Asociacion de las Solteras Series Chapter 17

“Brazile, you deserve to know something.”

“I’m not interested,” matabang niyang sabi at binuksan ang pinto.

“Hindi ako sumunod dito para espiyahan ka. Inimbita ako ng isang kaibigang manood ng fashion show. As a matter of fact, ako ang escort niya mamaya.”

Tumaas ang kilay niya at pumasok sa loob ng kuwarto. “Alam mo, Mr. Arnaldo, wala akong pakialam,” mariin niyang sabi at ibinagsak pasara ang pinto.

Ibinagsak niya ang sarili pahiga sa kama. Naiinis siya. Pakialam niya kung may ka-date ito mamaya. Ano ang kinalaman niyon sa kanya?

Subalit ang mas nakaka-irita, hindi talaga ito nagpunta sa Paris dahil sa kanya. Hindi siya ang talagang sinundan nito kundi ibang babae.

HINDI magkandatuto sa pagbibitbit ng gamit si Brazile. Dalawang oras pa bago ang fashion show. Napasarap ang tulog niya at nakalimutan niyang I-set ang alarm clock.

Late na siya. Sa dami ng photographer at cameramen na darating para mag-cover ng event, baka wala na siyang mapwestuhan ngayon pa lang. Kanina pa rin naghihintay ang taxi na ipinatawag niya sa ibaba.

Tumakbo siya para habulin ang papasarang elevator. Pagpasok ay tiningala niya ang numero. Kung pwede lang ay nasa ground floor na agad siya.

“Hello, Brazile!” anang katabi niya.

Hindi na niya kailangan pang lingunin ang bumati sa kanya. Alam niyang si Keith iyon. May iba pa silang kasabay kaya nagpatay-malisya na lang siya.

“Mukhang late ka na. May maganda ka pa kayang mapu-pwestuhan sa baba ng stage?” tanong nito.

Nang sulyapan niya ay nakatingala rin ito sa numero na nagsasabing nasa twenty-fifth floor na sila. Mamamasa-masa pa ang buhok nito at halatang bagong paligo. And his scent was in the air. Very masculine. He was wearing a black tuxedo. Mukhang isa itong modelo na rarampa para sa fashion show at hindi isang expectator lang.

Bumalik ang tingin nito sa kanya. At wala siyang panahon para mabawi ang tingin. Nang ngumiti ito ay pairap niyang binawi ang tingin at sumimangot.

“Kung late na ako, masyado naman yatang maaga para pumunta sa venue,” komento niya. “Baka mainip ka sa kahihintay.”

“I’m fetching Belle Montenegro. Of course you know her.”

Sino ang hindi makakakilala kay Belle Montenegro? Isang sikat at batang fashion designer. Bukod pa sa maganda ito at kabilang sa angkan ng mayayaman sa bansa. Napatunayan niyang totoo ang lumalabas na tsismis na may relasyon ito at si Belle.

“And knowing Belle Montenegro, masyado pang maaga para sunduin siya. Siguro tutubuan ka na ng ugat pero hindi pa rin siya ready na umalis.”

Nagkibit-balikat ito. “She’s worth the wait. But thanks for the concern anyway.”

Concern? Hindi siya concern dito. Pakialam niya kung tubuan ito ng ugat. Problema nito iyon dahil prima donna ang ka-date nito. Sana nga ay matuyuan na lang ito ng dugo mamaya sa kahihintay para hindi na ito sumulpot sa fashion show. Ayaw niya itong makita.

Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay huminto sa ground floor ang elevator. Nagmamadali siyang lumabas para makalayo dito. Sa kamalasan ay madali lang para dito na sabayan siya sa paglalakad.

“Gusto mo bang idaan na kita sa Bessette Hall para mas mabilis kang makarating?” alok nito. “I have a rented car.”

Nilingon niya ito at nginitian ng pa-plastik. “Thanks. Pero hindi na kailangan dahil kanina pa ako hinihintay ng taxi na ipinatawag ko.”

He looked disappointed but only for a while. Muli itong ngumiti ng matamis at kinindatan siya. “See you later then.”

Nagpupuyos siya nang dumating sa venue. Akala naman nito ay gugustuhin niya itong makasama sa isang sasakyan. Hindi siya mapapalambot ng pagngiti-ngiti nito. Nakabawas lang sa inis niya ay nang makakuha siya ng magandang pwesto sa baba ng stage. Naglaho na sa isip niya si Keith nang magsimula nang maglakad ang mga modelo. Masyado na siyang nalunod sa pagkislap ng mga camera.

Matapos ang presentasyon ng mga modelo ay nagsimula ang party. Hudyat para magsosyalan ang mga tao sa paligid. Kailangan din niyang mag-ikot dahil maari siyang makakita ng kilalang personalidad. Magagamit iyon ng magazine.

Kukuhanan na niya ang isang sikat na French designer na nanood ng fashion show na nakikipag-usap kay Fitz Agcaoilli nang harangan siya ni Belle Montenegro. Nakahawak ito sa braso ni Keith na may kinang sa mga mata nang tingnan siya.

“Hi! You are Keith Arnaldo’s photographer, right? Can you take a picture of us?” sabi ni Belle. Abot-tainga ang ngiti nito nang idikit ang katawan kay Keith. Samantalang si Keith naman ay simple lang ang ngiti. Subalit alam niyang nag-e-enjoy ito.

Tumikwas ang kilay niya. “Wrong. I’m Torch Publication’s photographer. Not Keith Arnaldo’s,” matabang niyang sabi.

“It doesn’t make any difference,” sabi ni Belle na hindi na-intimidate sa kapormalang ipinakikita niya. “Keith owns Torch. So to speak he owns you.”

Nagpanting ang tainga niya. Ayaw niyang maririnig na pag-aari siya ng sinuman. “I work for him but he doesn’t own me. Nobody owns me, Miss Montenegro.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.