Ask for the moon 21
Nakasalumbaba akong nakatingala habang dinudungaw ang kulay kahel na langit. Bahagya pa akong napapikit dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa'king mukha. Kahit na hindi ako natatamaan ng sikat ng araw ay sa bawat pag-angat ko ng tingin sa kalangitan ay nasisilaw ako.
Malakas na hangin ang nagpabalik sa'king hwisyo. Umayos pa ako ng pagkakaupo at nilagay sa likuran ang ibang hibla ng buhok na tumatama sa aking pisngi.
"Hindi mo pa pala tapos na ayusin 'yan. I thought you're already done," Nakangiting saad niya.
Nilapag ni Cyrus ang dala-dala niyang plato na mayr'ong kanin at tasa ng ulan na menudo. Naglapag rin siya ng isang lemonade at tubig.
I pouted "Onti na lang naman 'to," Saad ko.
Bahagya kong itinabi ang kaninang mga folder at papel na nasa harapan ko.
He nodded "Alright, Kumain ka muna tutulungan kita ayusin 'yan mamaya pagkatapos natin na kumain,"
Tumango ako at ngumiti.
"Say Ah," utos niya.
"Ih,"
"Baby, Say Ah, susubuan kita," utos niyang muli.
My brows furrowed "Kaya ko kumain mag-isa at may kamay ako," pagsusungit ko.
"Baby... Just shut up and say ah, Ang dami mo pang sinasabi,"
"Ah," pagsuko ko.
Binuka ko ang aking bibig na agad niyang sinubuan ng kanin at ulam. Halos umirap ako dahil sa lawak ng ngiti niya sa labi.
"Good... Baby, Good," saad niya bago sumubo naman ng para sa kaniya.
Ngumuso ako dahil sa mga sinasabi na naman niya.
"Say ah, Again," utos niya muli.
Iniangat na niyang muli ang kutsara at tinapat sa'king bibig.
"Hindi naman kasi ako baby hindi na kai---"
He chuckled "But you're my Baby, So just open your mouth and eat this. Para naman mabusog ka agad," he cut me off.
I pouted and open my mouth.
Para tuloy kaming ewan na pinagtitinginan ng ibang estudyante. Feeling ko nga may mga naiirita na sa'kin dahil sinusubuan pa ako ni Cyrus. Tulad ng unang sinabi sa'kin ni Angel ay kilala 'tong si Cyrus dito sa campus. Gan'on naman talaga sa panahon ngayon kapag gwapo o kaya ay maganda ka ay sikat ka. Wala naman akong pakialam sa iba pang nagkakagusto sa kaniya kahit umirap-irap pa sila ng 360 degree. Well, sorry kayo siya ang may gusto nito.
"Alam mo ang ganda mo," He compliment.
I rolled my eyes "Alam ko,"
He laughed "Alam mo ang sipag mo," sabay baling niya sa mga gamit ko.
I nodded "Alam ko,"
Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa buhok bago uminom ng tubig at ibaling ang tingin sa'kin.
"Alam mo... mahal kita," and then he winked.
Like putangina!
"A-alam ko," Inis kong saad.
Kinagat kong ang ibabang labi ko at kunot-noong nag-iwas ng tingin. Gusto kong tumili agad o di kaya'y magsisigaw dahil sa biglaang kilig na naramdaman.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Alam kong kitang-kita na sa mukha ko ang pagngiti dahil sa hindi mapigilan na ngiti.
"Oh, Selene, My Moon, My Baby are blushing. Lalo kang gumaganda kapag kinikilig ka. Pero mas maganda kung sa'kin ka lang kikiligin," and then he winked again.
May problema ba sa mata niya? Bakit para napapadalas ang pagkindat niya sa'kin? At bakit feeling ko mahuhulog ang panty dahil sa kindat niya?!
"Bolero!" Natatawang saad ko.
"Say ah again, Baby," utos niya.
Tinapat niya sa'kin ang kutsara kaya binuka ko na lang ang bibig. Nakangiti siya habang pinapanood ako na nanguya.
"Then drink this," abot niya ng lemonade. "Are you sure na lemonade ang gusto mo? Hindi ka ba magtutubig man lang?" He raised his brows.
I rolled my eyes "Marunong ka pa," Mataray kong saad.
He pouted "Baby, You need to drink water," saad niya at iniabot din sa'kin ang tubig niya.
"Sa'yo 'yan," balik ko sa kaniya.
