Ezra's POV
Sa ngayon ay wala pang gulong nang yayari. Nag e-enjoy pa ang lahat sa pag sayaw kung kani-kanino. Naka masid padin ako sa paligid.
"Captain, under control pa ang lahat at wala na ding masyadong dumadating na bagong panauhin." saad ni Ranz
Tama siya kanina pa ako naka harap sa entrance pero wala na ngang masyadong nadagdag.
"Bantayan niyo ang bawat daan na pwede nilang pasukan.." rinig ko namang sabi ni Commander Nazi at nakita ko siyang bahagya pang lumayo sa kinaroroonan nina mommy at daddy ng mag salita siya.
Sa sitwasyon namin ngayon, mahirap malaman kung sino ang kalaban. Hindi magiging madali ang lahat pero gagawin namin ang makakaya namin para maiwasan na may masaktan dito. Napatingin naman ako sa stage at nag sasalita na doon ang Emcee.
"Ladies and Gentlemen. Please let's give them around of applause the big four company group! Mendivel, Atkinson, Valdez and Schezinger Corporations!" Masiglang sabi ng Emcee at pumalakpak naman ang lahat.
Umakyat na sina mom at dad, ang parents ni Nexus, ang mag asawang Valdez at iyong isang lalaki na naka maskara. Nangunot ang noo ko habang nanunuod, dahil sa aming lahat dito ay siya lang ang naka maskara.
"We really can't believe na we'll make this happened! We are glad na maraming natuwa sa pag dedesisyon naming mag sama-sama kami bilang magka negosyo. I think this is the best decision we ever made, we are hoping for the success and happiness of each group. We promise to have a better service and we'll improve our business!" rinig kong sabi ni dad at nagpalakpakan ang lahat.
"As the CEO of Valdez Corporation, I am so happy to be part of this collaboration! I am working with the best Corporations that really exist! I can't wait to see our successful business and the prosper of our company! We're looking forward to all your support! Thank you!" Masayang sabi ni Mr. Valdez.
"We should enjoy this night! Let's claim the success and all the things we deserve in life! As of now, Atkinson empire really happy to serve y'all. We're glad to unite as one." Ang papa ni Nexus na talaga namang nag susumigaw ang ka gwapuhan.
Maging ang ina niya ay kitang-kita ang ganda.
"And last but not the least, Mr. Schezinger!"
He moved forward and everyone become so quite.
"I'm glad that the world will know about our existence! About how good we are when it comes to our businesses. The collaboration will be the start of the strongest bond that no one can ever break. No one can stop us to conquer the world and be the face of success!" Makahulugang sabi nito at para bang saglit na natigilan ang iba pero kalauna'y pumalakpak din naman.
Malamang ay hindi lang din ako ang curious at gustong makita o malaman kung ano bang itsura niya. Hindi naman siya siguro panget kaya siya nag maskara?
"Staring is rude young lady!" Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko si tito Pabio.
Agad siyang ngumiti at tiningnan din ang lalaking naka maskara.
"He's business started in America five years ago, ang sabi may peklat daw siya sa mukha kaya siya naka maskara." Usal ni tito Pabio.
Napatango naman ako sa narinig. Inilibot ko naman ang tingin sa paligid at tulad kanina ay ganoon pa din ang sitwasyon. May itatanong pa sana ako kay tito pero nakita kong may iba na siyang kausap at sa pag kakaalam ko ay puro mga investors ang mga iyon! Napalitan din ang tugtog at naging mabagal ito.
Nakita ko na halos lahat sila ay may kapartner na at sumasayaw. Bakit ba kasi ako nandito sa gitna?
Tsk.
Akmang aalis na sana ako ng maramdaman kong may humatak sa braso ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Flare. Naka ngiti, pero kakaibang ngiti ang nakikita ko.
"Let's dance!" Aniya
Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na 'ko umangal ng mag umpisa na siyang gumalaw.
"You are the most beautiful!" saad nito na nagpa ngiti sa akin.
"Tell me, ilang babae na ba ang nahuli mo sa ganyang linya?" Mapang asar ko na tanong at humalakhak lang ito.
"I hope you find peace in your heart, Captain.." bulong nito at tumango lang ako.
I can't imagine na makikilala ko sila.
Tumagal ng ilang minuto ang pag sasayaw namin at sumulpot naman si Drake!
"Oh, ako naman men!" Saad nito at inagaw ako kay Flare, natatawa lang siyang lumayo sa amin.
"Naka ilang babae ka na ngayong gabi?" Natatawa kong tanong at maging siya ay napangisi sa narinig.
