Ask for the moon 26
Wala na namang salita ang lumabas sa aking bibig. Kumawala ako sa kaniyang pagkakayakap. Hindi ko alam kung saan ako babaling ng tingin dahil alam kong namumula na ang buong pagmumukha ko.
Did we share a kiss, right? I respond to his kisses! I did! His soft kisses! It's a... shit! I love it!
"Huwag ka ng umalis," malambing niyang sinabi.
Inilagay niya pa ng bahagya sa likuran ng aking tenga ang buhok na tumama sa aking pisngi. Hindi ako nagsalita pilit ko na lang na iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Dito ka na lang," sabi niya.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi ako aalis na," Dahil hindi ko maloloko ang sarili ko. "Pero hindi pa rin ako makikipagbalikan sa'yo," Matigas kong sambit.
Tumango-tango lang siya at hinimas ang likuran ng aking ulo. Humakbang pa siya palapit sa akin.
"As long as you've stayed here then it's fine to me," malambing niyang sabi.
Mariin ko siyang tiningnan nagtaas ako ng kilay kaya ngumuso siyang tumingin sa akin. Nag-iwas muli ako ng tingin.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Dahil aalis ako diba?! Bakit ngayon hindi na?! Because he's already here? I hate my heart!
Bakit pagdating sa kaniya nabigay na ako?!
"Umuwi ka na," Utos ko sa kaniya. "Hindi na ako aalis," sambit ko.
Naglakad na ako palapit sa maleta ko at ibinalik sa kama.
Sinundan naman niya ako at bahagya siyang nagsquat para silipin ang itsura ko.
Kinunutan ko siya ng noo dahil para na naman siyang aso na sunod ng sunod.
Tumayo ako at tumayo na rin siya.
"Yung lipstick mo," natatawang sabi niya "Kumalat," at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko dahil sa sinabi niya. Agad kong tinampal ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Mabilis ang paghinga akong lumapit sa study table at sumilip sa isang maliit na round mirror.
Napapikit ako ng makita ang labi ko. Inis akong tumingin kay Cyrus. He just standing straight looks proud on what he did! Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa buhok bago kumindat sa akin.
Agad akong umirap sa kawalan dahil feeling ko umeepekto na naman ang mga galawan niya!
Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang kumalat na lipstick.
Narinig ko na naman ang yapak niya kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.
"Umuwi ka na," Iritadong utos ko.
Tinapon ko sa basurahan ang wipes na ginamit ko. Nagsimula akong maglakad at nakasunod lang siya.
"Dito lang ako," sagot niya habang nakasunod pa rin.
Hindi ko siya binalingan pa ng tingin. May nakakalokong ngiti naman ang mayr'on si Mawi. Samantalang si Samuel naman ay hindi mahagilap ng mata ko.
"Nasaan si Samuel?" Baling ko kay Mawi.
'Tsaka lang nabaling ang tingin ko sa hawak niyang bag at iniabot sa'kin.
"Umalis na mukhang hindi ka na rin naman raw aalis," Sagot niya at pabalik-balik ang tingin sa amin ni Cyrus. "Hindi ka na aalis?" may mapanlokong ngiting tanong niya.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin "H-hindi na," Nahihiyang sagot ko.
Nakagat ko pa ang labi ko. Damn it, Cyrus!
"Ah" tatango-tangong sagot niya.
Kinuha ko na agad ang bag ko sa kaniya. Naiinis na rin kasi ako sa kaniya dahil sa ngiti niyang nakakaasar! Oo na, ako na ang marupok!
Nagsimula na ulit akong maglakad paakyat sumunod naman agad si Cyrus.
Bumaling ako sa kaniya "Umuwi ka na nga," Iritadong sambit ko.
Inilagay niya sa bulsa ang kaniyang kamay at seryosong naglakad papasok sa kwarto namin ni Mawi.
Padabog akong naglakad na parang isang bata na sumusunod sa magulang.
Huminto siya dahilan kung bakit mabunggo ako sa kaniyang likuran.
"Ano ba!" Angal ko at sinapo ang noo.
He chuckled "Sorry, Baby," sambit niya at hinimas ang noo ko.
Kala mo naman nabangga ako sa pader! Inis kong tinampal ang kamay niya at diretsong naglakad papunta sa kama.
"Umuwi ka na!" Singhal ko sa kaniya bago humiga at magtalukbong.
Pilit akong pumikit at kinagat ang labi. Bakit ba kasi ayaw niya pang umuwi?! Ang sinabi ko ay hindi na ako aalis kaya bakit andito pa rin siya?!
Nakarinig ako ng muntik yabag at pagsara ng pinto. So he really leave? Uuwi na talaga siya? Hindi man lang ba siya matatakot na pag-alis niya ay aalis ako?
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatalukbong inilibot ko ang aking paningin.He left!
Sa hindi malaman na dahilan ay naramdaman ko ang pagtutubig ng aking mata. Nagsimula na namang bumigat ang nararamdaman ko.
Iniwan na naman niya ako!
