Ask for the Moon Chapter 23

Ask for the moon 20

Bahagya akong gumalaw para makatagilid dahil sa parang mabigat na brasong nakapulupot sa'king baywang. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nagtama ang paningin namin ni Samuel na pinapanood akong natutulog habang nakacrossed arm.

Iginala ko pang muli ang paningin ng makita ko pa rin ang mga kaibigan ni Cyrus. Na abala sa hawak na cellphone na nakatapat sa'kin. Inis kong tiningnan ang braso sa'king baywang kaya papapilit ako habang dahan-dahan na umuupo. Napailing-iling pa ako bago bumalik sa pagkakadilat.

Isang maaamong mukha na bakas na bakas ang pagkapagod. Nangangatog kong itinaas ang kamay upang malapat sa kaniyang pisngi.

Sana totoo 'to.

"C-cyrus..." Bulong ko.

Naramdaman ko ang biglaang pagsikip muli ng aking dibdib. Bahagya pa akong napahikbi dahilan kung bakit bahagyang pagdilat ng malumanay na mata.

"Baby... Why?" Nag-aalalang tanong niya habang kinukusot ang mata.

Napabalikwas siya at umupo hinawakan niya pa ang aking pisngi dahil sa luhang tumulo. Sunod-sunod ang paglunok at pagbuntong-hininga niya habang pinupunasan ang aking luha. Bakit ba naiyak na naman ako?!

I sobbed "Namiss lang kita," Pag-amin ko at yinakap siya.

"I'm already here now, Baby." Malambing niyang sambit.

Tumango ako at dinama na lang ang mainit niyang yakap. Dahil hindi ko alam kung bukas o mamaya ay akin pa rin ba siya. Ayaw ko na siyang bitawan.. ayaw kong kumalas natatakot ako. Napaparanoid na'ko!

"Baby... Please stop crying," Pagtahan niya sa'kin.

Then don't do some things that makes me cry!

Umiling lang ako. Wala akong pakialam kung mabasa ko ng luha ang damit niya wala akong pakialam! Ang gusto ko ay ilabas 'tong bigat sa harapan niya.

"Baby... Please, Hearing you sobbing and seeing you crying made my heart broke into pieces. I'm sorry if you did miss me," Malambing niyang saad.

Tinapik niyang bahagya ang likuran ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kan'ya.

"H'wag ka na magtampo, Baby,"

"Hindi ako nagtatampo," agarang sambit ko.

"Baby..." He softly said.

Kumalas siya sa pagkakayakap at ipinatong ang kaniyang kamay sa'king balikat at dahan-dahan akong iniharap sa kaniya. Inilibot ko ang paningin dahil sa pagkatahimik at ngayon ko lang napansin na kami na lang dalawa ang tao dito.

"Sorry," Namumula niyang saad. "Nagkaproblema lang," Halos nakayuko niyang saad.

Bumuntong hininga ako at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Bakit parang sa sorry niya parang ayos na ang lahat para sa'kin?

"Can you please explain? Kasi nababaliw na ako sa kakaisip," Matapang kong sambit.

Nilabanan ko ang bawat titig niyang halatang nagsusumamo na para bang pagod na pagod na siya sa kakaisip ng mga kung ano-ano na hindi niya kayang sabihin sa'kin.

Bumuntong hininga s'ya at natatakot na hinarap ako "Baby... Si Akia kasi may problema s'ya na hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kahit na sa kaibigan ko at hindi dahil d'on ay iiwan kita, Alright? She just need my help. That's all,"Paliwanag niya.

Umusog siya ng kaunti para yakapin ako. Dahan-dahan niya pang ipinatong ang kaniyang baba sa'king balikat at mas hinigpitan ang pagkapit sa baywang ko. Na parang isa akong saranggola na ayaw n'yang bitawan.

Bumuntong hininga ako at yinakap siya pabalik "Hanggang kailan? Hanggang kailan mo siya tutulungan?" Bulong ko.

Halos isang araw pa nga lang siyang bago ang pagtrato sa'kin. Edi may susunod pa pala? Mas mababaliw pa pala ako.

Natahimik siya dahil sa tanong ko ramdam na ramdam ko pa ang sunod-sunod niyang paglunok na parang isa 'tong tanong ko sa mga kinakatakutan niya.

"Hindi ko alam, Baby."Bulong niyang sagot. "Mahal kita," He softly said.

Pagbalot ng isang katahimikan na hindi ko inaasahan. Gustuhin ko man na sumagot ay hindi ko magawa dahil sa wala akong lakas.

"Baby,"

"Hmm" tanging sambit ko.

