Ask for the moon 23
Nangangatog kong inilibot ang paningin sa paligid dahil sa sobrang kaba. May iilan pang estudyante ang nagtatakang napapatingin sa'kin dahil sa luha sa'king mata na hindi ko na napigilan na lumandas sa'king pisnge.
Mahigit isang linggo na mula nung huli kaming magkita ni Cyrus. Ni anino niya ay wala akong nakikita halos hindi na ako makatulog sa kakaisip kung nasaan na ba siya? Kung ano ang ginagawa niya? Bakit ilang beses akong nangangamusta at natawag sa kaniya pero wala ni kahit ano ang natatanggap ko.
Sa mahigit isang lingo na 'yon ay hindi ako magkandaugaga sa kwarto habang panay ang baling sa cellphone. Kung minsan ay hindi na rin ako nakain dahil sa wala akong gana kaya nga halos sigawan na ako nila Angel at mawi para lang kumain sa huli ay nakain ako dahil pinipilit talaga nila ako.
Napahawak ako sa railings at sa dibdib ng maramdaman na naman ang unting-unting pagsikip at paghirap ko sa paghinga. May napapalingon pa sa'kin na para bang gusto ako lapitan para tanungin kaya bahagya akong umiling sa kanila ay ngumiti.
Pilit kong pinipigilan ang paghikbi dahil nakakahiya na sa mga nakakakita na sinusuri ang pagmumukha ko na para bang gusto pa nila manatili upang tingnan kung hanggang saan ang kakayanin ko.
Pinahid ko ang aking luha gamit ang palad at tinikom ang bibig dahil sa nagbabadya nanamang paghikbi na hindi na ata matapos tapos. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kalangitan kasabay ng patuloy na pagtutubig ng aking mga mata. Napahikbi na naman ako kaya ay sumingot-singot pa ako para mapigilan muli. Naiinis ako dahil parang ewan ako dito sa hallway na nagpipigil ng paghihikbi.
Mabuti na lang at iyong ibang mga estudyante na pinapanood ako ay nagsipasukan na sa klase. Wala rin naman ang susunod na Prof namin dahil may emergency daw sabi ng aking ibang classmates.
Mas pipiliin ko pa dito sa labas na pagala-gala at baka isang beses ay makita ko o kaya ay masalubong si Cyrus.
"Yoreh?" Tawag sa akin ng isang babae. "Ayos ka lang ba? Here drink this," sabay abot niya sa'kin ng bottled water.
Bumuntong-hininga ako at kinagat ang labi bago kunin ang inialok niya. Iniangat ko ang tingin sa kaniyang bago bahagyang ngumiti.
Her appearance looks familiar but I can't tell where I saw her or what."Thanks" Pasasalamat ko.
Tumango siya at ngumiti "You're welcome, Sige pasok na'ko," Paalam niya bago tumalikod.
Gusto ko man siya na sundan upang pasalamatan ay hindi ko nagawa dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Nasapo ko ang aking noo bago tuluyan na maglakad.
Sa bawat paghakbang ko naman ay nararamdaman kong isang sagi lang sa'kin ng kung sino ay bibigay na ang tuhod ko. Pagod na pagod na ako mag-isip at umiyak at pagod na pagod na rin ang katawan ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad habang bitbit ang aking bag at isang bote na tubig na kanina ay iniabot sa akin.
Malakas na simoy na hangin ang tumama sa aking pagmumukha. Mga nagsasayawan na dahon ng malalaking puno sa gilid ng building ang nasilayan ko pa. Maliwanag at nakakasilaw na sikat ng araw na dahilan upang mapailing ako at mapapikit.
Where is he? Where Is my Sun?
Why does my Sun now put me in the dark that he should give light for me?
Because he deserves to do it.
I deserve it, he deserves me to give me light. The light which cometh from him... Not to others otherwise.
Pinilit kong kumalma tsaka nagpakawala muli ng isang buntong hininga na kanina ko pa ginagawa. Umupo ako sa gilid ng malaking puno upang makasilong. Ang sarap pagmasdan ng paligid dito dahil tanaw na tanaw ko ang naglalakihang building at mga estudyanteng nagtatawanan.
"Kanina pa kita hinahanap," Napaangat ako ng tingin kay Angel na malungkot ang mukhang tumabi sa akin.
Hindi ko siya nginitian dahil magmumukhang peke lang ang pagngiti ko sa kaniya kung nagkataon.Wala na naman ako dapat na itago pa sa kaniya dahil saksi na siya sa hirap at bigat na nararamdaman ko.
So for what others pretend that I was fine? If I'm not?
Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin "Nagpapahangin lang wala naman kasi 'yung Prof namin ngayon nagkaemergency raw kaya dito na muna ako,"Paliwanag ko.
She sighed "Hinihintay mo na naman ba si Cyrus?" Nag-aalalang tanong niya.
Agad naman ako na nag-iwas ng tingin. Nahihiya akong sabihin na oo dahil sila 'yung nandiyan nung naiyak ako at heto ako nakaupo naghihintay sa muli niyang pagdating.
"I knew you're waiting for him," Kinuha niya sa'kin ang bottled water at binuksan. "Uminom ka muna halata sa pagmumukha mong kakagaling mo lang sa pag-iyak," sabay abot niya sa akin.
Tumango ako at dahan-dahan na kinuha ang iniabot niya. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa kanina pa ako naiyak at patuloy na paghikbi.
"Hindi ko sasabihin na tumigil ka na d'yan kay Cyrus because I know how much you loved him," malumanay niyang sabi.
"I'm not in the position to tell you what you need to do," Huminga siya at maamo ang mukhang tiningnan ako.
"But please never forget that you need to take care of yourself. You need to love yourself the most then to love him," ngumiti siya at lumapit para yakapin ako.
"Kahit anong mangyari nandito lang ako para sa'yo. You can always borrow my shoulder when you need to cry. You can always borrow me to wipe your tears. Hindi kita iiwan ngayong kailangan mo ako. Kaya don't hesitate to approach me,"
Napahikbi na naman ako dahil sa sinabi niya kasabay ng pagbabalik ng nagbabandyang luha sa aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin na yinakap siya pabalik at patuloy na pagbagsak ng aking luha.
I'm so lucky to have her! I was!
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin kung wala sila ni Mawi sa tabi ko noong nagdaan na araw na nababaliw ako kakaisip kay Cyrus.
Ilang beses akong lumunok para makapagsalita ng maayos at hindi pumiyok sa harapan niya. "Thank you," Matagumpay kong sabi.
Hinawi niyang muli ang likod ko at bahagyang tinatapik para pakalmahin ako.
"Sasamahan kita dito na maghintay," Sambit niya at mariing hinawi muli ang aking likod.
Tumango ako at bahagyang ngumiti "Thanks again," Mapait ang ngiting sagot ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya sa mata. 'Yung mga mata niya ay nagsusumamo at talagang bakas na bakas ang pag-aalala.
"Sorry talaga kung pinag-aalala kita," Nakayukong sambit ko.
Hinimas niya ang likuran ng aking ulo kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nginitian na man niya ako na para ayos lang sa kaniya.
"No need to feel sorry," Sabi niya. "Hindi mo naman ginusto itong mga nangyayari sa'yo dahil alam kong ayaw mo rin naman ng ganito,"
Umiwas ako ng tingin dahil tama siya hindi ko naman ginusto 'tong mga nangyayari kasi kung ginusto ko ito ay baka hindi ako naghihintay sa kaniya at hindi ako naluha. Ayaw ko ng ganito dahil naaapektuhan ang buong pagkatao ko.
Iniangat kong muli ang paningin sa kalangitan bahagya pa akong napapikit dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata.
"Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari," Sambit ko habang nakatingala. "We have a label but it looks like we don't," malungkot na sabi ko. "Kasi bakit feeling ko kahit kami parang ako 'yung nanghihingi ng oras niya?" Tanong habang ang paningin ay nasa kalangitan.
Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagbuntong hininga nitong nasa tabi ko kaya dahan-dahan akong bumaling sa kaniya.
"Kasi ex niya na 'yon, naghiwalay na sila at iniwan na siya n'on." malumanay kong sabi "Iniwan na siya n'on at ako ang nanatili bakit siya 'yung pinili?"
Siguro nga ay wala pa sa tagal ng pagsasama nila ang mayr'on kami ni Cyrus. Siguro nga wala... walang wala.
"Hindi naman porket wala dito si Cyrus hindi na ikaw ang pinili niya. Baka naman nagkaemergency ulit," Ani niya.
Umiling ako bahagyang natawa "Anong emergency na naman kaya at mahigit isang linggo siyang walang paramdam? Did he know how sleepless the past few night was for me?"
May parte sa akin na naiinis ngunit mas marami sa aking parte na hindi.. na naghihintay muli sa kaniyang paliwanag.
Bumuntong hininga siya at mariin akong tiningnan "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa'yo but stay strong," Tanging sabi niya.
Ngumiti ako at tumango-tango.
"Angel," Tawag ko sa kaniya habang ang paningin ay nasa paligid.
"Hmm?" tanging sambit niya.
