Angel With A Shotgun Chapter 22

Ezra's POV

Naabutan namin ang mga armadong kalalakihan at mabilis na sinugod. Ginamit naman ni Nexus ang baril niya at nagpa ulan ng bala. Narinig din namin ang sigawan sa venue kung nasaan ang mga tao. May ibang lalaking naka itim pa ang lumapit sa akin at agad akong pinalibutan, ganoon si Nexus. 

"Captain Sierra. Ako na ang bahala sa mga VIP. napaalis ko na sila!" rinig kong sabi ni Commander Nazi kaya mas lalo akong nakampante dahil wala na dito ang pamilya ko. 

Sabay-sabay silang sumugod sa akin kaya naman ay bahagya akong napaatras dahil sa bilis nilang kumilos. Mukhang dumaan sila sa matinding training at hindi sila basta-basta! Agad kong sinuntok ang isa at napaatras naman ito, nakita kung akmang babarilin sa likuran si Nexus kaya naman ay agad kung ikinasa ang baril ko at binaril ang lalaking planong barilin siya mula sa likuran! 

Headshot. 

Binaril ko na din ang iba at ng maubos namin sila ay nag madali kaming bumaba. Nagulat ako sa nakita dahil halos kalahati ata ng pumunta dito sa party ay naka handusay na sa sahig at wala ng mga buhay! Nakita kong malinis ang suot nilang mga damit kaya naman hindi tama ng baril ang ikinamatay nila! Agad kong nilapitan ang isang bangkay ay nakita ko na halos pare-parehas silang may mga dugo sa bibig! 

Damn. 

"Nilason sila!" seryosong saad ni Nexus ng i-check niya rin ang isa pang bangkay na malapit sa kinatatayuan niya.

Posibleng tama siya. Mukhang bago pa man kami mauna dito ay nandito na sila! Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Posibleng ang mga nag served ng alak kanina ang may gawa, pero halos wala ng tao dito. 

"Anong balita diyan Justin at Dia!?" Tanong ko at narinig ko pa ang malakas na pag sigaw ni Justin sa kabilang linya! 

"A-Ayos lang kami Captain. Pero mas dumadami ang sumusugod sa amin dito!" Aniya.

Napa gulong agad ako ng may biglaang bumaril sa direksyon ko! Agad ko din itong binaril pero mabilis itong nakaiwas. Bigla namang lumitaw sa harapan ko ang mga androids na naka laban namin ni Justin sa highway at mabilis akong hinampas ng baril na hawak nito. Sa lakas ng pag hampas niya ay literal na napaikot ako! 

"Ezra!"

Malakas na sigaw ni Nexus at nakita ko ang pag sugod niya sa mga ito pero mabilis na nag laho ang mga 'to at napunta sa likuran niya tsaka si tinutukan ng baril! Agad ko namang ibinato ang hawak kong baril sa kamay ng lalaki at nabitawan nito ang baril na hawak niya!

Inis itong tumingin sa akin at nag hiwa-hiwalay na silang tatlo! Nakita ko ang pag talon ng malaking isang aso na gawa sa metal at sumugod ay Nexus habang kaharap niya ang lalaking robot. 

"Captain! Wag mo silang babarilin! Sa oras na natatamaan sila ng bala ay mas lalong tumataas ang defense mechanism nila!" Rinig kong saad ni Ranz sa kabilang linya. 

Ano!? Tsk. Grabe naman! 

"Nexus! Wag kang gagamit ng baril dahil mas tumataas ang defense Mechanism ng mga iyan!" Sigaw ko at muli kong ibinalik ang tingin sa dalawang babaeng robot na nasa harap ko.

Sumugod ang mga ito sa akin at mabilis na sinuntok ako sa sikmura! Ang isa naman ay tinadyakan ako sa likod! Napatumba ako pero agad din bumangon.

Sinugod ko sila at mabilis na sinipa, hinatak ko naman ang babaeng robot na itim ang buhok at ini-untog sa pader ang mukha. Sa sobrang lakas ng pag kakauntog niya ay bahagyang nayupi ang kanang pisnge niya. 

"Papatayin namin kayong lahat!" Nanlilisik ang mga mata nito at itinapat ang daliri sa akin, may lumabas doon na bilog na apoy habang sa isa naman ay kuryente! 

"Captain! Wala talaga silang buhay!" Sigaw ni Ranz sa kabilang linya.

"Shuta Ranz! Ano bang pinag sasasabi mo diyan!?" Singit ni Justin kaya maging ako ay naguluhan!

Paanong walang buhay!?

"Ang ibig kung sabihin ay computer lang sila! Pwede kung ma-hack ang system nila!" Sa boses ni Ranz ay halatang kabang-kaba rin ito sa nakikita.

Naririnig ko din ang pag tap niya sa mga keyboard! 

"Ay gago. Sana mag brown out!" Saad ni Justin kaya naman ay narinig ko ang pag tawa ni Ranz. 