He swallowed hard "I love you," sana totoo.

Tumango ako "I love you too,"

Bahagya niyang hinimas ang aking buhok at tinapik ang aking likuran. We stayed like this at almost five minutes.

Kumalas siya sa pagkakayakap at nginitian ako.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Malapit na ang exam mo," may bakas ng pag-aalala niyang sambit.

"Mas ayos na ang pakiramdaman ko kumpara kanina," sagot ko.

He stroke his finger to his hair and looked at me, nodded.

"Good, May gusto ka bang kainin? Tell me, Baby, I will cook for you," Nakangiting saad niya at dahan-dahan ng tumayo.

Hinawakan niya ako sa braso upang alalayan sa pagtayo. Ayos na naman ako kaya ko na gumalaw ng normal hindi katulad kanina na feeling ko isang tulak lang sa'kin ay matutumba na ako.

"Just stay," Tanging sagot ko na nagpatigil sa kaniya.

Nagtama ang aming paningin na agad kong iniiwas. Hindi ko matagal ang nakakapaso niyang tingin kahit na bakas sa kaniya ang pagsusumamo.

So pati pagstay ngayon hindi magagawa?

He nodded "I will, So now tell me what food to you want to eat?"

Ramdam kong pilit niyang ginagawang pormal ang pag-uusap namin. Kaya tumango ako habang naglalakad kami pababa.

Napapadako ang tingin ko kay Samuel na nakasandal sa isang gilid habang pinapanood kaming bumaba ni Cyrus. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat galaw ni Cyrus. Isang maling galaw niya lang ay sasamain na siya kay Samuel lalo na at nakapagkwento ako sa kanila ni Ate. Hindi ko man tawag na Kuya si Samuel kapag ganitong kaseryoso ay umaakto siyang kuya ko. Dahil sa mahigit tatlong taon nila ni ate ay tinuring na rin niya ako na kapatid.

"Umayos nga kayo! Uupo si Selene," Bulyaw ni Cyrus.

Iritado niyang pinagbabato ng sofa pillows ang kaibigan na nakasalampak sa sahig habang mga natutulog.

"Puta!"Sabay-sabay na pagreklamo nila.

May narinig pa akong sunod-sunod na pagmumura nila kaya pinagbabato muli sila ni Cyrus dahilan ng pagbalikwas nila ng tayo at bahagyang pagnginiti sa'kin.

"Baby," Tawag sa'kin ni Cyrus at hinawakan ako sa braso. "Umupo ka muna.. Pagluluto kita kaya magpahinga ka na muna at kung may masakit sa'yo then don't hesitate to call me, alright?"

I nodded "Okay," nakangiting sagot ko.

Napatingin ako kay Izi na mukhang nandidiri sa pinag-uusapan naming dahil umakto siya na parang naduduwal kaya ginaya pa siya ng iba.

"Can y'all please give Selene a fvcking peace?" Bulyaw muli sa kanila ni Cyrus.

Impit silang nagpigil ng tawa dahil sa sobrang pagkairita ni Cyrus na bakas sa kaniyang namumulang pagmumukha.

"Bro! Chill!" Natatawang turo sa kaniya ni Ben.

Napahawak si Cyrus sa batok habang umiiling-iling na humarap sa'kin.

"Do you want me to get rid of them? Sabihin mo lang, Baby."

Umiling ako "Ayos lang para naman hindi masyadong tahimik," Nakangiting sambit ko.

Bahagya kong sinamaan ng tingin si Sai at sinipa dahil nakaharang siya sa pwestong uupuan ko.

"Attitude ka girl!" Ani Sai.

Umirap ako "Attitude your face!"

"Hey! Sai, Don't you dare raised your voice to my Selene. Baka gusto mong hindi na sikatan ng araw," Pagbabanta ni Cyrus.

"Sigawan mo pa si Se--Yoreh, Sai. Bilis ayaw kitang makita bukas!" Pang-aasar ni Hugo.

"Sinigawan niya din ako!" Pagsusumbong ni Sai.

Kaya sabay-sabay kaming natawa.

"Wala akong pakialam," Natatawang sambit ni Cyrus.

Umiling-iling na lang ako.

"Yor," Tawag sa'kin ni Samuel kaya napatingin ako sa kaniya.

Naglakad siya palapit habang ang mga mata ay na kay Cyrus.

Cyrus stand straight at raised his brows. He also stroke his fingers at his hair and looked seriously at Samuel.

"A-ah, Cyrus si Samuel. Samuel si Cyrus,"Sambit ko.

