Ask for the Moon Chapter 21

Ask for the moon 18

Hirap kong idinilat ang aking mata dahil sa liwanag na tumama sa'king mukha. Pati pagdilat ng mata ay hirap ako ni igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa. Inilibot ko ang paningin sa'ming kwarto at agad na nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita si Samuel na may bitbit na tasang naglalakad palapit sa'kin.

"Gising ka na pala tamang tama kakaluto lang nitong lugaw," Sambit niya.

Nilapag niya sa side table ang isang tasa ng lugaw na may itlog. Mabuti na lang!

Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan niya naman ako.

I smiled "Dapat hindi ka na nag-abala pa na magluto," Nahihiyang saad ko.

He chuckled "Asa! Binili ko lang 'yan d'on sa kanto," Natatawang sambit niya.

Umirap ako! Susumbong kita kay ate!

Hindi ko siya kabet, okay? Boyfriend siya ng ate ko halos magtatatlong taon na rin sila at legal both sides. Napanguso ako ng mapagtanto na ang magulang pa lang ni Cyrus ang may alam siguro mamaya o di kaya ay bukas kapag ayos na'ko ay kakausapin ko sina mama tungkol sa'min ni Cyrus.

Napaayos ako ng pagkakaupo. Cyrus, where are you? Nasaan ka ngayong kailangan kita?

"Bakit ka ba kasi nagpaulan? Pinapunta tuloy ako ng ate mo dito dahil wala ka daw kasama. Wala ka bang boyfriend? Kawawa ka naman,"

Inis ko siyang tiningnan ng masama. Umirap lang siya sa'kin na parang bakla! Pag 'to sinumbong ko kay ate, tanggal bunbunan nito.

"May boyfriend ako," Inis kong saad na halos pabulong na.

"Ano?" Iritadong tanong niya.

"May boyfriend ako," Pag-uulit ko.

"Share mo lang?" Pangbabara niya.

Binato ko siya ng unan kahit na hirap na hirap ako gumalaw. Saang lupalop ba ng mundo 'to nakita ni ate?

"Isusumbong talaga kita kay ate!" Inis kong sambit.

Natawa siyang pinulot ang unan at hinagis sa tabi ko.

"Ano?" Tanong niyang muli.

"Ang sabi ko isusumbong kita kay Ate!"

"Share mo lang?" Pang-aasar niya.

Muli kong binato sa kaniya ang unan na binalik niya.

"Aware ka ba na may sakit ako?" Iritadong tanong.

Kung kanina ay hindi ako halos makagalaw ngayon naman ay nabuhay ata ang kaloob-looban ko dahil sa pagkainis dito sa boyfriend ng ate ko.

"Oo naman!" May mapanlokong ngiti sa kaniyang labi.

Well, Hindi naman nalalayo ang edad nitong si Samuel sa'kin magkaedad sila ni ate at tatlong taon ang tanda sa'kin. Naging closed na rin kami dahil lagi akong sinasama ni ate sa date nila nung hindi pa sila legal kina Papa at Mama ginagawa nila akong daan para makapagkita sila! Tapos ganito ang igaganti niya sa'kin?

"Eh, Bakit mo ako pinag-uulit ulit ng sagot? Nahihirapan na nga akong magsalita at gumalaw pinagtitripan mo pa ako" Bulyaw ko sa kaniya.

"Share mo lang?" Pambabara niya na naman.

"Tangina mo!"

"Thanks,"

Pilit kong iniabot ang cellphone at matalim na tinitigan si Samuel dahil naiirita lang ako sa pagmumukha niya. Puro mapanlokong ngiti!

To: Relydeah lang malakas

Hoy Ate! Bakit sa dinami dami ng tao sa mundong kakilala mo ay bakit 'tong boyfriend mo pang baliktad ang utak ang pinagbantay sa'kin? Hindi ako mamatay sa sakit ko! Mamatay ako sa sobrang kulit ng boyfriend mong baliktad ang utak! Pauwiin mo na 'to, Umay ka girl.

Napabaling ako kay Samuel na nakataas ang kilay at may mapanlokong ngiti sa labi.

"Paabot ng lugaw," Utos ko.

"May kamay ka," Tamad na sagot niya.

"Alam ko pero hindi magalaw," Inis kong saad at nginuso ang isang tasang lugaw.

Naglakad siya palapit sa'kin at bahagyang hinampas ang kamay ko.

"Hala tangina, nagulat ako hindi nagalaw,"

Tinakpan niya pa ang bibig at nilakihan ang mata na kunwaring nagulat.

Puta.

Napatingin naman ako sa cellphone kong nagvibrate.

From: Relydeah lang malakas

Bobo ka wala kang kasama d'yan may pasok sa school at trabaho friendlalukels mo. Huwag mong masabihan na baliktad utak niyang bf ko dahil alam ko na'yon tatlong taon na. Magpagaling ka bobo ka baliktadin ko kama mo sa bahay.