Patuloy lang ako sa pag iwas. Hindi pwedeng madikit ako sa kanila, nararamdaman ko ang init sa babaeng robot at kumikislap naman ang isa!

Dumating din sina Drake at lumapit sa akin! Inihagis nila ang isang lalaking walang buhay pero mabilis itong nasunog ng madikit ang katawan sa babaeng may apoy sa daliri. 

"Tae! Imortal gago!" Saad ni Drake at nag hagis ulit ng isa pa sa babaeng may kuryente. 

Narinig ko ang malalakas na putok ng baril kung nasaan sila Justin. Mukhang sa kanila galing iyon! 

"Marami pa ba diyan!?" Tanong ko habang umiilag. 

"Medyo Captain!" Sagot ni Dia.

Nakita ko naman sina Flare na para bang aliw na aliw pa sa asong robot! 

"Chuchu! Come to papa!" Sigaw ni Alexis at inilabas naman ng asong metal ang pangil nito. 

Kahit kailan talaga. 

"MAMAMATAY KAYONG LAHAT! SISIGURADUHIN NAMING WALANG MATITIRA SA INYO!" Sigaw ng lalaking robot na kalaban ni Nexus.

Napatumba ni Nexus iyon at nakita kong puro sugat na rin siya. 

Ipinag dikit ng dalawang babaeng robot ang mga kamay nila at lumikha sila ng apoy na magka halong kuryente! Napaka laking bilog nito at kayang-kaya kaming tapusin! 

"Takbo!" Sigaw ni Zack ng makita ang bilog! 

Pero bago pa man niya nagawa iyon ay napatid na siya agad! 

"Tangina naman, Zack! Ba't ang bobo mo!" Reklamo ni Drake at lumapit sa kaibigan at hinatak niya na ito patayo.

Habang patagal ay mas lumalaki ang bilog na apoy! 

"Tawagin niyo si Elsa!" Sigaw ni Alexis sa kabila kaya naman ay mabilis na kumunot ang noo ko! 

"Gago, mamamatay na tayo ditong gunggong ka babae pa iniisip mo!" Sigaw naman Flare.

"Tanga, sa frozen iyon!" Natatawang saad ni Alexis. 

"Siraulo talaga!" Rinig kong saad ni Dia. 

Akmang sasabog na ang malaking apoy ng biglang sumabog ang dalawang babaeng robot!

Nawala din ang bilog na apoy na ginawa nila! Pati ang kalaban ni Nexus at ang aso ay sumabog din bigla. 

"Nagawa kooo!" Malakas na sigaw ni Ranz sa kabilang linya! 

"N..Na-hack mo?!" Sigaw ni Dia at narinig ko pa ang tawanan nila sa kabila! 

"Tangina. Mas naging yummy ka ata fafa Ranz!" malanding saad ni Justin kaya naman ay natawa na rin ako sa narinig. 

Nakita ko naman ang itsura nila dito na para bang gulat na gulat. 

"Gagi? Anong nangyari? Parang kanina lang kinakagat ako ng ribcage na aso na iyon ah!?" Takang tanong ni Alexis. 

Lumapit naman sila sa akin at halata sa itsura nila ang pagod.

Pawisan at butas ang mga tuxedo, magulo ang mga buhok. 

"Na-hacked ni Ranz ang system ng mga robots!" Saad ko at nag apir naman sina Drake at Zack dahil sa narinig.

Niyakap naman ni Alexis si Flare at hinalikan pa sa pisnge. 

"Kadiri gago!" Asik ni Flare pero sa huli ay nag tawanan din sila. 

"We did it.." anas ni Nexus ng lumapit ito sa akin. 

Bahagya ko siyang nginitian at tumango. Akmang mag lalakad ako pero bigla akong napa hinto. Nakita ko pa ang pag tataka sa mukha niya hanggang sa parang umiikot na ang paningin ko!

May sinasabi sila pero parang hindi ko maintindihan.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang brasong umalalay sa katawan ko sa pag kakatumba at tuluyan ng nag dilim ang paningin ko. 

Flare's POV

Gulat na gulat kami sa nakita ng bigla nalang natumba si Captain! Mabuti nalang at nasalo siya agad ni Nexus at binuhat ito ng pang kasal.

"Fuck!" Mura nito at halata sa itsura ang pag aalala. 

Dumating naman ang dalawa pang kasamahan ni Captain at maging sila ay patakbong lumapit sa amin. 

"Anong?! May tama siya ng bala, shuta!" Histerikal na sabi ni Justin at napatingin ako sa gown na suot nito! Puro dugo nga ito at nang galing nga sa kaniya. 

"Ihanda niyo ang sasakyan!" Utos ni Nexus at agad kaming kumilos.

Nakita ko pa ang pag hubad nina Dia at Justin ng earpiece nila at sumunod sa amin! Nagmadali kaming pumunta sa parking lot at si Drake na ang nag nag presintang mag drive.

