Magbabago lang ang isip niya kung ito mismo ang aalis ng kompanya. Pero imposible iyon dahil wala siyang kapana-panalo. Ito ang boss. May-ari ng kalahati ng kompanya. Pinaka-epektibong paraan para manalo dito ay ang makaalpas mula sa mga galamay nito.
“Remember that I’m Keith Arnaldo, Brazile. I always get what I want,” sabi nito nang hawak na niya ang seradura ng pinto. “And I want you.”
Humigpit ang hawak niya sa seradura ng pinto nang marinig ang sensualidad sa boses nito at napalingon. She met the devilish glint in his eyes. Kung hindi siya nagkamali ng dinig, nang-aakit na may halong banta ang huling sinabi nito.
“You can’t always have what you want,” sabi niya bago lumabas at ibinalibag nang malakas ang pinto.
Hindi niya pinansin ang gulat na tingin ng sekretarya nito at ng isa pa nilang publisher na si Siege. Nilapitan niya ang huli at iniabot ang natitira pang folder.
“Pakibigay ito kay Sir Siege. At kapag hinanap niya ako, sabihin mo na maghahanda pa ako para sa flight ko sa Milan bukas,” habilin niya.
Gusto pa sana niyang harapin si Siege at ang mga pagtutol nito sa pag-alis niya sa kompanya. Subalit wala na siyang lakas para makipagtalo pa dito. Sinira na ni Keith ang araw niya. Sirang-sira. Ito ang huling pagkakataong sisirain nito ang araw niya.
TUNAW na ang ice cream na kinakain ni Brazile subalit wala doon ang atensiyon niya. Kadarating lang niya galing sa Milan at nasa Paris para sa next leg ng series ng fashion show ni Fitz Agcaoilli. Tampok sa bridal collection ang mga sikat na Filipino supermodels na nakabase sa Europe. Pagkatapos ng Paris ay sa London naman siya pupunta. Saka pa lang siya babalik ng Pilipinas para tuluyang umalis sa Torch.
Nasa isang ice cream parlor siya at naglilibang. Sa gabi pa ang fashion show kaya maari pa siyang magpahinga.
Isang linggo na lang ang natitira sa kanya bago siya bumalik sa Pilipinas. Subalit wala pa rin siyang naiisip na bagong trabaho. Mamundok na lang kaya siya at magtanim ng kamote. Pero tiyak na pagtatawanan siya ni Keith oras na doon siya bumagsak. Pero at least sa bundok hindi siya nito matutunton.
“Excusez-moi, Madame. Est-ce que je peux partager la table avec vous?” anang pamilyar na boses na pumutol sa pag-iisip niya. Tinatanong nito kung maari itong makisalo sa mesa niya.
Matao sa bahaging iyon ng Paris lalo na’t sikat ang ice cream parlor na kinainan niya. Nakikidayo lang siya doon. At kahit ayaw niyang maki-share ng mesa ay kailangan niyang gawin. Hindi naman siya ang may-ari ng lugar.
“Sûr, Monsieur,” payag niya nang magulat nang makita kung sino umupo sa harap niya at kasalo sa mesa. “Keith?”
“Bon jour, Brazile!” bati nito. “It’s good to see you here.”
Kahit sabihing City of Lights ang lungsod ng Paris, pakiramdam niya ay nawalan ng liwanag kahit katanghaliang tapat. Halos kalahati ng mundo ang layo ng Pilipinas sa Pransiya pero sinusundan pa rin siya ng kanyang bangungot.
“What the hell are you doing here?” nahihindik niyang tanong.
Taliwas sa nararamdaman nito, hindi mabuti ang pakiramdam niya na makita ito. Pinag-iisipan pa lang niya kung paano ito tuluyang malalayuan, heto at nasa harap na niya ito. Paano siya makakapag-isip kung nakikita niya ito?
Itiniklop nito ang mga braso at inilagay sa likod ng batok. Sumandal ito at tumingala. “Kakain ng ice cream,” kaswal na sabi nito.
He looked so cool. Ni hindi iniiintindi ang pagpupuyos niya. Ngayon lang niya ito nakitang nakadamit ng simpleng puting T-shirt at pantalon. But he still carried the dress well that the women around them were giving admiring looks at him. He got his own fans club, alright. Kahit saan ay nakakakuha ito ng atensiyon ng mga tao.
Lalong nag-init ang ulo niya. “Nagpunta ka dito para kumain lang ng banana split? Masyado ka yatang mayaman at pumunta ka pa ng Paris para lang sa ice cream.”
Binalikan nito ang in-order na ice cream. “The truth is I came here because I want to see you,” he said as he scoop his first spoon of ice cream.
Hindi niya magawang alisin ang mga mata dito nang isubo nito ang ice cream at basain ng labi ang ilang ice cream na naiwan sa labi nito. It was an ordinary way of eating an ice cream but he did it in a very sensual and enticing way.
Wala sa sariling nainom niya ang malamig na baso ng tubig. Naubos niya iyon subalit hindi sapat para mapatid ang kanyang uhaw. Why does she have to feel this way? Wala na siyang kakayahan pang makaramdam ng ganoon sa isang lalaki. Especially not with her worst nemesis.
“No way,” mariin niyang bulong. Hindi siya naaakit dito. Nagkataon lang na mainit sa Paris at hindi na siya malalamigan pa sa ice cream niyang tunaw.
“No comment?” nakangiti nitong tanong habang kumakain ng ice cream.
“No comment about what?”
“That I came here for you,” sabi nito.
“Crap,” komento niya. “You know what, hindi mo ako makukuha sa mga pambobola mo katulad ng ginagawa mo sa ibang babae. Hindi mo naman ako girlfriend. Mas lalo mo lang pinadadali ang pagre-resign ko sa ginagawa mo. If you’ll excuse me, babalik pa ako sa suite ko. At huwag mo akong susundan.”