Ask for the moon 17
Pinunasan ko ng maayos ang aking buhok at tipid ang ngiting tumingin sa dalawa kong kaibigan na nakadekwatro ang upo sa'king kama.
"Ano?" Nakangiting baling ko sa kanila.
Angel raised her brows "Ilang minuto... oras ka naghintay kay Cyrus at inabutan ka ng malakas na ulan?"
Biglang bumigat ang nararamdaman ko kaya bahagya akong napaubo. Bakit ba kailangan pa namin na pag-usapan 'to?
For sure Cyrus have a good reason kung bakit hindi niya ako nasundo. Kung bakit may kasama siyang iba. Kung bakit ako naghintay sa kaniya? Kung bakit hindi siya dumating nung hinihintay ko siya. I know he have a good reason.
Sana nga...
Sana mayr'on...
Dahil kung wala ay baka maghinala na ako tulad ng paghihinala nitong mga kaibigan ko.
"Hindi naman ako naghintay ng matagal," Pagsisinungaling ko.
Tatlong oras akong naghintay sa kaniya habang binabalot ng lamig.
Habang siya hindi ko alam ang ginagawa.
"Talaga lang ha?" Halatang inis na sambit ni Mawi.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Nakapagpalit na rin ako ng pantulog at maayos na ibinalik ang tuwalya sa tamang lagayan.
Pilit kong iniiwasan ang nakakapasong titig nila sa'kin dahil wala ako sa oras para makipagtalo pa sa kanila. Masakit ang ulo ko at nahihilo ako hindi ko na matagalan pa na mag-isip pa ng kung ano-ano.
Isa lang ang gusto ko sa ngayon hindi ang paghinalaan siya kundi ang makapagpahinga.
"Matutulog na'ko," Tanging sambit ko.
Bumuntong-hininga lang sila at tumango-tango. Matamlay akong humiga sa kama. Mukhang lalagnatin pa ata ako! Sana ay hindi dahil baka bumagsak ako sa exam next week dahil hindi ako nakapagreview ng maayos.
Tumayo na silang dalawa at mukhang hindi pa ata matutulog si Mawi dahil lumabas din siya.
Umayos ako ng pagkakaupo at nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Nahagip ng mata ko ang cellphone ko na nakapatong sa study table. Parang may sariling pag-iisip ang katawan ko dahil agad akong tumayo upang abutin ito.
Sana naman sagutin na niya ang tawag ko.
"Hello?" Masiglang sambit ko.
[Sorry, I didn't fetch you. Nalowbat kasi 'yung phone ko at nagkaemergency lang," Malamig niyang saad.
I smiled.
Sabi na nga bang may rason siya kung bakit niya ako nasundo. Mabuti na lang at hindi ako nagjump sa conclusion.
"Okay lang, Anong emergency? Ayos ka lang ba?"
Gusto ko sanang tanungin siya kung si Akia ba ang kasama niya or kung sino ang kasama niya na binanggit ni Mawi. I trusted Mawi naman rin but I trust Cyrus too.
The most?
[Are you alright? Your voice, parang matamlay. Ayos ka lang ba?] Malamig niya pa rin na saad.
Bakit wala akong naririnig na lambing mula sa boses niya ngayon o dikaya ay konting pag-aalala? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Gustuhin mo man na huwag maghinala ay parang may gan'oon ng parte sa'kin ang nangyayari.
Umiling-iling ako.
"Ayos lang ako,"Pagsisinungaling ko.
Mukhang magkakasakit lang naman ako dahil sa hindi mo pagsulpot. Nanlalabo lang naman ang mga mata ko dahil sa hindi malamang dahilan.
[Okay,] tipid niyang sambit.
At binalot na ng isang katahimikan. Magsisimula pa sana akong magsalita ng marinig ang ibang boses sa kabilang linya.
[Can you please, Do it properly, huh? Mahapdi kaya 'yang alcohol,] malambing na boses na sambit ng babae.
Malambing na boses.
Malambing na boses na nagpawala sa'king ulirat. Her soft voice! I remembered it! Hindi ako pwedeng magkamali!
Bakit sila magkasama? Ano ang nangyayari? Bakit ganito? Bakit hindi sinabi agad sa'kin ni Cyrus na kasama niya 'yung babaeng una niyang minahal kaysa sa'kin? Bakit parang may mali?
Napatulala akong bahagya naririnig ko pa ang daing sa kabilang linya.
[You need to endure the pain, Akia. Stop hurting yourself,] Mahinahong saad ni Cyrus.