Ngumiti ako bago magsalita "Naalala mo 'yung mga kinkwento mo sa akin na mga nagiging kachat mo?" pag-iiba ko at baling ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya "Sino sa kanila?" Takang tanong niya kaya natawa ako.
"The five guy you talking about 'yung sabay sabay mong mga nagiging kachat,"
"Ah.." tango niya "Why?" tanong niyang muli.
Umiling ako "Wala lang naalala ko lang na lima sila pero ang sabi mo mahal mo na silang lahat," Natatawang sabi ko.
Parang naintindihan naman niya na gusto kong ibahin ang pinag-uusapan namin kanina kaya tumango-tango siya.
"Past is past na! Ghinost na nila akong lahat ang sinabi pa nila matutulog na sila. Mukhang habang buhay ata ang tulog nila!" Natatawang sabi niya kaya natawa muli ako.
"Wala ka na bang balak maghanap ng kaseryosohan?" Bigla siyang natahimik sa tanong ko.
"Wala," Umiling siya. "I'm not affraid of commitment I'm just affraid to be hurt, SERIOUSLY," Nakangiting saad niya.
"Hindi habang buhay na gan'yan,"
"Yeah, I knew." sagot niya at umirap.
Ibinalik ko na lang muli ang paningin sa paligid. Tanging paghampas ng hangin sa isang bagay at sa mga dahon ng puno ang siyang naglilikha ng ingay. May iilan na napapadaan ngunit halos bilang lang namin dahil sa sobrang onti.
Hinawi ko ang aking buhok na sumabay rin sa ihip ng hangin. Inilagay ko pa ang iilan ng tikas nito sa likod ng aking tainga. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang dibdib upang pakalmahim muli dahil nararamdaman ko na naman ang hindi malaman na paghikbi.
Habang kailan kaya kaming ganito? Hanggang kailan kaya ako iiyak habang hinihintay siya?
"Yoreh.." Nag-angat ako ng tingin.
Malungkot ang mukha na nakatingin sa akin si Elica. Naglakad siya palapit sa akin at bahagyang nagulat sa presensya ni Angel na nasa gilid ko.
"M-may kasama ka pala," Nahihiyang sabi niya at kumamot sa batok.
Ngunitian ko siya "Ah oo, Angel si Elica then Elica si Angel," Sambit ko.
"Elica," then she handed her hand
"Angel," Then they shakehands.
Ngumiti ako bumaling muli kay Elica "Anong gusto mong sabihin Elica?"
Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko."Nagbreak na ba kayo ni Cyrus?" Malungkot niyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Hindi,"
Mukhang nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. Nanlaki pa ang kaniyang mata na nag-iwas ng tingin at umiling-iling sa kawalan.
"Bakit?" Tanong ko.
Tinikom niya ang kaniyang bibig at umiling. Mukhang may mga gusto pa siyang sabihin ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin.
"Go on," Pamimilit din ni Angel.
Humugot ng lakas ng loob si Elica at hinarap ako "For the past few days kapag parehas tayo ng class. I noticed that you spacing out. Lagi kang nakatulala at namumugto ang mata," Sambit niya. "So kala ko nagbreak na kayo and kanina.."
Kinunutan ko siya ng noo dahil mukhang kinakabahan talaga siya kaya unti-unti na rin akong kinakabahan.
"A-ano ba kasi 'yon?" Kinakabahan kong tanong.
Muli siyang humugot ng hininga nga at matapang na hinarap ako.
"Kasi kanina pa kita hinahanap para sana kumustahin ka. 'Tsaka kahapon kasi nakita ko si Cyrus may kasamang babae kaya akala ko hiwalay na kayo," Kinagat niya ang labi at tinaas ang kamay.
"Pero baka nagkakamali lang ako no? Since hindi pa naman kayo hiwalay... Yeah, tama. Nagjumped lang ako sa conclusion.. Oo tama," Bawing saad niya.
Awang ang labi akong napatulala at nag-iwas ng tingin. Bigla na namang nanikip ang dibdib ko at pagbigat ng nararamdaman. Mariin na din na nanlalabo ang aking mata dahil sa pagtutubig. Ano na naman ba 'to? Ano na naman ba 'to Cyrus? Are you really cheating on me?
Sa mahigit isang linggo na wala ka sa tabi nasa tabi ka niya? Bakit? Napahikbi na naman ako at napatakip sa bibig kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko pa ang paghawi nila sa likod ko para pakalmahin.
Walang humpay ang pag-iyak ko at paggalaw ng balikat ko dahil sa sobrang pagkakaiyak. Napapagod na ako... pagod na pagod na ako.