Ask for the Moon Chapter 19

Ask for the moon 16

Its been 1 month simula ng sagutin ko si Cyrus. Hindi ko pa rin ulit namimeet sina Tita Alejandra at Tito Armando dahil pansamantala silang umuwi sa Pampanga dahil may iniayos na regarding sa business.

Kung minsan iba ang schedule niya at ang akin kaya napag-usapan namin na kung hindi parehas ang oras ng pagpasok namin ay huwag na niya akong ihatid dahil ayaw ko rin naman na maapektuhan ang pag-aaral namin.

Pinakilala niya din ako bilang girlfriend sa mga kaibigan like he really is proud! Nakakataba ng puso na sa bawat pagbanggit na girlfriend niya ako ay may malawak na ngiti sa labi niya at kumikislap na mata. Hindi na rin naman nagulat sila Sai, Jake, Izi, Ben, Wendrix at Hugo ako pa nga ang nagulat dahil walang bakas na pagkagulat sa kanilang mukha na para bang expected na nila 'to.

Sa uwian naman ay minsan nakain kami sa malapit na restaurant or what. Clingy pa rin siya as usual and a very possesive man but I like it naman.

Pero hindi ko inaasahan na may side pala siya na paggising ko sa umaga ay bubungad siya sa'king nagluluto o di kaya'y tapos na magluto. Hindi ko din ineexpect na may alam siya regarding sa research paper na topic namin kaya siya ang nagawa ng ibang hindi ko maintindihan sa studie.

"Ayaw mo talaga kumain ng kanin?" Tanong niya.

Tumango ako at binaling ang tingin sa filler ko. Naiistress na'ko sa sobrang daming rereviewhin.

"Egg sandwich na lang," Tipid kong sagot.

Hindi ako nag-aangat ng tingin sa kaniya dahil sobrang stress na'ko paano mo pagsasabay reviewhin 'tong mga constitution na 'to at civilization at geography. Tangina kanina pa ako nagbabasa basa at halos imemorize ko na nga 'tong mga 'to kaya mas lalo akong nalito.

Agad siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kaniya.

Halos tatlong araw na kaming ganito. Nababaliw ako sa kakareview samantalang siya ay nababaliw na rin atang pakainin ako.

"Sorry talaga, Madami pa akong ginagawa hindi tuloy tayo makapagbonding," Nakanguso kong sambit.

Nandito kami sa Canteen.

Umusog siya ng onti at tinapik ako sa likuran at dahan-dahan na nikayap.

"Ayos lang," Malambing niyang saad. "Nag-aaral tayong dalawa at hindi pwedeng mas unahin na'tin ang pagbonding sa ibang lugar kaysa tutukan ang pag-aaral,"

"Kailan ba ang exam niyo?"

Nakayakap ako sa kaniyang kinuha ang edd sandwich inalok ko rin siya at bahagyang kumagat bago kumindat sa'kin.

Parang tanga lang oh.

"Next Next week pa, baby," malambing niyang sagot.

"Hindi ka ba na pepressure? Kasi ako next week na 'yung sa'min feeling ko mababaliw na'ko. Ikaw? Dapat nag aadvance reading ka na para hindi ka na mabaliw kapag malapit na 'yung exam,"

He laughed "Sa'yo lang naman ako baliw," preskong sambit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin "Ang seryo-seryoso ng sinasabi ko, e,"

He chuckled " Seryoso naman ako sa'yo," sabay kindat.

Tangna, Ang gwapo. 'Yung panty ko!

"Ewan ko sa'yo," Kinikilig kong sambit.

"Tulungan na lang kita magreview," Nakangiting saad niya.

Kinuha niya 'yung cattleya ko at kumalas sa pagkakayap at bahagyang humarap sa'kin para hindi ko makita ang notes ko.

He smiled "Sa Article III na bill of right give atleast two specific protections agaisnt abuse of state power,"

I pouted "A right against searches and seizures without a warrant issued by a judge," I answered.

"Anong ibig sabihin non?" Curious na tanong ni Sai.

Napabaling ako sa kanila isa-isa nila akong nginitian at umupo sa harapan naming pwesto.

"Just leave us, Nagrereview si Selene!" Iritadong bugaw sa kanila ni Cyrus.

"Tanga 'to oh! Makikinig lang kami! Wala na kaming pwesto," Ani Hugo.

"Ano ibig sabihin non? Selene?" Tanong ni Ben.

"Don't call her Selene!" Saway ni Cyrus.

