Ask for the moon 22
"Eto?" Angat ko sa kulay pink na dress "Eto?" Angat ko naman sa kulay puting dress.
Halos hindi na ako mapakali sa paghahanap ng susuotin dahil sa sobrang kaba. Paano kung sa unang meet namin nila Tita at Tito ay mabait sila sa'kin? I mean alam ko naman na mabait sila kasi the way na pakikitungo nila rin sa iba. Inaalala ko lang kung magulat sila na Girlfriend na ako ng anak nila!
"Mas bet ko 'yung white parang pormal lang pero may dating," Sambit ni Mawi.
Nakaindian seat siya ngayon sa kama niya at tinitingnan akong magkandaugaga.
Tumango-tango ako at ngumiti "Sige!" Masiglang saad ko bago tuluyan na tumakbo sa pababa sa c.r.
Kakatapos lang ng last exam namin at ang bungad sa'kin ni Cyrus ay 'tong meet the parents na! To be honest mas kinabahan pa ako dito kaysa sa exam naming kanina!Kasi naman diba bakit hindi na niya lang sabihin na dumating na pala ang parents niya! Para naman hindi ako nagkandaugaga!
Damn it, Cyrus!
"Bagay ba?" Bungad ko kay Angel ng makasalubong ko siya.
Hinawakan ko pa ang tela ng dress na suot-suot ko at bahagyang umikot.
She chuckled "Oo," Tipid niyang sagot bago ako lampasan.
Kakagising lang kasi ng loka! Wow, sana all nakakatulog ng tanghali!
Umirap na lang ako kaya napatingin ako sa wall clock mag-aalas singko pa lang at ang usapan namin ay bago mag-alas sais.
Kaya wala na akong pag-aalinlangan na bumalik sa kwarto. Naiinis talaga ako! Wala na rin kaya akong bagong face powder at iba pa! Nakakainis! Sana kung alam ko lang talaga!
Naglagay ako ng kaunting makeup sa mukha at inistraight ko na lang ang mahaba kong buhok. Ramdam ko pa nga ang pangangatog ng kamay ko dahil sa kaba. Kaya minsan ay napapaso pa ang tainga ko.
"Hoy! Girl, Nasa labas na pala si Fafa mo Cyrus hindi mo man lang ba papasukin?" Ani angel.
Masama ko siyang tiningnan.
"Bakit hindi mo pa papasukin?" Inis kong tanong.
She rolled her eyes "Akala ko alam mo na at ayaw mo papasukin,"
"Duh," Irap ko at nagpatuloy na sa pag-aayos.
"Papasukin ko na ha" Ulit niya.
"Oo nga, thanks," sagot ko.
Nagpatuloy muli ako sa pag-aayos. Napapatingin pa ako kay Mawi na abala na ngayon sa kakacellphone. Ang sabi niya rin na nakikipagbalikan 'yung ex niyang Mark sa kaniya. Nagtanong pa nga ang loka kung sasagutin niya ba? As if naman kami ang nakakaramdam ng feelings niya. Kaya ang sinabi ko na lang na kung ano ang gusto niya edi ayon! Nandito lang naman kasi always for her.
"Selene" Malambing na boses na tawag sa'kin.
Napalingon ako sa pintuan at tumambad ang lalaki na ubod ng gwapo.
He just wearing a grey chinos that made his long legs compensate and White Shirt that was why the beautiful curved of his chest and masculine arm was seen. I examined him overall and also found that he also wearing Burgandy Brown Double Monk Shoes. He really distinguished by his great and manly charisma. Huh?
"Selene" Ulit niya.
Pinadausdos niya saglit ang daliri sa kaniyang buhok bago nakangiting naglakad palapit sa'kin. Inayos ko ang mga gamit at nagsimula ng itago dahil mukhang ayos na naman.
"Aalis na ba?" Tanong ko.
Tiningnan ko pa bahagya ang reflection ko sa salamin at dahan-dahan na hinawi ang buhok na medyo mainit pa.
