Ask for the moon 19
Mga ilang sandali naman ay ang cellphone naman ni Samuel ang tumunog.
"Sagutin ko lang 'to?" Paalam niya.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Sino ba 'yon?" Iritadong tanong ni Sai.
Pinapanood nila si Samuel na naglalakad palabas ng apartment.
I raised my brows "Si Samuel nga,"
Bingi ba sila? Sinabi ko na kanina.
"Ano mo siya ayun ang gusto namin na sagutin mo," malamig na sambit naman ni Wendrix.
Umirap ako "Edi sana iyon ang tinanong niyo diba?" Inis kong balik sa kanila.
Ben chuckled "Ano mo nga?"
"Malamang friend! Duh, anong gusto niyong isagot ko? Boyfriend ko? E, May boyfriend na'ko," Sarkastikong sambit ko at umirap napahawak tuloy ako sa ulo ko ng bahagyang sumakit.
"Bakit naman parang sobrang alala at nandito na agad?" mapanghinalang tanong ni Hugo.
Seriously?
"Kasi gan'on ang kaibigan," Irap na sagot ko.
Gusto ko sanang masuka dahil sa sinabi ko. Seriously? May kaibigan akong baliktad ang utak?
Mariin nila akong tiningnan na parang sinusuri ang aking ekspresyon. Mga baliw amputa.
"Yor, Tumawag ate mo. Mag-usap daw tayo saglit," Sambit ni Samuel at sinenyasan ako na lumapit.
Tamad akong tumayo at bumuntong hininga. Ano na naman ba ang problema non? Ano baliktad na rin ba ang utak niya? Parang kanina lang ay kausap ko siya!
Bumaling ako kina Ben "Kuha lang kayo sa kusina ng mga stocks ng pagkain kung gusto niyo. Kausapin ko lang 'yung ate ko," Saad ko.
Tiningnan lang nila ako at sabay-sabay na tumango. To be honest, para silang mga aso na inutusan ng amo.
Umirap na lang ako bago tumalikod.
Feeling ko para akong gelatin! Nanghihina na naman ako!
"Dito,"
Hinawakan niya ako sa siko at ginawi sa upuan na nandito sa tapat ng apartment.
Nilahad niya sa'kin ang cellphone at tumambad sa'kin ang ate ko na nakasalumbaba sa screen. Nang makita niya ako ay umayos siya ng pagkakaupo.
"Wala ang Prof namin kaya mag-uusap tayo. Tumawag ako kay Samuel para alam rin ni Samuel ang problema mo. Para siya ang taga tahan sa'yo," Panimula niya.
Napatingin ako kay Samuel na maamo na ang mukha. Ito ang gusto ko sa kanilang dalawa kapag may problema ako ay nakakapag-open up ako sa kanila. Hindi nila ako jinajudge katulad nung nag-open up ako sa kanila nung naghiwalay kami ni Josh.
Binalik ko sa screen ang tingin ko kaya inagaw ko kay Samuel ang cellphone niya at hinarap ang ate kong may bakas ng pag-aalala sa mukha.
"A-ate," garalgal ang boses kong tawag sa kaniya.
She took a deep breath "Go on,"
My tears immediately fell down on my cheeks like it's a fountain.
Kwinento ko sa kaniya kung paano kami nagkakilala ni Cyrus at kung ano ang nangyayari hanggang sa ngayon. Habang ginagawa 'yon ay sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha sa'king mga mata. Hindi ko ineexpect na dadating ulit sa puntong iiyak ako sa harapan ni Ate at Samuel ng dahil sa isang lalaki. Na iiyak na naman ako dahil sa nasasaktan ako. Na iiyak na naman ako kasi nasaktan na naman ako.
Laking pasasalamat ko kay Samuel dahil sa bawat pagpatak ng luha ko na dulot ng isang lalaking hindi ko alam kung nasaan ang siya namang pagpahid sa mga luha ko gamit ang panyo.
"A-ate ang b-bigat sa pakiramdam," A hiccup "H-hindi ko alam kung ano na ba talaga? Kung ako pa rin ba o hindi na," A hiccup again. "N-natatakot akong magtanong, A-te." And another one. "Natatakot ako na baka... Hindi na pala ako... na hindi naman pala naging ako," Mabilisan na namang tumulo ang mga luha ko kasabay ng paghikbi.
