“Desisyon ko ito. At wala kang magagawa. Hindi mo naman siguro gugustuhin na ikaw ang sumuko para sa akin,” sarkastiko niyang sabi.
Umiling ito. “No. I’m not that emotional. Pero ikaw, naiisip mo ba ang mga taong maiiwan mo dito. Meredith is your bestfriend and she is deeply hurt by your decision. Hindi mo ba siya naiisip? At ang iba pang mga kasamahan mo na umaasa sa iyo.”
“What is this? Emotional blackmail?”
“No. Ipinakikita ko lang sa iyo kung ano ang mawawala sa iyo kapag umalis ka.”
Ngumisi siya. Mas nangibabaw ang isip kaysa sa puso. Akala yata nito ay mahilig siyang manood ng mga teledrama at madadaan siya sa mga pagpapaawa nito.
“Alam ko na ang lahat ng iyon at handa akong iwan ang mga malapit sa akin para na rin sa ikabubuti ko. Life must go on. Darating naman talaga ang oras na maghi-hiwa-hiwalay kami. There’s no need to be emotional.”
“And what new job do you have in mind?” tanong nito sa naniningkit na mga mata. Wala itong tiwala sa kanya. Akala marahil nito ay hindi siya mabubuhay kapag nawala siya sa mga galamay nito.
“I’m opening my own photo studio. I’m planning to specialize on wedding photography,” she said in a confident voice.
“At ano naman ang ipinagkaiba mo sa ibang photographer?”
“You told me that my shots are incomparable. Hindi simpleng wedding pictures lang ang made-develop kapag ako ang kumuha. With my experience, I already developed a creative mind and a style of my own. They were done artistically. Maipapakita ko na maari silang magkaroon ng memory ng isang magandang okasyon sa mas romantikong paraan.”
Pumalakpak ito. “Ah, so you are the romantic type.”
“Not romantic but artistic,” pagtatama niya. She gave up the idea of romance years ago. Isa iyong apoy na hindi na maaring magsindi pa sa puso niya.
He looked at her with so much admiration. “Too much artistic talent and creativity. Plus intense dedication in work. I’d really hate to lose an extraordinary employee like you.”
“But you lost me. The moment you declared yourself as half owner of this company, you let me slip through your hands. I can’t imagine myself working with you. Ayoko sa lahat ay magkaroon ng friction sa amo o katrabaho ko.”
Ikiniling nito ang ulo. “At kasalanan ko?”
“Huwag na tayong magplastikan. I know how bad you feel about me.”
Wala siyang pakialam kung ano ang opinyon sa kanya ng ibang lalaki. Many called her ice maiden. She was always cold and distant. Wala iyong epekto sa kanya dahil hindi naman niya nakakasama ang mga ito sa trabaho. Ilan sa dati niyang kasama ang may ganoong opinyon sa kanya.
Subalit iba ang sitwasyon pagdating kay Keith. He always thought that she was a wild girl. Not the cold and distant woman. At hindi mababago ang opinyon nito tungkol sa kanya. Hindi siya mag-aaksaya ng panahon at hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon.
Umaamin siya na isa siyang duwag. Natatakot siya dito dahil lagi nitong ipinaalala sa kanya ang mapait niyang kahapon.
“I’m not the man who lives in the past. Pagdating sa trabaho, pinahahalagahan ko ang tao sa kung ano ang kaya niyang gawin. Regardless kung ano ang nakaraan niya o ang opinyon ko sa pagkatao niya. Hangga’t hindi iyon nakaka-apekto sa trabaho, wala akong pakialam.”
Sinalubong niya ang mga mata nito. Kadalasan ay tinatrato siya nito nang maayos. Siya lang ang mahilig na magpalala ng gulo sa pagitan nila.
“Will you stay?” tanong nito.
Bumuntong-hininga siya. “I don’t know. Marami pang bagay na dapat ayusin.”
“Kung naiilang ka na makita ako dito, iiwas na lang ako. Hindi kita guguluhin. Just stay, please,” anito, pinagsalikop ang mga kamay.
“You don’t have to beg,” sabi niya.
Ngumiti ito. “Hindi ka na magre-resign?”
“Oo na,” sumusuko niyang sabi. Nanalo ito sa laban nila pero hindi niya naramdaman ang pagkatalo. May kondisyon naman na iiwas ito sa kanya. Hindi na masama dahil makakasama pa rin niya ang dating katrabaho. “Pero kailangan ko pa ring ayusin ang schedule ko. May mga kompromiso na ako.”
“We’ll adjust your work load. At dahil dito ka pa rin magtatrabaho, I can give you recommendations. As a matter of fact, I already got one in mind. Isa sa mga pinsan ko ang engaged. Babalik sila sa Pilipinas three months from now. Doon sila sa hacienda ng bride ikakasal. Magandang opportunity ito para sa iyo.”
Nagsalubong ang kilay niya kasabay ang mabilis na tahip ng dibdib. Hindi maganda ang pakiramdam niya nang marring ang salitang pinsan nito.
“Sinong pinsan mo?” tanong niya.
“You know him. He’s Conrad.”