Ask for the moon 15
"Here, Drink this," Alok niya sa'kin ng tubig.
Agad ko naman kinuha ang bottled water na iniabot niya sa'kin.
"Thanks," Nakangiting sambit ko.
"Saan ba dito 'yung Watson?" Tanong niya at luminga-linga.
Bahagya akong napangiti dahil sa salitang bingkas niya. Ganito pala 'yung feeling na sasamahan ka ng taong gusto mo sa lugar na gusting mong puntaha.
I smiled again " Baba pa tayo ng one floor," Sagot ko.
Tumango-tango naman siya sa'kin at hinawakan ako sa siko bilang pag-alalay ng nasa escalator na kami. May iilan pa din na bumabaling sa'min.
Nagulat ako ng biglang hinawakan ng mukhang kaedad namin ang kamay niya at mabilisang naglakad paakyat. Pababa kasi kami samantalang sila ay paakyat. 'Yung iba din na nakakita ay natatawang binalingan 'yung mahaharot na babae na 'yon. Pinagbabawal na teknik 'yon!
Napatingin naman ako sa katabi ko na namumutlang umiling-iling sa'kin. Tinaas niya pa ang palad niya na parang sinasabi na wala siyang ginawang masama. Kaya natawa na lang ako, Bakit siya namutla agad!
"Bakit ka namumutla," Natatawang tanong ko.
Naglakad na kami dahil natanaw ko na ang Watson.
He pouted "Sila ang biglang humawak sa'kin. I didn't touch them intentionally," Kinakabahan niyang paliwanag.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napalunok siya ng sunod. He's scared? But why?!
"Alam ko," kunot-noo kong sagot. "Bakit mukhang takot na takot at namumutla ka pa," Nagtatakang tanong ko.
"Nothing,"
"Ano nga?" Pangungulit ko.
Hindi pa din ako nagpapatuloy sa paglakad dahil hindi niya pa din ako sinasagot.
"Nothing," malumanay niyang giit.
Hinawakan niya ako sa siko para makapaglakad na ako pero ngumuso lang ako sa kaniya.
"Kala ko lang magagalit ka sa'kin dahil sa mga babaeng 'yon," Sagot niya.
I chucked and shook my head "Bakit naman?" Natatawang tanong.
Hinawi ko pa ang buhok ko bago magsimula muling maglakad. Seriously? Namutla siya dahil kala niya magagalit ako sa kaniya? Gan'on ba ako kachildish?
"Nevermind," Iiling-iling niyang sagot.
Gumawi na ako sa lipstick stuffs mukhang mga bagong dating pa rin ata ang mga 'to dahil bago sa paningin ko 'yung style.
"Anong mas maganda itong may pagkabrown or red?" Seryosong tanong ko.
Sa kaliwa ay hawak ko ang kulay brown at sa kanan naman ay 'yung red. Ngumiti ako at winagayway sa kan'ya.
"Ikaw," Simpleng sagot niya bago kumindat sa'kin.
May napalingon naman na tatlong babae na parang hindi rin inaasahan ang sagot niya.
"Ewan ko sa'yo nagtatanong ng maayos," Busangot kong sambit.
He smirked and stand straight.
"When you choose that brown lipstick magmumukha kang mature and when the red one for sure you gonna look hot as hell," He proudly said.
My brows raised.
"Really?"
"Yeah," Nakangiting sagot niya.
Nakakatitig lang siya sa'kin at pasimpleng sumulyap sa labi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Bilhin ko 'tong dalawa?" Tanong ko.
He raised his brows "Do whatever you want. Gusto mo ba 'yang dalawa? Kung gusto mo ako na ang magbabayad," Seryosong sagot niya.
"Ako ang gagamit kaya ako ang magbabayad,"
He pouted "Ako na," malambing niyang saad.
"Hindi mo ako girlfriend," wala sa sarili kong sagot.
Para naman siyang sinampal ng katotohanan at sumeryoso ang mukha. Inis ako sa sariling umiwas ng tingin sa kaniya. Napakagat pa ako sa ilalim kong labi at pilit na nag-iisip ng iba pang salita na sasabihin.