"Yeah," Simpleng sagot niya kaya napabaling ako sa kaniya.
I raised my brows "Okay,"simpleng sagot ko.
He pouted "Let's go," Aya niya sa'kin ng makitang tapos na ako.
Tumango-tango ako at kinuha na ang kulay puting purse na dadalhin ko. Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya dahil panay ang ngiti niya sa'kin.
"Alis na kami," Paalam ko kay Mawi.
"Oks, Ingats" sagot niya habang nakabaling pa rin sa cellphone.
Umirap na lang ako at binaling muli ang tingin dito sa katabi. He slowly encircle his arm at my waist and guided me to the walk.
"Bakit ba ngiti ka ng ngiti?" Mataray kong tanong.
He chuckled and pinched my cheeks.
"Ano ba 'yung face powder ko matatanggal!" angal ko at hinampas siya sa braso.
He laughed "Okay sorry, baby." Natatawang paumanhin niya. "Ang ganda mo kasi. I can't take my eyes off," Malambing na sambit niya.
Napatahimik na lang ako dahil sa sinabi niya. Wala ng ibang salita ang lumabas sa'king bibig dahil wala akong mahagilap na kahit isa.
"Baby.." Tawag niya sa'kin.
Ipinalibot ko ang aking paningin.
"Alis na kami," paalam ko kay Angel na nasa kusina.
Tumango-tango siya "Okay, Ingat kayo,"
Nagsimula na ulit kami sa paglalakad habang 'tong katabi ko ay parang linta na nakakapit sa'kin.
"Ano ba?" Iritado kong tinampal ang braso niya.
His brows furrowed reason why I swallowed hard.
"Why?"
"Kapit ka ng kapit," Inis kong angal.
"What's wrong with this?" maslalo niya akong inilapit pa sa kaniya.
"Kala mo naman mawawala ako!"
Bahagyang siyang natahimik at ngumuso. Inis akong nagpatuloy sa paglalakad pero pinagbuksan niya pa rin ako ng pintuan sa kaniyang front seat. Kaya wala na akong pag-aalinlangan na pumasok. Umikot na siya para makasakay naman sa driver seat na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
"You really looks beautiful, My Moon," He compliment me.
I pouted, I feel like my heart are fluttering because of what he said. Kahit halos paulit-ulit na niyang sabihin ang mga gan'to ay paulit-ulit pa rin akong kinikilig na para bang unang beses niya lang sinabi.
"Speechless, Huh? Gan'yan talaga ang epekto ko sa'yo no? Mahal na mahal mo rin ako no? Sobra pa sa sobra rin ba?" Mayabang niyang tanong.
Nagsimula na siyang magmaneho at pasimple pang sumulyap sa'kin habang may mapaglarong ngiti sa labi.
Inirapan ko lang siya at binaling na ang tingin sa daan. Medyo padilim na rin kasi mabuti na lang. Kahit talaga anong gawin ko hindi ako nakakatulog sa byahe. Alam mo 'yung feeling na gusto mong umidlip? Pero ayaw talaga ng mata ko! Nakakainis!
"Baby..."
"Hmmm" tanging sagot ko habang nakabaling sa daan.
"Malapit na tayo baka makatulog ka pa," He softly said.
Kaya umayos ako ng pagkakaupo at bumaling sa kaniya. Feeling ko naman ay mapupunit ang labi ko dahil sa sobrang pagkakangiti. Kahit naman na kinakabahan ako ay may parte pa rin sa'kin na excited!
"Okay," Nakangiting sambit ko.
"Are you excited?" Tanong niya.
I pouted "Yes, pero kinakabahan rin ako at the same time,"
"Bakit ka kinakabahan? Nakilala mo naman na sila Mom and Dad diba?"
"Oo nga kinakabahan lang," Tanging paliwanag ko at tumango-tango naman siya.
Napahinto kami sa isang Italian Restaurant.
"Mahilig ba kayo sa Italian Restaurant?" Takang tanong ko.