"Mga sampu palang naman, Captain!" sagot nito.
Kung si Flare ang seryoso, si Drake naman ang pinaka maloko at alaskador sa lahat! Parehas na gwapo at walang maipipintas.
"Bakit feeling ko may ibang iniisip ang magandang kapitana?" Mapang asar na tanong nito kaya natatawa akong umiling.
"Naisip ko kasi, pag ibinenta ko kayo magkaka pera ako!" Tatawa-tawa kong saad at agad naman siyang sumimangot.
"Grabe! Bakit ka naman ganiyan! Nasasaktan ang puso ko! Paninda lang ba kami sa paningin mo?" Madrama nitong saad.
Sumulpot naman ang isa pang gwapong asungot. Tinapik agad nito si Drake na ngayon ay naka simangot.
"Hoy ako naman. Feel na feel?" Saad ni Zack at pinalitan si Drake.
"Good evening, Zack!" bati ko sa kaniya at agad siyang ngumiti sa akin.
Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang pilik mata ng isang 'to. No wonder kung bakit madaming babae na handang mag lupasay mapansin lang nila.
"Mas maganda ka pa sa gabi, Captain!" Usal nito.
"Mas bolero ka pa sa bolero, Zack!" Natatawa kong sabi.
Nag sayaw kami ng nag sayaw at kita ko naman na may napapa tingin sa gawi namin. Pwedeng tumingin pero bawal mainggit! Dumating naman si Alexis at kusa ng bumitaw si Zack sa akin.
"Hello sa pinaka magandang babae!" Bati nito sa akin.
"Hello sa pinaka babaero!" Untag ko at malakas itong tumawa kaya naman ay halos nakatingin na ang lahat ng malapit sa direksyon namin.
"Grabe ka naman Captain, ikaw lang ang babae ko!" Biro nitong saad kaya naman ay natawa ako sa narinig.
Yung mga ganiyang biro nila ay nasanay na ako. Nasanay na din akong madalas silang makasama at makita. Mukha lang silang mga abnormal pag nag sama-sama pero talaga namang maaasahan palagi.
"Pero Captain, ito lang ang masasabi ko. Mahal ka no'n!" Naka ngising saad nito na ikinakunot ng noo ko.
"Dapat pala sinabi ko kay tito Pabio na turukan muna kayo ng gamot niyo bago pumunta dito!" Saad ko at mas lalo lang siyang tumawa.
Naalala ko tuloy noong una ko silang makilala dahil kinuha nila si Justin, nag laban pa kami non! Mabuti at dumating si tito Pabio dahil baka talagang tinuluyan ko sila ni Flare noon!
"Dito ka lang Captain.." saad nito at mabilis na umalis.
Inilibot ko naman ang paningin ko at hindi ko na sila mahagilap.
Mas dumami din ang tao sa paligid pero agad na nahagip ng paningin ko ang lalaking may pinaka magandang mukha! Dapat na ba akong maniwala na noong nagpa ulan ng blessings sumisid siya sa pacific ocean?
Muntik na 'kong hindi makahinga ng lumapit siya.
"May I have this dance?" Inilahad niya ang kamay at matamang naka tingin sa akin.
Humawak ako sa kamay niya pero inilagay niya sa balikat niya ang mga kamay ko at humawak siya sa bewang ko.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Sinabi ko na bang gwapo siya?
Sa huli ako ang sumuko at tumingin sa ibang direksyon! Bakit kasi nakakalunod tumingin sa mga mata niya?
"I told you, I'm a jealous man.." anas niya at ibinalik niya ang tingin ko sa kaniya.
"Ang demanding mo naman!" inis kong saad at inirapan siya pero ngumisi lang siya ng nakaka loko!
Urgh! Kainis!
"Te Queiro Mucho Ezra.."
Masyadong lumakas ang ingay at parang may sinabi pa si Nexus pero hindi ko na narinig.
"Ano??!" Halos pasigaw ko ng tanong sa kaniya at umirap lang ito sa akin kaya naman ay natawa ako dahil di 'ko akalaing marunong pala siya non!
Agad ding napawi ang pag tawa ko ng ilapit niya ang bibig sa tenga ko, para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko! Amoy na amoy ko rin ang pabango niya sa suot niyang tuxedo.
"Wala ng ulitan sa bingi!" Aniya at kusang lumayo sa akin.
Habang nag sasayaw kami ay nakita ko si Asher. Nakatayo at nanunuod sa aming dalawa, kitang-kita ko ang pag kuyom ng mga kamao niya at agad na lumapit sa amin!
