Ezra's POV
Dahan-dahan kong i-minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang asul na kisame. Medyo masakit pa ang ulo ko na para bang may nag mamartilyo dito. Ang alam ko nawalan ako ng malay kung saan bigla nalang sumabog yung mga androids na nakalaban namin.
Sigurado akong wala ako sa kwarto ko. Mabilis akong napa bangon ng maramdaman ko ang pag kislot ng kamay na nakahawak sa kamay ko.Nangungunot ang noo kong tumingin sa lapastangang nakahawak sa akin ngayon!
Ang kapal naman nitong hawak-hawakan ako!
Sinilip ko ito ng bahagya dahil naka unan lang ang ulo nito sa kamang kinahihigaan ko at nananatiling naka upo ito sa sahig pero tulog.
"Nexus?"
Bulong kong sabi at muntik pa akong maubo dahil sa sakit ng lalamunan ko na tuyong-tuyo. Ramdam ko din ang pag kirot ng kalamnan ko.
Bakit naman kaya diyan siya natulog? May malaki namang sofa dito, edi sana doon siya humiga diba? Inilibot ko ang mga mata sa buong paligid, puro pang lalaki ang mga gamit at amoy na amoy ko pa ang pabango ni Nexus dito. Kulay itim din ang bedsheet ng kama, maging ang mga punda at comforter ay ganoon din.
"Shit, did I wake you up?"
Agad akong napatingin kay Nexus na natatarantang umupo sa kama at humarap sa akin. Napansin ko ang nangingitim nitong eyebags na para bang ilang araw na hindi natulog. Magulo din ang buhok niya at namumula-mula pa ang mga pisnge.
"Uh, Hindi naman" tipid kong saad at maharahan itong tumango.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko, kaya naman ay naiilang akong tumingin sa kaniya at ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Yung sugat mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Tell me.." sunod-sunod nitong tanong kaya naman ay napalingon na ako rito.
Sa itsura niya ay talagang hindi siya nag bibiro. Mataman lang siyang naka tingin sa akin.
"Ayos lang ako...teka? Bakit nga pala ako nandito? Sa pag kakatanda ko nawalan na 'ko ng malay matapos sumabog noong mga androids na naka laban natin." saad ko at narinig ko namang bumuntong hininga ito.
Pansin ko rin na para bang wala siyang energy at para bang pagod na pagod.
"After that incident na nahimatay ka, we found out na may tama ka ng bala ng baril. You lose too much blood and your subordinates agreed na dito ka mag pagaling." paliwanag nito kaya naman ay napakurap ako sa narinig.
"Isang araw lang naman akong tulog diba?" Kaswal kong saad at muli na naman itong bumuntong hininga na para bang pasan-pasan niya ang buong mundo.
Bakit ba parang problemado masyado ang lalaking 'to?
"You are asleep for five days straight." aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. As in five days!? really? Ganoon ako katagal na tulog dito? Tumayo na ito kaya naman ay tumayo na rin ako sa higaan. Nang lumingon siya sa akin ay mabilis na nanlaki ang mga mata niya.
"Shit, What the hell are you doing!?" Asik nito at mabilis na lumapit sa akin at inalalayan ako.
Napakunot naman ang noo ko at bahagya siyang itinulak. May halong pag tataka itong tumingin sa akin.
"Kaya ko namang lumakad 'no!" saad ko and for the nth times muli na naman siyang bumuntong hininga.
"Fine!" saad nito but he's still holding my arms!
Ano ba naman 'tong lalaking to. Ano bang akala niya sa akin lampa ganoon? Mabuti nalang at wala dito sina Dia at Justin dahil kung hindi walang kamatayang pang aasar na naman ang aabutin ko sa dalawang iyon!
Nang makalabas kami sa kwarto ay nakita ko na may iilan pang kwarto na nandito. Maganda rin ang design ng bahay at talaga namang napaka linis. Mas lalo pa akong napamangha sa mga nakikita ng maka baba kami sa sala. Napaka ganda, iyong tipong kapag dito ka nakatira mare-relax ka.
May paikot na malalaking kulay brown na sofa, halatang maganda ang quality nito, may tatlong chandelier na naka sabit. May 110 tv inch na naka kabit sa wall, at may magandang aquarium at malulusog na isda.
Nang maka lagpas kami sa sofa ay pumasok naman kami sa kusina. Napansin ko agad ang apat na nag lalakihang refrigerator. Iyong usong-usong refrigerator ngayon na side by side double door refrigerator.
"What do you want to eat?" Muling bumalik ang tingin ko kay Nexus na ngayon ay kasalukuyang binuksan ang unang refrigerator at naka pameywang pang naka tingin doon.
Nagugutom ako pero hindi ko alam kung ano ba ang eksaktong gusto ko ngayon. Ganito ba talaga kapag limang araw na tulog?
