Namagitan na sa kanila si Keith. “Look, the two of you don’t have to argue about this. Brazile, all you have to do is take our picture. Please,” anito sa malamig na tono.
Ganoon din ang tinging ipinukol nito sa kanya. Wala na ang init na nakikita niya tuwing titingin ito sa kanya. Ang tingin nito sa kanya ay walang ipinagkaiba sa tinging ibinigay nito sa kanya nang gabing mahuli siya nito kasama si Conrad.
“Okay, take your pose,” aniya sa boses na bahagyang may kinig.
Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang camera. Sumisigid ang lamig sa kanyang laman. Matapos kuhanan ng larawan ang dalawa ay tumalikod siya at tuloy-tuloy na lumabas ng venue.
Ang kanyang nakaraan at si Keith ang mga dapat niyang takasan. Pinipilit niyang labanan subalit lagi pa rin siyang ginugulo. Marahil hindi pa rin niya lubusang nahaharap ang kanyang nakaraan. Natatakot pa rin siya.
“BRAZILE, ano ba ang kailangan kong gawin para hindi ka umalis?” tanong ng publisher niyang si Siege. Nang mag-report siya sa opisina mula sa coverage niya sa Europa ay ipinatawag agad siya nito. Gaya ng inaasahan ay ayaw nitong mag-resign siya.
Nakayuko siya dahil hindi niya ito matingnan ng mata sa mata. Nahihiya siya dahil malaki ang utang na loob niya dito. Estudyante pa lang sila ni Meredith sa kursong Journalism ay naroon na sila at nagpa-part time job. Assistant executive pa lang ito noon kaya matagal na rin ang samahan nila.
“I’m sorry, boss. Hindi na talaga mababago ang isip ko. Hindi naman ako lilipat sa ibang kompanya. I just want to do things on my own.”
Nasabi na niya dito na plano niyang magtayo ng sariling photo shop at maging freelance photographer. Marami na siyang kakilala na maaring maging kliyente niya. Nakontak na niya ang mga ito at may ilan na ring offer sa kanya para gumawa ng mga project. Schedule na lang niya ang hinihintay.
“You can still be a freelance photographer and still hold your position as assistant chief photographer,” sabi nito. “Mas luluwagan ko ang schedule mo. The company won’t be on your way. Hindi ito ang panahon para iwan mo kami. A few months from now, magre-resign na si Albert. Ikaw na ang papalit sa kanya bilang chief photographer. Ngayon ka pa ba aalis?”
Nanghihinayang siya sa lahat ng iiwan niya. Ang pangarap niya, mga kaibigan at katrabaho. Being a freelance photographer means doing everything on her own. Nobody will be behind her to back her up.
Hindi ang kompanya ang problema kundi siya. Ayaw na niyang magtrabaho na si Keith ang amo. Magiging palpak lang ang trabaho niya. Bawat oras, titingin siya sa likuran niya. At kapag nakita niya ito, kailangan niyang tumakbo dahil isa itong kaaway.
Nakagat niya ang labi nang makita ang lungkot sa mukha nito. Isa ito sa mga taong nirerespeto niya at ayaw niyang makita itong nasasaktan.
“Boss, I’m really sorry,” malungkot niyang sabi.
Pilit itong ngumiti subalit hindi nito maitago ang pananamlay. “You don’t have to be sorry. It is your decision. Wala kaming magagawa kung iyon ang gusto mo. Pero sana bigyan mo naman kami ng konsiderasyon. We want you to stay.”
“Pag-iisipan ko, boss.”
She hated herself. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga tao sa paligid niya dahil sa kanya. Subalit kailangan niyang gawin para hindi siya ang masaktan.
Pinigil niya ang pag-iyak hanggang makapasok ng photo room. Ayaw niyang umiyak kahit na mag-isa na lang siya. Subalit kung hindi niya mapipigilan ang sarili na umiyak, mabuti na sa lugar na walang ibang makakakita sa kanya.
Lumipad sa hangin ang hangarin niyang umiyak nang pagpasok niya sa sariling opisina ay naroon si Keith. Nakaupo ito sa swivel chair sa harap ng kanyang computer at tinitingnan ang kanyang portfolio.
“Anong ginagawa mo dito?”
Ngumiti ito at ipinatong sa kandungan ng portfolio. “Hi! I’m just looking at your portfolio. Your work is really impressive. Marami pa akong nakita sa computer mo na magagandang shots. They are incomparable.”
Hinablot niya ang kanyang portfolio mula dito. “You have no right to peek into my things as if you own them. Ayoko sa lahat iyong pakialamero.”
“I’m sorry. I thought you wouldn’t mind. At wala sigurong masama kung tingnan ko ang files sa computer mo. Unless you are hiding something.”
“Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?” tanong niya at mahigpit na niyakap ang portfolio niya na parang naroon ang kanyang buhay. Hindi niya ito gusto. Napapadalas ang pagsosolo nilang dalawa.
“Una, gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Siege. Pero base sa reaksiyon mo, hindi ko na kailangan pang tanungin.”
“I’m resigning,” matigas niyang sabi. “So effective tomorrow, hindi mo na ako empleyado. And you can’t do anything to stop me.”
“I know,” sabi nito at pinagmasdan ang scanned photos sa monitor ng computer. Iyon ang latest niyang kuha mula sa Europe. “Pero nanghihinayang ako. Nakikita ko sa trabaho mo na hindi ka basta-bastang photographer. There’s a depth in your shots. At hindi ko matanggap na aalis ka sa kompanya dahil lang sa akin.”