Gamit namin ang Van na sinakyan namin kanina. Karga pa din ni Nexus si Captain at maging si Justin at Dia ay umiiyak na. 

"Captain!" Pang yuyugyog ni Justin pero hindi ito gumalaw. 

Nauntog naman ako sa bilis ng pagkaka drive ni Drake. Kaya naman ay binatukan siya nina Alexis at Zack na malapit sa kaniya. 

"Tangina ka! Mamamatay tayo sa ginagawa mo!" Sigaw ni Alexis. 

"Sorry naman guys! Kinakabahan lang ako!" Aniya at maging ako ay napairap sa inis."Saang ospital ba natin siya dadalhin?" Tanong nito.

"Pumunta tayo sa private house ko!" Utos ni Nexus 

"Mabuti pa nga!" sabay na sabi naman nina Dia at Justin kaya nag hinala naman ako sa kanilang dalawa.

Bakit okay lang sa kanila? Ang alam ko may sariling ospital sa loob ng organisasyon nila pero bakit hindi nila doon gustong dalhin si Captain Ezra?

"Shuta wag mo 'kong tingnan ng ganiyan fafa Flare! Naiinlab ako!" Rinig kong saad ni Justin kaya sinamaan ko siya ng tingin at ibinaling nalang ang tingin kay Ezra.  

"Wag muna nating ipaalam ang nangyari kay Captain!" Seryosong sabi ni Dia kaya naman ay may halong pag tataka sa mga mukha ng dakawang unggoy na nasa harapan. 

"B-Bakit?" Takang tanong ni Alexis kay Dia at bumuntong hininga muna ito bago sumagot. 

"May traydor sa organisasyon!" Sagot nito kaya mabilis kong ikinuyom ang mga kamao ko! 

"Nakaka lungkot mang isipin pero sa ngayon kayo muna ang mapag kakatiwalaan namin!" sabat naman ni Justin. 

Traydor sa organisasyon? Tsk. Sa oras na malaman 'to ni Captain malamang ay mapupunta sa impiyerno ang mga iyon! Mga walang isang salita. Kung sino man sila wag na silang magpa kita pa! Dahil sa oras na mangyari iyon ipapasundo ko na sila kay kamatayan. 

"Sigurado na ba kayo diyan sa mga pinag sasabi niyo!? Baka naman naniniwala lang kayo sa kwento ni Marites!" Seryosong saad naman ni Alexis kaya naman nag taka ako kung sino na namang Marites iyan?

Babae na naman niya? 

"Who the hell is Marites!?" Inis na tanong ni Nexus at ngumisi naman si Alexis dahil lahat kami halatang curious kay Marites. 

"Ah, si Marites ba? Siya lang naman ang dakilang chismosa!" sagot nito at nakuha pang tumawa.

Gago talaga, kanina iyong Yza ba? O Belsa? Basta iyong freezer na binaggit niya! 

"Patayin niyo nga iyang hayop na iyan!" Sigaw naman ni Drake.

"Aray-aww! Joke-ouch! Biro lang naman eh!" Sigaw nito ng masapak, masambunutan at matapos maalog ang utak dahil sa amin.

Gunggong ka ha! Nakuha mo pang mag biro. 

"Utang na labas wag ka ng mag salita Alexis ha! Matatamaan ka sa amin!" Inis na saad ni Dia at umirap pa. 

"ilalaglag kitang gago ka!" pag babanta naman sa kaniya ni Zack.

"Panget niyo ka-bonding!" Aniya at sumimangot.

"Pero seryoso? Totoo na ba iyan? Walang halong fake news!?"  Usisa nito kay Justin at Dia.

Tumango naman ang dalawa at mukhang marami silang ikukwento mamaya! 

"Call Mr. Santos, Flare!" Utos ni Nexus at mabilis ko namang ginawa.

Malapit na kami sa private house ni Nexus at kami lang ang nakaka alam tungkol dito.

May sarili din kaming magaling na doctor at ito nga ay si Mr. Santos. Mga bata palang ata kami ay siya na ang taga gamot sa amin. 

"Yes Flare? What can I help you today?" Tanong nito ng masagot ang tawag ko.

"Why? Bukod sa pag gagamot may iba ka pang kayang gawin?" Sarkastikong kong tanong at nag tawanan naman ang dalawang unggoy na sina Alexis at Zack. 

"Oh, anyway saan ba?" Tanong nito. 

"Sa Private house ng mahal nating mafia boss! Wag kang mag babagal-bagal. Importante 'tong pasyente mo ngayong gabi!" makahulugang saad ko at ibinaba na ang tawag.

Hindi ko na hinintay ang pag sagot niya.

"May regla ka na naman ata Flare!" Pang aasar ni Alexis kaya naman ay sinamaan ko na naman ito ng tingin. Kung hindi lang hawak ni Nexus si Captain kanina pa nabangasan ang isang 'to eh! 

Nakakagigil. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.