"Kahit ano na.." saad ko at naupo.
Dahil hindi ako makapag decide kung ano bang gusto ko. Hindi ko akalaing limang araw na pala akong nandito at limang araw na rin akong binabantayan ni Nexus!
Pinanuod ko lang siyang kunin ang mga ingredients na gagamitin niya sa pag luluto at inumpisahan niya ng hiwain ang mga gulay. Mukha naman siyang marunong mag luto kaya hindi ko kailangang mag alala kung masama ba ang lasa ng lulutuin niya.
Bibihira lang sa mga kalalakihan na marunong gumawa ng gawaing bahay o kaya naman ay marunong mag luto. Naalala ko noon si Cody na ipinrito ang itlog na nasa eggshell pa!
Oo, nasa eggshell pa! Pati yung hotdog na mas maitim pa sa pwet ng kaldero at kung ano-anu pang mga niluto niya noon na hindi katanggap-tanggap sa sikmura.
Mahigit isang oras din bago siya natapos mag luto dahil sa dami ng gusto niyang lutuin. Adobo, sinigang, fried fish and coleslaw. Ipinag timpla niya din ako ng mocha cholate coffee.
"Let's eat!" Ganado niyang sabi.
Siya na rin mismo ang nag lagay ng pag kain sa pinggan ko habang ako eto naka tunganga lang, baka pati pag subo ng pag kain mag presinta pa siya?
Naiiling nalang ako sa naisip at nag umpisa ng kumain. Una kong tinikman ang adobo, spicy adobo. Well, ang masasabi ko lang ay talagang masarap. Parang luto ng isang professional chief.
"Captain!?"
Napalingon naman ako sa likuran kung sino ang nag salita at nakita ko pang bahagya silang naka nganga. Oo, sina Drake, Flare, Alexis, Zack, Dia and Justin lang naman ang dumating.
Bahagya akong ngumisi kaya naman ay nag unahan silang lumapit sa akin. Agad naman akong niyakap nina Justin at Dia.
"Grabe Captain! Namiss kita, Shuta naman eh!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Justin.
"Hoy, baka naman gusto niyong tumabi? Kami naman!" Rinig kong reklamo ni Drake at mabilis na hinatak sina Dia at Justin.
Hindi ko naman maiwasang hindi matawa dahil sa mga reaksyon nila, daig ko pa yung nawala ng isang taon dahil sa mga kaek-ekan nila!
"Captain ganda naman eh! Pwede ba? Hindi ka si sleeping beauty!" Natatawang saad ni Alexis at mabilis naman siyang binatukan ng tatlo.
Kakamot-kamot siya ng ulong tumingin sa akin.
"Alam mo iyang si Alexis, Captain? Napaka balasubas niyan!" Asar na sabi ni Drake at mabilis nila akong niyakap at lumayo din naman.
Napansin ko pa ang masamang tingin ni Nexus at ang marahas niyang pag lapag ng ginamit niyang baso.
"Hello sa pinaka gwapo naming boss! Hehe!" alanganing sabi naman ni Zack at nag peace sign pa pero inirapan lang siya ni Nexus.
Matapos ng ganap na kwentuhan ay sumalo na sila sa pag kain. Ang apat na mga baliw na rin ang nag presintang mag hugas ng pinggan na inabot pa ng mahigit isa,'t kalahating oras dahil puro sila bangayan.
"Ang totoo niyan Captain, nagawa na namin ang iniutos mo!" rinig kong sabi ni Dia kaya naman ay napaayos naman ako ng upo.
"Nakumpirma naming isa nga si Ranz sa mga tauhan ni Alvazar!" dagdag pa nito at hindi na ako nagulat sa narinig.
Matagal ko ng napapansin ang bawat kilos ni Ranz lalong-lalo na kapag may mga misyon kami. Madalas na nadi-disconnect ang bawat data server ng organization. Zero file din ito palagi at ang lagi niya lang sinasabi na wala siyang alam tungkol doon.
"Shuta, gwapings pa naman si fafa Ranz tapos traydor naman pala! Jojombagin ko talaga siya!" Inis namang sabi ni Justin.
"That's the reason why I suggested na dito ka magpa galing, dahil habang nasa loob kayo ng Black Crystal Revolution ay wala ng kasiguraduhan ang bawat buhay niyo." sabat naman ni Nexus at napatango naman sila sa narinig.
For now, wala kaming ibang mapag kakatiwalaan kundi ang isa't-isa. Hangga't hindi namin nakikilala ang bawat kakampi ng demonyong Alvazar na iyan ay mahihirapan kami.
Masyado silang maduduming kumilos!
"Stay still. Umakto kayo na parang walang alam sa nangyayari. Hayaan niyong isipin nilang tayo ang pinapaikot nila sa labang 'to!" Matigas kong saad
"Do you think may ideya na dito si Commander Nazi, Captain ganda?" Tanong naman ni Alexis.