Pinunasan naman agad ni Samuel ang luha ko at bahagyang tinapik ang likod ko upang pakalmahin.
Gusto kong si Cyrus ang magpunas ng mga luha ko. Gusto kong si Cyrus ang magpakalma sa'kin. Gusto kong si Cyrus ang dumamay sa'kin. Siya, siya ang gusto kong nasa tabi ko.
Pero wala siya, Wala siya ngayong pinag-iisip niya ako ng mga kung ano-ano. Wala siya ngayong gusto ko madama ang mainit niyang yakap. Wala siya ngayon upang punasan ang mga luhang siya mismo ang dahilan.
He is not here by my side now that I need him more because he was there for someone he loved more than I was.
Sa babaeng mas nauna niyang mahalin kaysa sa akin. Sa babaeng mas pinili niya ngayong manatili. Bakit kay Akia kaya niya manatili? Bakit kay Akia kaya niya? Bakit sa akin hindi? Bakit sa akin parang ang hirap-hirap na?
"Hintayin mo ang paliwanag niya,Yoreh. Hindi dahil sa pagiging cold niya sa text or tawag ay hindi ka na niya mahal. Kailangan mong pakinggan ang paliwanag niya. Kung bakit niya kasama 'yung ex niya. Kung bakit wala siya sa tabi mo. Lahat ng nangyayari ay may rason kaya 'wag ka muna magjump sa conclusion dahil d'yan kadalasan na nasisira ang relasyon," Nagsusumamong saad ni Ate.
Napahikbi akong muli dahil sa sinabi niya. Sana nga, Sana nga may rason siya... Sana nga ay magpaliwanag siya. Dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nasasaktan na ako... Nasasaktan na ako sa paraang hindi ko inaakala.. sa paraang hindi ko inaasahan.. sa paraang sana hindi na lang.
"Tama ang ate mo, Yoreh. Hindi pwedeng magjump ka agad sa conclusion," Mahinahong sambit ni Samuel at tinapik ako.
Alam kong hindi dapat pero anong magagawa ko kung ganito ang pag-iisip ko? Kung nauutusan lang ang pag-iisip na huwag na masyadong mag-isip para hindi ako masaktan edi sana nautusan ko na. Na tigilan na dahil nasasaktan na ako. Na tigilan na dahil ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko.
"Sige na, Magtatime na. Magpahinga ka na lang," Malumanay na sambit ni Ate. "Samuel, H'wag mo munang iiwan si Yoreh habang wala pa 'yung kaibigan niyan. Ikaw lang ang maaasahan ko," Bilin ni Ate.
"Sure, Babe. Bye ako na ang bahala dito," Sagot ni Samuel.
Tipid ko na lang na nginitian si ate.
"Sige ate, Salamat." Sambit ko.
"Sige," Tatango-tangong sagot niya.
Pinatay ko na naman agad ang tawag dahil ayaw kong maabala pa siya.
"Tara na," Aya sa'kin ni Samuel.
Humihikbi pa rin akon tumayo.
"Stop crying, mas lalong sasama ang pakiramdam mo,"Saway niya.
Napahikbi ako pero ngayon ay wala ng luha "Okay,"
Hinawakan niya ako sa braso para alalayan tulad ng sabi ko ay nanghihina ang katawan ko na parang isa na akong gelatin.
Natanaw ko sila Hendrix na nanonood na at isa-isa silang may hawak na mga chitchirya. Lagot kayo kay Angel.
Napatayo naman sila at tiningnan ako. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sinabi kong hindi nila halata ang mga mata ko na pagod ng maglabas ng mga luha ng dahil sa kanilang kaibigan.
Umakyat na kami at lahat sila ay sumunod. Gusto ko man na pasalamatan sila dahil sa pag-aalala nila ay hindi ko na nagawa.
"Salamat!" Masiglang saad ko kay Samuel.
Parang alam naman ni Samuel ang gusto kong iparating. Ayaw kong magmukhang kawawa sa harap ng iba.
"Higa na!" Utos niya.
Nanatili lang akong nakatayo ngayon ko lang naalala ang sinabi ni Wendrix na bibisitahin ako ni Cyrus.