"Sa'yo ako,"
Parang tanga!
"Hindi ako nagbibiro," Nakataas ang kilay na sabi ko.
Kahit sa loob-looban ko ay nagwawala na ang mga organ ko dahil sa saya at kilig na nararamdaman ko.
"Hindi rin ako nagbibiro," balik niya sa'kin.
I swallowed hard "Okay, share na lang tayo. Iinom ka sa lemonade o at iinom ako sa tubig mo. Alright?" Sambit.
"Yeah Baby, Sure." Tatango-tangong sagot niya.
"Gusto mo?" Abot ko sa kaniyang ng lemonade.
"Gusto kita,"
I sighed and rolled my eyes.
He chuckled and winked.
"Paano tayo makakapag-usap ng maayos kung puro gan'yan ang sagot mo. Puro pangbobola," Inis kong saad.
Kinuha ko ang tubig niya at tinungga. Bawal akong uminom ng masyadong madaming tubig dahil uminom ako lemonade at baka sumakit lang ang tyan ko.
He laughed "Okay, Sorry na, Baby,"
Tumango na lang ako at umirap muli. Nagsimula ulit kami na kumain.
"Say ah," utos niya.
"Kaya ko na naman 'tsaka para mapabilis na ang pagtapos natin sa pagkain," I pouted.
He sighed " Alright, Last na say ah," utos niyang muli.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Nagsimula na ulit kaming kumain na hindi niya sinusubuan. Pero sa bawat pagsubo niya ng pagkain ay may mapanlokong ngiti sa labi at nang-aakit na nakatingin sa'kin.
"Umayos ka nga," may halong pagbabanta kong saad.
He chuckled "Why?" Maangmaangan niyang tanong.
"Tingin ka ng tingin," nahihiyang umiwas ako ng tingin.
He shrugged "What's wrong with that?" Natatawang tanong niya.
"Kumain ka na lang. Ang sarap no?" Tukoy ko sa Menudo.
Kaya favorite ko 'tong menudo rito e. Sobrang sarap at halatang hindi tinipid sa ingredients kahit medyo mahal ang presyo kumpara sa iba ay ayos lang dahil sulit naman.
"Yeah," tatango-tangong sagot niya.
I smiled widely "Diba, Bukas 'to ulit bilhin na'tin kasi hindi nakakasawa,"
He nodded "Yeah sure, Pero mukhang mas masarap ka," lokong sambit niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya inis kong hinatak ang buhok niya para sabunutan.
"Tumigil ka na!" Inis kong saway sa kaniya.
Narinig ko pa ang tawa niya kaya maslalo ko siyang sinabunutan. I heavily sighed when I felt his warm hand on mine. Ngumuso ako at tiningnan siyang binababa na ang kamay ko mula sa pagkakasabunot sa kaniya.
"Baby, Sorry na," Natatawang saad niya.
Tiningnan ko lang siya ng masama at 'tsaka umirap.
"Anong oras tapos ng last class mo?" Pag-iiba ko.
Agad ko na naman na tinapos ang pagkain at gan'on rin naman ang ginawa niya.
"4pm pa, Ikaw?" Balik niya sa'kin.
He hold and sipped on my lemonade and stroke his finger on his hair with another hand.
"Hmm, 4:30 pa," I pouted.
He smiled and nodded "Sige, Hintayin kita,"
Napatahimik ako sa sinabi niya. Ayun rin ang sinabi niya sa'kin nung nakaraan ngunit hindi siya dumating.
Napatikhim siya at nagtiim bagang umiwas ng tingin. Oh! He remembered.
Nag-iwas na lang rin ako ng tingin. Dapat ko ba siya ulit hintayin? Paano kung hindi na naman siya dumating? Paano kung maghintay na naman pala ulit ako sa wala?
"Baby..." Nagsusumamong tawag niya sa'kin.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Bigla siyang umayos ng pagkakaupo at mariin akong seryosong tiningnan. Ramdam kong kinakabahan niyang inilapat sa kamay ko ang kaniyang kamay na may kaunting-pangangatog.
"Baby.." Ulit niya.
Bumuntong hininga kong tiningnan siya. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagsusumamo na parang sinasabing this time ay paniwalaan ko siya na darating siya.
"Baby..."
"Hmmm" tanging nasabi ko at tumango-tango.
"Baby, Later hihintayin kita promise," He said and raising his hand like a promise gesture.