Hindi ba sila aware na naririnig ko ang pinag-uusapan nila?
Napahawak ako sa'king noo ng bahagyang sumakit naman ang aking ulo.
Bakit ba kasi sila magkasama? Bakit ba ako naghihinala agad? Hindi pwede ... May magandang rason naman ata na maipapaliwanag sa'kin si Cyrus kung magkausap ulit kami.
Sigurado naman na may sasabihin rason sa'kin si Cyrus. Kung bakit nagawa niyang manatili kay Akia lalo't alam niyang hinihintay ko siya? Kung bakit hindi niya nagawang tawagan agad ako upang alamim kung ayos lang ba ako? Kung bakit hindi niya nagawang maglambing o maging mahinahon ang boses habang kausap ako.
I hope he had his reason, A reasonable reason.
[I miss you, Cyrus,] saad ni Akia.
Bahagya akong naestatwa. Pinatay ko agad ang tawag at huminga ng malalim. Hindi ko ata kaya pang malaman kung ano ang isasagot ni Cyrus. I can't, I really can't.
Paano kung sa pagbalik nga ni Akia siya namang paglaho ko sa paningin niya? Nagawa niya nga akong hindi sunduin at tawagan o di kaya ay lambingin dahil nasa tabi niya 'yung babaeng mahal na mahal niya nung araw na unang nakilala ko siya. Paano pa kaya ngayong may makahulugan ng salita ang binigkas ang ex niya?
Paano kung dahil d'on ay bigla na niya akong iwan? Paano kung dahil d'on ay handa siyang sumugal para sa babae na 'yon? Saglit akong napahikbi, Kala ko ba sa'kin siya susugal? Bakit parang hindi? Dapat ba hindi ko muna siya sinagot at kinunsulta ko muna kung totoo bang ako ang mas mahal niya?
Tangna!
Sinabi niya nga palang mahal niya ako! Pero hindi niya sinabi na masmahal niya ako kaysa sa ex niya!
Tama lang naman siguro na mag-isip ako ng ganito diba?
Kasi minahal niya 'yon at s'ya ang nauna. Wala akong dapat nasisihin kung ang maging resulta ay iwan ako ni Cyrus dahil ako ang may kasalanan. Hinayaan ko siyang mahalin ko at mahalin ako. Maybe his love for me is not enough?
He stayed beside his ex ang ibig bang sabihin non mas pinipili na niya si Akia? Na mas mahal niya na ulit 'yon?
Tumayo ako at naglakad lakad hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo ko dahil sa sumugod ako sa ulan kanina.
"Calm down," bulong ko sa sarili.
Pinaypayan ko pa ang sarili ko gamit ang kamay at pilit na kinalma ang sarili.
"Calm down, He's not a cheater, okay? Hindi gan'on si Cyrus. He have his reason," pagkumbinsi ko sa sarili.
May kung ano namang bumulong sa'kin na hindi ko alam kung saan nagmula.
He's not a cheater, hindi nga ba? Hindi gan'on si Cyrus, hindi nga ba? He have his reason, Mayr'on nga ba?
Umiling akong muli.
"Ayos ka lang?"
Napabaling ang tingin ko kay Mawi na nakasadal sa likod ng nakasarang pinto. She's crossing her arm over her chest and softly looked at me.
Kinagat ko ang aking labi at sa hindi ko malamang dahilan ay napatakbo ako palapit sa kaniya. Sa bawat hakbang ko ay parang tinutusok ako sa dibdib. Hindi na nakayanan pa ng mga luha kong hindi bumagsak dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman.
Sinalubong niya naman agad ako ng isang mainit na yakap.
"H-hindi ko alam," naiyak kong sambit.
Hindi ko alam kung ayos lang ba ako? Hindi ko alam kung may halaga ba 'tong pag-iyak ko? Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari.
Hindi ko alam.
Tinapik niya ako sa'king likuran "Shhh," pagtahan niya sa'kin. "Mainit ka at mukhang magkakasakit ka. H'wag ka muna mag-isip dahil baka maslalong bumigat ang pakiramdan mo,"
Tumango ako.
Ayokong mag-isip muna natatakot ako.
"S-sige," Sambit ko.
Inalalayan niya naman akong bumalik sa kama ko. Napapansin ko rin ang sunod sunod niyang pagbuntong hininga.
"H'wag kana pumasok bukas,"
"Papasok ako," sagot ko.
"Magpahinga ka na lang dito," giit niya.