Kinalas ko na naman agad ang pagkakaseatbelt at gan'on rin siya. He looked at me with a smile.
"Yup," Tanging sagot niya.
Bumaba siya upang pagbuksan ako ng pinto. As if I don't know to open it! Pero okay lang mukhang ito naman ang hapitots niya.
He encircle again his arm around my waist. We walked and I admit it some of customers here are staring at us.
"Oh my! Yoreh!" Salubong sa'kin ni Tita Alejandra.
She hugged me with care and slowly tapped my back.
"Nice to meet you again, Tita and Tito," Nakangiting saad ko.
"Nice to meet you too again, Yoreh. Oh siya, Umupo na kayo," sambit niya at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa kanilang harapan.
Nginitian ako ni Tito Armando as usual may mapanlokong pa rin ang titig sa kaniyang anak habang umiling-iling pa rin.
Napabaling ako kay Cyrus na hawak hawak na ako ngayon sa braso at ginagawi palapit sa upuan.
"Salamat,"
He nodded.
Umupo na rin siya sa tabi ko at binalik ang pagkakapulupot ng braso sa aking baywang. Nagpakawala ako ng malalim na pagbuntong hininga. Can he not act normal infront of his parents?!
Napatikhim si Tito Armando dahilan kung bakit kami napatingin sa kaniya.
"So? Kayo na?" Tanong niya kay Cyrus bago bumaling sa'kin.
Cyrus chuckled "Oo naman, Dad,"
Tito nodded "Mabuti naman nagtatanong kasi sa'kin 'yung kaibigan mo kung may pwede ba akong ireto,"
Inabutan kami ng waitress ng menu.
"Thanks" sambit ni Tita sa waitress.
"Who?" Baling ni Cyrus sa ama.
Bahagya niya pangpinindot ang tagiliran ko kaya masama ko siyang tiningnan pero ang atensyon niya ay nasa kausap.
"Ben," simpleng sagot ni Tito habang nakatingin sa menu.
"Ben? Benedict Francisco?" sabat ko.
Nag-angat naman ng tingin sa'kin si Tito Armando at nginitian ang anak bago ibalik ang tingin sa'kin.
"Yeah, You know him?" Balik sa'kin ni Tito.
I nodded "Siya po diba 'yung may birthday nung una tayong nagkita. 'Tsaka po kasi schoolmate kami at kasama namin sila ni Cyrus minsan," Paliwanag ko.
"Ah," Tango ni Tita.
"By the way, Irereto po? May kilala po ako I mean kaibigan ko po gustong-gusto non si Ben," Natatawang saad ko na tinutukoy si Sadnie.
"Really? Good to hear that next time let's talk about them," Tito said.
"Sige po si Ben po--"
"Can we not talk about Ben?" Cyrus whispered.
Napalunok tuloy ako dahil sa paglapat ng kaniyang labi sa'king tainga. Pinigilan ko pa ang paghinga dahil feeling ko sasabog na agad ako sa sobrang pagkakahiya. Awang ang labing nakatingin sa'min sina Tito at Tita. How can Cyrus do this infront of them! Hindi pa rin nilalayo ni Cyrus ang labing nakalapat sa'king tainga kaya lakas loob akong gumalaw.
"Okay," Tanging sagot ko.
Napahawak pa ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung saan ako babaling ng tingin.
Mabuti na lang at nakaramdam si Tita Alejandra at biglang tinawag muli ang waitress para sabihin ang order nila.
"Baby.." Masama akong tumingin kay Cyrus. Agad siyang tumikhim at ngumuso. "Selene," pagtatama niya. " Anong gusto mo?" Pinakita naman niya agad sa'kin ang menu.
Ang hirap basahin kaya tinuro ko na lang sa kaniya at tumango-tango naman siya.
"Eto lang?" tukoy niya sa tinuro ko.
"Yes," tanging sagot ko.