I smiled "Sige, Maghihintay pa rin ako,"
Maghihintay pa rin ako kahit walang kasiguraduhan kung susulputin mo'ko.
Kasi marupok ako.
Kasi gusto kita.
Kasi mahal kita.
Tumayo siya at naglakad palapit sa tabi ko at umupo. Ngumuso niyang ipinalupot dahan-dahan ang kaniyang braso sa'king baywang. Mayr'on pang pinapanood kami dahil sa sobrang pagkamaharot niya dito. I swallowed hard when he gave me two consecutive kisses on my cheek. Dahan-dahan niya rin na ipinatong ang kan'yang baba sa'king balikat.
"I love you," bulong niya at mas lalong hinigpitan ang kaniyang pakakayakap.
"I love you too," balik ko.
Halos ilang minuto ang tinaggal namin sa ganoong posisyon. May iilan pang estudyante ang pasimple kaming pinag-uusapan. Nginingitian naman rin agad kami ng ibang mga teachers na nakikita namin bigla tuloy akong nahihiya. Well, Aware naman ata 'yung mga teachers rin.
Tumakbo ang oras at nakasalumbaba lang akong nakikinig sa Prof ko. Mabuti na lang ata hindi nakalam ang sikmura ko katulad ng kadalasan na nangyayari. Kung kumalam na naman 'to nadistract na naman ako at imbis na 'yung topic na dinidiscuss baka ay pagkain lang ang nasa isip ko. Fries, lemonade, cordon blue or so on.
"Uuwi ka na, Yoreh? Ayaw mo ba muna na sumama?" Tanong ni Elica ng lumabas na ang Prof namin.
I rolled my eyes " Ayaw ko," mataray kong sagot.
She pouted "Hindi mo man lang ba tatanungin, Where ang gorabels?" Natatawang sambit niya.
"Hindi,"
Agad naman siyang natawa dahil sa sagot ko.
"Wala talaga kakaiba ka talaga! Sige! Bye mag-ingat ka!" Nakangiting saad niya.
"Okay, Ingat rin," Saad ko.
Binitbit ko na ang bag ko at nagsimulang maglakad. Ipinalibot ko ang aking paningin. Walang Cyrus ang tumambad sa aking harapan.
Ang sinabi niya ay hihintayin niya ako rito! Bakit wala na naman siya? Ano kasama na naman niya 'yung ex niya? Kasama na naman niya si Akia.
Naramdaman ko na naman ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Kaya bahagya akong yumuko wala na naman siya. Hindi niya tinupad 'yung sinabi niya. Naiinis na ako sa sarili ko bakit ba kasi inaasahan ko na naman siya dito? May unting namuong luha sa'king mata at walang pag-aalinlangan na tumulo kaya halos mataranta akong pinahidan iyon gamit ang aking kamay.
"Selene!"
Iginala ko ang aking paningin sa paligid dahil sa narinig na pamilyar na boses.
"Baby!" Nakangiting tawag niya.
He's wearing a plain white t-shirt and black slacks. Ang kaniyang mga kamay ay parehas na nasa loob ng kaniyang bulsa.
Malawak ang kaniyang ngiti sa labi.
Sa bawat paghakbang niya palapit sa'kin ay may napapabaling sa kaniya. Dahil sino pa nga bang hindi mapapabaling sa malakas niyang dating? Napakalakas na sa puntong tinamaan ako at hindi ko na rin alam kung makakabangon pa ba ako.
Unti-unting naglaho sa kaniyang labi ang ngiti na kanina ay abot hanggang tenga.
"Baby..." He whispered with his soft tone.
Agad niyang iniaangat ang palad upang punasan ang luha kong nasa pisngi na.
"Stop cyring please baby," Nagsusumamong sambit niya.
I nodded with a fluttering heart and racing pulse and slowly smiled at him.
"Nagpalit lang ako ng damit dahil pinagpapawisan na ako at ayaw ko naman na mag-amoy pawis ako kapag nagkita tayo," Paliwanag niya. "At 'tsaka 4:20 pa lang maaga kayong pinalabas?" He softly asked.
I nodded and pouted "Oo,"
Nginitian niya ako at kinuha sa'kin ang bitbit kong bag.
He looked at me and smiled. "Everytime I look at you, I felt like I'm complete. You completed me, Baby.." he stopped and hugged me while stroking my back "So Please, Baby, Stop crying.. because you really made my heart broke into pieces when you cried,"