Asher's POV
Tarantado talaga ang gagong iyon! Sino ba siya sa akala niya? He's nothing compares to me! Ako pa rin ang mahal ni Ezra at nararamdaman ko iyon!
No one can stop me from loving her! Not this time. Halos mabaliw ako sa kaniya kakahanap noon and now na natagpuan ko na siya ulit, hindi ko na hahayaang makatakas pa siya.
"Nexus!"
Sigaw ko ng makita ko siya sa hallway, tamad siyang humarap sa akin at ngumisi pa talaga.
"Let's talk!" Maangas kong saad at sumakay sa elevator.
Hinintay ko muna siyang pumasok bago pinindot ang elevator, he distance his self from me. Ang arte ng gunggong na to!
Nang makarating kami sa rooftop ay agad siyang humarap sa akin.
"What is it, motherfucker?" Tamad nitong tanong habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko.
"Layuan mo si Ezra!" Sigaw ko at mas lalo lang siyang ngumisi ng nakaka loko.
"What if I don't want to? Let me tell you this asshole. Know your place son of a bitch 'cause I can kill you right here, right now..,"
Agad na napa kuyom ang mga kamao ko sa narinig.
"I know that she's still love me! Gago ka lang dahil umaasa ka pa!" Inis kong saad at humalakhak naman siya ng tawa.
Tawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko kahit wala naman talaga. Ang sarap niyang bangasan!
Sobrang yabang!
"Wait, kung mahal ka bakit ka iniwan? Ikaw ang umaasa sa ating dalawa. Kitang-kita naman nating ayaw sayo pero pinilit mo pa!" Giit nito kaya agad ko siyang kinwelyuhan.
Sinapak naman ako nito kaya bahagya akong napa atras. Mabilis kong dinura ang dugo sa aking bibig!
"You know nothing about her! About our relationship! So back off!"
Nag lakad siya papalapit sa akin at mabilis na naman akong sinuntok.
"Kaya ka niya iniwan dahil gago ka! Stop playing a victim here, idiot! You deserved it. You deserved to be left alone!" Sigaw nito at ramdam ko ang bawat salita niya na para bang mga kutsilyong tumutusok sa sarili ko ngayon!
Gumanti rin ako ng suntok, I didn't do nothing para iwan niya ako!
"It's her choice to end our relationship, not mine! All I did back then was to loved her! But what did I get in return? She just left me-"
"FUCK YOU! Don't you fucking dare to put the blamed on her!" Muli na naman akong naka tanggap ng panibagong suntok at tadyak.
Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang buong katawan ko sa pagod pero walang tumigil sa amin hanggang sa parehas kaming tumumbang dalawa.
"She's going to choose me, no matter what..," pagod kong saad habang naka tingin sa langit.
Ilang metro lang ang layo niya sa akin at rinig ko rin ang malalim niyang pag hinga.
"She's going to be my wife, idiot!" Asik nito pero sa langit pa din nakatingin.
Bilib din ako sa kumpiyansa niya. Ubod pa ng yabang sa katawan, bakit akala niya ba siya lang ang may ibubuga? I can do better than him!
Langaw lang siya para sa akin!
"How sure you are that she's going to choose you?" Malumanay kong tanong at umupo.
Ganoon din ang ginawa niya at matalim na tumingin sa akin.
"Because I'll make that happen, dumbass! Remember this day, I won't let you win her heart!" Mayabang nitong saad at tumayo, tumayo rin ako at inilahad ang kanang kamay sa kaniya.
"Alright then, MAY THE BEST MAN WIN!" naka ngisi kong saad at ngumisi muna ito.
"May the best man win, loser!" Aniya.
"Fuck!?"
Nasapo ko ang ilong dahil mabilis ako nitong sinapak sa mukha, mabilis akong natumba dahil sa lakas ng suntok niya. Gago talaga! Masyadong tuso tong demonyo na 'to!
"See you in hell, fucker!"
Umalis na ito at naiwanan naman akong naka higa parin. Pakiramdam ko ay namamaga ang buo kong mukha dahil sa pakikipag suntukan sa tarantadong iyon!
Tsk.
Let's see, I'll make sure na sa akin parin si Ezra hanggang sa huli, ako ang pipiliin niya at wala ng iba! Alam kong naguguluhan lang siya dahil sa gagong lalaking iyon pero pwede namang hindi dahil sa kaniya.
"The hell!?"