Umiling ako "Kaya ko naman siguro,"
"Magpahinga ka na lang dito. Kami na ang bahala ni Angel na sabihan ang Prof mo. Hindi ka rin makakapagfocus bukas kung masakit ang ulo mo,"
I pouted "Okay," pagsuko ko.
Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa kaniyang kama.
Dahan-dahan akong pumikit at dumilat din kaagad. Hindi ko kayang matulog agad dahil hindi ako pinapatulog ng mga tanong sa isip ko.
Tiningnan ko ang puting kisame at bahagyang napatulala.
Paano kung sa isang iglap. Mawala na sa'kin si Cyrus dahil may nahanap na siyang mas mahal niya? Paano kung sa isang iglap ay bumaliktad ang oras na siyang pag-iba ng nararamdaman niya para sa'kin?
Paano kung sa isang iglap, hindi na ako?
Paano kung siya na ulit?
Paano ako?
Napadako ang tingin ko sa cellphone kong tumunog. Akmang tatayo na ako para kunin ay tumayo na si Mawi.
"Ako na ang kukuha," sambit niya.
"Thanks,"
Tumango-tango siyang iniabot sa'kin ang cellphone umirap siyang bahagya bago ako talikuran kaya napanguso ako.
Nagflash naman sa screen ang picture naming dalawa ni Cyrus.
Nakangiti at kagat-labi kong sinagot. Sunod-sunod ang paglunok ko para hindi mabasag ang boses.
"Hmm?" Tanging sambit ko.
Ayun palang ay parang maluluha na'ko. Can you please Cyrus, calm me down?
Can you please explain to me what's happening?
[Patulog ka na ba?]
Para namang madiin na tinutusok na naman ang puso ko dahil sa malamig niya pa rin na boses.
Siya ba talaga si Cyrus?
"Hindi naman... hindi pa kasi ako makatulog,"
Dahil sa mga tanong na nasa isip ko. Dahil sa paghihinala ko sa'yo na hinihiling kong hindi tama. Na hindi ka nandiyan kay Akia dahil siya na ang mas mahal mo. Na siya na ulit at hindi na ako.
[Good,]
Pagbalot na naman ng katahimikan. Bahagya akong napatulala. Ano na ba talaga? Bakit ba ganito? Nagpapahiwatig na ba siya na iiwan na niya ko?
"Kumain ka na?" Tanong ko.
Kahit madami akong tanong tungkol sa kanila ni Akia na gustong itanong. Ay hindi ko na itinanong dahil ayaw ko.
Ayaw kong mamulat na hindi ako... na kahit kailan ay hindi naman talaga ako.
[Yup,You?] Balik niya sa'kin.
Na mukhang na pilitan.
Hindi ko na kaya. Naiiyak na naman ako.
"Yes,"
Pagbalot na naman ng isang katahimik na ngayong araw ay tokang-toka na sa'min.
Hindi man lang ba siya magpapaliwanag?
[Yoreh,]
Tumulo na ang luha ko sa sobrang bigat ng nararandaman.
Yoreh... not Selene... not my baby...
Not my moon.
"Hmm," matagumpay kong napinigilan ang hikbi.
Ang hirap.
[Bukas nga pala,]
"Ah bukas--"
[Hindi kita masusundo, bukas o di kaya ay sa susunod pa may mga dapat lang akong asikasuhin, Sorry, Yoreh,] saad niya.
[Cyrus, Can you please help me to fixed my things?]
Awang ang labi kong napatingin sa cellphone ng pinatayan niya ako.
Fixed her things?What? Bakit anong mayr'on at inaayos niya ang gamit niya. Mananatili ba siya sa hotel ni Cyrus. Anong gagawin nila!Putangina.
He's not Cyrus! No! Hindi-hindi ako papatayan ng tawag ni Cyrus. He always begged me to hang up first! Hindi siya 'yan! Hindi! Puta!
He didn't even call my name the way he called me. He didn't even explain to me.
Hindi man lang niya napansin na nasaktan ako na nasasaktan ako.
He didn't even say his breathless 'I love you'
Agad akong nagtipa.
To: My Sun.
I love you.
Ilang minuto akong naghintay upang matanggap ang reply niya. Hindi naman ata siya nakatulog agad diba?
Pero mag-iisang oras na ay wala pa din. Ni kahit tuldok, wala.
Hindi siya 'yan! Sana hindi... Pero... Siya 'yon ngunit hindi nga lang 'yung Cyrus na sinabing mahal ako.