Agad akong bumangon at tumayo. Hinila ko ang maleta na nasa ilalim ng kama at ipinatong sa kama. Nagpupuyos akong lumapit sa aking cabinet at muling kinuha ang aking mga damit.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Naiinis ako sa kaniya! Naiinis ako sa sarili ko! Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi. Patuloy pa rin ang paghikbi ko dahil sa ang bigat na naman ng aking pakiramdam. Nasapo ko ang aking noo dahil bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo.
Maayos kong inilagay ang mga damit sa loob ng maleta at mabilis na sinara. Napatingin ako sa bag kong nakalagay na sa upuan ko na nasa gilid ng study table.
Napailing-iling pa ako dahil for sure hindi na ako babalikan pa ni Samuel dito para sunduin.
Well, may pang taxi naman ako or what! Bahala na si batman, puta. Mag123 na lang kaya ako? kaso 'wag na dahil baka karmahin naman ako!
Kinuha ko ang school bag ko dahil nandito kaya ang cellphone at powerbank ko! Walang pag-aalinlangan kong hinila ang maleta ko at nagsimulang maglakad.
Para akong tanga na naglalakad pababa habang nahikbi at may nagbabadyang luha.
"Where do you think are you going?" Malamig na tanong ng kung sino.
Halos mapatalon pa ako at napahawak sa dibdib. Agad na nanlaki ang mata ko at sunod-sunod na lumunok.
"Tinatanong kita saan ka pupunta? Aalis ka? Kala ko ba hindi na?" Seryosong sunod-sunod na tanong niya.
Kinagat ko ang aking labi at umiling.
"K-kala ko kasi umalis ka na," Kinakabahan kong sagot.
Bakit ako kinakabahan?!
He raised his brow "Ang sinabi ko dito lang ako," Kunot-noo na sabi niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang mahigpit na hawak ko sa maleta. Nakita kong kumuyom ang kaniyang magkabilang kamay at nag-iwas ng tingin 'tsaka nagtiim-bagang.
Itinikom ko ang aking bibig at yumuko. Feeling ko isang bata ako na napagalitan dahil nahuling maglalaro sa putikan.
Pero bakit ako ganito?! Anong pakialam niya kung nakita niya akong aalis? Bakit parang kasalanan ko na nasaktan ako dahil sa kaniya? Okay, I admit it! May kasalanan ako because I let him affect my system! And that's all.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya seryoso niya akong tinititigan. Kaya tinaasan ko siya ng kilaya kaya agad na nagbago ang ekspresyon niya.
He pouted "W-what?" Kinakabahan niyang tanong.
Umirap ako.
"Aalis na ako," Biro ko.
Bigla naman siyang naalarma at hinawakan ako sa braso para pigilan. Kinuha niya ang maleta sa akin at inilagay sa kaniyang likuran kasabay ng pag-iling.
"Don't you dare," Seryosong sambit niya.
Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Wala na naman na akong balak na umalis binibiro ko lang siya. Napatitig ako sa namumula niyang mukha at nagtutubig na mata.
He will cry when I left him, huh?
Ngumisi ako "Biro lang hindi na talaga," nakangiting sambit ko.
His lips parted and looked away while allowing a heavy sighed escape.
Naglakad siya palapit sa akin at tiningnan ako diretso sa mga mata. "Baby.. Don't joke like this,"
Ngumuso ako "Akala ko kasi umalis ka na talaga kaya nainis ako," Pag-amin ko.
Pero hindi pa rin ako makikipagbalikan!
He sighed "Bumaba ako kasi umorder ako ng pagkain. I thought you'd also like to relax and sleep so I left in your room," Malambing niyang paliwanag.
Ngumuso ako "Okay," Tanging nasabi ko.
Napakamot pa siya sa kaniyang ulo.
"Akyat ko na 'to," Baling niya sa maleta.
Kagat-labi akong tumango-tango.
Why am I acting like a child right now? I'm being childish!
"And you," Matigas na sabi niya at hinawakan ako sa kamay.
Hinila niya ako gamit ang kanang kamay samantalang sa kaniyang kaliwang kamay ay bitbit ang maleta ko at nagsimulang humakbang sa bawat palapag ng hagdan.
Minsan ay bumabaling muli siya sa'kin. As if naman kaya kong magteleport at mawala sa tabi niya!
Umirap na lang ako at nagpahila muli sa kaniya. Seryoso niyang ipinatong ang maleta ko sa kama at binuksan upang ilabas ang mga damit.
Bumuntong hininga siya at ginawaran ako ng tingin kasabay ng pagnguso.
"Ano?" Mataray kong tanong at tinulungan na siyang magbalik ng mga damit.
Umiling siya "Ang ganda mo,"Pambobola na naman niya.
Umirap ako "Pwede ba? H'wag mo na ako bolahin? Dahil hindi ako makikipagbalikan pa sa'yo," Iritadong sagot ko.
He smiled widely "Pa? So pwede pa rin?" Nakangiting tanong niya.
Natigilan ako sa paglalagay ng damit at bahagyang napapikit. I say that? ah, Idiot.