Napatingin ako sa bagong dating at gulat na gulat pa ito ng makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan akong umupo.
"What are you doing here, Vienna?"
"Nakipag suntukan ka ba ulit ha!? Tingnan mo nga iyang itsura mo!" Singhal nito habang pinunasan ng panyo niya ang pisngi ko na paniguradong natuyuan na ng mga dugo.
"I told you to go home, didn't I?" Tamad kong saad.
Bumuntong hininga siya bago muling tumingin sa kabuuan ng mukha ko, naiiyak ito at mabilis akong niyakap sa leeg.
"Why do you need to do this? Okay na ang lahat eh! Pero ikaw ayan! Nakikipag patayan para lang sa babaeng iyon na pilit kang tinataboy!" Galit nitong sinabi at napaiwas lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"You know, I love her.." halos bulong ko ng saad at mas lalo ata siyang naiyak dahil sa narinig.
"Bakit ba nagpapaka tanga ka pa din?! Ang daming nag e-effort para sayo pero puro Ezra nalang yung nasa isip mo!" Sigaw nito at pinag hahampas ako sa dibdib.
Mabilis kong hinuli ang mga kamay niya at matamang tumingin sa kaniya.
"I tried my best Vienna! I tried my best to love you! Pero tuwing pipikit ako si Ezra padin ang nakikita ko! It's hard for me to forget her! Hindi mo alam kung ilang beses kong sinubukang piliin ka naman, but at the end of the day siya padin!"
Makahulugang saad ko at saglit siyang napa hinto at mabilis na dumapo sa pisngi ko ang mga palad niya.
I deserve this!
"Gago ka! Ako yung nandito para sayo noong iniwanan ka niya! Ako yung nandito sa lahat ng pang yayari sa buhay mo, pero ikaw! palagi kang unfair!" Sigaw nito.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata, marahan akong tumango at niyakap siya.
"I'm sorry.," malumanay kong saad at patuloy lang siya sa pag iyak.
"Bakit ba hindi nalang ako Asher? Ano pa bang kulang sa akin? Ano bang dapat kong gawin para ako naman iyong piliin mo!? Yung hahabulin at hahanapin mo?"
Napaiwas ako ng tingin ng kumalas ito ng yakap sa akin.
I'm sorry Vienna, alam kong napaka laki ng sakripisyo at effort mo pero si Ezra pa din ang nagmamay-ari ng puso ko.
Vienna's POV
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maka uwi ako sa condo na tinutuluyan ko. That Ezra bitch! Ang kapal ng mukha niyang saktan si Asher! Bakit ba kailangan niya pang pahirapan si Asher ng ganoon!?
Ano?
Nagpapa bebe pa siya!?
Matalim akong tumingin sa frame na naka sabit sa kwarto ko. Si Ezra at ako ang nasa picture! Noong masaya pa kaming mag kaibigan. But now? I totally understand na ayaw niya sa amin! Wala kaming ginawang mali ni Asher noon para ganituhin kami! Hindi namin deserve lahat ng sakit na idinudulot niya!
Lalong-lalo na si Asher!.
At ewan ko ba kay Asher kung bakit baliw na baliw sa Ezra na iyan! Nandito naman ako! Willing ibigay sa kaniya ang lahat! Pero puro si Ezra nalang ang nasa isip!
Pero hindi ako papayag na maagaw niya ulit si Asher! Ako naman talaga ang nawalan dito! Ako ang inagawan! Ako ang unang nag mahal kay Asher noon! Pero ano? Dahil malandi siya, siya ang unang napansin! Sobrang sakit na habang mag kakasama kaming tatlo noon inaasikaso at inaalagaan siya ni Asher.
Habang ako, ano? Para tuod at mukhang alalay lang nila! Sana namatay nalang siya noon pa! Edi sana hindi na nag hahabol ngayon si Asher, edi sana masaya siya, masaya sana kami ngayon ng wala siya sa landas namin!
Agad kong idinial ang number ni Lito, ang ka- friends-with-benefits ko.
"Nasaan ka ngayon!?" Inis kong tanong at narinig ko agad ang kong narinig ang pangit nitong pag tawa kaya naman ay napairap ako.
"Babes, nandito lang ako sa bahay ko! Bakit gusto mo bang puntahan kita diyan?" Aniya.
"Malamang, tatawag lang naman ako sayo kapag gusto kong paligayahin mo 'ko. Si Asher pa rin ang gusto ko!" Inis kong sabi at nahiga sa kama.