Napansin din siguro ni Nexus ang panandaliang pag hinto ko kaya naman ay lumingon siya at nakita niya si Asher na papalapit sa amin. Itinago ako ni Nexus sa likuran niya at hinawakan ako sa kamay. Nakita ko rin na tumingin doon si Asher pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak ni Nexus sa kamay ko.
"I want to dance with her!" Diretsong saad ni Asher kay Nexus, lumingon pa si Nexus sa akin na para bang kinukumpirma niyang makikipag sayaw ako. Inalis ko ang kamay niyang naka hawak sa akin, dumaan ang pagka bigla sa kaniyang mga mata.
"Let him be, Nexus." mahina kong sabi dahil ayokong magka gulo dilang dalawa dito.
Nakita ko ang pag kuyom ng mga kamao niya at masamang tiningnan si Asher.
"Fine!" malamig niyang sabi bago kami tuluyang iwan.
Tiningnan ko lang ang pag alis niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hinawakan naman ni Asher ang kamay ko at nag umpisa ng sumayaw. Bakit pakiramdam ko galit siya?
"We used to dance like this before!"
Mali bang iniwasan ko lang na magka gulo? Ayoko lang na mag away silang dalawa. Pwede pa naman kaming sumayaw mamaya kong talagang favorite niyang sumayaw.
"Ezra?"
Naka tingin pa rin ako sa daan kung saan siya pumunta, baka bumalik siya diba?
"Ezra.."
Bakit nakaka pangsisi na umalis siya? Dapat pala hindi ko na binitawan ang kamay niya.
"Hey!"
Agad akong napatingin kay Asher ng bahagya niya akong yugyugin.
"Huh?" Pag tataka ko ng makita ko ang reaksyon niya.
"Ang dami ko ng sinabi, hindi ka naman pala nakikinig!" May pag tatampo sa boses niya pero hindi ko iyon inintindi.
Dahan-dahan akong bumitaw kay Asher at may halo namang pag tataka ng tumingin ulit ito sa akin.
"I'm sorry, pero pagod na akong sumayaw!" palusot ko at iniwanan siya.
Dumaan ako kung saan pumunta si Nexus, pero puro mga nag sasayaw lang ang naabutan ko doon.
Nilibot ko na ata ang lugar pero hindi ko siya nakita. Ang bilis naman ata niyang nawala?! May nakita akong hagdan kaya naman ay naisipan kong umakyat doon. Madilim na sa parteng ito pero hindi ko alintana ang dilim. Dahan-dahan akong umakyat hanggang sa makita ko ang isang hallway.
May ibang kwarto din doon at ng lumingon ako sa kabilang parte ng hallway ay nakita ko ang isang bulto ng lalaki. Naka tayo lang ito at naka tanaw sa itaas ng langit. Dahan-dahan akong lumapit at sinigurado kong walang ingay na maririnig.
Kinapa ko din ang baril na nasa hita ko.
Nang lumingon siya sa akin ay halata pang nagulat ito ng makita ako. Nagulat din ako sa kaniya dahil hindi ko akalaing dito siya pupunta.
"Why are you here?" Malamig nitong tanong at tuluyan na akong lumapit sa kaniya pero pinanatili ko ang espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Why are you here?" Balik tanong ko sa kaniya at hindi naman ito makapaniwala sa narinig at umiling.
"Binitawan mo ako diba? Alangan namang panuorin ko pang mag sayaw kayo doon ng Asher na iyon!" Bakas ang inis nitong sabi at muli na namang umirap ito sa akin.
"Pero umalis ka pa din!" walang sense kong sabi.
At gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa mga pinag sasasabi ko! Kainis!
"Pero nakipag sayaw ka naman!" Aniya.
"Hinanap naman kita!" Inis kong usal at diretsong tumingin sa kaniya.
Dahan-dahan siyang ngumiti at tsaka ko lang na realize ang sinabi ko sa kaniya!
Akmang mag sasalita pa siya ng may marinig kaming mga yabag! Agad kaming nag tago.
Naka rinig ako ng pag kasa ng mga baril kaya agad kong hinugot ang baril na nasa hita ko at maging si Nexus ay kinuha ang baril niya na naka tago sa tagiliran! Nag lakad sila patungo kung nasaan ang party!
"Captain! Mag uumpisa na sila!"
Rinig kong sabi ni Dia sa kabilang linya at agad kaming lumabas sa pinag tataguan namin at mabilis na kumilos para bumalik sa party!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