Ask for the Moon Chapter 30

Ask for the moon 27

Narinig ko naman agad pagtunog ng cellphone ko.

"Cyrus, may natawag," Pilit kong pagkawala sa kaniya.

He sighed, Na para bang walang naririnig.

"Cyrus, may natawag," Pag-ulit ko.

Niluwagan naman na niya agad ang pagkakayakap sa'kin dahil kung bakit ako nakagalaw at makapaglakad para makuha ang cellphone sa loob ng bag.

Nararamdaman ko pa ang mga pagsunod niya sa'kin ng tingin na para bang sinusuri ang bawat na galaw ko.

"Who's calling you?" Curious niyang tanong.

Hindi ko na siya pinansin at sinagot na lang ang tawag. Ano na naman kaya ang kailangan nito.

"What, El?" Iritadong tanong ko.

[Oh girl, Lilipat ka na raw?] Malungkot na tanong niya.

Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa gilid ng study table. Ipinatong ko pa ang siko ko sa lamesa at sumalumbaba.

"Hindi," simpleng sagot ko.

Narinig ko naman ang pagtili niya at bahagyang pagmumura.

[Hayop talaga 'yon si Elica! Sinabi ba naman na aalis ka na,] Inis na saad niya.

Umirap ako "Aalis dapat kaso hindi na tumuloy," sagot ko.

Napabaling ako sa lalaking nasa likuran ko na ngayon ay nasa gilid ko na pala. Kinunutan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay.

He's just staring at me as I look like a glass that when he removes his gaze, I will break.

[Ah... Itatanong ko din kasi 'yung sa ppt? Ikaw pa din ba ang gagawa?] Curious na tanong niya.

Agad ko naman nasapo ang noo ko dahil sa sinabi. Bakit ba hindi ko naalala 'yung powerpoint na pinapagawa niya? Medyo kakatapos lang ng exam pero may upcoming na agad kami na presentation!

"Ah oo sige ako na ang bahala d'on 'tsaka pasend na lang ulit sa email 'yung ibang mga details," sambit ko.

Hinilot ko ang sentido ko at umayos ng pagkakaupo.

[Sure... Sige hang up na'ko,] Paalam niya.

Tumango-tango ako "Sige, Salamat sa paalala," sambit ko bago patayin ang tawag.

Ipinatong ko na lang dito sa lamesa ang aking cellphone at muling bumaling sa lalaking seryoso ang titig sa akin.

"School work?" Seryosong tanong niya.

Pinadausdos ko ang tingin sa kaniya na bahagyang ipinasok ang kamay sa loon ng bulsa at tinaasan ako ng kilay.

Tumango-tango ako "Yup," Tanging sagot ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya ako naman ang napakunot ang noo.

Does Akia call him again?

Kinuha niya sa loob ng bulsa ang cellphone bago ngumiti sa akin.

"It's Wendrix," Sabi niya.

Na para bang alam niya ang iniisip ko. Itinaas niya pa ang phone para ipakita sa akin ang pangalan ni Wendrix na nagpopped up.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Yeah.. Alright.. Hintayin niyo ako sa labas.. No, Don't come inside. Y'all just annoying," Sambit niya bago patayin ang tawag.

"Si Wendrix ang inutusan ko na bumili ng pizza since hindi ko alam ang exact address niyo dito," He explained.

Tumango ako "Nandiyan na sa baba?" Tanong ko.

"Nasa labas," Simpleng sagot niya.

"Oh, Andiyan na pala tara na. Nakakahiya naman ikaw na nga nag-utos," Inirapan ko siya.

Nagsimula na akong maglakad palabas at sumunod naman agad siya. Sa bawat hakbang ramdam ko pa rin ang mga nakakapasong titig niya sa'kin. Hindi na ako nag-abala pa na bigyan siya ng kahit isang sulyap dahil baka mapaso ako.

"Ako na ang lalabas dito ka na lang," Awat niya sa'kin ng maglakad na ako palapit sa pinto.

Tinaasan ko siya ng kilay at kinunutan ng noo.

"Okay," simpleng sagot ko.

Nakanguso akong umupo sa sofa at binuksan ng t.v.

Nagdekwatro pa akong umupo. Napakamot ako sa ulo at biglang tumayo. Naguguilty ako ng slight lang naman dahil kanina parang inisnob ko sila Sai. Pagnagkikita kasi kami minsan sa school mga nag-aasaran pa kami pero kanina ay hindi dahil sa nangyari.

"Just go!" Taboy sa kanila ni Cyrus.

"Awit Bro," Singhal naman ni Sai.

Napakamot pa sila sa ulo ng pagbabatukan sila ni Cyrus.