"Alright," Malamig niyang saad.
"Ah... ano kas--"
"Hintayin na lang kita d'on sa labas," Seryosong sagot niya.
Tinuro niya pa ang railings at walang pag-aalinlangan na tumalikod palayo sa'kin. Feeling ko naman ay naiiyak ako dahil sa sobrang pagkainis sa sarili. Pinigilan ko ang paghikbi at nagpakawala na lang ng malalim na buntong hininga.
Totoo naman na hindi niya ako girlfriend pero bakit siya nasaktan sa sinabi ko? Pero bakit parang mas nasaktan ako?
"Eto lang," Bungad ko sa cashier.
Tumango-tango naman siya at binayaran ko na siya sa halagang sinabi niya.
Kinabahan naman ako na naglakad palapit sa kaniya. Paano kung biglang ayaw na niya kasi pinamukha ko sa kaniya 'yung salitang nasabi ko?
"Already done?" Salubong niya sa'kin.
Seryoso pa rin ang mukha niya kaya tinaas ko ang isang maliit na paper bag kung nasaan ang binili ko. Awkward ko siyang nginitian tinaasan niya lang ako ng kilay at umiwas ng tingin.
"Saan mo gustong kumain?" Malamig niyang tanong.
Inis ko siyang tiningnan pinalibot niya ang paningin para makapaghanap ng makakainan.
"Kahit saan," Walang ganang sagot ko.
Bakit bigla akong nanghina? Bakit feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa? Bakit naiinis ako sa sarili ko kasi mukhang galit siya sa'kin?
Napatingin naman agad siya sa'kin at nagbago na ang kaninang seryosong mukha ay ngayon naging mapungay na.
Dinala niya ako sa isang Italian Restaurant. Medyo madami rin ang customers kaya pahirapan pa kaming humanap ng pwesto mabuti na lang at may dalawang magkaibigan na babae ang tumayo at umalis. Kaya nakuha namin ang pwesto nila.
"Anong gusto mo?" Tanong niya.
Nakatingin siya sa'kin ng seryoso at sinenyas ang hawak kong menu book.
Umirap ako "Pasta Con Pomodoro E Basilico," Basa ko sa pangalan ng pagkain.
Tumango ang waitress "Sir?" Baling niya sa kaharap ko.
"Gan'on rin and please add two glass of water, Salamat," Seryosong sambit niya.
Bumaling agad siya sa'kin at seryoso akong tiningnan. Napairap naman ako dahil naiirita na'ko sa kaniya! Wala naman na akong ginawang masama!
Tangna nento!
"Ano ba?" Angal ko.
"What?" Matigas niyang tanong.
Aba.
Umirap ako "Kung makatingin ka parang may ginawa akong masama ha,"
Tumahimik lang siya at nag-iwas ng tingin.
"Bakit ka nagagalit?" Iritadong tanong ko.
"Hindi ako galit," Pagdepensa niya.
"Bakit ang seryoso mong tumingin kung hindi ka galit?"Nagtatakang tanong ko.
"Galit agad? Hindi ba pwedeng nasampal mo lang ng katotohanan?" He mocked.
I pouted "Sorry na, Hindi ko naman sinasadya na masabi 'yon ang kulit mo naman kasi! Sinabing ako na nga ang magbabayad," Pagdadahilan ko.
"Yeah," Tipid niyang sagot.
Natahimik ako dahil sa simpleng sagot. Para akong isang bata na naakusahan na may ginawang masama at walang karapatan na magdahilan dahil baka mas lalo pa siyang magalit.
Dumating na ang inorder namin kaya'y pilit akong nag-iiwas ng tingin sa matatalim niyang titig.
"Selene..." May mapungay na mata niyang tawag sa'kin. "Hindi ako galit," Sambit niya.
"Okay, Sorry talaga dahil sa sinabi ko," I sincerely apologized.
Tumango siya "Ayos lang, Sige na kain na tayo. Ayaw ko lang na nakabusangot tayong dalawa sa harap ng hapag," She smiled.
At para bang bumilis ang ikot ng mundo at bumaliktad ang oras dahil sa biglaang pagbago ng kaniyang ekspresyon.
