Ask for the moon 24
"Sigurado ka ba na si Cyrus iyon?" Baling ni Angel kay Elica.
Kagat-labing tumango si Elica mukhang ang babae na nasa isip niya rin ay si Akia.
Dahan-dahan kong iniangat muli ang aking palad sa mukha para takpan dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng aking luha. Ramdam ko pa rin ang paggalaw ng aking balikat.
Bakit na naman ako naiyak ng dahil sa kaniya?!
Narinig ko na naman ang sunod-sunod na pagbuntong hininga nitong mga nasa tabi ko. Hinawi ulit nila ang likod ko at pilit akong pinapakalma.
Tahimik lang sila at tanging pag-iyak ko lang ang naririnig ko damang-dama ko na rin ang pagkakabasa ng aking mukha dahil sa luha. Gustuhin ko man na alisin ang kamay na nakatakip sa mukha ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanila.
Halos mapatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko senyales na mayroong tumatawag. Pinunasan kong muli ang aking mukha. Dahan-dahan kong ipinababa ang kamay upang kunin sa bulsa ko ang cellphone.
Agad akong napatayo ng masilayan sa screen ang matagal ko na hinihintay na magparamdama sa akin. Napatingin ako kina Angel at ipinakita sa kanila ang screen. Mukhang nagulat rin siya sa nakita kaya tumango-tango siya senyales na sagutin ko.
Ngumiti ako at nagpakawala ng buntong hinga kasabay ng sabay sabay na paglunok upang mapigilan ang pagpiyok.
"Hello," Panimula ko.
Mariin ko pangkinagat ang labi at tinuon ang titig sa paanan. Walang nagsasalita sa linya at tanging pagbuntong hininga lang. Nagsisimula na ulit na magtubig ang aking mata.
"H-hello" Garalgal ang boses na ulit ko.
Naramdaman ko ang seryosong titig sa akin nitong dalawa na nasa gilid ko dahil sa boses kong narinig nila.
[B-baby...] mukhang hirap hirap rin na sambit niya.
Napahikbi na ako at napatakip sa bibig dahil ayaw kong marinig niya ako.
"Hmm" tanging saad ko.
Alam kong alam niya na nagkakaganito ako sunod-sunod na mabibigat na pagbuntong hininga ang ginawa niyang narinig ko.
[Baby, I love you but...] he stopped.
Anong but?!
Nararamdaman ko na ang paglambot ng tuhod ko dahil parang may kung ano na nagsasabi sa akin kung saan na ito patungo. Itinikom ko ang bibig at hinintay ang susunod niya sasabihin.
[I can't give you my whole damn time because some of my friends need me. I can't choose to be selfish right now, baby.] Napaupo na ako at hindi napigilan na humagulgol. Bakit hindi Cyrus!
[She needs me right now but Baby. I loved you, alright? Kailangan lang talaga ako ngayon ni Akia dahil sa problema niya---]
"But I need you too," Hagulgol kong sambit.
Naramdaman ko naman agad ang paghagod muli nila sa likod ko. Yinakap ko ang aking tuhod habang nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang cellphone kasabay ng patuloy pa rin na pagtulo ng aking mga luha.
[Baby...] garalgal rin na boses na sambit niya.
Bakit naririnig ko rin ang paghikbi niya? Kung nasasaktan siya bakit hindi pwede?
"Kailangan ka niya pero kailangan rin kita." Nagsusumamong sabi ko.
[Baby... Kailangan niya talaga ako at ako lang ang makakatulong sa kaniya. I want to tell you why I'm doing this. I want to tell you the real reason. Pero hindi pwede dahil nirerespeto ko ang gusto ni Akia na itago ito kahit kanino,] He explained.
Yumuko ako dahil wala na namang salita ang lumabas sa bibig ko. Tanging sunod-sunod lang na pagpatak ng luha at paghikbi ang nagagawa ko nararamdaman ko rin ang pangangatog ng aking tuhod.
"Ang unfair ko kung ipagpapatuloy pa natin ito. Even I don't want this to happen but I want to be fair especially to you. I can't give that damn time for you, baby." sabi niya kasabay ng paghikbi.
Alam kong naiyak siya dahil sa naririnig kong paghikbi at pagsinghot niya sa kabilang linya.