"Hindi tambayan 'tong apartment nila Yoreh," Inis na sambit ni Cyrus at tinulak ang mga kaibigan.

"Pasok kayo," Pag-aya ko.

Nagulat naman sila sa presensya ko at nakabawi rin dahil agad na tumakbo papasok. Ginulo pa nila ang buhok ko ng makadaan. Mga bwiset!

"Ano ba!" Angal ko sa kanila.

Tinawanan lang nila ako at sumalampak sa sofa.

Nag-angat ako ng tingin kay Cyrus na nakacrossed arm na naman at seryoso ang titig sa'kin.

Umirap ako "Ano?" Iritadong tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling lang siya kaya tumalikod na ako.

"Chips delight?! Cheesy?! Piattos?! Nova?! Anong kukunin ko?!" Rinig kong sigaw ni Sai na nasa kusina.

"Damn it, Sai! Uubusin n'yo na naman stocks nila Selene!" Saway ni Cyrus at sinugod siya.

Nasapo ko na naman ang noo ko. Bakit ko pa ba sila pinapasok? Lagot na naman ako nito kay Angel at Mawi dahil wala ng matitirang snacks!

Pagnag-iistay talaga silang magkakaibigan dito pag-alis nila wala ng stocks. Well, si Cyrus naman ang nabili ng iba naming stocks pero kasi... ah!

"Awit talaga ssob, parang hindi talaga kaibigan," Reklamo ni Sai.

Hindi ko na lang sila pinagpapansin at umupo sa sofa.

"Bobo ka! Kahit ano na lang," sigaw ni Jake. "Oh," abot niya sa'kin ng isang box ng pizza.

I smiled "Thanks,"

Tumango lang siya bago bumalik sa pagkakaupo sa lapag. May carpet naman rin kasi.

"Here," abot naman sa'kin ni Hugo ng 1.5 na coke.

Ipinalibot ko ang paningin. Si Ben naman ay walang paalam na binuksan ang Dvd player namin at naglagay ng cd. Si Sai naman ay abala na magtimpla ng juice. Si Wendrix naman ay nakahiga.. Nakatagilid na sa lapag habang nakatukod ang kanang siko at nakapatong ang kanang sentido sa nakasarang kamao. Si Jake at Hugo naman ay parang bata na nagsisipaan. Samantalang si Izi naman ay ngumunguta na ng piattos.

Umiling-iling na lang ako. Sana hindi pa umuwi sila Angel dahil pare-parehas kaming mabubulyawan.

"Hindi tambayan 'to umuwi na kayo, Tangina naman!" Singhal ni Cyrus.

Sinipa-sipa niya pa ang mga kaibigan niya na parang walang naririnig dahil hindi nagpapatinag.

"Paghindi kayo--"

"Cyrus," tawag ko sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Umayos siya ng pagkakatayo at bahagyang pinadausdos ang daliri sa buhok.

"Hayaan mo na dito ka na lang," Turo ko sa tabi ko.

Dahil round sofa naman 'to.

Ngumuso siya at ngumisi "Okay," simpleng sagot.

"Awit," rinig kong saad ni Sai bago umupo sa lapag.

Para siyang tanga kanina pa siya Awit ng awit.

"Shut up," Bulyaw sa kaniya ni Cyrus.

Umupo naman agad siya sa tabi ko at hinapit ang baywang ko.

"Ano ba," tampal ko sa braso niya.

Kumalas naman siya at bumaling sa'kin "Gago talaga 'tong mga 'to. Hindi ka man lang binigyan ng baso," Iiling niyang sabi at tiningnan ng masama ang mga kaibigan. "Kuha lang ako," paalam niya.

Tumango-tango lang ako kaya ngumiti siya at tumayo.

"Ayan! Nasa likod mo! Bobo!" Inis na sigaw ni Jake.

"Tangina!" Sigaw ni Izi.

Napatayo naman si Ben at tinuro ang screen "Ang bagal mo kasi tumakbo bobo!"

"Ayan!Putangina!" Natatawang sigaw ni Sai.

"Bobo amputa!" Ani Wendrix.

"Mamamatay ka talaga sa katangahan mo!" Inis na sigaw naman ni Hugo.

Napatingin tuloy ako sa screen, horror ata ang movie na pinapanood nila dahil halata naman sa babaeng nakahadusay sa damuhan at naliligo sa dugo. Agad akong napailing dahil sa nakitang mga dugo mukha kasing totoong dugo.

"Ang ingay niyo!" Puna sa kanila ni Cyrus.

Umupo naman agad siya sa tabi ko at inabot ang 1.5 liter na coke na nasa gilid ko at binuksan. Iniabot niya pa sa'kin ang baso para masalinan.

"Ako na gagawa ng school works mo," sambit niya.