"Ano ba? Ang sabi ko humiga ka na at matulog. Gigisingin kita kapag nand'yan na 'yung boyfriend mo. Ako malalagot sa ate mo kapag matagal ka gumaling!" Iritadong bulyaw sa'kin ni Samuel
Hinawakan niya ako sa siko bago ako palapitin sa kama. Tipid kong nginitian sina Ben na nandito rin sa loob ng kwarto na parang binabantayan ang bawat kilos ni Samuel.
"Kami na ang magbabantay sa kaniya pwede ka na umuwi," Halatang iritadong saad ni Jake.
Bahagya naman siyang tinapik ni Sai na parang sinasabing 'wag ipahalata na naiirita.
"Sa'kin s'ya pinapabantay ng ate niya," Malamig na sagot ni Samuel.
"Kami na ang bahala sa kaniya," Inis na sambit ni Izi.
"Umuwi ka na," Giit ni Jake.
"Ah, uuwi si Samuel pagnakauwi na sila Angel kasi binilin ako ni ate sa kaniya," Paliwanag ko.
"Kilala niya ang ate mo?" Tanong ni Izi.
Tumango ako "Yes,"
"Ofcourse, Kilala ko pati ang mama niya papa niya at higit sa lahat ang ate niya. May problema ba d'on?" Seryosong sambit ni Samuel.
Hinampas ko siya ng bahagya para mapatingin siya sa'kin. Umiling ako para patigilin na siya. Baka mabanas 'tong mga kaibigan ni Cyrus dahil sa sobrang sarkastiko nitong si Samuel.
"Wala, Bro. Salamat nga dahil binantay mo 'yung GIRLFRIEND ng kaibigan namin," medyo may pagkasarkastikong sambit ni Hugo.
Napakamot ako sa ulo! Mukhang mas sasakit na naman ang ulo ko.
"Pwede ba? Bumaba na lang kayong lahat d'on kung gusto niyo ay kumain na rin kayo. Medyo nahihilo ako at ang bigat ng nararamdaman ko. Matutulog muna ako,"
Tumango sila.
"Just call me kung may kailangan ka," Ani Samuel.
Umirap lang ako at ngitian sina Wendrix,
Hindi pa rin nila tinatanggal ang titig kay Samuel na parang isang maling galaw lang niya ay tutuklawin siya ng mga 'to.
I massaged my temple and took a deep breath.
Napatingin ako sa cellphone kong biglang tumunog.
From: My Sun.
May sakit ka daw sabi nila Sai?
From: My Sun.
Naulanan ka ba dahil kagabi na hindi kita nasundo? Kaya ka nagkasakit?
From: My Sun.
Sorry, Baby. Nagkaemergency lang puntahan kita sa apartment mo mamaya.
From: My Sun.
I love you, My Moon. I always did.
Nakagat ko ang aking labi dahil sa unti-unting namumuong luha sa'king mata. Hindi ko alam kung bakit parang sa bawat letrang nababasa ko ay may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa'king dibdib. Bahagya pa akong napahikbi.
I miss him.
Agad akong nagtipa at ramdam ko ang pangangatog ng aking kamay.
To: My Sun.
Maghihintay ako.
Hinintay kong makapagreply s'yang muli at dahan-dahan na humiga. Panay ang silip ko sa'king cellphone habang hinihintay ang mensahe n'yang muli.
Mensahe niyang maaaring magpalaho sa sakit na nararamdaman ko.
Dati ang mga ganitong bagay ay akala ko ay pagiging childish lamang. Na ang ganito ay isa lang na maliit na bagay.
Pero ito palang maliit na bagay..sobrang sakit..sobrang bigat.
Hanggang sa hindi ko na namalayan pang muli ang pagtulo ng aking luha at pagpikit ng mata. Here we go again.
Bakit hindi na naman siya nagrereply? Busy na naman ba siya sa ex niya? Eh, Paano naman ako? Ganito na lang? Na magtetext siya at magrereply ako tapos 'yun na?
I hope it won't be true.
Hopefully it's just a dream.
If this dream I would choose not to wake up.
Hindi ko makakalimutan na sinabi niyang mahal niya ako at d'on ako kakapit.. ayun ang panghahawakan ko dahil 'yun ang sinabi niya.. dahil sinabi niya 'yon na direktang nakatingin sa aking mga mata.
Mahal niya ako.
Ang sinabi niya ay mahal niya ako sobra pa sa sobra pero bakit niya ako pinag-iisip at nasasaktan ng sobra-sobra?