Kinagat ko ang aking labi at saglit na pumikit bago punasan ang luha.
"Anong gusto mong mangyari?" Matapang kong tanong.
Hinawi ko ang buhok na tumama sa aking pisngi. Basang-basa na ang aking mukha at hindi ko magawang balingan ang mga kaibigan ko na pinapanood at pinapakinggan ako.
[B-baby, Break up with me. Tell me that you want us to break up. Hindi ko kaya na ako ang makikipagbreak sa atin,] malungkot niyang sambit.
Mariin kong inilapag sa gilid ko ang cellphone at yinakap muli ang sarili kasabay ng paghagulgol.
Ano? Mahirap sa kaniya? Bakit sa akin hindi ba? Did he think breaking up with the guy that I loved the most is so easy?!
Bumuntong hininga ako at itinapat muli ang cellphone sa tapat ng aking tenga habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa aking mga pagod na mata.
"Tingin mo ba madali lang para sa akin?"
Tinikom ko ang bibig at tumingin sa kawalan.
[Baby... We need to end this,] malungkot niyang saad.
Tumango-tango ako kahit na gustong-gusto ko na umiling.
"Are you sure about this?" Tanong ko.
Sabihin mong hindi.
Sabihin mong nagbabago na rin 'yang iniisip mo.
Say that you don't let go of my hands.
Say it, Please.
"Kasi... Kapag natapos na ito," I stopped to take a deep breath. "Wala na... Wala ka ng babalikan pa," and then my tears fell again on my cheeks.
[Baby..] halatang kinakabahan niyang tawag sa akin.
Umiling ako "Hindi ako isang bagay na kapag iniwan anytime pwede mong balikan. Always remember that kite when you let it go is difficult and blurry to obtain again,"
Natahimik siya dahil sa sinabi ko para bang isang sampal sa kaniya ang mga salitang sinabi ko dahilan kung bakit siya biglaan na natahimik. Gustuhin ko man bawiin ang sinabi ko ay hindi kona nagawa.
Pagbalot na naman ng isang katahimikan. Pagod na ata ang mga mata ko na maglabas ng mga luha dahilan kung bakit ngayon ay wala ng tumulo pa. Tanging paghikbi na lang at pagsikip ng aking dibdib wala ng luha.
Humugot ako ng lakas ng loob "Tell me, Sigurado ka na ba na maghiwalay na tayo? Dahil kapag naghiwalay na tayo wala na tapos na. This means that it is the last for us. Our finish lines and no longer can go or find other lines because it's finished," malumanay kong sambit. "Are you sure?"
"No," Biglang sagot niya.
Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahan na itinikom ang bibig napapikit pa ako dahil sa hindi malaman na dahilan.
[Cyrus! Let's eat na! 'yung niluluto mo luto na ata!]
Naikuyom ko ang aking kaliwang kamay dahil sa boses na narinig. Napaayos ako sa pagkakaupo at nagpakawala muli ng isang pagbuntong hininga.
How can he eat without asking me if I'm fine for the past few days?! How can he cook for her if in the first place I can't eat properly thinking about him?!
[Selene... Baby,] Tawag niya.
Sino ba ang tinatawag niyang baby na 'yan? Ako pa rin ba?
Nasapo ko aking noo "Okay.." Napakagat pa ako sa aking labi bago sabay sabay na bumagsak ang luha ko at paghikbi. "Let's break up," Nanghihina kong sabi na halos pabulong na.
I heard him cursing some curses. Napapikit ako dahil nagsisimula na namang mangatog ang tuhod at balikat ko.
[Baby..] Tawag niyang muli.
Hindi ko na nakayanan at dali- dali siyang pinatayan ng tawag. Nakita ko pa muli ang pagpop- up ng pangalan niya sa screen. Umiling-iling akong tumayo at binalingan sina Angel.
Samuel...
Samuel...
Pinatayan ko agad ng tawag si Cyrus at dinial ang number ni Samuel.
"K-kuya..." Panimula ko.
[Fuck it! Why? Are you okay? Nasaan ka?] Sunod-sunod na tanong niya.
Dahil kapag tinawag ko na siyang kuya isa lang ang ibig sabihin... natatakot ako.
"Uuwi na ako," Bumaling ako kay Angel na hindi na nagulat sa sinabi ko.
[You what?] Tanong niyang muli.