Bahagya pa silang nagsukatan ng tingin. Ganito ang nakakainis kay Samuel! Sobrang protective niya rin kasi kaya sa Cavite kung may manliligaw sa'kin sinasama siya ni Ate kumilatis!

"Cyrus, Her boyfriend,"

"Samuel, Her friend,"

Pagpapakilala nila sa isa't-isa at tumango-tango lang karaniwang ginagawa ng iba tulad ng pagseshakehands ay hindi nila ginawa sa halip ay ginawaran ako ng tingin.

"Yor," Tawag ni Samuel.

"Yoreh," pagtama ni Cyrus.

Tiningnan lang siya ni Samuel at binalik na ulit sa'kin ang tingin.

"Yor, Uuwi na'ko nasabi ko na sa Ate mo na nandito na 'yung boyfriend mong kanina na may sakit ka ay wala,"

Nakagat ko ang aking labi dahil sa sinabi ni Samuel. Nag-angat ako ng tingin kay Cyrus na nag-iwas ng tingin at nagtiim bagang habang kinakagat ang labi.

"Oh Sige, Salamat ulit, Samuel," Saad ko.

Akmang tatayo ulit ako pero tinaas na ni Samuel ang palad senyales na huwag na.

"Mauna na'ko," Paalam niya.

Bumaling siya at tumango-tango sa mga tao pa na nandito sa loob bilang pagpapaalam.

"Anong gusto mo?" Tanong ulit sa'kin ni Cyrus.

I sighed "Stay," Tipid kong sagot.

His lips parted and let a heavy sighed escape.

"Baby... I will, kaya sabihin mo kung anong pagkain ang gusto mo kainin,"

I pouted "Kahit ano na lang,"

He nodded "Alright wait for me," Bumaling siya sa mga kaibigan na todo ang irap sa'min. "Please, H'wag kayong masyadong maingay. Give Selene a peace of mind! Umuwi na kayo kung gusto niyo," Iritadong saad ni Cyrus bago tumalikod.

"Highblood,"

"Parang walang pinagsamahan,"

"Awit, parang hindi kaibigan,"

Rinig kong bulungan nitong mga nasa tabi ko. Kaya sinamaan ko sila ng tingin at umirap. Natawa naman agad sila kaya ngumuso ako.

Nagrereklamo sila? Well, Girlfriend ako ni Cyrus kung gusto nila edi jowain nila si Cyrus.

"Izi, Kuha mo ako tubig," Utos ko.

Izi chuckled "Yes, Madam." Tumayo siya at gumawi sa kusina.

"Wendrix, Pakikuha naman nung phone ko sa kwarto nasa side table o di kaya'y nasa study table. Basta idilat mo 'yung mga mata mo," Utos ko.

I trust him naman... all of them.

Wendrix also chuckled "Okay,"

"Hugo, Magwalis ka nga. 'Yung mga kalat niyong chitchirya hindi niyo ba nakikita?" Iritadong sambit ko.

"Okay, Nasaan 'yung walis?" Tanong niya.

"Hanapin mo, Nandiyan lang sa tabi-tabi 'yon," Mahinahon kong sagot at nagdekwatro.

"Water," sabay abot sa'kin ni Izi.

I smiled "thanks,"

"You're welcome,"

"Here's your phone," abot naman sa'kin ni Wendrix.

I nodded and smiled " Thanks," and he just nodded as a response.

Umayos ako ng pagkakaupo habang hinihintay na maluto ni Cyrus ang niluluto. Dito ay amoy na amoy na namin ang niluluto niya mukhang masarap dahil sa mabangong amoy ng adobo.

Sana lagi na lang kaming ganito. Sana lagi na lang siyang nandito sa tabi sana. Sana hindi na niya ulit, ulitin ang nangyari kahapon na parang hindi siya 'yung Cyrus na nakilala ko.

Napadako ang tingin sa'kin ni Cyrus. He smiled at me softly. Tinaasan niya ako ng kilay at pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok bago kinagat ang labing kumindat sa'kin.

Nanlaki pa ang mata ko dahil sa ginawa niya. Narinig ko naman ang pagtikhim nitong mga nasa tabi ko na mukhang nakita rin nila 'tong ginagawa ng kaibigan nila. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko!

Tangina ang gwapo!

Bahagya siyang natawa ng mapansin ang reaksyon ko. Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan ng seryoso na siyang nakatingin sa'kin habang maayos na nakatayo. He even crossed his arm infront of his chest. His lips formed into one line. He seriously serious!

Tinaasan ko siya ng kilay.

He chuckled then winked again with a playful smile on the lips.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.