Ask for the Moon Chapter 5

Ask for the moon 03

Nakasalumbaba akong nakatulala sa kawalan. Habang 'tong mga kagroupmates ko ay talak ng talak. Minsan naiisip ko kung bakit sila hindi tinatamad magsalita? Kasi ako kasama na ata sa pamumuhay kong tamarin kung minsan magsalita.

Tiningnan ko ang mga students na nagsisidaan ang sasarap pagkukurutin nitong mga batang 'to! Kung makapagblush on sobrang pula! Parang hindi mga grade 7! Kung makakembot pa parang may spring sa baywang! Ano bhe? Parang hindi pinapalo ng nanay ng hanger pag-uwi, huh.

Napagawi naman ang atensyon ko sa mga basketball player na parang tanga na nagkocrossover sa daan kahit na walang bola. Sana ayos lang kayo? Walang bola pero parang may nakikita. Sana ganun din kayo sa feelings ng mga pinaglalaruan n'yo ano? Sana nakikita niyo rin! Hay nako! Nahahigh blood lang ako sa mga taong 'to.

"Oh Yoreh? Tulaley ka na naman." Sadnie Joy said.

Umupo pa siya sa tabi ko at nilapag ang hawak niyang folder sa tabi niya.

"Inggit ka? Gaya ka," lokong saad ko at umirap.

Nandito kami ngayon sa bleachers at pinagmamasdan ang mga nadaan. Napatingin pa sa'kin ang mga kagroup ko ng bigla akong magsalita dahil sa kaibigan kong dumating.

She chukled and grabbed my hair "Mama mo gaya,"

Sinamaan ko siya ng tingin at bahagya ring sinabunutan "Mama kita,"

"Alam mo tumulong ka nalang d'yan sa mga kagroupmates mo hindi 'yun tulala ka. Pag naging medical technologist na talaga ako ikaw unang kukuhaan ko ng dugo," natatawa niyang saad.

I laughed "Kapag nagkaanak ka talaga! sampung piso lang bibigay ko 'pag pasko,"

Magsasalita pa sana siya pero tinawag na ako ng leader namin at may pinastapler. So, yes taga stapler na naman ako ano pa nga ba? Wala naman akong pakialam sa mga nangyayari at 'tsaka nabigay ko na naman din 'yung part na ginawa ko mabuti na nga lang at nandito pa ako kahit pwedeng maglibot libot nalang.

"Oh ano? Bakit ka nandito? May i-chi-chismis ka na naman? Sige girl, spill the tea na!" curious kong saad ng makabalik na ako sa tabi ng kaibigan ko.

Umirap lang siya bago bumuntong hininga. "Pautang muna ng pamasahe. Magkaaway kasi kami ni kuya hindi ako susunduin!" iritadong saad niya at nilahad pa ang kamay.

Sadnie your face?! Is so makapal na.

"Bakit naman kayo magkaaway?" chismosa kong tanong. Kita ko sa mukha niya ang pagkairita dahil sa pamumula niya. Wow, sana all namumula.

"Masama kase ugali ng kuya ko na 'yun! 'Diba apat kami, 'Yung dalawa lang close ko, Ta's nung last year may topak 'yun! Pinalitan password ng wifi, lahat kami wala wifi siya lang meron! Ta's pinagsabihan ni mama, Ta's sabi ba naman siya daw nagbabayad," nagulat pa ako dahil sa sobrang pagkairitang bumakas sa kaniyang mukha. "Ah! Nanggigil ako!" pahabol niya pa.

"Kumalma ka," paalala ko. "Pero pa'no muna 'yung gigil?" Natatawang tanong ko. Kaya sinabunutan na naman niya ako.

"Joke lang!" natatawang awat ko sa kaniya. "Sige na! Papautangin kita basta magbayad ka ha? Bawal ang scammer at 'tsaka hayaan mo muna 'yung kuya mo magkakabati rin kayo no'n," saad ko at nilahad sa kaniya ang pisong kinuha ko sa bulsa.

"Piso? Seriously? Ay sige! Mas matutuwa pa ako 'pag nilunok mo 'yan! Pwedeng 250?" saad niya at nilahad ang kamay.

