Maalab ang mga halik ni Keith. Kayang tapatan ang apoy na nakita ni Brazile na nagniningas sa mga mata nito kanina. His fiery kisses were a whole lot different from the slow, leisurely kisses he used to give her. Ang halik nito ang nagsilbing ningas sa apoy na dahan-dahan ding tumutupok sa kanyang katawan.
Binuhat siya nito. Hindi sapat ang mga halik na pinagsaluhan nila. Alam niyang lalagpas pa sila doon. Subalit wala siyang maramdamang takot sa maaring mangyari.
Pagpasok sa silid ay dahan-dahan siya nitong ibinaba sa kama na parang isa siyang babasaging kristal. Muli nitong inangkin ang labi niya subalit hindi ito nanatili doon. Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg habang ang eksperto nitong mga kamay ang nag-aalis sa kanyang damit.
“Touch me,” paanas na utos nito. Nag-alinlangan siyang tumingin dito. Humalakhak ito at binuksan ang tatlong butones ng polo nito. Kinuha nito ang kamay niya at inilapat sa walang saplot nitong dibdib. “It won’t bite, Brazile. I want you to feel me. I want to show you that lovemaking is not dirty. Hindi mo kailangang matakot dahil hinding-hindi kita sasaktan. I’m Keith, not Conrad.”
Lumakas ang loob niya at pinaglakbay ang kamay sa matipuno nitong dibdib. “I know it’s you, Keith. And I’m glad it’s you.”
Sinuyod nito ng halik ang kanyang katawan. Bawat daanan ng kamay at labi nito ay parang kugong nagniningas. Subalit sa pagtataka niya ay tumigil ito sa paggalugad sa kanyang katawan. Nang dumilat siya ay humiga ito sa tabi niya. Kinabig siya nito at niyakap siya nang mahigpit.
“What happened?” tanong niya. “Bakit tumigil ka?”
“I have to stop,” humihingal na sabi nito.
May mumunting sakit na nagmula sa kaibuturan ng puso niya na dahan-dahang kumakalat sa kabuuan ng pagkatao niya. “A-Ayaw mo sa akin?” nasasaktan niyang tanong. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumalikod. Hinablot niya ang kumot at binalot ang kahubdan. “Salamat na lang sa awa mo.”
“Anong awa ang sinasabi mo?”
“Nagkakawang-gawa ka lang dahil hanggang ngayon wala pa ring lalaki sa buhay ko. O kaya gusto mong ma-ease ang guilt mo dahil ikaw ang dahilan kung bakit ayoko sa mga lalaki. Well, I don’t need your pity. Twenty eight years na akong virgin at walang diperensiya iyon kung mamatay akong virgin.”
Bumaba siya sa kama at pinulot ang mga damit na nagkalat. Naiinsulto siya at nasasaktan pero matapang siya. Nagawa niyang malusutan ang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya noon, makakaya rin niya ngayon. Charge it to experience na tinanggihan siya ng isang lalaki.
“Hindi mo naiintindihan,” sabi nito. Hinila siya nito paupo sa kama. “Makinig ka muna sa akin bago naman ikaw ang mag-isip ng mali. Hindi totoong ayoko sa iyo. If you only knew, I want to make love to you.”
“I also want to,” she said shamelessly. “Hindi na ako sixteen, Keith. Consenting adult na ako.”
“I know,” he said in sheer agony. “But we have to stop because this is not the right time. Siguro physically, handa ka na. So do I. But not emotionally. You are still wrought-up. Ayokong samantalahin ang kahinaan mo. Ayokong gumawa ka ng isang bagay na maari mong pagsisihan.”
Hindi niya alam kung maiirita o matutuwa sa pagiging gentleman nito. Pero natutuwa siya dahil napatunayan nitong iginagalang siya nito.
Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Thank you.”
“Don’t thank me yet. Ngayon lang kita palulusutin. Dahil kapag dumating ang tamang oras, wala nang makakapigil sa akin para angkinin ka.”
HINDI maiwasang kabahan ni Brazile habang humahagibis ng takbo ang sasakyan ni Keith pabalik sa hacienda ng mga Redondo. Itinawag sa kanila ni Lilia na natagpuan na si Jerus. Natulog daw ito sa isang motel sa halip na tumuloy sa resthouse. Kinaumagahan ay naisipan din nitong bumalik.
“Are you sure she’s safe?” tanong niya nang papasok na ang sasakyan sa arko ng Villa Milagros.
Nakakunot ang noong bumaling ito sa kanya. “Ilang daang beses mo na bang itinanong iyan? Sinabi ni Ninang Liliana safe siya.”
“Pero natatakot ako, Keith. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya umalis kagabi.” Itinuring siya nitong kaibigan at ayaw niyang mag-iba ang tingin nito sa kanya.
“It’s not your fault. Pareho lang kayong nabiktima ni Conrad.” Ginagap nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad. “Tell her the truth if you have to. Nandito lang ako para suportahan ka.”
Naglaho ang takot sa dibdib niya. Parang kaya niyang harapin ang lahat ng balakid sa kanyang mundo. Napatitig siya dito habang nagmamaneho ito. Hindi siya nagsisising minahal ito.
Napabuntong-hininga siya. Kung maari lang sana niyang sabihin dito na mahal niya ito. Kagabi nang muntikan siya nitong angkinin, gusto niyang sabihin dito ang kanyang nararamdaman. Subalit hindi pa tama ang pagkakataon. At hindi rin ngayon ang tamang pagkakataon. Hindi niya alam kung masasabi pa niya dito.
Pagpasok nila sa sala ng villa ay nagtinginan sa direksiyon nila ang mga tao. Nilapitan siya ni Lilia. “Gusto kang makausap ni Jerus, hija.”
“Po?” gulat niyang sabi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Keith at tiningala ito. Humihingi siya ng patnubay kung dapat niyang kausapin si Jerus o hindi.
Ngumiti ito at pinisil ang kamay niya. “Huwag kang matakot. Umakyat ka na at kausapin mo siya. Magiging maayos din ang lahat.”
Hindi siya nakadama ng takot pagpasok sa kuwarto ni Jerus. Kahit nang walang emosyon sa mukha nito nang harapin siya. Wala na ang masayahing Jerus na nakilala niya noon.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Brazile. Gusto kong malaman kung totoo ang sinabi ni Conrad na inakit mo siya.”
“Thanks for asking but the answer is no.” Huminga siya nang malalim. “Alam kong masakit pero siya ang lumapit sa akin. He forced me.”