"Eww, nakiki Commander di ka naman belong!" Pang aasar ni Drake at humalukipkip lang ito.
Bakit napapansin ko na si Alexis ata ang kinakawawa nila ngayon?
"Para kang tanga!" asik naman ni Flare at naka simangot itong umayos ng upo.
Pakiramdam ko mabilis akong tatanda sa mga 'to. Alam niyo yung feeling na may mga paslit kang anak!? O kaya naman ay teacher ka at ubod ng kulit yung mga estudyante mo!?
"Panget niyo ka-bonding! Ako naman ang pinaka gwapo dito!" Naka ngusong sabi ni Alexis at umirap lang siya sa mga baliw niya pang kasama.
"I think, may alam si Commander tungkol dito." saad ko at napatahimik naman sila sa narinig.
Mukha namang nagulat sina Dia at Justin dahil sa sinabi ko. Sigurado na ako sa bagay na iyan.
"B-Bakit? Paanong-" utal na saad ni Dia
"I saw the results of the test na ipinagawa ni Commander sa ibang team. Iyon ay ang pag kuha niya ng sample sa matagal ng ibinurol na Commander Alvazar, pero hindi siya ang nandoon! Palabas lang ang lahat!" ani ko.
Ayokong husgahan si Commander Nazi. Alam kong may dahilan siya kung bakit hindi niya pa sinasabi sa amin iyon. Ayokong magka sira-sira kaming lahat dahil nawala na ang tiwala sa isa't-isa.
Naikwento din ni Dia na ilang araw din siyang pabalik-balik sa bahay dahil kailangan niyang mag panggap bilang ako habang kasalukuyan akong nag papagaling. Tulad ng dati ay mukhang wala namang ideya ang mga magulang ko sa nangyayari.
Busy rin daw ang mga 'to sa pag tulong sa mga namatayan noong araw ng collaboration.
"Anyway, what about Marthinie? Nakakausap niyo pa ba siya?" Muli kong tanong at alanganin silang umaling. Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa nalaman.
"Don't worry, we reached out of her last time, to checked if they are fine!" diretsong saad naman ni Nexus at marahan ako ay napatango.
"Na promote kasi sa trabaho si Marthinie kaya ayon! Busy na palagi, pero last time na maka usap namin siya okay pa naman daw sila!" sambit ni Alexis.
Na nagkakamot pa sa ulo na parang unggoy.
"Sa ngayon. Okay pa sila doon sa poder ng mga pero kaaway! kapag nainip na si Alvazar. There's a big possibilities na patayin niya sila anytime!" naka tulala kong sabi at narinig ko din ang pag buntong hininga nila.
"Don't worry Captain, magagawan natin ng paraan para makapag pasok tayo ng tao sa loob!" naka ngising sabi naman ni Flare.
"Dahil malaki na ang tiwala ng baliw na Alvazar na iyon kay Marthinie ay siya na din ang humahawak sa mga taong papasukin doon. Recruitments ganoon." Sabat naman ni Alexis na ngayon lang ata nag seryoso sa usapan.
"Edi sana all may promotion diba?" Natatawang sabi naman ni Zack
Na mukhang nag papahiwatig kay Nexus, at maging ang iba ay natawa din.
"Why? do you fucking want a promotion?" Malamig na tanong ni Nexus na daig pa ang pinag lihi sa Atlantic ocean sa sobrang lamig.
Ngumisi muna si Zack bago sumagot.
"Hehe, yezzz naman boss! Sino bang may ayaw?" Masiglang saad nito kaya nag kibit-balikat si Nexus.
"Alright. You should bid your farewell to them, dahil ikaw ang ipapadala ko doon para naman matuwa ako sayo!" tamad nitong sabi at sumandal sa sofa.
Napa nganga naman si Zack sa narinig at para bang hindi ito makapaniwala dahil sa sinabi ni Nexus. Nag hiyawan naman ang mga baliw niyang kasama at nakitawa naman sina Dia at Justin.
"Siraulo ka ha! Promotion pa gusto mo!" Sigaw ni Flare
"Promotion.jpeg! Hahahahaha gago, goodbye Zack. See you in next life!" tatawa-tawang sabi naman ni Drake.
"Sagot ko na burol mo! Pati pa-biscuits at pa-sopas ako na gagatos!" Sambit naman ni Drake.
"Mga gago! Mumultuhin ko naman kayo!" Saad naman ni Zack sa kanila at muli na naman silang nag tawanan na parang takas sa mental hospital.
Minsan napapaisip ako kung normal pa ba sila o hindi. Mga gwapo naman sana sila pero parang mga kulang sa aruga at bakuna.
Mukhang dahil sa ganiyan nilang problema sa pag-iisip mahihirapan iyong mga future wife nila sa kanila! Paano nalang kaya kapag nag asawa na ang mga 'to?
Tsk.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