To: Relydeah lang malakas

Mama mo baliktad.

From: Relydeah lang malakas

Mama kita.

To: Relydeah lang malakas

Anak...

From: Relydeah lang malakas

Ma...

"Oh, Kahit isumbong mo ako sa Ate mo nainaasar kita ay hindi ako aawayin n'yan, ha, takot niya lang," He smirked, Iniabot niya sa'kin ang tasa.

Kinunutan ko siya ng noo at nandidiring tiningnan "Talaga lang ha? Sige sabihi-"

"It's a Prank," He cut me off.

Natawa naman akong hinawakan ang kutsara. "Medyo madaming paminta," Angal ko.

"Paminta flavor 'yan," Lokong sagot niya. "Ang sabi mo may boyfriend ka bakit wala dito?" Kunot-noong tanong niya.

Umayos siyang tumayo at tinaasan ako ng kilay habang pinagkocrossed ang braso sa harap ng dibdib. Kahit naman gan'yan kabaliktad utak n'yan ni Samuel ay may care pa 'din 'yan sa'kin hindi nga lang halata.

Nagkibit balikat lang ako "Hindi ko alam,"

"Hindi mo alam? Boyfriend mo pero wala dito sa tabi mo ngayong may sakit ka? Pinaabsent pa talaga ako ng ate mo para maging gurangsitter,tss," Iiling-iling n'yang saad.

Ngumuso lang ako at hindi na nagsalita.

"Manonood muna ako d'on sa sala hindi ko matagalan 'yang mukha mo nakakadiri,"

"Oo, D'on ka nalang napeperwisyo mo lang ako sa baliktad mong utak,"

Agad kaming natawa inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya. Naglakad na siya palayo kaya napatingin ako sa cellphone ng may tumawag sa messenger.

"Ate!" Tawag ko kay ate na parang nagsusumbong.

[Tangnang mukha 'yan! Hoy 'wag mo'kong matawag-tawag na ate kung gan'yan ang pagmumukha mo? Tangna, mukha pa ba 'yan?]

"Wow, nagsalita ang mukhang paa,"

[Excuse me?] maarteng saad niya at umirap.

Mukhang break time pa nila dahil nakikita ko sa screen ang canteen at iilang chismoso't chsimosang babae na sumisilip sa camera.

"Nasa sala na 'yung boyfriend mo at nanonood. Hindi mo pa ba 'yon papauwiin? Kaumay mukha niya,"

Natawa naman siya "Alam ko, D'yan muna 'yan utos utusan mo na lang tutal wala pa mga kaibigan mo,"

"Ate saan mo ba kasi nakita 'yang boyfriend mo? Kakaiba ang utak," Natatawang sambit ko.

Inilapag ko ang cellphone sa side table at sinandal sa alarm clock bago magsimula ulit na kumain.

"Huwag ka na magtanong at baka mangilabot ka sa iyong malalaman. Galing s'ya sa hindi karaniwang lugar na tanging magaganda lang katulad ko ang may alam. Ligo ligo din kasi," Pang-aasar niya bago uminom sa hawak niyang baso ng tubig.

"Ewan ko sa'yo ate pero thanks,"

"Thanks your face! Magpagaling ka na diba next week ang exam niyo?" Kunot-noo na tanong niya.

Tumango ako "Yes,"

"Oh, Edi dapat magpagaling ka talaga! Hindi pwedeng maging gan'yan ka dahil hindi ka makakapagfocus sa pagrereview,"

"Okay,"

"May problema ka ba? Bakit parang may iba ka pang problema? I can sense it, parang may gusto kang sabihin," Nag-aalalang tono niya.

Ngumiti ako at umiling ayaw ko naman ng dagdagan ang problema niya dahil alam kong napepressure na siya sa grades niya. Yeah, She's a little bit grades conscious. Gusto niya lang daw na ayaw na bumaba 'yung grades na makukuha niya well desisyon niya naman 'yon.

"Masakit lang 'yung ulo ko," pagsisinungaling ko.

Hanggang ngayon ay walang reply si Cyrus mula sa tinext ko kanina kahit na Good morning ay wala akong natanggap.

Kinagat ko ang aking labi at nagpakawala ng pagbuntong hininga.

"Ayan ba ang walang problema?"

Nag-angat ako ng tingin sa screen.

I pouted "Mayr'on akong problema pero kaya ko naman ate. I can handle it, I need," pag-amin ko.

Tumango siya "Kapag hindi mo na kaya sabihin mo sa'kin. You can borrow my shoulder when you want to cry. You can talk to me when you want,"

"Salamat," Nakangiting sambit niya.

"Sige na, Papasok na'ko. Magpahinga ka na,"

"Oks,"

"Bye," she wave her hand.

"Bye," I rolled my eyes and hang up.

Tahimik akong binaling ulit ang tingin sa tasa.

Naiiyak na naman ako kasi bakit ako nagkakaganito?Bakit kailangan kong maging matamlay dahil sa nangyayari? Maybe dahil lang 'to sa naulanan ako, right?

