Ask for the moon 25
Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na ikinalma ang sarili. Awang ang labi akong sumandal sa bintana nitong sasakyan. Naririnig ko pa ang sunod-sunod na pagbuntong hininga nitong kasama ko ngunit hindi ko na siya binalingan pa ng tingin.
Nahihiya pa ako dahil sa biglaan kong pagtawag at pagpapasundo sa kaniya. Alam kong may pagkabusy rin namang tao ito dahil parehas sila ni Ate na grades conscious at tutok sa pag-aaral kaya nga siguro mas lalo silang nagtagal.
"Sigurado ka na ba na uuwi ka na d'on sa Ate mo? Mahirap mag-adjust kung lilipat ka ng school," malamig niyang sambit.
Idinilat ko ang aking mata at pagod na binalingan siya ng tingin.
I shrugged "Hindi ko alam," sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Bahagya siyang sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa daan.
"Yor, Hindi pwedeng bigla bigla kang aalis," Sambit niya.
Kinagat ko ang aking labi at tinuon na lang ang pansin sa daan.
He sighed "Hindi porket may problema kang kinakaharap ay tatakbuhan mo na lang dahil gusto mo. Sometimes you need to face it," giit niya.
"Gusto ko umalis," matigas kong sambit.
Tumango-tango siya " Care to explain?" Tanong niya.
Traffic pa kaya'y bumaling siyang muli sa akin. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kaniya dahil baka isumbong niya ako kay Ate o dikaya ay kay Mama at Papa na nagkakaganito ako.
"We broke up," Nagbabadya ang luha kong sinabi.
Sapat na dahilan upang itikom niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na bahagyang nagtiim bagang na umiwas ng tingin.
I know how protective he was. Maybe it's because he knew how hurt I was right now?
"Natatakot ako na baka makasalubong silang dalawa ni Akia or what," Pagdadahilan ko.
Nagsimula muli ang pag-andar ng sasakyan.
"Natatakot ako kasi baka umiyak lang ako sa harapan nila," Halos pumiyok kong sinabi.
Bumuntong hininga siya at muling itinikom ang bibig para pigilan ang paglabas ng kung anong salita.
Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa kaniya. "Hindi ko alam anong gagawin," Paliwanag ko.
Nanatili kaming tahimik sa buong byahe at walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Mukhang naiintindihan naman na niya ata ang gusto ko. Na gusto ko muna na ipahinga ang bibig ko. Tahimik siyang bumaba sa sasakyan at umikot para pagbuksan ako.
Mariin kong kinagat ang aking labi at yumuko dahil sa luhang nagbabadya muling bumuhos. Hindi ko na kinuha ang bag ko dahil babalik rin naman ako dito kaya bumaba na ako.
Nararamdaman ko pa ang titig ni Samuel ngunit hindi ko na siya muli pangpinansin at nakayukong naglakad. Nandito na naman ang nagpapahiwatig na paghikbi at pagsikip ng aking dibdib.
Bakit ganito? Bakit parang sobrang hirap? Bakit sobrang sakit ng mga nangyayari? Hindi ba pwedeng sa tabi ko na lang siya at hindi sa iba?
"Baby.." Agad akong nag-angat ng tingin. Kagat-labing sambit ni Cyrus.
Kunot-noo ko siyang tiningnan para mapigilan ang luhang gusto na bumagsak. Ang kaniyang nagsusumamong mga mata at namumulang mukha ay mas lalong nagpapasikip sa dibdib ko.
What he wants now? He wants me to end our relationship and I already did! then why he's here?
"A-anong ginagawa mo dito?" Halos mabasag na boses na tanong ko.
Humakbang siya palapit "Baby.." Agad akong umatras.
Napayuko siyang kinagat ang labi at bahagyang pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok bago bumuntong hiningang hinarap ako.
Agad akong nag-iwas sa isang nakakapaso niyang titig. Dahil kung hindi baka maging tuluyan na akong abo.
Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng mabigat na paghinga. Nagsisimula na namang manlambot ang aking tuhod sa nagsusumamo niyang boses at namumulang mukha na anytime ay pwede na rin na magpakawala ng mga luha sa mata.
Hinilot ko ang sentido ko at nag-iwas ng tingin. Napadako ang atensyon ko kay Mawi na kagat ang labing tumingin sa akin.
Bumuntong hininga ako "Nasaan na ang maleta ko?" Seryosong tanong ko.
Itinaas niya ang index finger at tinuro ang kwarto namin "Nasa taas," Sabay baling niya kay Cyrus.
Nagsimula na akong maglakad ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nakaramdam na ako ng isang yakap mula sa aking likuran.
"B-baby, No please! Don't leave I'm gonna stay at your side! Hindi ko na tutulungan si Akia. Please baby, No." Pagmamakaawa niya na halos manghina na.
Hindi ako nakapagsalita tanging nagawa ko lang ay pakinggan ang kaniyang paghikbi. Ang gulo mo! Ang gulo-gulo mo! Bakit mo ba ang pinapahirapan ng ganito! Lately you choose to help her! you choose to be with her than to be with me! Pero bakit ngayon nandito ka at pinapagulo ang utak ko?!