"Wow, Ang demanding! Pamasahe 250? Kami nga ni Angel one hundred pesos lang ang pamasahe papasok at pauwi! Ta's ikaw 250? Eh, d'yan lang sa ika-dalawang kanto ang bahay niyo! Feeling mo naman nasa ika-sampung kanto," nahahighblood kong saad.

"Duh! Bibili pa ako ng milktea at fries! Pwede ba pautangin mo na ako? Masyado ka pang maraming sinasabi! Dapat kana talaga itumba," birong saad niya at hinawi pa ang kaniyang buhok.

I laughed "Makahawi ka pa d'yan ng buhok mo akala mo may pamasahe. Ibalik mo ha, tutubuan ko 'yan kapag matagal mo binalik" nang-aasar kong saad at iniabot sa kaniya ang 250 peses na hinihiram niya.

She rolled her eyes "Ano ka bumbay? Kailangan may tubo pagnagpautang? Yoreh the bumbie, Is that you?" mapang-asar niya ring saad at makapal ang mukhang kinuha ang pera inutang.

"Yes, Dear." saad ko "Yoreh the bumbie? Ang bantot naman no'n! Lumayas ka na nga kasing bantot mo 'yung mga salitang pinagsasabi mo," taboy ko sa kaniyang habang natawa.

She pouted "Hininga mo lang 'yon! Sige na bye na, mag-ingat ka sa pag-uwi," paalam niya at yinakap ako. Infairness ang bango niya halatang hindi naliligo ng walang tawas.

"Ikaw din ingat ka sa mga tambay d'yan sa tabi tabi at baka mapagtripan ka," pahabol kong paalala ng makababa na siya ng ilang hakbang sa bleachers.

She laughed "Grabe ka naman sa mga tambay! Parang hindi nila tinuro sa mga delivery man 'yung apartment niyo t'wing nadating ang order mo, huh" malokong saad niya.

"Tanga may ibang mga tambay kasi na nag-iinom! Basta mag-ingat ka nalang dami mo pang sinasabi!" sigaw ko kaya napatingin ang iilan sa'kin.

Correction, hindi ako galit sa mga tambay! Sadyang safety first lang, may iba kasing tambay na lasing at pinagtitripan ang mga nadaan. I just want her to go home safe!

"Salamat!" aniya.

I nodded "Sabihin mo, Salamat shopee," I joked.

Inirapan niya lang ako at naglakad na palayo. Tinawag ulit ako ng mga kagroupmates ko upang iistapler ang iba pang papel na napagsamasama na nila. Napatingin ako sa wrist watch ko para icheck 'yung oras 4:30 palang at 5 pa ang sabi kong oras kay Cyrus ng uwian namin. Ewan ko ba do'n sa Prof namin biglang tinamad ata.

"I thought 5 pa ang uwian niyo?" a cold baritone voice said.

Sa boses niya palang ay alam ko na kung sino siya kaya ay nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. May iilan pa na nakabaling ang tingin sa gawi namin na para bang hindi inakala na kakausapin ako ng ganito kagwapong lalaki. Well. Napatitig ako sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko 'yung ibang classmate ko na kanina ay tutok ang atensyon sa ginagawa ay napabaling na sa'min... sa kaniya. Infairness, naging masmukhang lalaki siya sa black slacks at white blouse na suot niya. Kahit ata basahan ang ipasuot dito gwapo parin ang kakalabasan ng dating niya.

"K-kala ko rin 'tsaka magpafive palang naman mamaya na tayo umalis. M-may ginagawa pa kami," I said with fluttering heart and racing pulse.

Ako ba ang may kasalanan na maaga kaming pinauwi? Hindi naman! Pero teka 'yung ganitong itsura ang sarap palang titigan? Parang anytime kayang palambutin ang nararamdaman ko. Wait. Hindi ko alam kung bakit? Bakit biglang kinabahan ako? Bakit biglang nagkakandabuhol buhol 'yung mga salitang gusto ko pang sabihin?

He chuckled and crossed his arm over the chest " Stop stuttering your words. Bilisan mo tumulong ka kaya sa mga kagrupo mo para matapos na kayo at makaalis na tayo," he commanded while raising his brows.

Mga kagroupmates ko nga hindi nagrereklamo tapos s'ya magrereklamo?! No.

"Okay," Pagsang-ayon ko, eating my own words.