Still because of him.

Si Josh, Kahit na hindi niya ako mahal...He still care,

Kapag ganitong may sakit ako at alam niyang kailangan ko ang tulong niya. He still there... beside me..cheering me up. Kahit na kapag nagdedate kami ay mukhang bored siya sa mga pinupuntahan namin.. He still there.

Kung si Josh ang kasama ko ngayon ay baka pinagluto na niya ako, pinupunasan ang mukha ko, binabantayan ako.

Pero hindi siya 'yung kailangan ko kundi si Cyrus.

Cyrus na siyang dahilan kung bakit maslalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Si Cyrus ang kailangan ko...Kailangan kong alagaan ako. Hindi si Samuel, hindi si Josh kundi si Cyrus.

But he's not here... Ni alam niya kayang nagkakaganito ako? Alam niya kayang may sakit ako?

Maybe not?

Kasi nasaktan... nasasaktan niya nga ako ng hindi niya alam.

"Hoy, Bakit ka naiyak?" Masama ang tingin sa'kin ni Samuel habang ang kamay ay nasa loob ng bulsa.

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako!

"W-wala,"

Kinakabahan kong sagot. Baka kasi isumbong niya ako kay Ate.

Tumikhim siya at lumapit sa'kin. "May naghahanap sa'yo sa baba. Mukhang pagtutulungan nila akong magkakaibigan," Natatawang sambit niya.

May naghahanap sa'kin?

Mabilisan akong napagalaw at binalik sa side table ang hawak kong tasa. Kahit nahihirapan ay pilit akong bumangon.

Baka sila Cyrus 'yon!

"Magdahan-dahan naman!" Singhal niya.

Hinawakan niya pa ako sa braso para alalayan upang makababa.

Nginitian ko sila Sai, Wendrix, Hugo, Izi, Jake at Ben. Tipid naman nila akong nginitian.

Ipinalibot ko ang tingin ng huminto ako sa harapan nila.

"Nasaan si Cyrus?" Tipid ang ngiting tanong ko.

"May inasikaso lang," Ani Jake.

"Nagkaemergency lang," Ani naman ni Wendrix.

Na naman?

"Bakit anong nangyari? Emergency? Ayos lang ba siya?" Aligagang tanong ko.

Napatingin ako kay Samuel na ginaya ako sa sofa para makaupo.

"Salamat," Sambit ko.

Tumango lang siya at tumabi sa tabi ko.

"Ayaw niya ipasabi sa'yo. Pero ayos lang siya at hindi siya 'yung may problema,"Paliwanag ni Izi.

Bumuntong hininga ako, Mabuti naman.

"H'wag mo na lang alalahanin 'yon. Ayos na ba ang pakiramdam mo? Heto dinalhan ka namin ng prutas," Ani Ben at kalabit kay Sai.

"Ito," abot ni Sai ng prutas at ngumiti.

"Paano niyo nalaman na may sakit ako?" Nagtatakang tanong ko.

Gusto kong tanungin kung pinapunta ba sila ni Cyrus. Kaso hindi na ako nag-abala pa.

"Nakasalubong namin sila Angel at sinabi ngang may sakit ka," Ani Hugo.

Tumayo si Samuel at dumako sa kusina.

Umupo naman sila isa-isa sa sofa at tipid akong nginitian.

"Sino 'yon?" Wendrix asked.

Tinutukoy niya si Samuel na may dala ng isang basong tubig.

"Si Samuel,"

"Inumin mo 'to," sabay abot niya ng baso.

"Salamat," Nakangiting sambit ko.

Habang nainom ako ay napapasulyap ako kina Ben na mukhang sinusuri 'tong si Samuel.

Gusto ko man na sabihin na boyfriend siya ng ate ko ay hindi ko magawa. Dahil ayaw ni ate na ipaalam sa iba na boyfriend niya 'to. Hindi naman sa nahihiya siya sadyang ayaw niya lang para malayo sa chismis. Ewan ko ba d'on.

Biglang tumunog ang cellphone ni Wendrix dahilan kung bakit napatigil ako sa pag-inom at dinungaw 'yon.

Cyrus...

Bakit sa kaniya nagawa niya? Bakit sa'kin hindi?

Walang pag-aalinlangan niyang sinagot.

"Yeah...Where here... hmm.. Hindi naman siya mag-isa. Yeah, may kasama siya. Samuel daw pangalan, Bro," saad niya at sumulyap kay Samuel.

"Oh, h'wag ka sa'kin magalit. Yeah, Alright," Natatawang saad ni Wendrix.

Binaba niya na ang cellphone at humarap sa'kin.

"Pupunta daw siya dito mamaya para bisitahin ka. Hindi mo daw sinasagot tawag niya. Kakagising gising niya lang daw kasi," Paliwanag ni Hendrix.

Agad na tumulo ang luha ko kaya agad silang nagpanic.

Ang saya..

Ang saya-saya ko na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.