Tumulo na ang luha ko kaya agad ko namang pinunasan "C-cyrus," Halos pabulong kong tawag sa kaniya. "Bitaw," Utos ko.
Imbis na pagbitaw ay mas lalong humigit ang pagkakayakap bahagya niya pang ipinatong ang kaniyang baba sa aking kanan na balikat.
"Baby, Please No," Pagmamakaawa niya. "Huwag mo akong iwan," Nangangatog ang boses niyang pagmamakaawa.
Huminga ako ng malalim "We broke up," Pagpapaalala ko.
He chuckled "Hindi ako pumayag... Hindi ako papayag," Malambing niyang sagot.
Agad na nagtayuan ang balahibo ko ng maramdaman na bahagya niyang inamoy ang leeg ko.
"Baby... You always smell good. Tingin ko isa na sa kinababaliwan ko 'yang amoy mo." Malambing na sinabi niya kaya bahagya akong umiwas.
"What's your perfume?" pag-iiba niya.
Hinawan ko ang kamay niya na nangangatog at dahan-dahan na tinanggal sa pagkakapit sa akin. Malakas ang loob ko siyang hinarap pero parang taksil nga ata ang aking puso dahil sa muli niyang pagtibok ng mabilis.
Hindi pwede 'to! We end up! Tapos na 'yon! Tama na.
"We already broke up, Cyrus." pagpapaalala ko.
Umiling siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko "Maybe at first I intend to end it... but Baby, I can't lalo na nung sinabi mo na hindi na kita pwedeng balikan. Hindi ko kaya," Iiling-iling niyang sinabi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Itinikom ko ang aking bibig at bahagyang tumalikod upang magsimulang maglakad.
"Baby, Please don't leave me. Please Selene, Please Baby," pagmamakaawa niya.
Nararamdaman ko ang pagsunod niya pero pursigido na ako. Gustuhin ko man na manatili ay may parte pa rin sa akin na ayaw.
"Sasabihin ko sa'yo 'yung rason, Baby. Huwag ka lang umalis at 'wag mo lang ako iwan,"
Umiling akong napatingin sa maleta kong nakabukas. Mabilis akong naglakad palapit sa cabinet upang kunin ang mga damit ko.
"No! Fuck It! Stop," Naiyak na niyang awat sa akin.
Nangangatog ang mga kamay kong inabot ang mga damit na nakasabit. May iilan pang mukhang kakalagay dahil sa hindi maayos ang pagkakasabit.
Naglakad ako palapit sa maleta ko at sa kada hakbang ko ay parang may kung anong matulis na naman na bagay ang tumutusok sa'king dibdib na bawat hakbang ko ay mas nararamdaman ko ang sakit.
Nilagay ko ang iba kong damit. "Ano ba?!" Iritadong sigaw ko kay Cyrus.
Sa bawat paglagay ko ng damit sa maleta ay agad niya namang nilalabas.
Umiiling siyang tumingin sa'kin. "N-no, Don't go," garalgal na boses na sambit niya.
Nasapo ko ang aking noo at nag-iwas ng tingin. Sunod- sunod ang paglunok ko bahagya akong umayos ng pagkakatayo. Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya na natulo ang mga luha na inilalabas ang damit sa maleta ko.
Itinikom ko lang ang aking bibig habang pinapanood siya sa ginagawa.
"H-hindi ka aalis... Hindi," Rinig kong sambit niya.
Muli kong ibinalik ang mga damit ko sa loob ng maleta. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nagtutubig ang mga mata.
Bakit ba siya naiyak? If in the first place he wants this!
Itinuon ko na lang ang pansin sa ginagawa at tulad ng kanina ay sa bawat paglagay ko ng damit ang siya namang pagtanggal niya.
"Cyrus," Tawag ko sa kaniya.
Hindi niya ako binalingan ng tingin at naglakad lang siya palapit sa cabinet ko at isa-isang isinabit ang mga damit ko.
Kinagat ko ang aking labi dahil sa nagbabadyang luha.
"Cyrus!" Matapang kong sigaw.
Naestatwa naman siya dahil sa pagsigaw ko at dahan-dahan na humarap sa akin.
"Stop," utos ko.
Agad na nagtama ang paningin namin bigla naman akong nakaramdam ng panlalambot dahil sa maamo niyang mukha na puno ng pagsusumamo.
Napahilamos naman siya sa kaniyang mukha at nag-iwas ng tingin. Yumuko ako at pilit na pinipigilan ang paghikbi.
He sighed "Don't go," malumanay niyang sinabi. "Huwag mo akong iwan," muli niyang pagmamakaawa.
Hindi na ako magtataka kung malasahan ko na ang dugo dahil sa pagkagat ko ng labi.
Walang ni isang salita ang lumabas sa aking bibig dahil pakiramdam ko ay anytime pwedeng mabasag ang boses ko.
