mommy lang talaga ang gustong kumuha pa ng make-up artist. Matapos ang mahigit isang oras na pag aayos ay natapos din. Paano ba naman kasi puro sila daldalan at chismisan, kaya naman napatagal tuloy.
Suot ko na rin ang evening gown ko na si mommy ang mismong nag pagawa sa isang sikat na designer. Kitang-kita ang likod ko habang sa harap naman medyo litaw ang cleavage ko dahil narin sleeveless itong suot kong gown.
"Grabee! Ang ganda mo naman, paniguradong maraming boys ang maiinlababo sa iyo niyan!" Komento ng isa kaya naman ay bahagya lang akong ngumiti at tumayo na.
Bumaba na ako ng hagdan at naka ready na sila. Agad naman silang napa tingin sa akin ng makita akong pababa at inalalayan pa ako ni kuya Shan.
"Oh my! You're so beautiful anak!" Tuwang-tuwa si mommy at para bang maiiyak.
"Mukhang mahihirapan ako sa mga manliligaw sayo mahal ko." saad naman ni dad kaya napa ngiti ako.
"Naku! Humanda sa akin iyang mga lalaki mamaya! Abugbug a Cody sila!" Mayabang na sabi ni Cody na nag patawa sa aming lahat.
"Grabe madame! Ang gaganda at ang gagwapo niyo naman po! Ang gandang lahi!" Saad ng kaibigan na fashion designer ni mommy.
Mataas ang slit ng gown ko pero mabuti nalang at hindi masyadong pansin ang baril na nasa hita ko lang din. Sinuot ko din ang earpiece ko, maliit lang ito kaya hindi masyadong mahahalata dahil natatabunan ng buhok ko ang kaliwang tenga ko.
Sumakay na kami sa kotse at naririnig ko pang nag tatawanan sina Cody at dad dahil sa pang aasar kay kuya Shan pero hindi ko na inintindi iyon. In-activate ko na ang system na konektado sa dala kong cellphone para malaman nila na papunta na kami doon. Nakita ko naman ang blue light dot na ibig sabihin ay papunta na rin si Commander pati na ang iba pa.
Everything will be ruin when the blood spread in the place. We should be alert dahil hindi mag bibigay ng senyales ang mga kalaban! Kitang-kita ko na ang napaka liwanag na hotel, talagang pinag handaan nila 'to.
Huminto ang kotse sa tapat ng Carpet at naunang bumaba sina dad at mommy, sumunod si kuya Shan at inilahad niya ang kamay para alalayan ako at si Cody naman ang pang huli.
'Grabe, napaka gandang lahi nila!'
'Look! The Mendivel siblings!'
'The genes of Emerald and Patrick are so perfect! Look at them!'
'Ang gwapo naman nila! AHHHHH!'
'Samantha Mendivel is so gorgeous!'
Iyan lang naman ang mga usap-usapan nila when we arrived. Nag patuloy lang kami sa pag lakad, si Cody naman ay feeling artista at feel na feel ang pag ngiti at pag kaway sa mga nandito.
Nakita ko naman sina Dia at Justin na mag kasama at naka hawak pa si Dia sa braso ni Justin, gusto kong matawa sa itsura niya dahil talaga namang gwapo siya pero naka simangot. Sina dad at mom naman ay pumunta sa mga kakilala nilang mga negosyante at si Cody ay malamang nag hanap na naman ng mabibiktima.
"I'll just get a wine." paalam ni kuya at mabilis siyang tinanguan.
Inilibot ko naman ang paningin sa buong paligid at busy ang lahat sa pakikipag usap, iyong iba pakikipag plastikan at kung ano-anu pa.
Naramdaman kong may kumalabit sa likod ko kaya mabilis akong napalingon. Then there I saw them smiling from ear to ear! Wala akong nilagpasan ng tingin sa kanilang lima at wala man lang akong mapintas sa mga 'to!
"Ey yow! Ezra!" nakangising saad ni Alexis.
"Grabe! Alam kong gwapo ako Ezra, wag ka namang ganiyan tumingin!" Natatawang saad ni Drake kaya inirapan ko lang siya.
Baliw talaga!
"Gorgeous!" Komento naman ni Flare at ngumiti sa akin. Napapansin ko na napapadalas ata ang pag ngiti ng isang 'to?
"Sorry Ezra pero ako ata ang pinaka gwapo dito!" Pag yayabang naman ni Alexis kaya naman ay inambahan siya ng suntok ng tatlo.
Nag kulitan pa sila at nag papalakihan pa ng katawan. Tsk, itong mga 'to talaga! Napadako naman ang tingin ko kay Nexus na naka half smile pa habang naka tingin sa akin.
This time hindi siya nag bawi ng tingin, lumapit siya sa akin at mas lalong ngumiti. Bakit pakiramdam ko may kung ano sa tiyan ko na dahilan para hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko?
"You're beautiful.. Inside and out, Mendivel." bulong nito ng makalapit na sa akin.
Napaatras naman ako ng bahagya at tumingin sa paligid, buti nalang at busy sina dad at mom pati na ang dalawa kong mga kapatid!
Naramdaman ko ang kamay ni Nexus ng hawakan niya ang baba ko at ibinaling ang mukha ko sa kaniya.
"Just look at me Mendivel! Seloso ako!" dagdag pang sabi nito at pakiramdam ko libo-libong mga kabayo ang nasa puso ko para tumibok ng ganito kabilis!
Nexus, what did you do to me?
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