Malawak na ang ngiti sa kaniyang labi at parang mabubulag ako sa sobrang liwanag ng kislap ng kaniyang mga mata.
"Anong oras ang first class mo bukas?"
"9:30 am, Ikaw?" Balik ko sa kaniya.
"10:30," sagot niya.
Tumango-tango naman ako.
"Masaya ka?" wala sa hwisyo kong tanong.
His brows furrowed "Huh?" Nagtatakang tanong niya.
I swallowed hard and bit my lower lips. Seryoso at daretso akong tumingin sa mga mata niya na puno ng pagtataka.
"I mean... Masaya ka naman ba na kasama ako ngayon?" Kagat-labi kong tanong.
Ngumiti siya at ngumuso "Sobra pa sa sobra,"
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi man niya sabihin na ang mukha ko ay alam ko sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay alam ko na.
Awang ang labi niya akong tinititigan na mayr'ong pagkamangha.
Siguro alam na niya 'yung epekto ng matatamis niyang salita!
"O-okay," simpleng sambit ko. "May horror na movies ba ngayon na palabas sa sinehan?" Pag-iiba ko.
He shrugged "I'm not sure, Let's see. 'Yun ba ang gusto mong panoorin after na'tin dito?" Tanong nita bago uminom ng tubig.
Tumango ako "Oo sana... kung ayos lang?" Tanong ko bago uminom rin ng tubig.
"Oo naman!" Masiglang sagot niya.
Napangiti ako at tumango-tango.
Nang matapos kaming kumain ay hindi muna kami umalis sa kinauupuan.
"Restroom lang ako,"Paalam ko.
Agad naman siyang tumayo at mukhang sasamahan pa ako.
"D'yan ka na lang," Awat ko sa kaniya.
Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko.
He raised his brows "May uupo pa dito," Turo niya sa dalawang magkasintahan sa'ming gilid.
Tumango ako "Okay,"
Naglakad na papunta sa restroom at kailangan ko pang pumila dahil may mga naghihintay din.
"Sa labas na kaya nitong restaurant mo'ko hintayin?" Inis kong sambit.
Naririnig ko kasing pinagbubulungan siya ng mga babaeng nasa harapan ko at mukhang gusto pa na hingiin ang number ni Cyrus.
"Hindi naman ako sasama hanggang loob," Natatawang sagot niya.
Umayos siya ng pagkakatayo sa'king gilid. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa bulsa. Bahagya ding pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok dahilan ng mas lalong pagbulungan ng mga babae sa'ming harapan.
Hindi naman na gaanong matagal ang ginugol namin at nakapagrestroom na ako.
Naglalakad na kaming dalawa ni Cyrus. Na sobrang pormal walang brasong nakapulupot sa'king baywang.
Nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin. He's staring at me?
"Ayan maganda!" Turo ko sa isang poster.
Design palang poster ay nakakakilabot na. Hoping sana kapag pinanood din namin! Madalas pa namang scam 'yung mga ganito.
Ngumiti siya at tumango " Dalawa, Kahit saang seat basta magkatabi kami," Saad niya sa cashier.
Ngumiti sa kaniya 'yung babae at tumango. Buti naman at nag-aact siya ng professional at hindi naglandi. Thank God.
Nagsimula na kaming manood habang hawak niya ang isang bucket ng popcorn. Kung minsan ay tutok ang paningin ko sa pinapanood lalo na kung intense. Kaya ang ginagawa naman nitong katabi ko kay pasimple akong sinusubuan kung minsan naman ay nilalahad sa harapan ko ang isang inumin. Kaya napapainom ako habang hawak ang nilahad niya.
Kung minsan ay napapatili at sigaw pa ako dahil din sa lakas ng sound effect. Kaya natatawa naman na napapabaling sa'kin 'tong katabi ko na todo ang lagay ng popcorn sa'king bibig.
Hindi ko alam na ganito pala siya?! Napakasweet niya sa'kin kahit na hindi halata kung una siyang tititigan! Gustong-gusto na lumabas sa bibig ko ang salitang.
"Sinasagot na kita," bulong ko sa kaniya.