It was just a simple touch. Subalit kakaibang sensasyon ang naihahatid nito sa kanya. His touch should be sickening. Dapat ay nanlalaban siya nito. Subalit wala siyang maramdamang pagtutol. Na parang natural lang na hawakan nito ang kamay niya.
“Feeling better?” anang tinig nito na nagpabalik ng diwa niya.
Nang makitang nakangiti ito at hawak pa rin ang kanyang kamay ay natauhan siya. Mabilis niyang binawi ang kamay mula dito. “I’m not shaking anymore. Hindi na rin ako takot sa iyo. Pwede mo na akong iwan.”
“Not yet. Hindi ako aalis hangga’t hindi ako nakakabawi sa iyo. May kasalanan ako sa iyo kaya dapat akong magbayad.”
“The more you should leave. Ayokong masaksihan ang suicide attempt mo.”
Nanatili pa rin itong seryoso. Hindi inaalis ang tingin sa kanya. “That’s not my idea of making up. Hindi ko mabubura ang mga kasamaang ginawa ko kapag nagpakamatay ako.”
“What’s on your mind?”
His mouth sought hers. Sa simula ay sinubukan niyang manlaban. Isang natural na reaksiyon lalo na’t sariwa pa sa kanya ang nangyari kanina. Subalit nanatiling determinado ang labi nito. Walang pwersa dahil nanatiling malumanay ang pag-angkin nito. Mariin niyang pinagdikit ang mga labi.
Binalewala nito ang pagtanggi niya. Bawat pagkakataon ay hinahalikan siya nito habang masuyong hinahaplos ang kanyang kamay at buhok. He was kissing her in a mixture of tenderness and determination, more tender than the way he kissed her the first time. His mouth was stroking her again and again hanggang imposible na para sa kanya ang lumaban.
Her lips started to tremble, she stilled for a second. Bahagya nitong inilayo ang labi sa kanya at magaang pinaghiwalay sa pamamagitan ng hinlalaki nito.
Galit siyang tumingin dito. Para ipaalam na kahit kaya nitong kontrolin ang katawan niya ay hindi nito kayang hawakan ang utak niya. Sinalubong nito ang mata niya na maya maya’y bumaba sa labi niya, ipinaalala na kahit anong tanggi niya ay nabuwag nito ang depensa niya.
Traidor ang katawan niya. Hindi na kayang kontrolin ng kanyang utak. At naiinis siya dahil nagtaksil ito dahil sa ekspertong halik ni Keith.
Binitiwan siya nito. “I want to talk about Conrad,” pagkuwan ay sabi nito.
Habol niya ang hininga habang hawak ang mata nito. “Akala ko babawi ka sa akin. Kahahalik mo lang sa akin tapos gusto mong pag-usapan natin ang pinsan mo?”
”Dahil gusto kong malaman ang nararamdaman mo sa kanya.”
Lumayo siya dito at niyakap ang sarili. Despite of the intimacy they shared she still has the ability to withdraw from him. Lalo na’t si Conrad ang paksa.
“Iniisip mo ba na may nararamdaman pa rin ako sa kanya?”
“Gusto ko lang malaman ang laman ng puso mo.”
Mariin niyang hinawakan ang bedsheet. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata. “I hate him,” mariin niyang sabi.
“Galit ka sa kanya.”
Dumilat siya at tumango. “Dahil sinaktan niya ako.”
“Dahil iniwan ka niya?”
Ibinaling niya ang tingin sa dilim ng gabi. Gusto niyang sabihin dito ang totoong nangyari nang gabing makita sila nito ni Conrad. Subalit wala siyang sapat na lakas. Hindi siya papayagang malaman nito ang kanyang lihim. Hindi pa ngayon.
Hinawakan siya nito sa balikat at pilit ihinarap dito. “Maaring masakit para sa iyo ang hihilingin ko pero kailangan ko ng tulong mo. Hindi na kita tatakutin katulad ng ginawa ko dati. Nakikiusap na ako ngayon. Gusto kong matuloy ang kasal nila Jerus. I want to make her happy because she’s the sister I never had.”
“Sa maniwala ka at hindi, gusto ko ring matuloy ang kasal nila.” Kaibigan na ang turing niya dito kahit sa maikling panahon. Ayaw rin niya itong saktan. “Tutulungan kita pero paano?” Akmang bababa na naman ang labi nito sa kanya para halikan siya nang itulak niya ito palayo. “Niloloko mo ba ako? Nananamantala ka na.”
Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “Believe me. Ito lang ang naiisip kong paraan. Nang makita nilang hinalikan kita, iniisip na nila na girlfriend na kita. I just want to ask you to play along.”
Mabuting ideya iyon. Sa ganoong paraan ay hindi na magtatangka pa si Keith na lapitan siya. Hindi na rin masasaktan si Jerus.
“Ibig sabihin papayag ako na maging girlfriend mo.”
“It won’t be hard, Brazile. We have a chemistry,” anito pinagdikit ang daliri. “Hindi iyon magiging mahirap para sa iyo.”
Tumaas ang kilay niya. “Anong gusto mong palabasin?”
“Na hindi ka na maiilang sa akin. The first time I kissed you, we already have this sense of familiarity. Huwag kang mag-aalala. Hindi ka malulugi sa akin dahil may kabayaran ang paghihirap at sakripisyo mo.”
Bahagyang umangat ang labi niya. “Ano namang mapapala ko sa iyo?”
“You can get to kiss me as often as you want. Unlimited access pa.”
Hindi niya alam kung matatawa sa kahambugan nito o gugulpihin muna niya ito bago kaladkarin palabas. Nahagip niya ang unan at ibinato dito. “Lumayas-layas ka na nga dito. Magpapahinga na ako. Pumapayag akong tulungan ka dahil kay Jerus at hindi dahil sa ipinagmamalaki mong halik.”
Humahalakhak itong lumabas ng silid. He may be a good kisser pero hindi siya magpapadala dito. Tatanga-tanga lang siya kaya dalawang beses siyang nagpadala. Pero hindi na mauulit iyon kahit magpanggap siyang kasintahan nito.