Inabutan naman niya ako ng isang slice kaya kinuha ko at tinaasan siya ng kilay.

"School works ko 'yon kaya ako ang gagawa," Kumagat ako sa pizza.

Mabuti na lang ham and cheeze ang inorder niya dahil baka matalakan ko siya kung hindi.

Tumikhim naman agad siya "Tutulungan kita," bago kumagat rin sa pizza.

Inistraight kong inomin ang coke "Okay," at nilahad muli ang baso para salinan niyang muli.

"About ba saan iyon?" Tanong niya habang sinasalinan ang baso ko.

Nag-indian seat naman ako at umayos ng pagkakaharap sa kaniya.

"Nakalimutan ko na basta isesend ulit raw sa email 'yung details," Simpleng sagot ko at bahagyang kumamot sa ulo.

Ngumuso siyang tumango-tango. Napatingin ako sa mga nasa lapag na seryosong nakabaling sa screen.

Umayos ako ng pagkakaupo nginitian ko naman ng nakakaloko si Cyrus na nakakunot ang noo na tinitingnan ako na naglalakad palapit kay Izi na namumula.

"Hoy!" Sabay hawak ko sa balikat niya.

Napatalon naman agad siya "Tangina mo!" Gulat na sigaw niya.

Natawa naman ako dahil sa mukha niyang halatang natakot. Pero agad niyang natakpan at namumutlang hinarap si Cyrus na galit na palapit na sa kaniya.

"How dare you! Bakit mo minumura si Selene!" Sugod niya kay Izi.

Agad naman na tumakbo sa likuran ko si Izi at nagtago. Natatawa ko namang hinarap si Cyrus.

"Nagulat lang ako! Nadala lang ako ng damdamin ko kaya ko siya namura!" Pagdadahilan niya.

Ngumuso ako "Ang oa mo Cyrus," Inis na saad ko at naglakad pabalik sa sofa.

Hinatak ko na siya pabalik rin dahil parang may paglalagyan na si Izi sa kaniya. Parang ewan! Kung makapagreact.

"Tumigil ka nga, Cyrus," Saway ko sa kaniya.

Masama na naman kasi ang titig niya kay Izi. Parang bata!

"Penge pa," lahad ko ng baso.

Tumango-tango naman siya "Para maticoke ka na," Biro niya.

"Mais ka," Balik ko sa kaniya.

He chuckled "Hindi pa ba nasisend 'yung details? Para magawa na natin,"

Bahagya pa siyang umusog palapit sa'kin at inilagay sa likuran ng tenga ang iilan na buhok na sumasagabal sa aking mukha.

Napatitig ako sa kaniya. Sunod-sunod ang paglunok niya dahil halata sa paggalaw ng kaniyang adams apple.

I shrugged "Hindi ko alam nasa kwarto 'yung phone at laptop ko," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at pilit na hinaharap sa kaniya. Pilit niyang hinuhuli ang titig ko pero pilit ko rin na iniiwas. Ngumiti siya ng inis akong bumaling sa kaniya ng tingin.

Hinimas niyang bahagya ang magkabilang pisnge ko.

He planted a soft kisses on my forehead... On the bridge of my nose and smiled at me.

Tinampal ko naman agad ang kamay niya dahil alam ko na ang mga ganitong galawan niya. Ano? Hahalikan niya ako sa labi tapos madadala ako kaya hahalikan ko siya pabalik?! No!

"Tumigil ka nga," Iritadong saway ko sa kaniya.

Bahagya akong tumagilid at kumagat na lang sa pizza.

"Damot," reklamo niya.

Inirapan ko na lang siya "Damot your face!" Mataray kong balik sa kaniya.

Naramdaman ko ang pag-usog niya kaya napabaling ako sa kaniya. Hinapit niya ako sa baywang at pilit na inilalapit sa kaniya. Nararamdaman ko na naman ang pagkataranta at hindi ko na rin alam kung saan ako babaling.

Ano hahalikan na naman niya ba ako?! Bakit parang naeexcite ako?!

Umusog muli siya at mas lalo akong lumapit sa kaniya. Naestatwa naman ako ng bahagya niyang dampian ang sentido ko. Ganitong-ganito 'yung kanina!

Ipinatong niya ang baba sa aking balikat. Mabibigat ang paghinga niya.

"I love you," Malambing niyang bulong sa tapat mismo ng tenga ko.

"Awit!" sigaw ni Sai.

Tinuro niya pa kami ni Cyrus.

"Puro ka awit!" singhal ni Cyrus.

Nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon.

Sai chuckled "Kayo puro harot," balik niya.

Nasapo ko na lang ang aking noo samantalang si Cyrus naman ay umiling-iling.

Napakapanira mo Sai! I hate you!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.