"Okay, Bro, Chill!" Natatawang saad ni Ben.

"Ano nga ibig sabihin?" Baling sa'kin ni Izi.

"Huwag mo lang masyadong laliman 'yung explanation," Natatawang sambit ni Wendrix.

"Ismooth-an mo lang, Yoreh," Ani Jake.

"Pwede ba 'wag kayong magulo dito?" Iritadong sambit ni Cyrus.

"Okay lang," baling ko kay Cyrus.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumuso.

"How to unsee this!" Turo ni Sai kay Cyrus na nakanguso.

Hugo laughed " Tanginang 'yan,"

Natawa naman ako dahil sa reaks'yon nila.

"Sa sinabi kong 'A right against searches and seizures without a warrant issued by a judge' ayun 'yung kung ano ang nasa search warrant dapat d'on sila sa specific location or items magpofocus hindi sila pwedeng mang-arresto dahil sa ibang dahilan," simpleng paliwanag ko.

"Ah," tango nila.

"How about mayr'ong warrant of arrest sa'kin ay about sa drugs pero ang nakita nila sa bahay is not a drugs ay aarestuhin ba nila ako?" Ani Jake

Umiling ako "Kung anong specific items basta nakalagay sa warrant d'on lang dapat na magpofocus ang pulisya,"

Tumango ulit sila na parang namamangha.

"Paano kung may nagsabi daw sa pulis na may drugs ako sa bahay then pinasok niya ako d'on pero walang warrant tapos wala ding drugs. Like bobo lang yung nagsabi sa police at pinagbintangan ako. Anong ganap paggan'on?" Tanong ni Izi

"Edi ang tawag d'on ay illegal search, tama?" Baling sa'kin ni Ben.

"Yes," Tango ko.

Bumaling ako kay Izi "Illegal search and seizure 'yon. Kung nagkataon na gan'oon nga ang nagyari may karapatan ka na kasuhan ang police na gumawa n'on. Bukod don may matatanggap ka pa na pera dahil According to federal law, though, you can also receive money damages, and even have your attorney's fees paid, if you are the victim of an illegal search and seizure."

"So you mean bawal mang-arresto ang police kapag hindi specific item ang nakita?" Curious na tanong ni Izi.

Tumango ulit ako "Oo, Kunwari may na tip silang illegal pa na ganap sa bahay mo kailangan muna nila makapagdala ulit ng search of warrant regarding d'on. Pero kahit walang warrant of arrest or what pwede pa rin sila na makapag-aresto. Katulad kapag nasaksihan nila na kunwari theft or nakapatay 'yung tao. Pwede nila arestuhin 'yon kahit walang warrant of arrest,"

"Tangna, Huminga ka Wendrix!" Pang-aasar ni Jake kay Wendrix na mukhang ngayon lang nalaman ang mga sinasabi ko.

"Mag-aabogado ka ba?" Seryosong tanong ni Hugo.

Umiling ako " Mangtiteacher ako sadyang imemajor ko kasi is Social studies kung saan pasok 'yung mga constitution,"

"Isa pang example," Nabaling ako kay Cyrus ng magsalita.

Tinaasan niya ako ng kilay. Oo nga pala dalawa ang pinapasabi niya.

"A right against self incrimination," I said.

Hindi sila nagsalita na parang hinihintay pa ang paliwanag ko.

"Dito naman sa 'a right against self incrimination' 'yung self incrimination kasi ayun 'yung kunwari ako pinuwersa ako ng isang pulis na sabihin sa korte na ako ang may kasalanan at 'yung pulis na 'yon ay nagbanta sa buhay ko sa mga taong malapit sa'kin. So mayr'ong a right against self incrimination na kung saan walang sinumang inakusahan ang pwedeng tumistigo para sa sarili,"

"Ahhhh," sabay sabay nilang tango.

Bahagya tuloy akong nahiya dahil sa pagbaling ng iilan sa gawi namin.

"Isa pa!" Saad ni Sai.

"Oo nga,Yoreh isa pa!" Pilit naman ni Izi.

Pumalakpak si Ben " Based sa nakikita ko sa'yo ay mukhang ganap ka na isang maganda at sexy na---"

"Shut up!" Inis na sambit ni Cyrus at binatukan ang kaibigan.

"Wala bang pwedeng ikaso pag ganito?" Natatawang saad ni Ben.