"Sorry kung pinili ko muna na tulungan si Akia kaysa maging nasa tabi mo,"
He sighed again "Sorry kung siya ang nasa tabi ko kasi kailangan niya ako kahit na ikaw ang gusto kong kasama," He sobbed.
Nag-angat ako sa kaniya ng tingin at itinikom ang aking bibig.
"Sorry kung naisipan ko na hiwalayan ka dahil feeling ko hindi patas na lagi kitang pinag-iisip," basag ang boses na sinabi niya.
Muli siyang napahilamos sa mukha "Sorry kung nandito ako para pigilan ka kasi hindi ko kaya,"
Naglakad niya palapit sa akin gusto kong umatras pero mukhang napako na ako sa kinatatayuan ko dahil hindi na ako makagalaw.
Sa bawat paghakbang niya ay nagtatama ang paningin namin. Bakit ba puno ng pagsusumamo ang mukha niya? Bakit naiinis ako dahil sa nagsusumamong mukha niya ay parang pinipiga ang puso ko?! Bakit nanlalambot na naman ang mga tuhod ko?!
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Akia is sexual harrass by his step dad," paliwanag niya.
Agad nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig dahil sa sinabi niya. She what?!
He sighed and hugged me " Bukod sa step dad at kay Akia ay ako lang ang may alam kaya ako lang ang makakatulong sa kaniya," he said.
"She's staying at my unit pero sa sofa ako natutulog. She's scared so I can't leave her, alone. She's scared to the point that she's hurting herself," He explained.
Hinimas niya ang aking likuran. Pinipilit kong kumalma dahil sa sinabi niya.
What the?! How dare her step dad harrass her?! Paano nakakaya ng konsensya niya na ganunin si Akia?!
Hindi ko malaman sa kung bakit?
"Her step dad asked her to do some shit," he sighed. "But she ran away at ako lang ang malalapitan niya. Even his boyfriend didn't know,"
Kinagat kong muli ang labi ng dahan-dahan niya muling ipinatong ang baba sa'king balikat. Naramdaman ko naman ang sunod-sunod niyang paglunok.
"Kumusta na si Akia?" Mahinahon kong tanong.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at humarap sa'kin.
"Nasa unit ko pa rin siya pero kinausap ko na siya kanina na sa pinsan ko na lang siya na babae muna magstay. She agreed and felt sorry,"
Kinagat ko ang labi dahil bigla akong naguilty.
"Baby..." tawag niya sa'kin. "Huwag mo akong iwan, please,"
Hindi ako nakapagsalita dahil parang nagkanda buhol buhol na ang pag-iisip ko. Iniiwas ko ang tingin sa nakakapaso niyang titig. Hindi ako makahalagilap ng anong salita ni paggalaw ay hindi ko magawa.
Muli niyang hinapit ako sa baywang at yinakap.
"Don't leave.. Don't leave me," pakiusap niyang muli.
Dinampian niya naman ng halik ang aking sentido.. ang aking noo.. tungki ng ilong.. sa pisngi at gilid ng labi.
Mas lalo akong naestatwa. Kahit paghinga ay hindi napigilan ko na dahil sa gulat.
"Don't leave me, My Moon. Don't.." malambing niyang sabi at ipinatong ang baba sa aking ulo.
Kitang-kita ko ang sunod-sunod niyang paglunok at paggalaw ng kaniyang adams apple.
"Cyrus," nanghihina kong tawag sa kaniya.
Nagsusumamong mata na naman ang nakita ko sa kaniya ng hinarap niya ako.
Umatras ako dahil feeling ko ay onti na lang ay bibigay na ako sa titig niya.
His jaw clenched and step forward.
Muli niyang hinapit ang baywang ko at dahan-dahan na inilapit sa kaniya. 'Yung mga mata niyang halo-halo ang emosyon ang mas lalong nagpangatog sa'king tuhod.
Dinilaan niya pa ang kaniyang labi bago ako mas lalong ilapit sa kaniya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at parang huminto ang pagtakbo ng oras. Parang biglang nagliwanag ang madilim kong paligid. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko ng maramdaman ang paglapat ng kaniyang labi sa akin. Sa aking labi na nakaawang.
The way he kissed me I felt he was careful with every touch of his lip towards me, my knees trembled. I turned his kiss back. He stopped holding my waist and at the same time stopped kissing my lips.
Parehas kaming humugot ng hininga. Puno pa rin ng pagsusumamo ang kaniyang mga mata.
He raised his hands and held me on both cheeks.He started again to kiss me on the lips. Sa hindi malaman na dahilan ay parang nagbunyi ang puso ko.
We share a kiss.
Huminto siya at hinalikan ang noo ko. "Don't leave please, My moon." He begged.
Nanatili akong tahimik habang kinakagat ang labi. Nababaliw na ba talaga ako?!
Tumingin siya ng direkta sa aking mata " Can I ask for the moon again?" He softly asked.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
He nodded and smiled "You can take your time, Baby," and he planted again a kissed on my forehead.