Asociacion de las Solteras Series Chapter 27

Subalit mas matindi ang takot niya ngayon. Lasing siya noon. Hindi lubusang bukas ang pandama niya at hindi siya makagalaw. Ngayon ay malinaw ang isip niya pero wala siyang magawa kundi sumuko sa kanyang luha.

Gusto niyang humingi ng tulong pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Dahil ang mismong lalaking nagligtas sa kanya ang magtutuloy ng nasimulan ng pinsan nito. Hindi niya ito kayang labanan.

Ang impit niyang pag-iyak ay lumakas. Parang nabuhusan ito ng malamig na tubig at lumayo sa kanya. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

“Brazile, I’m sorry.” Guilt was written all over his face. “Huwag ka nang umiyak.”

Inangat nito ang kamay at tangkang hahawakan siya. Subalit tinabig niya iyon. “Pareho lang kayo ng pinsan mo, Keith. Mas masahol ka pa sa kanya!”

“BRAZILE, please open the door. Mag-usap tayo.”

Katahimikan ang isinagot niya sa mga tawag at katok ni Keith. Kanina pa ito doon subalit wala siyang balak pagbuksan ito. Yakap ang tuhod ay hinayaan niyang dumaloy ang luha niya.

“I’m sorry,” anito sa nahihirapang tinig. “Alam ko na galit ka. Pero hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap. Magtataka sila kapag naabutan nila ako dito.”

“Umalis ka na lang, Keith. Ayokong makipag-usap sa iyo. Hindi ngayon.”

Hindi mabura sa isip niya ang pananalakay na ginawa nito kanina. Binuhay nito ang lahat ng matinding takot na pilit niyang itinago. Takot na akala niya ay kaya niyang kontrolin subalit tuluyan ring kumawala.

Gusto niyang magtago o tumakbo sa malayong lugar. Doon sa hindi siya nito kayang abutin. Doon sa hindi siya nito kayang saktan.

“We need to talk. I won’t hurt you. I won’t touch you. We’ll just talk.”

Pinahid muna niya ang luha bago napagpasyahang patuluyin ito. Pagbukas ng pinto ay nagmamadali siyang umupo sa kama. Niyakap niya ang unan na parang kaya siya niyong proteksiyunan mula dito.

Napabuntong-hininga ito nang makita ang ikinilos niya. “Natatakot ka. I can’t blame you. I am a monster. I’m sorry.”

Iniwas niya ang tingin sa nagpapaawang anyo nito. “Hindi kita pinapasok dito para lang marinig ang mga sorry mo. Sabihin mo na ang sasabihin mo at pagkatapos umalis ka na.”

“I guess I deserve that cold treatment. Nawala ako sa sarili ko.” Tumingala ito at minasahe ang batok. Parang nahihirapan itong magpaliwanag. “Alam kong galit ka sa akin dahil hindi mabuti ang trato ko sa iyo. At hindi ko rin alam kung mapapatawad mo ako. May magagawa ba ako para maayos natin ito?”

Iniiwas niya ang tingin dito. Naiinis siyang marinig ang sorry nito. Naiirita siya na makita ang pagsisisi nito. Mas sanay siya sa mga lalaking pinangangatawanan ang ginawa kahit mali. Mas madali sa kanya na labanan ang mga iyon. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang tulad nito na marunong tumanggap ng pagkakamali.

“You see, I don’t force women.”

“Alam ko,” aniya sa malamig na boses. “Women are always running after you. Inserting calling cards in your pocket, inaabutan ka ng tissue na may lipstick mark at phone number. You won’t be the most sought after bachelor if you force them.”

He was destined to charm the female human species. Hindi siya naging immune dito noong bata pa siya. Kung hindi dahil sa ginawa ni Conrad sa kanya, maybe she would still feel the same attraction towards him.

“Don’t say that. It made me feel more of an ass. Hindi ko ipinagmamalaki ang ginawa ko sa iyo kanina. Kung may magagawa lang sana ako para makabawi sa iyo.”

“Do whatever can ease your conscience,” sarkastiko niyang sabi. Wala na siyang maramdaman pang takot dito dahil pakiramdam niya ay siya na ang may hawak sa buhay nito. “Tumalon ka sa tulay o magpatuka ka sa ahas, I don’t care.”

“You really like it bloody. Sa tingin ko okay ka na dahil masungit ka na.” Natigilan ito nang sinibat niya ng matalim na tingin. “I’m sorry. I was out of line at sa tingin ko kahit anong gawin ko hindi mo ako mapapatawad. Nagawa ko iyon kanina dahil…”

“Ayaw mong saktan si Jerus,” pagtatapos niya sa sasabihin nito. “Alam ko iyon at wala rin sa bokabularyo ko ang saktan siya. Hindi ko intensiyong pagselosin si Conrad sa pamamagitan mo. Hindi rin ako ang lumapit sa kanya. Siya ang pumasok sa library kanina at kinompronta ako. Sinubukan kong umiwas pero hinarang niya ako. Iyon ang totoo at wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala.”

Conrad was a vile. Mas nanaisin niyang lumayo ito sa kanya. Hindi siya ang naglapit dito kundi si Keith mismo. Ito ang mismong may kasalanan sa gulong ito.

Umupo ito sa tabi niya. “Pero kahit totoo pa ang maling hinala ko kanina, wala pa rin akong karapatan na saktan ka. Mga walang kwentang lalaki lang ang maaring gumawa niyon. At wala akong kwentang lalaki.”

Nakita niya ang sinseridad sa mata nito at ang matinding pagsisisi. Kaiba ito kay Conrad. Marunong itong magpahalaga sa damdamin ng iba. Marunong rin itong tumanggap ng pagkakamali di tulad ng ibang lalaking kilala niya.

Ipinagtatanggol niya ito. Nakikita rin niya ang magagandang katangian nito. Hindi niya ugaling gawin iyon sa mga lalaki. Wala siyang tinitingnan kundi ang kapintasan ng mga ito. Para sa kanya, walang kwenta ang mga lalaki. Pare-pareho lang makasarili ang mga ito. Walang minahal kundi ang sarili.

Iniiwas niya ang tingin dito. “Forget it, Keith. I’m okay.”

“No you’re not.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Nangangatog ka pa nga.”

Tinangka niyang bawiin ang kamay mula dito. Subalit mahigpit ang pagkakahawak nito. Sinalubong niya ang mata nito na matamang nakatingin sa kanya. Parang nag-uutos iyon at hindi siya makatutol. He started massaging the back of her palm. From being rigid, she started to relax.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.