"Hay. Oo alam ko! Hindi mo kailangang ipamukha! Sige, pupunta ako diyan kaya ihanda mo na iyang sarili mo!" ibinaba nito ang tawag kaya mabilis akong napangisi.
Kailangan ko rin ng libangan bukod sa kakahabol at kakabantay ko kay Asher, ayoko namang lagi nalang akong tuyot diba? Kailangan ko rin ng dilig pamisan-minsan.
Agad akong pumunta sa banyo para maligo, agad kong binuksan ang shower at hinayaan kong tumulo ang tubig pababa sa aking katawan. I'm pretty sure na mas masarap pa ako sa babaeng walang kwenta na iyon!
Kung pagalingan lang naman sa kama ay mas magaling ako! Iyang si Nexus na patay na patay sa kaniya? Kayang-kaya ko siyang akitin ng ganoon kadali!
No one can resist my beauty!
Matapos kong maligo ay isinuot ko ang nighties at humarap sa vanity mirror. Saglit akong nag lagay ng light make-up at nagpa bango sa buong katawan.
Muling tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa kama. Si Lito ang tumatawag kaya mabilis ko itong sinagot.
"Oy babes! Gusto kasing maki bonding nitong isa ko pang kaibigan. Okay lang bang sumama siya diyan?"
Napairap naman ako sa narinig. Ini-loud speaker ko ang tawag at muling nag lagay ng make-up sa mukha.
"Bahala ka! Ang importante ay sumaya ako ngayon! kaya siguraduhin mong magugustuhan ko iyang gagawin mo mamaya sa akin!" saad ko at muli na naman siyang humalakhak.
"Wag kang mag alala babes!! Tatapatan ko ang huling record na pinaligaya kita!" Aniya.
"Aba dapat lang, hoy! Hindi piso ang ibinabayad ko sa inyo para lang mapaligaya ako!" Asik ko rito at sinuot ang high heels na regalo pa ng isa sa mga kaibigan ko.
Mga taong 'to? Kailangan ko lang naman sila para mailabas ang stress ko sa katawan. Masyadong maraming nangyari kaya naman deserve ko rin ito.
Ang mag relax hindi ba?
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aking kwarto, maswerte ako at naibigay sa akin ni Asher itong unit! Napaka ganda at talagang masasabing sosyal! At Least hindi ko na makikita ang mga chicmosa kong dating kapit-bahay, dahil dito puro mayayaman ang mga nakatira.
At isa pa wala na rin akong planong bumalik sa amin, para ano? Mangamoy isda at maging mabaho na naman ako tulad ng dati?
Hindi na.
Ayoko na ring makita ang mga pag mumukha nila! Nakakahiya sila kapag nalaman ng mga bago kong friends na nag titinda lang ng balot ang tatay ko at nasa palengke naman buong mag hapon ang nanay ko! Plus yung mga palamunin ko pang mga kapatid na umaasa lang sa grasya!
Maayos na ang buhay ko dito kaya naman bakit pa 'ko babalik! Mabuti nalang din at hindi na sila nangungulit ngayon na kausapin ako. Busy ako sa pag abot ng mga pangarap ko at siyempre hindi mawawala doon si Asher!
Masyado ko siyang mahal kaya naman inintindi ko nalang siya sa ngayon, pero alam kong hanggang diyan nalang siya at mukhang mas may tyansa pang maging kami kesa ang magka balikan sila ni Ezra!
Narinig ko ang pag buzzer sa labas kaya naman ay nag madali akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Lito at ang kasama niyang mataba at matangkad na kalbo.
"Pasok kayo!"
Naka ngiti kong sabi at agad naman akong sinunggaban ng halik ni Lito. Kaya naman ay mabilis kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya, naka tingkayad din ang mga paa ko dahil mas matangkad siya sa akin.
"Grabe, na-miss kita!" Saad nito na may halong pang gigigil sa akin kaya naman ay ngumisi lang ako sa narinig. "Siya nga pala, ito si Elmer! Pinsan ko. Wag kang mag alala dahil magaling din ang isang iyan! Paniguradong hahanap-hanapin mo!"
Ngumisi silang dalawa kaya naman ay mas lalo akong natutuwa sa mga mang yayari. Inalok ko muna silang kumain dahil ayoko namang masayang ang mga pagkaing in-order ko kani-kanina lang.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