He just nodded, tanaw na tanaw ko sa'king peripheral view ang matatalim niyang titig. Muntik pa nga akong matumba dahil sa pagkataranta. Boba! Ewan ko kung malaking tulong ba ang pag iistapler ng mga 'to at pagcocomply. Naalala ko tuloy si Kim Chui na "sa classroom may batas daw ay pwede na pala ikaw lumabas" hindi ko sure kung 'yun ba ang exact words pero nevermind na lang basta makapagcomply kami ngayon. Para 'yung grades namin "ay pwede na pala lumabas" baka mablank lang kung hindi kami kikilos.

"Do it properly, Yoreh Selene." Iritadong utos ni Cyrus.

Gusto ko sana siyang sagutin ng 'Ikaw ba ang leader?Edi sana ikaw na magstapler ng mga 'to kala mo naman ang dali-dali! Ang kakapal kaya!' Kaso tumango tango na lang ako dahil walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

Agad akong napatingin sa kaniya ng masama. Did he know my name?! Is he stalking me?! Umirap lang siya at tiningnan ang I.D ko na parang alam niya kung ano ang naiisip ko. Napatingin din tuloy ako sa I.D ko at kumagat sa ilalim ng labi. Boba talaga! Napakalaking pangalan ng Yoreh Selene Antares! Malamang mababasa niya.

"Omayghad, Yoreh. Are you friends? Can you introduce me to him?" Elica whispered while putting some face powder.

Kaya umirap lang ako. Well, maganda naman si Elica at mabait kaso ang alam ko ay kakabreak lang nila ng ex-boyfriend niya panigurado nahuli niya na naman 'yun na nagchicheat. Ano bang nagagawa ng pagchicheat?... I mean wala namang naidudulot na maganda sa buhay 'yon kaya bakit kailangan pang magcheat? Sabagay desisyon naman nila 'yon kung magchicheat sila or hindi. Mga desisyon amputek.

"Hindi kami friends and pwede ba tapusin mo na 'yang paglalagay mo ng face powder sa mukha. Tumulong ka kaya puro ka paganda," masungit kong saad kaya padabog niyang binalik ang face powder sa pouch niya.

"Sungit mo naman," iritadong sagot niya at nilagay sa brown enveloped ang iniabot kong papel na kakatapos lang iistapler.

"Well, may sideline pa kasi ako," saad ko at hindi na muling bumaling sa kaniya.

May tinanong pa siya na anong sideline daw at bakit daw kasama si Cyrus. Kung pwede din daw bang magsideline. Pero hindi ko na siya pinansin dahil naiirita na'ko. Ilang sandali pa ay sinabihan na kami ng leader namin na umuwi at siya na lang daw ang bahala na kumausap sa Prof namin regarding sa iba pang mga tanong. Sumang-ayon nalang kami.

Habang papunta kaming parking lot may iilan pa na nginingitian ako na may nakakalokong mukha. Gusto ko sana silang lapitan at tanungin ng 'Close ba tayo? Para bigyan n'yo ako ng mapanlokong tingin?' pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Kaya'y napadako ang tingin ko kay Cyrus na ang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa at diretso ang tingin sa daan na para bang walang kasama. Ano? porket pumayag na ako ay hindi na niya ako papansinin? Feeling ko tuloy para akong STALKER or PATAY NA PATAY sa kaniya dahil sunod ako ng sunod. Pero siya? Wala lang parang ewan lang.

Bumaling siya sa'kin at sinenyasan na pumasok na loob ng kotse niya kaya tumango-tango lang akong pumasok. Hindi ko alam kung anong tawag or brand nitong kotse niya dahil first of all wala naman akong pakialam pare-parehas lang naman kasi silang may mga gulong.

"Saan ba tayo pupunta? 'tsaka ano ba talaga ang gagawin? Promise mo 'yung bayad ha? Time is gold. Sabihin mo na sa'kin kung saan tayo pupunta para naman aware ako and look, nakauniform ako ayos lang ba na nakaganito ako? Baka naman magmukha akong tanga sa pupuntahan na'tin? Dapat ata magpalit muna ako sa apartment ng susuotin kasi naman--" I panicked said.

He cut my words off "Ang daldal mo," halatang iritadong saad niya.

"Ay, sorry," I apologized with a execessive swallowing voice.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.