Itinikom ko na lang ang bibig at ibinaling na lang ang atensyon sa ginagawa.
Kumuha ulit ako ng damit sa maleta. He's just staring at me with his playful smile while crossing his arm over his chest. Nararamdaman ko pa ang nakakapaso niyang titig dahilan kung bakit ko dinalian ang pagtalikod. I felt like my knees started to trembled. Oh, That kissed!
"Anong inorder mo?" pag-iiba ko.
Matapang ko siyang hinarap ng matapos na ako. Naglakad ako para ibalik sa ilalim ng kama ang maleta ko.
"Label," barumbadong sagot niya at umupo sa kama.
Inis ko siyang tiningnan kaya bahagya siyang natawa. Umirap na lang ako kasi anong nakakatawa. Binigay ko na sa kaniya 'yon pero sinayang niya.
"Ano nga?" Mataray kong tanong ulit.
Umirap siya sa kawalan. "Pagkain," simpleng sagot niya.
Kinunutan ko siya ng noo "Anong pagkain?" Iritadong tanong ko.
"Pizza and some drinks," tamad niyang sagot. "May gusto ka ba na ipabili?" Tanong niya.
Umiling ako "Okay na 'yon sa'kin," sagot ko.
Umayos ako ng pagkakatayo at mariin siyang ginawaran ng tingin. Inayos niya ang tindig ng kaniyang pagkakaupo at pinagcrossed ang braso sa tapat ng kaniyang dibdib. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya. Agad siyang ngumuso na parang bata. Kaya bahagya akong natawa.
"Chaka mo," Biro ko.
He chuckled " Atleast hinalikan mo," mayabang niyang sabi.
Agad akong nag-iwas ng tingin at kinagat ang lab
"E-excuse me ikaw ang nangkiss," inis kong sagot.
Bahagya s'yang natawa dahil sa sinabi ko. Tumayo siya para hilahin ako sa braso at hapitan sa baywang habang bumabalik sa pagkakaupo. Nakaupo siya sa gilid ng kama samantalang ako ay nakatayo sa harap niya.
Inilapit niya ako sa kaniya bago ipulupot ang braso sa aking baywang sumiksik pa siya sa aking tagiliran. Ramdam ko ang pagbilis ng kaniyang paghinga kaya kunot-noo kong ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya.
"Nung tinawagan kita naiyak ako," pag-amin niya.
"Alam ko," mataray kong sagot.
"Tapos nung tuluyan ka na nakipagbreak sa'kin parang gumuho 'yung mundo ko. Lalo na sinabi mo na bawal ka na balikan pa. Natakot ako.. sobra,"
I bit my lower lips. Ako rin.
"Tumawag sa akin sila Sai at sinabi na nakita ka nila kasama na naman 'yung Samuel na 'yon kanina kaya nagtanong sila kay Angel at sinabi ni Angel na aalis ka nga," malungkot niya sambit at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.
Narinig ko naman agad ang paghikbi niya kaya agad kong tinapik ang kaniyang likuran.
"Halos lumipad na 'yung sasakyan ko maunahan ka lang na makarating dito," pag-amin niyang muli.
I remained silent.
"Mabuti na lang pagdating ko dito kakababa lang ni Mawi daladala ang maleta mo. Kaya inagaw ko sa kaniya ang dala niya at binalik ang mga damit mo,"
"Binalik mo?" Nagtatakang tanong ko.
He nodded " Oo," he simply answered.
I sighed.
"A-at kanina nung.." huminto siya at humikbi. "Nakita kita na pursigidong pursigido na aalis biglang nagkandabuhol buhol ang iniisip ko. Isa lang ang gusto ko and you to stay,"
Naramdaman ko naman agad ang pangangatog ng kaniyang balikat. Shit! Naiyak ba siya?
"Naiyak ka ba?" Nagtatakang tanong ko.
Pilit ko siyang inilalayo para makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha pero mas lalo lang siyang humigpit sa pagkakayakap.
Tumango siya " Yes, I'm crying for you," He started again to sob. "Please, Stay and never think to go away." He begged. "I have nothing more to love than to love you.. Because you are the moon that illuminates my dark life.. Because you are the moon that I want to see it shine," malambing niyang sabi.
"Cyrus," tawag ko sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin habang hinihimas pa rin ang likuran niya para kumalma.
Nararamdaman ko pa ang paghikbi niya at mabibilis na paghinga.
"I will wait for you to give me another chance to be mine again," He softly said.
Tinikom ko ang bibig para pigilan ang magsalita. Isang katahimikan na bumalot sa'min.
He sighed "I'm willing to wait," malambing ang boses na sambit niya.
Nakagat kong muli ang aking labi dahil sa nagbabadya ng luha sa aking mga mata. Tumingala ako para pigilan ang pagbagsak.
"Because you are worth the wait," Sambit niya.
Tama lang upang maestatwa ako. Tama lang upang bumilis muli ang tibok ng puso ko. Tama lang upang mapigilan ko ang paghinga ko.
I think I'm totally drowning.