Sinabi naman niya sa waitress ang order ko at ang sa kaniyang. Pinapanood ko lang siyang nagsasalita habang gumagalaw ang adams apple. Nakatagilid siya kaya kitang-kita ko ang linya sa kaniyang panga na bahagyang umiigting. He bit his lower lips like he forgot something that's why he stopped just to think about it.
Napatingin naman agad siya sa'kin at bahagyang nagulat pa dahil sa nakatitig ako sa kaniya. Tipid ko siyang nginitian at nag-iwas ng tingin. Nginitian ko naman sila Tita at Tito na napabaling minsan ang tingin sa'min. Mukhang may kung ano rin silang pinag-uusapan.
"Selene," napabaling ako kay Cyrus na tapos na pala makipag-usap sa waitress.
I smiled at him and raised my brows "Hmm?"
Tiningnan niya ako ng maamo pero ramdam kong sa bawat titig niya ay gumalaw lang ako ay mapapaso na'ko. Nginitian niya ako at dinilaan ang labi gamit ang kaniyang dila bago iusog na mas palapit pa sa'kin ang upuan. Kinunutan ko siya ng noo at muling tinaasan ng kilay then he suddenly bit his lower lips. Inis ko siyang tiningnan bakit feeling ko nang-aakit siya? Bakit feeling ko naman ay naaakit ako?
Nararamdaman ko naman na may gusto pa siyang sabihin ngunit parang may kung ano ang pumipigil sa kaniya na magsalita.
"Ano ba 'yon?" Takang tanong ko.
Mashinigpit niya ang pagkapit sa baywang ko na para bang kahit anong oras ay mawawala ako.
Agad siyang nag-iwas ng tingin "Wala lang," sagot niya habang wala sa'kin ang tingin.
Looks like he really want to say something!
Kaya tumango-tango na lang ako. Kung ayaw niyang sabihin edi 'wag niyang sabihin!
Tahimik lang kaming kumakain kung minsan naman ay may mga tinatanong sa'kin sina Tito at Tita. Napapasulyap ako kay Cyrus na bigla namang nanahimik at parang nagiging balisa siya.
Halos mapatalon pa siya ng biglang tumunog ang cellphone niya na agad niyang inilabas.
Akia is calling.
Sapat lang upang mapahinto ako sa pagkain. Sapat lang upang bumagal ang paghinga ko. Sapat lang upang mapatitig ako sa kawalan.
Sa hindi malaman na dahilan ay nanikip na naman ang dibdib ko at patuloy na pagbagal ng paghinga. Bumigat na naman ang pakiramdam ko kasabay ng pagbabadya ng luha.
Kasi ako ang girlfriend niya pero bakit parang ako na naman ang nanghihingi ng oras?
Kasi akin siya pero bakit parang hindi naman?
Bumuntong hininga ako bago balingan si Cyrus. Kitang-kita ko sa pamumukha niya ang pamumutla at nagbabadyang luha.
Bakit?
"I need to go," Seryosong paalam niya at walang pag-aalinlangan na tumalikod.
Napahikbi na naman ako dahil sa ginawa niyang pagtalikod. Na parang maspinipili na naman niya si Akia. Na parang iiwan na naman niya ako kasi ayun ang maspriority niya.
Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
Bakit parang ang dali para sa kaniya na talikuran ako?
Dahil ba kapag umalis siya at bumalik alam niyang tatanggapin ko ulit siya?
Bakit parang sa pagtalikod niya.. sa bawat paghakbang niya palayo ay tinutusok muli ng matulis na bagay ang dibdib ko.
Bakit sa bawat paghigpit ng hawak ko sa kaniya ang siya namang pagluwag ng sa kaniya?
Sa kaniya ako pero bakit parang siya ay hindi sa'kin?
Iniwan niya na naman ako.
Iniwan na naman niya ako ng sunod-sunod ang pagbagsak ang pagluha.. na humihikbi.. na hirap na humihinga.. na hirap na hirap na naman.
He left me again.. Just for her.. Just for her again.