"Ayaw ko na dito," Tumulo na naman ang luha ko " Uuwi na ako kina Ate," dahil pagnagtagal pa ako dito ay baka mabaliw na ako.
Natatakot ako na isang araw makakasalubong ko si Akia at Cyrus. Natatakot ako.
[Are you insane? Hindi ako--]
"Uuwi na ako!" Naiyak kong sigaw na parang bata.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya na parang talo na sa pag-uusap namin.
[Where are you?]
"Sa school hihintayin kita sa exit. Ngayon na please, Kuya.." Pagmamakaawa ko.
[Alright, Wait for me don't worry I will be there immediately. Nakasakay na ako sa sasakyan ko kaya papunta na ako. Mamaya tayo mag-uusap,] Maawtoridad na sambit niya bago ako pagbabaan.
Humihikbi akong tumingin kay Angel.
"Sorry," baling ko kay Angel. "Sorry," Baling ko naman kay Elica. "Magtatransfer muna ako... Hindi ko kaya magtagal dito, Sorry." sambit ko at yinakap sila.
Tumango si Angel at tinapik ako sa likod "Naiintindihan ka naman namin,"
"Mabuti na lang at tapos na ang exam at makakahabol ka pa sa lilipatan mo," Ani Elica.
"Tatawagan ko si Mawi na ayusin na ang mga gamit mo para pagdating niyo sa apartment ay ayos na," Sambit ni Angel.
"Sige," Tipid kong ngiti sagot.
Nanlalambot ang tuhod akong humakbang at kinuha ang bag ko. Tipid akong ngumiti kay Elica ngumiti rin naman siya sa'kin.
Nagsimula na akong maglakad sinabayan naman nila ako na parang alam nilang gustong-gusto ko na umalis. Saglit kong iginawad muli ang paningin sa naglalakihang building dito sa campuss. Mga naglalakihang mga puno at iilan na estudyante. Huminto ako at bahagyang tumingala sa langit. Bumuntong hininga ako bago patuloy na naglakad. Napatingin ako kay Angel na kumapit sa aking braso at ngumuso.
"Nasabihan ko na si Mawi naiyak siya. Mamimiss ka talaga namin for sure," Malungkot na sambit niya.
Ngumiti ako "Ako rin naman mamimiss ko kayo," sabi ko at bumaling kay Elica na tahimik nasunod sa amin. "Ikaw rin kahit lagi kita pinagsusungitan,"
Ngumuso siya "Mamimiss ko nga kasungitan mong gaga ka," Natatawang saad niya.
Nagsimula na kaming maglakad napatingin pa sa akin si Manong guard dahil sa namumugto kong mata nginitian ko siya at tumango-tango lang siya. Nang makarating na kami sa exit ay hinarap ko sila at ginawaran ng mahigpit na yakap.
"Mamimiss ka namin," sabay nilang sabi.
Tumango ako "Mamimiss ko rin kayo,"
Bumitaw na ako sa pagkakayakap at hinarap sila mariin ko pa na tiningnan ang kabuuan ng kanilang mukha.
"Tatawag ako at magtetext," Sambit ko.
Tumango naman si Angel at ngumiti.
May narinig ako bumusina kaya ay napatingin ako tumambad naman si Samuel na kakalabas lang ng sasakyan. Tinanguan niya si Angel bago bumaling sa akin habang binubuksan ang pinto ng kaniyang front.
Muli kong nginitian sila Angel at Elica bago nagsimulang maglakad ulit papunta kay Samuel na hinihintay akong makalapit.
"Yoreh!" Masiglang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nilingunan ko sila Sai kumpleto sana sila kung kasama nila si Cyrus.
Kumaway ako sa kanila at ngumiti bago tuluyan na pumasok sa sasakyan. Umikot naman agad si Samuel bahagya ko pangsinulyapan sila Angel na kumakaway sa amin. Habang pinaandar ay kita ko na nakaawang ang labi nagtataka na sinusundan ng tingin nila Sai itong sasakyan.
Tahimik akong nagmamasid sa daan muli kong iniangat ang tingin sa kalangitan na mayroong nakakasilaw na liwanag.
I'm Yoreh Selene and I'm a moon. He's Cyrus Elio and he's a Sun. We cannot be together because it was blurry to see the two of us.