Asociacion de las Solteras Series Chapter 20

“Is this a bad joke?” tanong ni Brazile sa kabila ng pinipigil na galit.

Mahigpit ang hawak niya sa folder ng portfolio niya kahit na mas gusto niyang ihampas iyon sa mukha ni Keith. Sa dinami-dami ng pagkakataon na pwede nitong banggitin ang tungkol kay Conrad, ngayon pang kapapayag lang niyang manatili Torch Publication.

Nag-anyo itong seryoso subalit may bahid ng ngiti sa labi nito. “But I’m serious, Brazile. Ikakasal na talaga si Conrad.”

Nakadama siya ng pinagsamang galit at takot. Iyon ang naiisip niya tuwing naiisip si Conrad. She hated him. Subalit mas matindi ang galit niya kay Keith dahil wala itong konsiderasyon sa kanya. Sinasadya nitong saktan siya.

Pilit niyang itinago ang mga emosyon nang tingnan ito. Wala itong alam kung ano ang epekto sa kanya ng pangalan ni Conrad.

“Alam mo, kasal ng pinsan mo ang huling okasyon na gusto kong puntahan.”

Baka pigilan niya ang kasal at ipapaalam niya na walang kwentang tao si Conrad Arnaldo. Sasagipin niya ang sinumang babae na mamalasing makasal dito.

“Still holding a grudge against him?” nangingiting sabi nito. “Sayang naman kung hindi mo iko-cover. His forthcoming union with Jerus Redondo is considered as wedding of the year. Pero kahit na anak ng isang dating senador, ayaw ng pamilya niya ng media coverage. Nakakapanghinayang naman dahil opportunity mo na sana para makunan ng exclusive ang kasalang iyon. I guess they will consider since ikaw ang official photographer at pinsan naman ako ng ikinasal. Bibigyan sana kita ng bonus kapag napapayag mo sila na mapunta sa atin ang exclusive coverage.”

Isa iyong kasalan na inaabangan subalit istrikto iyon para sa mga media at press. May mga security na nagbabantay at ini-scan ang lahat ng papasok. Many would die to cover that event lalo na’t de kalibre ang designer ng bridal gown at entourage. Kahit si Meredith ay gustong mai-cover para sa magazine nila ang kasalang iyon.

At nakahain na sa paanan niya ang pagkakataon. Wala sanang problema dahil sanay siyang makakuha ng exclusive shots. Pero problema niya ang groom. Hindi niya alam ang maaring maging reaksiyon niya kapag nagkita sila nito.

“You know what? The offer is temping. Very tempting. But no, I won’t accept the project. Magiging photographer pa rin ako ng Torch pero hinding-hindi ko iko-cover ang kasal ng pinsan mo. Kahit magkano pa ang ibayad nila sa akin.”

“Even if I order you to?” matigas na sabi nito.

“Sinong tinakot mo?” matapang niyang hamon. “At hindi mo ako pwedeng sesantihin kung saka-sakali. I’ll quit!”

“I know. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo,” sabi nito at lumabas na.

Napangiti siya nang sumara ang pinto. Nanalo siya. Nanatili siya sa trabaho at ito pa ang iiwas sa kanya. Huwag lang nitong ipipilit sa kanya ang tungkol kay Conrad. Talagang mag-aaway sila.

“ISA-ISA nang nauubos ang member ng asosasyon natin,” sabi ni Brazile habang tinitingnan ang itinerary. Tatlo sa nakasulat sa iko-cover niyang kasalan ay mga kaibigan niya. Mga dating tinutukso na matatandang dalaga pero mga ikakasal na ngayon. Mukhang panahon ng kasalan ngayon.

Tatlong buwan na mula nang magkasundo sila ni Keith na mananatili siya sa kompanya. Tumupad naman ito sa pangako at hindi masyadong nagpapakita sa kanya. Nagagawa niya itong tagalan kapag may meeting sila pero hanggang isang oras lang.

“Oo nga,” sang-ayon ni Meredith. Nasa photo room ito at inuusyoso ang mga pre-nuptial shots niya kina Pepper at Chase. Ang mga ito ang unang ikakasal. Kasunod si Linux at Alarice. Samantalang si Cyrene ay nasa diyaryo at naka-anunsiyo ang engagement sa supermodel na si Rhance. “Sino kaya sa ating dalawa ang susunod na ikakasal, sa palagay mo?”

Pinagpag niya ang braso na parang nandiri. “Yuck! Hindi ako ikakasal. Baka ikaw ang ikakasal.” Pinagmasdan niya ito sa naniningkit na mata. “In love ka, no?”

Pinanlakihan siya nito ng mata. “Kanino?”

Dahan-dahan siyang ngumiti. “Magkakaila ka pa. Crush mo si Sir Siege.”

Lahat ay nakakahalata na may itinatago itong pagnanasa sa boss nila pero walang matapang na nagsasalita. Palibhasa ay mataas ang respeto ng mga tao dito kaya ayaw pakialaman ang lovelife.

Namula ito at umiwas ng tingin. “Aaminin ko na crush ko siya pero hindi ako in love sa kanya. I can’t fall in love or else I’ll die. Bawal! Kaya makakasal at makakasal ka pero hindi ako.”

Humalukipkip siya. “That makes the two of us. I hate men and I can’t imagine spending my life with one of them.”

“Talaga? Pero dati crush na crush mo si Sir Keith.”

“Tatanga-tanga pa ako noon kaya naging crush ko ang boss mo,” sabi niya. At ayaw niyang maalala na minsan ay nagkagusto siya sa kumag na iyon.

Kokontra pa sana ito nang may kumatok at bumukas ang pinto. Bumungad ang isang elegante at nakangiting babae. “I’m sorry for the interruption but I’m looking for Miss Brazile Cardenas.”

Itinuro siya ni Meredith. “She’s Brazile. Come in,” yaya nito. “Aalis na ako,” sabi nito sa kanya. “At kahit magpustahan pa tayo, ikaw ang susunod na ikakasal.”

Sa pagkakataong ito ay siya ang hindi nakakontra dahil may bisita. Mamaya na lang siya makikipagpustahan kay Meredith.

Inilahad ng bisita niya ang palad paglapit sa kanya. “Hi, I’m Jerusal Redondo. You can call me Jerus.”

Isinenyas niya ang upuan swivel chair na binakante ni Meredith. “What can I do for you, Jerus?” tanong niya. Her name sounds familiar pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig. Sa dami ng iniisip niya ay bumabagal ang proseso sa utak niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.