"Hindi ko na alam," natatawang kumamot ako sa batok. "Duh, hindi naman ako mag-aabogado pero kasama yan sa Article III na bill of rights na 'a right to freedom of speech or expression' In other word we or you have the rights to express your opinion,"

"Tangina ayaw ko na alis na'ko. Bumabaliktad na sikmura ko sa pinagsasabi mo Yoreh," Natatawang tumayo si Wendrix.

Nagtawanan naman kami.

"Layas na!" Taboy sa kanila ni Cyrus. "Hindi nakakapagreview ng maayos si Selene dahil sa inyo mga bobo kayo" biro ni Cyrus.

"Ulol! 'Tsaka mo na bakuran 'yang si Selene malelate na tayo sa next class!" Bulyaw sa kaniya ni Sai.

"Pumasok ka na," Sambit ko.

"Dito muna ako may 10 minutes pa," sagot ni Cyrus at bumaling sa relo.

"Pumasok ka na," pag-uulit ko.

Pinadausdos niya ang daliri sa buhok at malumanay akong tiningnan.

"Bobo ka Cyrus tara na!" Natatawang aya ni Ben.

Tiningnan lang siya ng masama ni Cyrus.

Natawa naman agad ako " Sige na, Isama niyo na 'yan," tukoy ko kay Cyrus.

"Your wish is my command," Ani Jake.

Tinayo na nila si Cyrus at hinila hila. Minura pa sila ni Cyrus.

"Tangina!Oo na!" Sigaw ni Cyrus sa kaibigan. "Baby, Review well. Hahatid kita later, alright? Magtetext na lang ako," Nakangiting paalam niya at hinalikan ako sa noo.

Nagsigawan naman 'yung mga kaibigan niya at kinatyawan siya. Iniwan na nila akong mag-isa at namumula dahil sa mga titig ng ibang estudyante.

Nang matapos na ang break time ko ay pumasok na ako sa next class ko. Hindi kami magkasama ni Angel dahil iba ang major na kinuha niya at lalong hindi kami magkasama ni Mawi dahil taga ibang paaralan siya!

Umayos na lamang ako ng pagkakatayo rito sa tapat ng waiting shed dahil ang huling mensahe sa'kin ni Cyrus ay dito ko na lang siya hintayin dahil may inasikaso pa siya.

Padilim na ang kalangitan at ang hangin na humahampas sa'king mukha ang nakaagaw sa atensyon ko. May iilan na estudyante nasa aking tabi at nagdadaanan.

Inilabos ko ang cellphone upang tawagan siya ngunit nakapatay ata ang kaniyang cellphone.

Nagdaan ang isa...dalawang oras ngunit wala pa rin siya.

Nag-aalala na ako kung nasaan na ba siya? Hindi ako nag-aalala kung paano ako uuwi ang inaalala ko ay kung ayos lang ba siya. Napaatras ako ng gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Nasundan pa ito ng isa... dalawa... tatlong beses bago tuluyan na bumuhos ang malalaking patak ng ulan.

Muli kong inilabas ang cellphone upang subukan ulit siyang tawagan ngunit tulad ng inaasahan ko ay walang sumasagot.

Ayos lang ba siya? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? May nangyari bang masama? Naluluha kong kinagat ang ibabang labi dahil sa naiisip. Lord, please guide him.

Yinakap ko ang sarili dahil sa lamig hindi ako nagdadala ng payong dahil nabibigat lang ako.

Halos mataranta naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mali man pero nalungkot ako ng makita ang pangalan ni Mawi na nagflash sa screen ko.

"Mawi..." nangangatog kong sambit.

Yinakap ko pa ang sarili ng mas mahigpit.

"Umuwi ka na," nag-aalalang sambit niya.

"S-si Cyrus," Nangangatog ko pang saad.

I heard her sighed "Umuwi na siya kanina pa sa hotel nakita ko siya..." She said.

Agad na nanlaki ang mata ko! He's safe thank G!

"With...other girl...while snaking his arm around her waist," Halatang nag-aalalang sambit niya.

Napakunot ang noo ko at dahan na niluwagan ang pagkakayakap sa sarili.

He was, what?

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Napaayos ako ng pagkakatayo at muling niyakap ang sarili ng isang malakas na hangin na naman ang tumama sa'kin.

Gusto ko man na huwag na mag-isip agad at mag jump sa conclusion ay napaisip ako.

Nagalit ba siya dahil pinilit ko siya na pumasok sa next class nila?

Is the girl with her is... Akia?

I hope Mawi was mistaken!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.